CHAPTER 18

9.6K 221 11
                                    


Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, at kinuha ang bag ko sa sofa saktong pagkatok sa pintuan.

"Wait!" Ani ko at agad na binuksan ang pinto.

Bumungad sakin ang nakangiting si Mina. "Oh, May dala ako para sayo." Aniya. "I'm sure masarap yan! Luto ni mama e." Aniya. "Kumain ka muna bago ka umalis, dadaan naman dito yung Frenise diba?" Aniya, Tumango ako.

Nag tungo kami sa kusina.

"Mabuti pa nga na kumain muna ako," Nakangiting sabi ko, Nanoot sa ilong ko ang amoy ng ulam pagkabukas na pagkabukas ko ng Tupperware.

"Upo ka," Nakangiting sabi ko kay Mina at iminuwestra pa ang upuan namin dito sa loob ng kusina, Nag sandok na ako ng kanin ko sa may pinggan at naupo na. Naupo naman na din si Mina. "Kumain kana?" Tanong ko. Tumango ito. "Oo, Tapos na," Aniya.

Nag simula na akong kumain, "Ansarap naman nitong Caldereta." Nakangiting sabi ko, Napangiti si Mina habang pinagmamasdan akong kumain.

"Oo nga e, Masarap talagang mag luto si Mama." Pagmamalaki niyang sabi.

Namiss ko tuloy si Mama, Masarap din mag luto iyon!

Nabakasan siguro ni Mina ang lungkot sa mga mata ko kaya nag tanong ito. "Namiss mo si Tita?" Malungkot na tanong nito.

Huminto ako sa pagkain at malungkot na ngumiti. "Oo e," Sagot ko. Ngumiti ito sakin. "Alam kong Miss na miss ka na din nila, Palagi lang silang andiyan para sayo at hindi ka nila pababayaan." Aniya, Nakangiti akong tumango.

"Saglit lang ba kayo ni Frenise?" Maya-maya'y tanong ni Mina. Nag kibit balikat ako.

"Hindi ko alam, Siguro? Bibili lang naman kami." Sabi ko.

"At saka gabi na Ida, Baka mapano kayo sa daan. Andaming mga siraulong lalaki sa daan, Napagtripan nga kami ni Cassia noong nakaraan e." Aniya. Hinawakan ko ang kamay nito. "Ano ka ba bhie! May sasakyan si Frenise at nakasakay naman kami." Sabi ko at nangunot ang noo ko. "Anong ginawa sainyo?" Sabi ko, Napabuntong hininga ito bago nagsalita.

"Galing kami ng lugawan non don sa bayan nagpapabili si Mama dahil may sakit si Moymoy, at nagpasama ako kay Cassia siguro mga alas diyes na iyon. tapos noong pauwi na kami may dalawang lalaking lumapit samin tas hinihinila kami papunta don sagingan." Aniya, Ramdam ko ang gigil nito habang nag kekwento. "Mga walang hiya mga yon! Balak pa ata kaming rape-in buti na lang katabi lang ng lugar na yon ang bakery nila Waven, Nasapak niya yung dalawang yon! Astig nga e!" Aniya, Nakita ko pa ang pag ningning ng mata nito. Para san naman yon?

"Mabuti naman at naligtas kayo." Sabi ko at Nakahinga nang maluwag, akala ko kung ano ng nangyari sakanila e.

"Oo nga e, Nagpasalamat ako kay Waven noon tas si Cassia walang ginawa kundi umiyak dahil takot na takot siya," Aniya.

Nag kwentuhan muna kami ni Mina habang kumakain ako, saktong pagkatapos kong kumain at pagkatapos umalis ni Mina ay siya namang pag dating ni Frenise.

Nandito na kami ngayon sa Mall at naglalakad na papunta sa Store na pagbibilhan niya.

"Saglit lang tayo, Nakakain ka na ba?Mag jollibee na lang tayo pagkatapos." Nakangiting sabi ni Frenise, Agad akong umiling. "Hindi na, Busog pa naman ako." Sabi ko, Tumango tango ito bago kami pumasok sa isang store.

Nang matapos kaming bumili ng mga kailangan niya ay maglalakad na sana kami papalabas ng Mall. Nag kekwentuhan kami ni Frenise nang mapadaan kami sa isang store kung saan may mga gamit ng mga babies, Napangiti ako nang makita ang isang jacket na pang lalaki, color blue ito at white na may teddy bear sa gilid. Ang cute lang niya! Napasulyap naman ako kay Frenise nangg marinig kong may tumawag sa Telepono niya.

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon