CHAPTER 17

38.1K 1.3K 312
                                    

Chapter 17

Clayton's Pov

MAAGA akong nagising dahil nauhaw ako. Kaya tahimik akong bumaba ng hagdan para uminom ng tubig sa kitchen. Ewan ko ba kung maaga ba akong nagising o wala lang ba talaga akong tulog. Kada-pikit ng mata ko mukha ni Lorcan ang aking nakikita. Ayaw ko naman siyang laging iniisip pero iyon yung nangyayari. Laging laman ng isip ko ang simpleng pagtaas ng gilid ng labi niya. 'Yong simpleng paggalaw ng bibig niya. 'Yong simpleng pagtawag niya sa apilyedo ko. Parang call sign na niya iyon sa akin. Well, kung hindi iyon call sign niya sa akin, para sa akin call sign na iyon.

Aaminin ko na hindi na gusto itong nararamdaman ko para kay Lorcan. Ewan ko. Ito 'yong unang pagkakataon na nakaramdam ako ng ganito. Iyong pakiramdam na tumitigil ang oras sa paligid mo pag nandyan siya. Iyong pakiramdam na pag nand'yan siya. At tumitibok na ang puso mo. Na sa simpleng aksyon na ginagawa niya may meaning sa akin. Iyong pakiramdam na para kang laging nalalagutan ng hininga pag nasa malapit ang taong nagpapatibok ng puso mo. Ilan lang yan sa mga nararamdaman ko pag nasa tabi ko si Lorcan.

Sobrang takot ang naramdaman ko kagabi. Dahil akala ko kung ano na ang sasabihin niya nang marinig niya ang tanong ko kay Jhera.

"Perkin, what kakaiba did you notice in my house?"

Pigil hininga akong humarap kay Lorcan. Gamit ang blankong ekspresyon niya ay pinakatitigan niya ako gamit ang berde niyang mata na parang kumikisap sa paningin ko. Nagawa ko pa 'yang mapuna sa sitwasyong ito.

"What?" sunod niyang untag.

Nangangapa pa ako kung ano ang isasagot ko sa kanya.

"Jhera, go to the dining room." may awtoridad niyang utos kay Jhera.

Sa gilid ng mata ko ay nakita kong nagpunas ng kamay si Jhera saka yumuko at umalis. Gusto kong abutin ang kamay ni Jhera at sabihin sa kanya na wag akong iwan dito. Kaso nakaalis na ito.

Humakbang si Lorcan papalapit sa akin. Sumandal ako sa sink at iniwas ang tingin sa kanya.

"Answer me." he demanded. Pinagkrus niya ang mga matitipuno niyang braso sa harap ng kanyang malapad na dibdib. Habang ganun pa rin ang ekspresyon ng mukha niya.

"A-ano kasi . . . pakiramdam ko ang daming misteryo ng mansyon mo . . . pati na ikaw at ng mga kaibigan mo. Parang ang dami niyong sekreto." sa wakas ay sagot ko. Sinabi ko na sa kanya ang totoo wala rin naman akong iba pang maisip na palusot. Saka kung papaalisin niya ako sa bahay niya dahil nagtatanong ako. Mas pabor iyon sa akin dahil makakalaya na ako rito kaso iniisip ko naman si Mama. Pero kung ang damdamin ko ang tatanungin, ayaw ko nang umalis dito.

"What mysterious things?" Maa bumaba ang tono ng boses niya ngayon. Ang sexy. Palihim kong kinurot ang kamay dahil sa naisip.

"K-kagaya ng sa 3rd floor. Bakit bawal pumunta roon? Nagtataka lang naman ako saka tao rin ako naku-curious din."

Binaba niya ang kamay niya na galing sa malapad niyang dibdib saka humakbang na naman papalapit sa akin. Napalingon ako kung may maaatrasan ba pa ako pero dead end na.

Gamit ang matigas niyang braso ay kinulong niya ako sa pagitan no'n. Nilagay niya ang kamay sa gilid ng sink. Binaba niya ang ulo at nilebel sa ulo ko. Naririnig ko ang tibok ng puso ko. Nakakabingi na ang tibok ng puso ko dahil sa lapit ng mukha namin.

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now