SPECIAL CHAPTER

1.3K 93 10
                                    

Rein’s POV

“Uncle!”

Napangiti ako saka kumaway sa batang tumawag sa akin na ngayon ay papalapit kasama ang magulang niya.

“Kiru, kumusta?”

Nakangiti silang umupo sa tapat ko. Nandito kami ngayon sa isang dessert shop malapit sa paaralan ni Kiru. Tinawagan ko si Kit na magkikita kami at hindi ko akalain na dadalhin niya ang anak ni Rui. Alam ko ang totoo ngunit wala akong balak na sabihin kay Rui.

“Ayos lang po ako, ikaw po ba?” tanong ni Kiru habang ang atensiyon ay nasa menu na hawak.

“Ayos lang din. Ikaw Kit?”

Ngumiti si Kit sa akin saka napakamot sa ulo. “Medyo mahirap dahil nag-a-adjust pa lang ako pero kaya ko rin naman. Masaya ang magturo ng mga bata.”

Ramdam ko ang kaligayahan sa tono ng boses niya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Kit kapag nalaman niyang magkapatid kami ni Rui. Tiyak na magagalit siya sa akin.

“Order na tayo?”

Sabay-sabay silang tumango at tinawag ko na ang waiter saka nag-order na kami.

“Uncle, wala ka bang balak na magka-anak?” biglang tanong ni Kiru sa akin.

“Kiru, ano ba ’yang tinatanong mo?” saway ni Kit saka nahihiyang tumingin sa akin. “P-Pasensiya ka na Kuya Rein.”

“Okay lang. Saka hindi ko kailangan ng anak dahil nandiyan ka naman,” natatawang biro ko na nagpanguso kay Kiru.

Damn. Kamukha niya talaga si Rui.

“Uncle, gusto kong makalaro ang anak mo sa future.”

“Maiiwan ko muna kayo, magbabanyo lang ako,” paalam ni Kit kaya sabay kaming tumango ni Kiru.

“Kiru, hindi magkakaanak ang mahal ko,” mahinang sambit ko dahilan para tumabingi ang ulo ni Kiru.

“What do you mean po?”

Lumapit ako sa kaniya saka ginulo ang buhok niya. “Lalaki siya. Waks ang pangalan niya.”

Nagningning ang mga mata ni Kiru nang dumating na ang mga order namin. Nagsimula na siyang kumain kaya hindi na ako nag-abalang kausapin siya.

“Pero what about Mom? Lalaki rin naman siya pero nagkaroon siya ng anak,” nagtatakang usal ni Kiru.

Napabuntong hininga ako. Akala ko nakalimutan na niya.

“Pinagpala si Kit na mabigyan ng anak na kagaya mo kaya alagaan at mahalin mo siya,” payo ko sa kaniya.

Napatango naman si Kiru. “Oo naman po.” Tinuro niya ako gamit ang tinidor na hawak niya. “Huwag ka pong mag-aalala, hihilingin ko po na sana ay mabigyan din kayo ng anak ng mahal mo.”

I can’t help but to smile and hope for that wish to come true. Kahit na imposibleng mangyari ay aasa at aasa pa rin ako.

Ang bata pa ni Kiru pero kung makapag-isip at makapagsalita ay ang tanda na. Paano pa kaya kapag nagsama na sila ni Rui?

“Kiru, can I have a few strands of hair?” tanong ko ng maalala ko na kailangan iyon ni Waks para sa DNA test.

“Sure?” nag-aalinlangang tanong niya saka uminom ng juice.

Inilabas ko ang gunting na nasa loob ng bag na dala ko saka ginupitan ang buhok ni Kiru sa ilalim. Nakangiti ko itong inilagay sa lalagyan bago pa man makita ni Kit ang ginawa.

“Tapos ka ng kumain, Kiru?” gulat na tanong ni Kit nang makita niyang tumayo na si Kiru.

“Opo, maglalaro muna ako sa labas.”

“Mag-iingat ka,” payo ni Kit saka umupo na at nagsimulang kumain. “Hindi ka pa ba kakain?”

Napatawa ako saka nagsimula na ring kumain. Kapag nalaman ’to ni Rui ay lagot ako. Alam kong hindi pa sila nagkaayos ni Kit pero wala pa akong balak na tumulong sa ngayon.

“Kuya Rein, ano ang gusto mong pag-usapan?”

“Nakita mo na ba ang ama ni Kiru?” Napahinto si Kit nang magtanong ako. Alam ko ang tungkol sa kanila dahil naikwento ito ni Kit sa akin dati.

Ngumiti siya nang malungkot saka uminom ng juice. “Oo, hindi naman ’yon maiiwasan dahil guro ako ng anak niya.”

So, hindi alam ni Kit na hindi totoong anak ni Rui si Yuki?

“Masaya na akong naging guro ako.” Ngumiti si Kit sa akin. “Kung hindi dahil sa iyo ay hindi ko makakamit ang pangarap ko. Sa araw walang-wala talaga ako, tinulungan mo ako kaya maraming salamat.” Yumuko pa si Kit nang kaonti sa akin.

Napahigpit ang hawak ko sa baso habang umiinom. Kung alam mo lang Kit ang totoo kung bakit ka nagkaroon ng scholarship at kung bakit kita tinulungan. Lahat ng ’yon ay dahil sa sakripisyong ginawa ni Rui para sa ’yo kahit na hanggang ngayon ay nagdudusa pa rin siya.

“At least hindi mo sinayang ang tulong na ibinigay ko sa ’yo,” nakangiting saad ko kaya napangiti rin siya.

Wala na kaming ibang pinag-usapan kundi ang mga nakaraan at ang nangyayari sa buhay ni Kit. Pagkatapos kong magpaalam sa kanilang dalawa at nagsimula na akong umuwi sa bahay.

Pagkarating ko ay agad kong nakita si Waks sa sala na ngayon ay kaharap ang laptop. Nakangiti akong tumabi sa kaniya.

“Welcome home!” Dinampian niya ako ng halik sabay yakap. “Nakakuha ka ba?”

Napatawa ako saka hinalikan siya. “Ako pa ba?”

“Parang pinaglalaruan natin sila,” mahinang saad ni Waks na ngayon ay nakakandong sa akin habang sapo niya ang mukha ko.

Ngumiti ako saka dinampian ng halik ang leeg niya. “Don’t worry, let the fate decide for them.”

“We’ve been hiding the truth from Rui and Kit.”

Alam kong gusto ni Waks na magkabalikan at magkaayos ang dalawa pero hindi pa ito ang tamang oras.

“Gusto ko lang surpresahin ’yong matanda.”

Binatukan ako ni Waks. “Ang sama mo sa tatay mo.”

“Dahil naging masama siya kay Rui pero ayos na ’to. Hindi na ako makapaghintay na makitang mahimatay si Dad kapag nalaman niyang may apo siya.”

Timeless [MPREG]✓Where stories live. Discover now