CHAPTER 28

31.2K 1.1K 460
                                    

Chapter 28

Clayton’s Pov

UMAWANG lang ang labi ko habang tulalang nakatingin sa babaeng nasa harapan ko na hinangaan ko kanina. Hindi ko maigalaw ang akinh paa, para akong pinako sa kinatatayuan ko.  Boyfriend? Sa mansyon ng boyfriend niya? Baka naligaw lang ang babaeng ito? May namumuo naman talagang ideya sa utak ko kung sino ang babaeng nasa harapan ko ngayon ayaw ko lang tanggapin.

Humakbang siya papalapit sa akin. Habang nakakrus pa rin ang braso niya. "For a house boy, you have a nice complexion." Pagkokomento niya. "But I don't feel good about you."

Gusto ko siyang tanungin. Gusto kong magsalita pero parang may nakabara sa lalamunan ko. Naisara ko ang bibig ko.

"Clayton!" Dahil sa tawag na iyon ni Esmeralda. Doon ko lang nagalaw ang katawan ko. Nilingon ko si Esmeralda na laging seryoso ang mukha at kumukulubot na konti. Inabot niya ang braso ko at itinago ako likuran niya.

"Woah! Your son Esme?" anang ng babae.

Hindi iyon pinansin ni Esmeralda. "Muli Lindsey umalis ka na rito dahil wala rito ang hinahanap mo. Wala rito si Young Master." Bumaling ang mata ko kay Esmeralda bago tuminging muli sa babae na si Lindsey. Si Lorcan ang hinahanap niya.

"I can wait for him." Nakangising saad niya.

"Umuwi ka na lang muna sa inyo o sa penthouse mo. Sasabihin ko na lang kay Young Master kapag nakauwi na siya na pumunta ka rito." suhestiyon ni Esmeralda.

"Esme, just so you know I have a room here. So I.will.wait for.Lorcan.here." May diing pagkakasabi niya.

"Clayton, umakyat ka na sa silid mo." utos ni Esmeralda habang hindi tinatanggal ang paningin kay Lindsey. Dumaan sa mukha ni Lindsey ang gulo at pagkabigla dahil sa inutos ni Esmeralda.

Tahimik akong umalis doon at umakyat sa taas. Panay ang sulyap ko sa kanilang dalawa habang paakyat ako. Nagsusukatan sila ng tingin. Nang makarating ako sa ikalawang palapag ay narinig ko ang muling pagsasagutan nila. Nagtago ako sa dingding upang marinig ko sila. Alam ko naman na bawal ang makinig sa usapan ng may usapan pero nagsisigawan na naman sila.

"Lindsey-"

"You call me madame," rinig kong pagpuputol ni Lindsey kay Esmeralda.

Tumawa ng nakakainsulto si Esmeralda. "Bakit kita tatawaging madame? Matagal na kayong hiwalay ni young master! Noon pa man Lindsey unang beses pa lang kitang nakitang tumapak sa mansyong ito ayaw ko na sa pagmumukha mo. At nadagdagan iyon noong iniwan mo ang amo ko at ang anak mo sa kanya. Ngayon. Anong karapatan mo dito para tawagin kitang . . . .” nagpabitin pa ng ilang sandali si Esmeralda. "Madame?"

"You. B*tch!"

"Huwag mo akong matawag na ganyan Lindsey. Tandaan mo matanda pa rin ako sa'yo." Nakakamangha talaga itong si Esmeralda. Taas-noo niyang sinasagot itong babae.

"What is that boy doing upstairs? He supposedly on the maid's quarter! No one's allowed to go their e-except-"

"Hay! Napakaganda mo sanang babae Lindsey pero may pagkatanga ka rin. Sa tingin bakit siya nando'n? At ano naman sa'yo iyon? Hindi kung sino-sino lang ang lalaking sinasabihan mo ng house boy dahil ang lalaking iyon kahit kailan ay hindi pa nakakahawak ng basahan sa panahon ng nandito iyon."

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon