CHAPTER 31

9.3K 229 5
                                    


Nagmamadali akong pumasok ng condo ni Raquel.

"Raquel! Raquel!" tawag ko habang nilalapag sa sofa ang bag ko.

Nakarinig ako ng yapak mula sa hagdan kaya agad akong tumakbo patungo roon.

"Oh, bakit ang tagal mo? late na ako. katutulog lang ni Izak." anito.

Bumuntong hininga ako.

"Sorry quel, may nangyari kasi." sabi ko.

"Ganun ba?" anito, tumango ako. "Kwentuhan mo ako mamaya, late na talaga ako eh." anito at tumingin siya sa relo niya, agad itong lumapit para i-beso ako. "Uuwi ako ng maaga, ayoko magpaabot ng hating gabi." anito.

Tumango ako. "Sige, mag iingat ka!"

Pagkaalis ni Raquel ay agad akong nag tungo sa kwarto namin ng anak ko.

Nakita ko itong payapa na natutulog, kamukhang kamukha niya talaga ang ama niya. Lumapit ako dito para halikan siya sa noo at labi, sabi nila wag daw halikan ang anak sa labi dahil matututo daw itong sumagot saiyo, hindi ko alam kung paniniwalaan ko iyon. Depende din ata iyon sa kung paano mo ipalaki ang anak mo.

Tinitigan ko pa ito ng ilang segundo, bago nag tungo sa cabinet namin. kumuha ako ng pamalit ko at nag simulang mag bihis.

Nang matapos ako ay agad akong nag tungo sa kusina, may kanin na at ulam na nakahain. Nag luto na pala si Raquel. Adobong manok ang kanyang niluto.

Kumuha na lang ako ng plato at kutsara at tinidor.

Pagkasandok ko ay agad akong nag tungo sa kwarto namin ng anak ko.

Gusto kong makita siya habang kumakain ako, dadalawa lang kaming nandito sa bahay. Baka kasi biglang magising at umiyak. Mabuti na't nandoon ako para mabuhat ko kaagad.

Pagkapasok sa loob ay agad akong naupo sa sofa. nilingon ko ang anak ko na natutulog sa may kama.

Inilapag ko ang plato at tubig ko sa lamesa na nasa harapan ko at ini-on ang TV.

Endless Love

Ang palabas na 'yon ang bungad pagkabukas ng TV. Kasisimula palang ng palabas.

Swynn Montanier as Fiona

Umiinom ako ng tubig ng mangunot ang noo ko.

W-what?! Montanier?! S din ang first name nito, kamukha nito si Sygred para nga itong girl version niya. mukha nga lang itong mas matanda kay Sygred ng ilang taon. May kapatid siya? older sister? she's pretty, pero mukha palang halatang masungit na.

Ito ang gumaganap na protagonist.

Ipagpapatuloy ko na sana ang pagkain, nang biglang umiyak si Izak. Agad kong pinatay ang TV saka tumayo at nag tungo kay Izak.

Tumahimik ito nang makita ako.

Unti unti itong ngumiti.

Ilang buwan na lang pala. Mag dadalawang taon na si Izak. Hindi kasi siya katulad ng ibang bata na maagang nag lakad at maagang nagsalita. Ang tanging nababanggit niya palang ay "Mama" minsan nga natatawag niya si Raquel na "Mama" tuwang tuwa naman si Raquel, gusto ko din na naman "Mama" ang itawag ni Izak kay Raquel. Tumayo na din naman kasi itong Mama niya.

"Ma...Ma..." anito, napangiti ako at hinalikan ang pisnge niya. Ngumiti ito na lalong kinawala ng mata nito.

Tinitigan ko ang anak kong nakangiti saakin, hindi ko hahayaang makuha ka nila sakin. Lalo na ng Sygred na iyon, pati ng kanyang ina. sumusobra na sila. hindi tama ang mga salitang binitawan nila sakin.

Lalabanan ko sila, hindi ko hahayaang insultuhin nila ako ng ganito. kamukhang kamukha ni Izak si Sygred tapos ganun ang sasabihin nila? oras na makita nila ang anak ko at mapatunayan na anak talaga ito ni Sygred, ilalayo ko ang anak ko. Wala silang karapatan. Ako ang nag dala dito ng siyam na buwan. Ako ang bumibili ng lahat ng kailangan ng anak ko. Pinag hirapan ko talaga para matugunan lahat ng pangangailangan namin ng anak ko.

Nang makatulog si Izak ay maingat ko itong inilapag sa kama.

Muli kong hinalikan ang noo nito at binalikan ang pagkain ko, ang iba ay pag nalipasan na ang pagkain. Hindi na nila ito kinakain. Pero ibahin niyo ako, kinakain ko pa din talaga. Sayang naman e.

Nang maubos ko ang pagkain at uminom ng tubig, nag tungo na ako sa kusina para mahugasan at maibalik na ito sa lagayan ng pinggan.

Muli akong bumalik sa kwarto namin ni Izak, tulog na tulog pa din siya.

Nang maalala ang nangyari kanina ay napabuntong hininga ako at pumunta sa may cabinet namin.

Hinila ko sa ilalim ang isang jeans, hindi ko pa ulit ito nagagamit. last last year ko lang nagamit, at wala akong balak na gamitin ulit. Lalo na at alam ko kung sino ang nagbigay nito, paano ko nalaman kung kanino galing? nakita ko sa Cebu yung babaeng nagbigay sakin nito. Naalala niya daw ako, her name is Rachel. Namamasyal siya doon sa lugar namin dahil mayroon daw silang ancestral house malapit samin.

Nasabi niya saakin kung sino yung nagbigay ng jeans naalala ko pa yung sinabi niya sakin non.

"Swerte mo naman! nagulat talaga ako e, tumatakbo pa nga siya patungo sakin that time. Akala ko para sakin, nakita kitang pumasok non sa loob ng girls restroom, tas tinuro niya yung pinuntahan mo. Kaya sabi ko. 'Ah, sakanya.' tapos ayon, dinala ko na sayo. Swerte mo talaga! Sygred Montanier ba naman?! Sana all!"

Isinara ko na ang cabinet, hawak ang jeans ay agad akong nag tungo sa table na katabi ng kama namin at inilapag doon ang jeans, isasauli ko ito sakanya bukas.

"Ma'am, may naghahanap po sayo." sabi ni miriam, ang isa sa estudyante ko.

Napahinto ako sa pagbura sa white board at napatingin sa pinto. Inilapag ko ang eraser sa lamesa at nag tungo sa pinto, binuksan ko ito at bumungad sakin ang babaeng nakasalamin. Madami itong tigyawat sa mukha at may brace pa itong suot suot.

Nahihiya itong ngumiti saakin, inangat nito ang maliit at nanginginig na kamay at iniabot sakin ang papel.

Ngumiti ako sakanya.

"Ano ito?" tanong ko, nang makuha ko ang papel.

"A-ah, p-pinakisuyuan lang p-po saakin na i-ibigay po sainyo." anito.

Nahihiya itong ngumiti saakin.

May ideya na nabubuo sa isip ko.

"S-sino ang nagpapabigay?" tanong ko.

Sasagot na sana ito nang biglang may sumigaw at tumatakbo itong nag tungo saamin. Natigilan pa ito ng mapatingin sa babae sa harapan ko. hinihingal itong huminto sa harapan namin.

Magkatabi sila sa harapan ko, pero kita ko ang pagkailang ng babae sa harapan ko. Ang nag bigay ng sulat.

Nahihiyang tumingin ito saakin bago palihim na sumulyap sa lalaking kadarating lang. "M-Ma'am, alis na po ako." anito at agad tumakbo palayo, sinundan ko pa ito ng tingin hanggang sa tuluyan itong makaliko papunta sa hagdan.

Agad akong bumaling kay Sebastian.

Ngumiti ito saakin at inilahad ang phone niya sa harapan ko.

"Ma'am, yan po ang ipapakita ko sana sainyo kahapon. That's the guy!." aniya.

Mula sa pagkakatingin sakanya ay nagbaba ako ng tingin mula sa picture na kuha niya.

Para akong natuod sa kinatatayuan ko habang nakatingin ako sa picture.

Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa litrato.

"Ma'am, okay lang po kayo?" nag aalalang tanong ni Sebastian. hindi ko ito naisagot dahil nanatili akong nakatingin sa litrato.

Nakatagilid ang lalaki, nakacup na itim at may suot suot na black face mask. Lalong lumaki ang katawan nito na animo'y batak na batak sa kaka-gym. Lalo din siyang tumangkad at pumuti na. Mata palang ay alam ko na kung sino.

Seven...

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Kde žijí příběhy. Začni objevovat