CHAPTER 8

9.8K 228 12
                                    


We don't have a class today kasi may meeting ang mga guro. I'm with Raquel here in Milktea house. I just called Seven kasi gusto ko siyang ipakilala kay Raquel. I'm sure magkakasundo silang dalawa.

“Namiss kita!” Nakangiting si Raquel at hindi napigilang yakapin ako. Napataw ako at niyakap rin siya.

“I miss you too..” Mahinang bulong ko bago kami naghiwalay na dalawa.

Bumalik na siya sa upuan niya at saglit kaming nag usap nang mapatingin si Raquel sa may pinto ng Milktea house.

“Look!” Sinundan ko ang tinitingnan niya. “May gwapong papalapit!”

And there I saw Seven.

He's wearing a black pants and blue polo. Indeed a walking anime.

He doesn't look like a gay talaga. Nag tama ang tingin namin ni Seven na kinangiti niya. Ngumiti ako at inginuso si Raquel na natulala na kay Seven. Don't tell me Raquel?! Hindi ko naman talaga siya masisisi. Sobrang gwapo ba naman ni Seven e. Sadly, he's gay.

Nang tuluyang makalapit si Seven ay nanlaki ang mata niya.

“Is that Raquel Domagoso?”

Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Raquel kinatawa ko marahil nagulat siya sa naging boses ni Seven. Baklang bakla ba naman ang boses e.

Ang ngiti ni Raquel kanina ay ngayo'y naging ngiwi. “B-bakla ka?”

Napatawa pa ako lalo nang mautal siya. Ayan ang napapala ng mahilig sa pogi!

Tinaasan ito ng kilay ni Seven tuluyang makaupo sa tabi ko.

“Of course! Nakakalerki ka ah!” Umirap pa si Seven na kinatawa ko lalo.

Tumingin sakin si Seven at kumindat pa, kung alam ko lang talaga na he's gay baka kinilig na rin ako sa pakindat niya. Tumingin si Seven kay Raquel.

“Ngayon ka lang ba nakakita ng mas maganda sayo?”

Tumaas ang kilay ni Raquel. “Ab—” Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Raquel nang tingin ko ay kailangan na namin mag order.

“Ako na ang mag oorder, stay here guys.” Tumayo na ako at iniwan sila doon.

Habang nag oorder ay aksidenteng napatingin ako sa babaeng nasa tabi ko.  Natatabunan ng iilang buhok ang mukha nito. Matangkad siya na morena. Mayroon rin itong itim na itim na buhok.  Hindi ko maiwasang mas mapatitig pa sakanya. Parang pamilyar. Napatitig ako lalo dito.

Naramdaman siguro ng babae na may nakatingin sakanya kaya lumingon ito saakin. Hindi ko maiwasang hindi magulat nang tuluyan kong makita ang mukha ng babae. She's Professor Montanier's fiance.

Ngumiti ito sakin. She's really pretty.

“Hi!”

Mabait ang bukas ng mukha niya.

”H-hello..”

Namula ako sa sunod nitong sinabi. “You're pretty!”

Did she just compliment me?

“T-thank you! Ikaw rin!”

“Thanks. Nice to meet you, girl.” Kinuha na nito ang inorder at muling humarap sakin. “By the way, I need to go! See you around!” Sinundan ko siya ng tingin nang nagmamadali siyang lumabas ng Milktea house.

Nakita ko pa kung papaano rin siya sundan ng tingin ng mga tao rito. Hindi ko masisisi si Prof kung bakit niya minahal si Ivenika. She already got everything, and she's also lucky because she also have him.

Habang nag oorder ay napapatingin ako sa dalawang kaibigan ko. Nagtatawanan na ang mga ito. Napangiti ako. Ang bilis nilang maging close.

Pagkatapos kong mag order ay agad akong bumalik sa table namin dala ang tatlong Milktea, inilapag ko iyon sa lamesa na muling naupo sa inuupuan ko kanina.

“Close na agad, ah?”

“Hindi naman pala mahirap kaibiganin 'tong Seven e. Mukhang adan pero mas eva pa pala sakin!” Natawa ako sa sinabi ni Raquel.

“And, he's also taking fashion design.” she added bago buksan ang straw ng Milktea niya.

Napatagal ang kwentuhan at pagtambay namin sa Milktea house bago namin napag pasyahang umuwi. May kanya-kanyang dalang kotse ang mga kaibigan ko inalok pa nga nila ako na ihahatid nalang nila ako pero tumanggi ako. Gusto ko mapag-isa kasi gusto kong makapag isip-isip.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang maisip ang sinabi ng ginang sakin.

Sino ang nag papanggap? Sino ang dadating? Nanikip ang dibdib ko sa huli kong naisip. Sino ang mawawala?

Ilang linggo na simula nang makita ko ang fiance ni Prof sa Milktea house. Pag nakikita ko si Prof ay ganoon pa rin ang kalabog ng dibdib ko. Parati parang nakikipag karera.

Kami pa rin ni Jacob hanggang ngayon. Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa bilihan ng school supplies dito sa tabi ng school. Mahaba ang daanan at sa unang likuan na ang bilihan.

Ako lang mag-isa, niyaya ko si Seven pero ang sabi niya may klase siya kaya ako na lang ang pumuntang mag-isa. Hindi narin siya masyadong sumasama sa klase namin dahil busy na rin siya.

Habang naglalakad ay patingin-tingin ako sa paligid. Nang nandon na ako sa unang liko ay may nakita akong Van tatanggalin ko na sana ang mga mata ko roon pero napako ang tingin ko nang may bumabang dalawang lalaki pero ang pang huling lalaki ang nakaagaw ng atensyon ko.

“J-jacob..” Mahina kong naibulalas.

Habang nakatingin ay nakita ko pa kung paano nito ginulo ang buhok na isa sa nakaugalian na ni Jacob.

Siya ba talaga 'yan? Akala ko nasa US siya? If it's really him. Paano niya nagawang mag sinungaling sakin?

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Onde histórias criam vida. Descubra agora