CHAPTER 38

32.8K 1.1K 278
                                    

Chapter 38

Clayton’s Pov

NAGISING na naman ako sa pamilyar na silid. Ang pinagkaiba lang ngayon ay mas malaki itong silid na ito at malaki rin ang kama. Tapos may mga halaman pa at iba pang dekorasyon. Parang normal na silid lang ito at wala ospital.

Igagalaw ko na sana ang isang kamay ko upang bumangon dahil naiihi ako pero nakita kong mahigpit na hinahawakan ni Lorcan ang apat kong daliri. Nakaupo siya sa isang silya at nakayuko sa kama habang natutulog. Akmang hihilahin ko ang kamay ko nang humigpit lalo ang pagkakahawak niya roon.

Pilit kong inaagaw ang kamay ko sa kanya at bumaba sa kama dahil ihing-ihi na ako. Nagbanyo ako at pagkatapos ay lumabas. Halos tumakas ang kaluluwa ko sa katawan dahil sa gulat nang pagbukas ko sa pintuan ay nakatayo roon si Lorcan at nakahalukipkip.

"L-lorcan," sambit ko sa pangalan niya.

Isinara ko ang pintuan ng banyo at nilagpasan siya pero nakailang lakad lang ako ay naramdaman ko kaagad ang presensya niya sa aking likuran. Agad na gumapang ang malaki at makalas niya braso sa maliit kong katawan. Napatigil ako.

"I missed you so much, babe." ani Lorcan at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko.

"Lorcan," anang ko at hinawakan ang kamay niya na nakapulot sa akin. Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin at mas isiniksik niya ang mukha roon sa leeg ko.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang mainit na  likido na dumaloy roon.

"L-lorcan umiiyak ka ba, oi." wika ko at pilit na gumalaw pero hindi niya ako hinayaan. Gusto kong makita ang mukha niya. Gusto kong punasan ang luha niya.

"Let's just stay like this for a moment, babe."

Bumuntonghininga ako at hinayaan siya.

"I-I'm scared . . . I'm scared that you'll going to leave me, Clayton. The moment that I knew that you were gone. I almost went crazy and I'm not exaggerating it."

Hinarap ko siya at sa pagkakataong ito ay hinayaan na niya ako. Niluwagan niya iyong pagkakayakap niya sa akin pero nanatiling nakagapos ang mapag-angking braso niya katawan ko.

Pinalis ko ang luha sa mata niya. "Galit ako. Galit ako sa ginawa mo sa akin Lorcan. Galit na galit ako kung alam mo lang. Ginawa mo kasi akong tanga. Niloko mo ako. May marami kang oras para sabihin sa akin iyon pero . . . hindi mo ginawa. Alam mo ba ang pakiramdam ko noong nalaman ko iyon? Pakiramdam ko ay tinalikuran ako ng mundo Lorcan." Tumakas ang luha sa mata ko. "Pakiramdam ko ang tanga-tanga ko. Ang tanga-tanga ko para hindi mapansin ang lahat ng iyon. Ang tanga ko para hindi makaramdam na bulag ako sa pagmamahal ko sa'yo." I yelled at pinukpok ang dibdib niya.

"Noon pa lang ay nagtataka na ako kung bakit nagsosorry sa akin si Jersey—si Jason tapos nasundan pa iyon ni Colt noong pumunta siya sa bahay namin. Pero hindi ko masyadong inisip iyon. Tapos iyong babala ni Desmond isinawalang bahala ko iyon. Natabunan iyon ng pagmamahal ko sa'yo. Bulag na bulag ako sa pagmamahal mo." umiiyak kong saad. Kinabig ako ni Lorcan at niyakap. Umiyak ako ng husto sa dibdib niya wala na akong paki.

"I'm so sorry. I'm sorry, babe, I really am."

Kumalas ako sa pagkakayakap niya at tiningala siyang muli. "Alam mo ba kung ano iyong nakakainis? Na kahit na anong galit ako, na kahit sa pagkamuhi ko sa'yo ay mahal . . . mahal pa rin kita, Lorcan." humihikbi kong wika.

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now