CHAPTER 16

9.8K 218 15
                                    


"Mabuti na lang at naging kaklase kita." Nakangiting sabi ni Mina habang naglalakad kami papunta sa Cafeteria. Nanibago pa ako pero alam kong masasanay din ako. Wala pa akong kakilala masyado maliban sa mga kababata ko. Gaya ng dati ay may mga tingin ng tingin sabay magbubulungan.

"Taga Manila?"

"Oo, Halata naman e."

"Ang ganda niya!"

"Oo nga e, Kainggit!"

Rinig kong pag uusap ng dalawang babaeng nadaanan namin.

May mga papuri akong naririnig pero hindi pa din maiwasang may mga inggitera at laitera.

"Akala mo naman maganda por que galing sa Manila."

"Nako! Mukha namang malandi!"

Agad hinila ni Mina ang kamay ko, "Tara na, Bago ko pa masapak yang mga yan!" Aniya.

Nang makarating kami sa Cafeteria ay agad namang may lumapit na lalaki. "Woah! Ang ganda! Sino yan, Mina?" Nakangiting tanong nito. Napairap si Mina. "Wag mong isama sa mga nabiktima mo na 'tong kaibigan ko!" Ani to.

Naiwang umiiling iling ang lalaki doon, Mukha pa lang playboy na!

Naupo na kami ni Mina. "Dadating pa ba sila?" Tukoy ko kay Wonwon, Cassia, Fierro at Bruce.

"Hindi ko alam sa mga yon," Aniya.

Uwian na ngayon at sabay sabay kaming naglalakad papauwi.

"Bakit wala kayo kanina?" Tanong ko sakanila.

"May klase ako kanina." Ani Bruce. "Pati sila." Turo niya sa tatlo.

"Kami lang tuloy ni Ida ang nag punta ng Cafeteria." Ani Mina.

Nag kwentuhan kami habang naglalakad at nag tatawanan dahil sa kinekwento ni Fierro at Mina.

Nakakagaan talaga sila ng loob kasama, Dati maliliit pa kami noong umalis ako dito. Ngayon dalagang dalaga at binatang binata na.

Mag dadalawang linggo na ako dito sa Cebu, Maayos naman ang lahat, Maliban sa mga kababata ko ay may iilan din naman akong naging kaibigan sa bago kong pinapasukan. Katulad ni Quira at Frenise. Gabi-gabi pa din naman kami nagkakausap nila Seven at Raquel. Nag eemote nga si Raquel kasi gusto niyang pumunta dito kaso may exam sila. Hindi namin pinag uusapan ang tungkol kay Professor Montanier. Nandito pa din yung sakit pag sa tuwing naiisip ko yung mga nangyari, Hindi naman kasi agad agad mawawala yung 'pagmamahal' na nararamdaman ko sakanya pero sinusubukan ko namang iwala kahit mahirap para na din sa ikabubuti ko.

Nagising ako dahil parang hinahalukay ang tiyan ko, Agad akong tumakbo papunta sa banyo at sumuka nang sumuka, Napahawak ako sa tiyan ko. Nag susuka ako pero wala namang lumalabas. Ano bang nangyayari sakin?

Napahawak ako sa sintido ko at tinukod ito sa may lababo, Nang maaalala kong hindi pa pala ako nadadatnan tapos sumusuka ako? Ano ba ito? Posible ba? Hindi ko pa kaya!

Ramdam ko ang paghapdi ng mata ko, Hindi ko namalayang pumatak na pala ang luha ko, Agad ko itong pinunasan at napahawak sa tiyan ko, hinaplos ko ito.

May naiisip na ako pero wag naman sana! Hindi pa ako handa. Baka hindi naman. Oo nga! Agad kong kinuha ang Cellphone ko. Ala-sais palang ng umaga. Gising na kaya si Raquel? or si Seven?

Nag mumog na ako at nag hilamos.

Nag dadalawang isip pa ako kung tatawagan ko si Seven, Dahil hindi ko alam kung gising na ba siya o tulog pa.

Ayoko namang tawagan si Raquel, Dahil tanghali na nagigising yung tulog mantika na yon.

Ayoko naman sabihin sa mga kababata ko, Saka na pag alam ko na kung totoo ba o hindi.

Nangalumbaba ako habang nakatingin sa cellphone ko at hinihintay na sagutin ito ni Seven.

Nakailang ring pa ako bago nito tuluyang sagutin.

"Hello? Ano? Ang aga aga mo namang mang istorbo!" Sigaw nito, Napapikit ako. Namali ata pag tawag ko, ha!

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinapat sa tenga ko.

"Seven, Ako to si Idalia!" Sabi ko at napakagat sa labi ko, Gusto ko kasing ikwento ang tungkol sa pagsusuka ko kanina. Baka lang may idea siya kung ano ito. Ayokong maniwala sa naiisip ko dahil sa totoo lang natatakot ako. Ako na lang mag isa sa buhay. Walang ibang mag aalaga sakin. Ayoko namang maging alagain sa mga kababata ko dahil may mga pasok sila. Kung totoo man ang hinala ko. Handa naman akong tuluyin ito. Pero hindi ko alam kung kaya ko bang mabigyan ng kompletong pamilya kung totoo man. Lalo na't ikakasal na siya.

"A-ah sorry sorry, Dal!" Aniya, Ngumiti ako. "Okay lang."

Narinig ko ang pag ayos niya ng kung ano sa kabilang linya nang bigla siyang mag salita. "Nga pala, Alam mo ba kung anong meron ngayong araw?" Biglang tanong niya, Nangunot ang noo ko.

Ano bang meron ngayong araw?

Umiling ako, "Hindi e, Ano bang meron?" Narinig kong napabuntong hininga ito sa kabilang linya.

"Luh, Hindi mo na naalala, Dal? Nakalimutan mo na?" Sunod sunod na tanong nito, Nangunot ang noo ko at hinilot ang sentido ko dahil nakaramdam ako ng hilo.

"Hindi e, Ano bang meron?" Kunot noong tanong ko.

"Nakakatampo ka, ha!" Aniya, "Birthday ko nga yon." Aniya sa malungkot na boses. Nanlaki ang mata ko.

Tumingin ako sa calendar ko dito sa kwarto ko at napatampal sa noo ko, Tuesday, October 12.

Bakit ba nakalimutan kong birthday ni Seven?

"Oo nga pala! Sorry! Sorry!" Hinging pasensya ko. "Happy Birthday Seven! Sorry na! Enjoy your day ha? Kahit hindi niyo ako kasama." Sabi ko.

"Oo, Dal. Nako! Ayos lang! May tampo lang unti pero pawala na." Aniya, Napangiti ako.

"Sorry talaga." Pag hingi ko ulit ng tawad.

"Nako, Dal. okay nga lang. atleast binati mo ako, diba?" Aniya, Napangiti ulit ako. Ang bait talaga ni Seven kahit na may pagkamalandutay ito.

Napatawa ako at magsasalita na sana nang magsalita siya.

"Kinakabahan nga ako e." Aniya, Dama ko ang kaba sa boses niya. Magtatanong na sana ako kung bakit nang maalala ko na ngayon pala siya aamin sa mga magulang niya, ngayon pala niya sasabihin sa mga ito ang kanyang tunay na kasarian. Sana naman ay hindi nila itakwil si Seven. naiiyak na ako maisip palang na itatakwil nila si Seven.

"Anak ka nila, Wala naman sigurong magulang ang kayang pag tiisan ang kanilang anak. Matatang—" Napatigil ako nang marinig ko ang hikbi nito.

"Hoy! Ano ka ba Seven! Bat ka umiiyak? Birthday na birthday mo umiiyak ka." Sabi ko. Naiiyak na din ako. Ito ang unang beses ko siyang narinig na umiyak, Noong nagkausap kami ay hindi naman siya umiyak pero puno siya ng kalungkutan. Hindi ako sanay na makita siyang nagkakaganito.

"Oo na, Lalakasan ko ang loob ko. Ipagtatapat ko na sa kanila," Aniya, Nakahinga ako ang maluwag at tumango tango.

"Tama! Tama!" Sabi ko. "Wag mong kakalimutan na nandito lang kami ni Raquel para sayo, kahit malayo na ako sainyo, maaasahan at maaasahan niyo pa din ako." Nakangiting sabi ko.

"Salamat, Dal. ha?" Pagpapasalamat niya, Napangiti ako. "Salamat din, Happy Birthday again!" Nakangiting sabi ko.

Nag usap pa kami ng nag usap bago napag pasyahan na i-end na dahil may pasok pa kami. Nag text din ako kay Raquel. Baka mag tampo e hehe.

Umayos ayos na ang pakiramdam ko, Hindi na ako masyadong nahihilo. Hindi ko tinuloy ang pag sabi kay Seven ng tungkol sa nararamdam ko. kukumpirmahin ko muna kung tama ba yung hinala ko o hindi.

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon