CHAPTER 32

9.1K 185 2
                                    


Lunch break na kaya nandito ako ngayon sa Cafeteria, binabati ako ng iilan sa mga estudyante pero ang iba naman ay nag bubulong bulungan na nakatingin saakin. Marahil alam nila ang nangyare kahapon. I was thinking why other students are still nice, they don't know yet i guess.

"Good Afternoon po, Ma'am!"

"Good Afternoon, Ma'am Crosti!"

"Good day po!"

"Pinahiya yan kagabi ng Mom ni Professor Montanier."

"Naki-kabit pa nga."

"Malandi pala si Ma'am akala ko matino." bulong bulungan ng tatlong babae na dumaan sa gilid ko. Napakuyom ang kamao ko.

Kabago bago ko nasira na agad ang imahe ko sa iilang mga estudyante.

Iniwas ko na lang ang tingin sakanila at tinuon sa pagkain ko.

Pero nang hindi ko na kinaya ang bulungan ng ilan. Agad akong tumayo dala ang pagkain na binili ko, rinig ko pa ang bulong bulungan ng iilan. pero binalewala ko na lang at lumabas na ng Cafeteria. Maghahanap na lang ako ng bench na walang tao, habang lumilinga linga ay may biglang humila sa braso ko.

Dinala ako nito sa likod ng building. habang hinihinila niya ako ay nabibitawan ko na ang mga dala kong pagkain kaya napasigaw na ako pero wala masyadong estudyante sa lugar na ito dahil karaniwan ay nasa mga classroom nila at nasa cafeteria kaya wala ding nakarinig sakin.

Agad kong sinamaan ng tingin ang humila sakin at nang mag tagpo ang paningin namin ay ramdam ko ang pagkalabog ng dibdib ko, lalo na dahil magkalapit ang mukha namin.

Lumunok ako at tinatagan ang loob, itinaas ko ang kamay ko at malakas siyang itinulak. Naitulak ko naman siya pero agad naman nitong hinawakan ang kamay ko.

"Ano bang problema mo ha?! tigilan mo na ako!" galit na sabi ko at nakipag titigan dito, hinding hindi na ako magpapatalo sakanya. lalo na sa ina niyang matapobre.

"Kailangan ko ang anak ko, Idalia." mariin nitong sabi habang hindi nilulubayan ang pakikipag titigan sakin, napalunok ako at nag iwas ng tingin pero agad din namang binalik sakanya. Diba nga lalaban ka?

"Anong kailangan ang pinag sasabi mo? At saka anong anak mo, ha? hindi ka ang ama ng anak ko kaya tigilan mo ako!" sigaw ko sakanya.

lumayo ito sakin at binitawan ang kamay ko, nilapit nito ang mukha saakin kaya lalong lumakas ang kabang nararamdaman ko.

"A-anong ginagawa mo?" tanong ko at hinarang sa dibdib niya ang kamay ko. Pero patuloy pa din ito sa paglapit.

Hanggang sa maramdaman ko na ang labi nito sa tenga ko, at doon siya nag simulang bumulong.

"I know everything, Idalia. isa kang sinungaling. Baka isang kurap mo lang, wala na sa tabi mo ang anak mo." kinilabutan ako sa sinabi niya, napakuyom ang kamao ko. Walang hiya siya!

Iaangat ko na sana ang kamay ko para sampalin niya nang mahawakan niya ito.

Tumaas ang gilid ng labi nito at pabalyang binitawan ang kamay ko.

Nakuyom ko ang kamay kong binitawan niya nang mag simula siyang tumalikod at nagsimulang mag lakad.

"Hindi mo makukuha ang anak ko." madiin kong sabi habang nakatingin sakanyang likod na nagsisimula nang maglakad.

Huminto ito sa paglalakad pero hindi siya lumingon.

"Let see." anito at nagpatuloy sa paglalakad.

Kumuyom ang palad ko habang masama ang tingin sa sakanya na naglalakad papalayo na parang walang nangyari, tanginamo Sygred!

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon