CHAPTER 30

34.8K 1K 203
                                    

Chapter 30

Clayton’s Pov

NAITAKIP ko sa aking mata ang braso ko nang pagkagising kong tumama sa akin ang sinag ng araw. Napakamot ako sa aking leeg at tinulakbong ang kumot saka muling pinikit ang mata. Jusko! Gustong-gusto ko pang matulog. Heto na naman po ako sa problema ko. Itong pagod na pagod ako kahit na kakagising ko pa lang sa umaga. I think I need enervon.

"Ugrrhhhh!!!" Inis kong sambit dahil kahit anong gawin ko hindi na ako makabalik sa tulog ko. Tang*na. Ito 'yong pakiramdam na gustong-gusto matulog ng katawan ko pero iyong diwa ko tang*na parang nakalaklak ng isang pack ng 3 in 1 coffee! gising na gising! Bwesit na bwesit na ako.

Dahil hindi maganda ang gising ko pikit matang pinagpapatid ko ang kumot at unan.

"You look like a baby throwing a tantrum, Perkin." Napamulat ang ako nang marinig ko ang boses ng dahilan kung bakit hindi maganda ang gising ko. Kung hindi niya ako pinagod magdamag hindi sana magiging ganito ang gising ko. Naglakad siya patungo sa akin habang binabatones niya ang button down shirt niya. Sumampa siya sa kama at hinalikan ako. "Good morning, babe." Umalis din siya sa kama at bumalik sa harapan ng malaking salamin.

Sumimangot ako sa kanya. "Walang good sa umaga ko. Kaya bad morning!"

"Why? Don’t you like good morning kiss? Do you prefer good morning s*x instead?" Tukso niya sa akin. Tumingin siya sa rolex watch niya. "I still have time."

Napapikit ako sa inis sa kanya. Hindi ba pa sapat na halos hindi na niya ako pinapatulog! S*x addict!

"Hindi, 'no! P-pagod ako." Mahinang saad ko. Narinig ko ang pagtawa niya.

Nakita kong nahihirapan siyang itali iyong necktie niya. Kaya napagdisesyonan kong tulungan siya.

"Ako na mag-aayos sa necktie mo." Pagbobolyuntaryo ko.  Tumayo ako sa kama. Pero laking gulat ko na nakaboxer lang pala ako. Napatingin ako sa ibaba ko bago tumingin kay Lorcan. Tang*na! Tssk! Boyfriend ko na siya kaya walang malisya na ito. Nagkailang score na siya sa akin, 'no! Nakita na niya ang lahat-lahat sa akin. Kaya kampante akong naglakad sa ibabaw ng kama upang lapitan siya. Pero hindi pa man ako nakakarating sa paanan ng kama ay lumapit na siya roon at binuka ang malaki at matitigas niyang braso. Jusko! Anong nagawa ko sa past life ko at biniyayaan mo ako ng ganito ka gwapong lalaki? Ahhh! I feel blessed.

Na-excite tuloy ako. Nawala bigla ang inis ko kanina. Niyakap ko ang braso ko sa leeg ni Lorcan at pinulupot ang binti ko sa bewang niya. Naglakad siya at pinaupo niya ako sa mesa na nasa harapan ng malaking salamin. Inayos ko ang necktie niya.

"Hindi ka marunong mag-ayos ng necktie?" tanong ko sa kanya at tumingin saglit sa mata niya.

"Hmm." Sagot niya.

"E, sino ang nag-aayos ng necktie mo?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Sometimes Alfonso did it. Sometimes my secretary." Dahil sa huling sinabi niya nahila ko ng malakas ang necktie niya kaya napaubo siya ng wala sa oras.

"F*ck! Are you trying to kill me, babe!"

"G*go ka! Sinong secretary 'yan!"

Ang inis sa mukha ni Lorcan kanina ay napalitan ng nakakalokong ngiti.

"Are you jealous again?"

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now