CHAPTER 25

9.5K 214 7
                                    


Napalunok ako at tinaasan siya ng kilay.

"A-ano namang kailangan mo sakin?" Tanong ko.

Nangunot ang noo nito.

"Where did you live?" tanong nito.

"At bakit ko naman sasabihin kung saan?" sabi ko, hindi pwedeng sabihin ko sakanya. Hanggat maaari bawal.

"Ibaba mo na lang ako jan, mag cocommute ako." sabi ko at itinuro ang gilid.

"No!" aniya kaya napatingin ako sakanya.

"Why? bkit ba ayaw mo akong hayaan? ha? pababain mo na ako!" inis na sabi ko at kinalampag ang bintana.

"Bakit ba ayaw mong ihatid kita? may tinatago ka ba?" naniningkit ang matang tanong nito, agad akong kinabahan at umiling.

"W-wala! ano namang itatago ko?" Tanong ko at tinaasan pa ito ng kilay para hindi halatang kinakabahan ako.

"Oh, okay." anito at bahagya pang ngumisi.

"Kung wala naman pala, where did you live?" tanong nito.

Ayoko naman na malaman niya na may tinatago ako kaya sinabi ko kung nasaan ako nakatira.

"So, dito na lang?" tanong niya habang hinihinto ang sasakyan sa harap ng condominium. Tumango ako.

"O-oo.." lumunok muna ako, ayokong mautal.

"Salamat.." sabi ko at agad nang binuksan ang pintuan pero bago ko mabuksan iyon ay naramdaman ko ang braso niyang humawak sa braso ko.

"An---" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang iabot niya sakin ang lipstick ko. Nagtatakang napatingin ako sakanya.

"Nahulog mo." aniya, napatingin ako sa bag ko. Nakabukas ito. Sira na din kasi ang bag ko at hindi naman ako pumapayag na bilhan ako ni Raquel. Dahil ngayong may anak na ako ay gusto ko pinaghihirapan ko lahat ng gusto kong mabili. Kaya pag nagkasweldo na ako ay bibili ako ng mga bago naming gamit ni Izak.

Agad ko itong kinuha, naramdaman ko ang kuryente sa pagkakadikit ng kamay namin ni Sygred kaya lumayo ako kaagad. "S-salamat." Sabi ko.

"Sira na ang bag mo, should I buy you the new one?" nanlaki ang mata ko at kaagad umiling, at bakit niya naman ako bibilhan?

"No, thanks." Sabi ko at binuksan na ang pinto. Lumabas na ako.

"Goodnight, Idalia." aniya. Nakita ko itong ngumiti. Tumango lang ako.

"Goodnight, sygred." sabi ko kita ko pa ang panlalaki ng mata nito nang banggitin ko ang pangalan niya pero tumalikod na lang ako at tuluyan nang bumaba ng sasakyan niya.

Naalimpungatan ako dahil sa pag riring ng cellphone ko, agad ko itong kinuha at sinagot.

"Hello?" antok na bati ko. Pumipikit pikit pa ang mata ko. Inaantok pa talaga ako. Sino naman 'tong tatawag ng ganitong oras.

"Idalia.." agad nanlaki ang mata ko, Nawala ata ang antok ko nang marinig ko ang boses niya.

"Sygred? Bakit tumatawag ka ng ganitong oras?" Hindi ko napigilang mapataas ang boses. Ano bang ginagawa niya? Anong kailangan niya? Agad nanlaki ang mata ko nang biglang mag simulang umiyak ang anak ko, Marahil ay nagulat sa pag sigaw ko. Nakalimutan kong patayin ang tawag at agad itong nilapag ang cellphone ko sa lamesa at dali daling pinuntahan si Izak, Agad ko itong kinuha at binuhat.

Nang saktong bumukas ang pinto ng kwarto namin at pumasok si Raquel. "Idalia, What happened? Bakit umiiyak si Izak?" natatarantang tanong nito at agad kinuha sakin si Izak.

"Tahan na, baby." p,ag papatahan ni Raquel kay Izak at hinalik halikan pa ito.

"Raquel, ikaw muna ang bahala kay Izak. Patahanin mo siya at ibalik sa pagkakatulog. sasagutin ko lang ang tawag." sabi ko, Tumango ito. Kinakabahang lumapit ako sa cellphone ko. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko nang makitang naka-on pa din ang tawag.

Nakikinig si Sygred sa kabilang linya.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at nag tungo sa veranda.

"Hello?"

"W-what happened? Did I just hear a baby?" tanong nito.

Pumikit ako, Idalia. Palusot palusot.

"Y-yeah..." Parang gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa pagkautal ko. "Anak ng kaibigan ko." Sabi ko. Nagpasalamat naman ako dahil hindi ako nautal.

"Bakit ka nga pala napatawag?" Tanong ko, hindi lang para ibahin ang usapan kundi yon talaga ang gustong itanong ko sakanya kanina pa.

"I just want to." Anito. "bye." Dagdag pa at ito na mismo ang nag patay ng tawag. Naiinis na binaba ko ang cellphone ko. Tumawag sa kalagitnaan ng madaling araw para lang sa wala? nang istorbo pa ng tulog. Inis kong dinelete ang contact number niya sa contacts ko.

Tatalikod na sana ako nang may maalala.

Paano niya nakuha ang number ko?

Ano ba talagang gusto niya? Narinig niya pa tuloy si Izak buti na lang nakapag palusot ako.

Akala ko ba may pamilya na siya? Bakit nang gugulo pa siya? Ano ba talagang gusto niyang iparating?

Hindi. Pipigilan ko na ang kung ano mang nararamdaman ko sakanya, may natitira pa. pero gusto ko nang mawala. Pero paano? kung nakikita pa din namin ang isa't isa at saka ngayong ganito siya. Ayoko namang mag assume. Ayokong mag isip ng kung ano ano nang dahil tumawag siya, kailangan ko itong pigilan at hinding hindi ko sakanya ipapakita ang anak ko.

Ayoko naman makasira ng pamilya. masyado kong mahal ang anak ko para ipagsiksikan ang sarili namin sa ama niyang may pamilya na. Ayokong sumama ang tingin sakin ng mga tao at lalo na sa anak ko. si Izak na lang ang tanging meron ako. kaya hanggat maaari ay iingatan ko siya.

Nakatalikod ako at nakatingin sa may white board, Napapangiti ako habang binabasa ang mga achievements ng mga estudyante. Pinapaskil dito ang mga estudyante na nakakuha ng matataas na marka at ang mga naitulong nila sa eskwelahan.

Naputol ang pagbabasa ko ng may biglang kumalabit sakin. Nakangiting lumingon ako. "Ye---" Naputol ang sasabihin ko nang makita ang nangalabit.

Ngumiti ito sakin.

"Good day, Ma'am!" Nakangiting bati nito. Nasisinagan siya ng araw kaya lalong tumingkad ang ganda niya. "Saan po ang girls restroom dito? galing kasi ako sa asawa ko. first time ko dito, hindi ko alam." nakangiti pa ding sabi nito.

Maliit akong ngumiti.

"There, liko ka then yun na yung restroom." sabi ko at tinaas pa ang kamay upang ituro sakanya.

"Okay okay, thank you!" Nakangiting pasasalamat nito. Tatalikod na sana siya pero muli ding humarap.

"Btw, you look familiar. parang nakita na kita somewhere." aniya at tinitigan pa ako.

"Ohgod! i really need to pee, see you next time!" aniya at patakbong nang
nag tungo sa Restroom na itinuro ko.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaliko siya papunta sa Restroom.

Ivenika.

Hindi naman nakakapag taka kung bakit siya nagustuhan ni Sygred, Bukas pa lang ng mukha mabait na at saka pati pag sasalita ay masasabi mo agad na mabait. Maganda na, Mabait pa.

Pagak akong natawa.

May anak na pala sila, noh? Marahil ay trip trip lang ni Sygred ang pag tawag sakin kaninang madaling araw. Dapat tama na ang pag iisip ko ng kung ano ano tungkol doon.

Wala si Raquel ngayon dahil tinawagan siya ng daddy niya. May dinner silang mag pamilya ngayon.

Ako naman at si Izak ay naiwan sa Condo ni Raquel, nakaplay sa tv ang cocomelon. Kandong kandong ko ang anak ko at yakap yakap habang busy siya sa panonood ng cocomelon.

Panay ang halik ko sa buhok at pisnge niya. Tumatawa naman siya pero sa tv pa din ang mata.

Hindi ko talaga kayang mawalay sa anak ko, at sakankanina nang makita ko si Ivenika ay mas lalong naging buo ang desisyon ko na umiwas at wag ipalaam kay Sygred ang tungkol kay Izak. Gaya ng sabi ko, ayokong makasira ng pamilya.

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now