CHAPTER 33

9.1K 206 2
                                    


Nag angat ako ng tingin kay Raquel.

"Saan nakatira ang Montanier?" tanong ko kay Raquel.

Nangunot ang noo nito pero sinagot naman agad ang tanong nito.

“You don't know? As far as i know they live in Villa Francia, exclusive subdivision 'yon. Nakapasok na ako don when i was in Highschool. My classmate live there.”

"Nag tanong lang ako, hindi ko sinabing mag kwento ka." sabi ko at agad na tumayo.

"Sorry..." anito.

"Let's go!" sabi ko at inayos ang nalukot ko na damit.

"Na ganyan ang suot mo?" tanong nito, tiningnan ko siya.

"Sa tingin mo makakapag bihis pa ako kung iniisip kong wala ang anak ko? wala na akong oras para jan, Raquel. kailangan ko nang mahanap si Izak." sabi ko at nauna nang lumabas agad naman siyang sumunod.

Huminto kami sa isang exclusive na subdivision, labas palang halatang mayayaman na ang nakatira. Pero wala na akong oras para pag masdan pa ito dahil kailangan ko nang makita ang anak ko.

Hindi naman na nag tanong si Raquel kung bakit kailangan naming pumunta dito.

Lumabas siya ng sasakyan, sumunod naman ako. Katabi niya ako habang may kausap siya sa telepono. kakausapin niya daw ang dati niyang kaklase na sunduin kami para makapasok kami sa loob.

"Riki, Pwede mo ba kaming sunduin dito sa labas ng gate?" tanong nito. "Sige na oh, may kailangan kami ng kaibigan ko sa loob." dagdag pa nito.

"Sigesige, salamat!" anito at tumingin saakin. "Paparating na siya."

Tumango ako at pumasok na muli sa sasakyan, agad naman siyang sumunod.

May huminto na sports car sa tabi namin at bumukas paitaas ang pintuan nito, lumabas doon ang lalaking matangkad. siguro mga nasa 6 feet, singkit ito at maputi, japanese.

Binaba ni Raquel ang window at saka naman sumilip ang lalaki, tumingin ito sakin at ngumiti. Tumango lang ako. Wala akong sa-mood makipag ngitian ngayon, kailangan ko na talagang makita ang anak ko.

"Follow me, ako ang bahala." anito at ngumiti at kumindat pa kay Raquel bago muling pumasok sa sports car niya.

Hindi na ako nag abalang tingnan ang reaksyon ni Raquel dahil sa ginawa ng lalaki.

Nang tumapat kami sa tatlong security guard ng subdivision ay agad nakipag usap si Riki. Nakita kong may binigay siya sa security guard at agad itong nag tungo sa sasakyan namin. Agad namang binaba ni Raquel ang binatana. Tinanguan ni Raquel ang security at sumenyas na ito kay Riki na pumasok na. Isinara na ni Raquel ang bintana at nagpatuloy na siya sa pag sunod sa sasakyan ni Riki.

Huminto kami sa isang bahay, napatingin ako sa 2 storey house. maganda ito, grey and black ang kulay ng bahay. Ang manly.

Hininto nito ang sasakyan at binaba ang bintana, itinura nito ang bahay na tinitingnan ko.

"That's my house!" sigaw nito at inilabas ang kamay upang ituro ang bahay.

"You have a nice house!" sigaw naman ni Raquel.

Nakangiting tumango si Riki.

"Yeah, I know!" anito at kumindat pa kay Raquel na kinailing ni Raquel. sinarado na ulit ni Riki ang bintana at nagpatuloy sa pagmamaneho, nakasunod lang kami sakanya.

Magkakalayo ang mga bahay dito at pare-parehas malalaki. Mga mansyon talaga. hiwa-hiwalay pa ang mga ito at kapwa malalawak ang mga backyard at naglalakihang mga gate. ang kay Riki kanina ay hindi mansyon dahil siguro mag isa lang siyang naninirahan doon.

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now