CHAPTER 30

9.5K 237 18
                                    


"Okay Class, Dismiss." sabi ko at inayos na ang gamit ko.

Napatingin ako sa isang estudyante ko nang huminto ito sa harapan ng lamesa ko at kumakamot kamot pa sa batok nito.

"Ma'am, tulungan na po kita sa dala niyo." anito at ngumiti sakin, agad akong umiling.

"Thankyou but no Mr. Quirino. I can carry them." sabi ko at nginitian siya, tumango ito.

"S-sige po." anito at yumuko pa sakin, bago bumalik sa mga kaibigan niya na tinapik lamang ito sa balikat.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang mga ginagawa nila, alam kong nagpapabango sila sakin. Pero hindi naman ako kagaya ng ibang guro jaan, bago ko mapag desisyonan na mag take ng education ay naisip ko na ayan. Sila ang gumagawa ng grado nila, kailangan nilang pag hirapan iyon.

Bago ako lumabas sa pinto ng silid-aralan ay bumaling ako sakanila.

“Go home early, so you guys can rest. I know you all are tired. Wag na kung saan-saan pumupunta at baka may mangyaring hindi maganda sainyo. Always think about your safety first.”  sabi ko at inilibot ko ang tingin sa classroom. Sabay naman silang nag si-tango at ngumiti sakin.

“Opo, Ma'am!” sabay-sabay nilang sagot kaya napangiti ako.

"Good, pag may nabalitaan ako na nag gagala kayo pagkatapos ng klase ay lagot kayo sakin." sabi ko, agad namang parang asong nag si-tanguan sila.

"Ma'am, hindi po diretso bahay na po kami,"

"Oo nga po, Ma'am!"

“Good, magandang nang nagkakaintindihan tayo.”

Habang naglalakad sa corridor at papaliko na sana papunta sa hagdan nang saktong lumiko din si Sebastian kaya napahinto kaming dalawa.

Nahihiya siyang kumamot sa ulo at tumingin at ngumiti saakin.

Mannerism na niya ata yang pakamot kamot sa ulo, everytime na nahihiya siya. Mukha namang wala siyang kuto kasi itsura palang nito halata ng mayaman e.

"Uh.. Ma'am, n-nakuhanan ko na po ng litrato yung l-lalaki." anito, agad akong kinabahan. e
Ewan ko ba, kabang kaba ako.

"A-ah, p-patingin." sabi ko, agad naman nitong binuksan ang cellphone. Iaabot na sana nito ang cellphone nang mapasulyap ito sa
likuran ko.

"M-Ma'am, sa ibang lugar po tayo. madami pong tao dito e." anito.

Akmang tatalikod na ito, nang may babaeng kulot ang humila sa manggas ng polo nito.

"Seb! Seb! W-wait! Bakit hindi ka pumunta sa bahay?! Akala ko pupunta ka? Bakit hindi ka naman nag sabi na hindi ka pupunta, Seb? Hinintay kita sa bahay! kahit pinagagalitan na ako ni Kuya Elmo dahil hintay ako ng hintay sayo. Kahit na sinasabi niyang hindi ka makakapunta. hinintay pa din kita, Seb! Wag ka ng paasa, ha? nasasaktan ako e. First time kong umasa ng ganito. Pumunta ka sa bahay mamaya ha? ipag be-bake kita ng cupcakes, pleas---" hindi na nito natuloy ang sasabihin nang makita ako nito. Nanlaki ang mata nito. She's pretty. halatang spoiled base sa itsura nito. I think she's in her senior high base na din sa uniform nila, humss.

Grabe, ang dami niyang sinabi! ang cute cute at ang pretty pretty pa!

"Ma'am Crosti? Omg! You're so pretty po! I heard na magkasama daw kayo kanina ni Professor Montanier, Omg! Ship ko kayo!" anito at tumili at nagtatalon pa. Napapatingin na sakanya ang mga estudyante na dumadaan.

Medyo nakaramdam ako ng pagka-ilang sa mga sinabi niya pero nginitian ko pa din naman siya.

"Elara! That's enough!" anito at hinawakan pa sa braso ang babaeng nasa harapan ko na ang name pala ay 'Elara' ang ganda na! pati pangalan maganda pa!

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon