CHAPTER 43

25.4K 936 120
                                    

Chapter 43

Clayton’s Pov

"CLAYTON anak," salubong sa akin ni tita Hilda nang tama namang nagising ako at papasok sila. Nandito kami sa resthouse nila ngayon. Nakasunod sa kanya si Tito na hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha.

Lumuluhang sinugod ako nang yakap ni tita. Tumayo ako at sinugod rin mahigpit na akap si Tita. Nawalan ako ng malay kanina at dito nila ako dinala. Pinagalitan pa ako ni Raphael dahil nalaman kasi nila na wala akong maayos na kain. Si Daniel ay kinuha na ni Colt sa mansyon.

Muli na naman akong umiyak. Ayaw kong tanggapin na wala na si Lorcan ang hirap. Sobrang hirap. Pina-test nila ang katawan ni Lorcan kung sa kanya ba talaga ang katawan na iyon at p*tang*na! Sa kanya nga.

"Sshh! Tahan na, anak." pag-aalo sa akin ni tita Hilda na umiiyak din.

"Clayton, anak." Tawag sa akin ni tito Stevan. Lumapit siya sa akin at ti-nap ang balikat ko. "Be strong, son."

Umiling ako. "H-hindi tito hindi po iyon bangkay ni Lorcan. Hindi pa po patay ang anak ninyo, hindi pa po patay ang boyfriend ko.  Hindi po sa kanya iyon," patuloy sa pag-agos ang luha ko. Pagod na pagod ako kakaiyak pero wala akong ibang magawa.

"Anak, magpakatatag ka. M-mahirap din sa amin ito. Nag-iisang anak n-namin si Lorcan. He's our unico hijo, but w-we must a-accept this. E-even if it hurts, we h-have to accept it na w-wala na siya. Na wala na ang a-anak ko, ang b-boyfriend mo."

Umupo kami ni tita. Si tito naman ay pumunta sa kusina. Pinalis ni tita ang luha sa pisngi niya. Pero kagaya ko ay patuloy rin sa paglabas ang luha niya.

"Alam mo ba na tumawag sa amin ang anak namin na magpo-propose siya sa iyo?" Magkahalo ang lungkot at ngiti ang binigay sa akin ni Tita. Kinuha niya ang kamay ko saka pinisil niya iyon.

"N-nasabi po s-sa akin nina Desmond," nauutal kong saad.

"We're very glad that finally our son decided to get married. We supported him to his decision. Do you know that I was the who choose his proposal ring? I choose that ring because I know you will love it and it will fit you well." Tita whispered and wiped her tears.

Dumating si Tito na dala ang isang pitcher at may dala rin siyang babasaging baso.

"Drink, hon. You said your thirsty earlier." si Tito at binigyan ng tubig si tita.

"You should also drink, son. You cried so much." Binigay sa akin ni tito ang isang baso ng tubig. Tinanggap ko iyon gamit ang dalawang kamay ko pero hindi muna ako uminom. Hawak ng dalawang kamay ko ang baso, binaba ko ito sa hita ko. Nakita ko ang repleksyon ko sa tubig. Parang kinagat ng ilang bubuyog ang mata ko sa pamumugto nito. Namumula din ang mata ko. Nakakatulogan ko ang pag-iyak ko. Ayaw ko nang umiyak. Nakakapagod na pero ang traydor kong luha ayaw magpa-awat.

Gusto kong maging matapang para sa sarili ko at para kay Daniel kaso hindi ko pa kaya. Kaya ngayon hinahayaan ko na ang luha kong tumulo nang tumulo dahil gusto ko nang matapos na ito. Gusto kong ibuhos lahat ng luha ko ng isang byahe lang para hindi na ako umiiyak mamaya, mamayang gabi, sa madaling araw, bukas at sa sumunod pang araw.

"It is also very hard for us to accept that our son died in this way, Clayton. But what can we do? It's his fate. Its God will." Tumingin ako kaya tito.

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now