CHAPTER 27

9.3K 221 20
                                    


Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang cellphone niya.
Napatingin siya sa bulsa niya at Nilipat ang tingin sakin.

"Mag uusap tayo mamaya." aniya at kinuha na ang cellphone niya at naglakad papalabas para sagutin ang tawag.

No! Hindi kami pwedeng mag usap, Hindi niya pwedeng malaman na anak niya si Izak.

Napatingin ako kay Ivenika na pinepwesto na ang anak niya para sa shoot. Ang baby niya ang unang kukuhanan.

Sinamantala ko nang nasa labas si Sygred, at agad akong nag tungo sa kwarto. Nagulat pa si Raquel, Nang makita niya akong nagmamadaling lumapit sakanila at agad binuhat si Izak.

"Bakit?" Naguguluhang tanong nito.

"Let's go home." kinakabahang sabi ko at hinawakan ito sa braso.

"Bakit? hindi pa nag uumpisa," aniya.

"Sige na, umuwi na tayo." sabi ko.

Napabuntong hininga ito.

"Osige, mag papaalam lang ako kay Maya." Aniya.

"Mauuna na ako sa sasakyan." sabi ko.

Nauna na akong lumabas at sumunod siya. Nagmamadali akong lumabas ng bahay, ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko habang si Izak ay tahimik lang na buhat buhat ko. Ang cute cute niya sa damit niya pero wala na akong oras.

I'm sorry baby, pinagkakait kita sa Ama mo. Pero anong magagawa ko? Kahit solo parent ako ayos lang atleast hindi tayo makasira ng pamilya.
Maiintindihan mo din ako balang araw.

Hindi na ako lumingon pa para makita kung nasaan si Sygred.

Agad kong binuksan ang sasakyan at pumasok na sa loob. Binigyan ko ng laruan ang anak ko para may libangan siya habang hinihintay namin si Raquel.

Agad din namang dumating si Raquel at agad pumasok sa loob.

"Bakit ba kasi tayo umalis kaagad? hindi pa nag uumpisa at saka kala ko ba ayaw mong malaman ni Sygred na anak niya si Izak? pero Idalia sa ginagawa natin na 'to nagkakahinala na siya!" mahabang lintanya nito.

Hindi ko na naiisip yon kasi ang tanging nasa isip ko ngayon ay ilayo ang anak ko sakanya at hindi niya malaman ang totoo.

Binuksan na ni Raquel ang makina at sinimulang paandarin ang sasakyan.

Hindi ako tumitingin sa likuran, nang biglang magsalita si Raquel.

"Sinusundan tayo ni Sygred!" Aniya, Nanlaki ang mata ko. What?!

Napatingin ako sa likuran ko at nakita kong nakasunod samin ang sasakyan ni Sygred. Yan ang parati niyang ginagamit pag pumapasok siya sa eskwelahan.

Bakit ba kasi siya sumusunod?!

"Bilisan mo!" Sigaw ko kay Raquel.

"Idalia! Ano ba? Bakit ba kasi ayaw mo pa din sabihin sakanya?" sigaw din nito. Nang biglang umiyak si Izak. Marahil nagulat sa biglang pag sigaw namin.

"Baby, I'm sorry." Hingi ko ng tawad sa anak ko at hinalik halikan ito.

"Idalia, Makinig ka muna sakin kahit ngayon lang?" ani Raquel, napatingin ako sakanya. Nakita kong sumulyap siya sa likuran.

"Sumusunod pa din siya, Idalia..Makinig ka sakin." aniya, Tumango ako at hinalik halikan ang anak ko na tumigil na sa pag iyak.

"Bakit ba ayaw mong ipag tapat sakanya ang lahat?" aniya.

"Natatakot ako.." sabi ko. "..Alam mo namang may pamilya na yung tao diba?" nakita kong naguluhan ito.

Nangunot ang noo niya.

Magtatanong pa sana ako, nang biglang mag ring ang phone niya. Hininto ni Raquel ang pagmamaneho at sinagot ang tawag.

Napatingin naman ako sa likuran at nakita kong hindi na sumusunod si Sygred.

Nakahinga ako ng maliwag.

Mabuti naman at hindi na siya sumusunod.

Nauna nang lumabas ng classroom ang mga estudyante ko, nag pa iwan ako kasi may inaayos pa ako. nag punas ako ng pawis ko sa noo ko at bitbit ang bag ko, nag tungo ako sa pinto.

Agad ko itong binuksan, nang may biglang nag hablot ng braso ko.

"Ano ba?!" Pagalit na sigaw ko at tumingin sa taong nag hablot ng braso ko, napatigil ako dahil nagulat ako nang makita ko si Sygred. Naniningkit ang mata nito't nakatingin sakin.

Mula sa gulat ay binago ko ang ekspresyon ko, inis kong inagaw ang braso ko sakanya. Mabuti naman at binitawan niya naman ito kaya madali kong nabawi.

"Anong problema mo?!" Sigaw ko.

"Now, alam ko na..." anito't nakatingin parin sakin, nag iwas ito ng tingin.

Nangunot ang noo ko at agad kinabahan.

Nagkaroon na ako ng idea sa kung anong alam niya. Kaya mas lalo akong kinakabahan.

"Pag talagang nakumpirma ko ang nalaman ko. Idalia, ako mismo ang kikilos." anito at narinig ko ang yabag niya papalayo.

Nang makababa ako sa hagdan ay huminto ako at napahawak sa dibdib ko. Napapikit ako habang humihinga ng malalim.

"Ano ba talagang gusto mong mangyari, Sygred? Nananahimik na kami ng anak ko!" mahinang bulong ko.

"Ma'am?" dinig kong tinig ng babae sa aking likuran. Naramdaman ko pang kinalabit ako nito.

"Okay lang po kayo, ma'am?" tanong ulit nito, lumingon ako sakanya at ngumiti.

"O-Oo, ayos lang ako. Bakit hindi ka ba umuuwi?" Tanong ko, ngumiti ito saakin at itinaas ang librong hawak niya.

"May tinapos pa po kasi ako," Nakangiting sabi nito, tumango ako at sumabay na sakanya sa paglalakad.

Nang malakabas kami sa gate ay nakangiti siyang humarap saakin, nakakahawa ang klase ng pag ngiti niya kaya hindi ko napigilang ngumiti din sakanya.

"Ma'am, dito na po ako." nakangiting aniya. "Nilalakad ko lang po kasi ang boarding house na tinitirhan ko," Dagdag pa niya.

Ngumiti ako at tumango sakanya. "Mag iingat ka, ha? babae ka pa naman," sabi ko.

Tumango ito. "Yes po, kayo din po Ma'am." nakangiting sabi nito.

Tumalikod na siya at nag simula nang mag lakad papalayo.

Pag dating ko sa condo ay agad akong nag tungo sa kwarto namin ng anak ko, nakita ko doon si Raquel na hinihile si Izak.

Inilapag ko ang bag ko sa sofa at lumapit sakanila.

Napatingin sakin si Raquel, nang maramdaman niya ang presensya ko.

"Oh, nandito ka na pala!" aniya.

Ngumiti ako at naupo sa tabi niya.

"Oo, nandito na ako. wag kang maingay nag papatulog ka, diba? baka magising si Izak, lower your voice." natatawang sabi ko, napanguso ito.

Dinungaw ko ang cute na cute kong baby at hinalikan ito sa noo.

Nang mailapag na ni Raquel si Izak ay nagpaalam na ito at lumabas, ako naman ay nagpalit na ng damit.

Busy ako sa pag susulat para sa mga pwede kong ipa-quiz bukas, nang biglang bumukas ang pintuan.

"May tumawag pala kanina hinahanap ka." sabi nito.

Nangunot ang noo ko. Sino naman yon?

"Babae o lalaki?" kunot noong tanong ko.

"Lalaki." aniya, nangunot din ang noo nito. "Pamilyar nga ang boses e. parang ka-boses ni Seven. Kinilabutan pa nga ako kanina habang iniisip ko na si Seven yung nag sasalita sa kabilang linya." aniya.

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now