CHAPTER 40

8.5K 174 4
                                    


Ansarap pala sa pakiramdam pag nagkaroon na ng pagpapatawad sa isa't isa, limang buwan na ang nakakalipas simula nang makausap ko si Tita Lucille.

Gumaan na talaga ang pakiramdam ko sakanya hindi kagaya dati na umiiwas ako sakanya at nasasamaan sakanya. Pero ang totoo, mabait naman siya. Limang buwan ang lumipas simula noong magkausap kami ni Tita Lucille ay saka naman ako pinakilala ni Sygred sakanyang ama. Mukha siyang masungit tingnan pero mabait naman pala. Alam ko na kung saan nag mana si Sygred.

Natakot pa nga ako nung una saya pero natuwa ako nang tinanggap niya ng buong buo si Izak lalo na ako, kaya sobrang saya ko.

"Idalia..." Nakangiting lumingon ako kay Sygred.

"Yes?" Nakangiting sagot ko. Ngumiti ito, napakagwapo niya. Wala siyang suot na salamin ngayon.

"Hindi naman pala gaano kalabo ang mata mo pero suot ka ng suot ng salamin." sabi ko.

"Ang gwapo mong tingnan pag walang salamin." nakangiting sabi ko.

Ngumiti ito pero nangunot din ang noo at naningkit lalo ang mata.

"Bakit? hindi ba ako gwapong tingnan pag may salamin?" tanong nito, tumawa ako at pinisil ang matangos niyang ilong.

"Hindi ah, ang gwapo mo kaya with or without glasses." nakangiting sabi ko, ngumiti ito at hinawakan ang magkabilang pisnge ko bago ako dahan dahang hinalikan sa noo. Napangiti ako.

Kiss on the forehead is the sign of respect. He respect me, then he kissed my lips. Dampi lang iyon pero ramdam ko ang labis na pamumula ng pisnge ko, nang binitawan niya na ang pisnge ko ay saka ko naman ito hinawakan. Ang init!! ramdam ko pa din ang lakas ng tibok ng puso ko, walang pinag bago. Mas lalo ko lang siyang minamahal.

Narinig ko ang tawa ni Sygred kaya nag angat ako ng tingin sakanya. "What?" tanong ko.

Tumatawang tinuro ako nito.

"You're blushing!" muli nitong hinawakan ang dalawang pisnge ko at hinalikan ako, this time hindi na smack kiss na lang. We shared a passionate kiss. Full of love. Naputol lang iyon nang may tumamang bola sa ulo ko. Agad akong napalayo kay Sygred at tumingin sa nag bato ng bola, napangiti ako nang makilala kung sino iyon.

"Izak, come here!" Nakangiting sabi ni Sygred sa anak.

Tumawa naman si Izak at tumatakbong lumapit saamin. Muntik pa itong madapa mabuti ay nahawakan agad ni Sygred, agad niya itong binuhat at pinag hahalikan.

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mag-ama ko.

Tuwang-tuwa ako dahil kahit hindi pa masyadong nakakabanggit ng words si Izak ay sa wakas nakakalakad na siya. Hindi gaya noon na puro siya pakarga. Ssa mga nag daang kasing buwan ay sinasanay namin siya ni Sygred na maglakad kaya ngayon nga ay nakakalakad na. Palagi namin siyang pinupunta dito sa park sa loob ng subdivision nila Sygred.

Nakangiting lumingon saakin si Izak.

"Thank you!" Nakangiting aniya. Lumawak ang ngiti ko at tumango bago siya halikan sa pisnge.

Nauna nang tumayo si Sygred habang buhat si Izak na napagod na ata kakatakbo. Kumapit ako sa braso ni Sygred habang naglalakad kami pabalik sa Mansyon nila.

"Tulog na siya?" Tanong ko kay Sygred nang mailapag niya sa kama si Izak.

Tumango siya.

"Yes, sabi ni Mom maganda daw pag pinapatulog sa hapon ang bata." sabi niya, tumango-tango ako nang makaharap siya.

"Pinapatulog mo ba noon si Izak sa hapon?" tanong niya.

"Noong nasa Cebu kami, pinatutulog ko naman siya. pero noong napunta na kami dito sa Manila, hindi ko alam kasi si Raquel na ang nagbabantay sakanya everytime na nasa trabaho ako." sabi ko.

Tumango siya at niyakap ako.
Agad naman akong kumapit sa leeg niya at pinatakan siya ng halik sa labi na kinangiti niya.

"Akala ko hindi na maaayos 'to," sabi ko habang nakatingin sa mga mata niyang kitang kita ang saya. Masaya din naman ako. Wala na akong maihihiling pa.

"Ikaw kasi e, pinatitigas mo yung puso mo. Layo ka ng layo, pero habang lumalayo ka sakin. Mas lalong mo ako pinalalapit sayo."

---

"Ma'am, may naghahanap po sainyo sa labas." ani ng isa sa kasambahay nila Sygred dito sa Mansyon nila pag bukas ko ng kwarto

Sino naman kaya? Sino namang maghahanap sakin ng ganitong oras? Hindi naman siguro si Raquel iyon dahil nasa Japan si Raquel. Kaka-alis lang niya noong nakaraang linggo. Namimiss ko na nga agad siya e. Nag drama pa yon bago umalis na kesyo namimiss niya daw kami lalo na si Izak.

"Sino daw po?" tanong ko habang lumalabas ng kwarto.

Nagkibit-balikat ito.

"Hindi ko po kilala, Ma'am. Nasa loob po kasi ng sasakyan at hindi lumabas." Anito.

"Ay, sige. susunod na lang ako, sandali lang!" Sabi ko, ngumiti at tumango naman siya at agad na tumalikod.

Agad ko namang sinarado ang pinto, kumuha ako ng sweater na white at agad na sinuot, napatingin pa ako kay Sygred na payapang natutulog at kay Izak na nasa tabi niya. Tabi-tabi na kaming natutulog tatlo ilang buwan na din.

Noong una ay naiilang pa dahil nga sa naninibago pa pero ngayon ay hindi na. Maayos naman na kami, kahit na hindi ko alam kung ano ang estado naming dalawa at saka hindi pa namin napag uusapan ang tungkol don. Oo may anak kami pero hindi pa namin napag uusapan ang tungkol don lalo na yung tungkol sa pagpapakasal. Hindi naman ako nagmamadali, pero mahal naman namin ang isa't isa kaya hindi ko muna madadaliin ang tungkol sa kasal, kapag iopen niya ang tungkol doon at yayain akong magpakasal ay papayag ako dahil hindi lang naman 'to para sa anak namin dahil para din ito saamin. Para tuluyan na kaming maging masaya.

Dahan-dahan ako lumakad papunta sa kwarto at nag simula nang lumabas, tahimik na ang paligid dahil tulog na ang lahat.

Alas-diyes na din ng gabi, Maagang nag sisi-tulog ang mga tao dito.

Bumaba na ako ng hagdan, lumakad ako sa may sala at nag lakad sa isang pasilyo palabas ng Mansyon.

Nang makalabas ako ng Mansyon ay luminga pa ako sa paligid dahil wala na talagang tao, Nasan na kaya yung katulong kanina? Natulog na ata?

Tumakbo na lang ako papunta sa may gate, may ilaw pa doon na nag mumula sa may pwesto ng mga gwardya.

Nang papalapit ako ay natanaw ko pa na may dalawang gwardya na nakabantay doon. Nang mamataan ng isa ay agad siyang may itinuro sakin.

"Ma'am, nandoon po yung nag hahanap sainyo." sabi nito pero hindi ako lumingon sa itinuro niya bagkus ay nag tanong sakanya.

"Ano daw po bang pangalan niya?" Tanong ko.

"Hindi po sinabi, Ma'am. Pero ang sabi ay kaibigan niyo daw po siya. Titingnan po namin kayo mula dito Ma'am. Mukha naman po siyang mabait." Anito, tumango ako.

"Okay lang po, sige po. Salamat!" Sabi ko at ngumiti sakanya.

Agad namang gumilid ang isang gwardya at ngumiti saakin.

Ngumiti din ako sakanya at lumakad na.

Tiningnan ko ang direksyon na itinuro ng gwardya kanina.

May isang ford doon, habang naglalakad papalapit ay nakaramdam ako ng kaba.

Sino naman kaya 'yan? Gi-nugood-vibes ba ako ni Raquel? Pero wala namang ford na sasakyan si Raquel.

Nang malapit sa sasakyan at kinatok ko ang salamin nito at napayakap ng mahigpit sa sweater na suot ko. Tinted ang sasakyan nito.

Dahan-dahang bumukas ang bintana ng sasakyan, napangsinghap ako nang mapag-sino ang taong naghahanap sakin.

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now