CHAPTER 10

10.3K 205 6
                                    


Tulala ako buong byahe namin. Tinatanong nila ako pero hindi ako sumasagot. Alam nilang hindi ako okay kaya hindi na sila nagtangkang magtanong ulit sakin hanggang sa maihatid nila ako sa apartment.  Before kaming mag beso ay maliit akong ngumiti para ipakitang okay lang ako pero nanatili akong tahimik.

“Just call us if you need anything,” Sabi ni Raquel. Hinawakan ni Seven ang kamay ko.

“Nag-aalala talaga kami sayo kanina ka pa tahimik.” Ngumiti lang ako sakanya ngiting alam kong hindi aabot sa mata ko.

Pagkapasok sa apartment ko ay dumiretso ako sa kusina at agad na nag hilamos. Hindi pa rin ako mapaniwala. Pagak akong natawa. Talaga, Idalia? Hinayaan mo ang sarili mo maloko ng ganun-ganun? Bakit ba hindi na lang ako naniwala sa kutob ko?

Ilang oras akong nakahiga sa kama at nakasubsob ang mukha ko sa unan habang umiiyak. Hindi dahil mahal ko si Jacob kundi dahil hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Hindi ako makapaniwala na nagpaloko not typical na panloloko like sa relasyon pero panloloko pa rin yun dahil napaikot niya ako. Pinagmukha niya akong timang, tanga at bobo!

Napabangon ako sa higaan ko nang may maisip. I need to drink kaya I decided to go to a bar. This is my first time to go there. Ilang beses na akong niyaya ni Raquel mag bar before pero palagi akong tumatanggi. Nag suot ako ng tube dress, I'm not wearing bra kasi may foam naman yung tube dress na suot ko. Nagdala lang ako ng isang pursue at gumayak na sinigurado ko rin munang nakalock ang pinto ng apartment ko kahit na alam kong secure naman ang apartment na ito.

Pagkababa ko ay nakasalubong ko si Ethan. Hindi rin maipagkakaila ang kagwapuhang taglay niya. Nakilala ko siya noong minsan na mag offer siyang buhaimtin ang mineral water na binili ko. Habang nakatingin sakin ay kita ang paghanga sa mga mata niya nailang man ay maliit pa rin akong ngumiti sakanya.

“Woah! Saan ang punta mo ng ganitong oras?” Tanong niya habang hawak ang helmet niya. Hindi ko feel mag commute ngayon pwede kaya akong makisabay sakanya? Malapit-lapit lang naman ang bar na pupuntahan ko.

“Sa bar.” Tipid na sagot ko.

“Nako! Delikado magpunta sa bar ng ganitong oras lalo na't babae ka.”

“Yun na nga e. Aalis kaba? pwede ba akong makisabay sayo?” Tanong ko.

“Oo naman, sandali kukunin ko lang yung isa kong helmet.” Bumalik sa loob ng apartment niya si Ethan at lumabas na may hawak na isang grey na helmet. Huminto pa ito sa sampayan niya at may kinuhang isang puting tela. Nakuha ko kung para saan ang kinuha niya.

Nginitian ko siya. “Salamat, Ethan.”

“Nako, wala 'yon! Ano? Tara na?” At nauna na si Ethan na naglakad sa motor niya sa labas ng gate. Patagilid akong umupo sa motor at pinatong sa hita ko ang telang binigay ni Ethan. I'm so thankful to met a kind neighbor like him.

“Saang bar ba?” Tanong ni Ethan habang binubuksan ang makina ng motor.

“Santa cruz. May nag iisang bar doon diba?”

“Yes, alam ko 'yan. Mag iingat ka doon at madaming bastos doon.” Paalala niya. Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita.

“Gusto ko lang mag-inom.”

“Wag ka masyado maglulunod sa alak para makauwi ka ng maayos. Mahirap mag lasing ng mag isa walang aalalay sayo.”

Muling akong tumango. Goodluck na lang talaga sakin at sana makauwi ako ng maayos. Hindi rin siguro ako magtatagal sa bar at uuwi rin agad. Huminto na ang motor ni Ethan sa harap ng bar rinig na rinig ang lakas ng tugtog mula sa loob. Hindi ako sanay sa mga ganitong klaseng lugar kasi laki ako sa probinsya kahit nga baylihan hindi ako sinasama ng mga magulang ko.

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now