CHAPTER 8

45.3K 1.6K 253
                                    

⚠️MATURE CONTENT BELOW. READ AT YOUR OWN RISK.
--------------------

Chapter 8

Clayton’s Pov

BUONG buhay ko hindi ko kailanman natanong ang sarili ko ang tungkol sa aking kasarian. Kasi lalaki ako 'yon iyong nasa isip ko. Pero sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko, ngayon ko lang napagtanto na pinaniniwala ko lang ang sarili ko. Sa mga nakikita ko sa kumunidad natin hindi naman talaga fully accepted ang mga LGBT. Nakikita ko kung paano sila husgahan ng mga tao kahit na wala naman silang ginagawa. People tend to belittle them because of their gender identity, and I didn't like it.

Noon pa man talaga ay wala na akong nagugustuhang babae. As in never even once. Gusto ko lang na kasama sila, bond with them but beyond that wala na and also wala pa rin naman akong nagugustuhang lalaki. Not until now, I don't understand up until now kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Lorcan pero kapag nasa harapan ko siya o naiisip ko siya parang may kung ano sa tiyan ko na kumakawala. I tend to think of him every now and then. Now, I am confused about my gender identity. Am I gay? Bi? I don't know anymore.

Linggo pa nga lang ako na nandirito tapos ito na ang problema ko. Paano pa kung magtagal pa ako rito? Mababaliw na ako. Pero isa lang ang dapat kung gawin para agapan 'tong bawal na nararamdaman ko. Dapat hindi ko ito ituloy dahil alam ko na kahit na hindi sinabi ni Lorcan wala naman talaga siyang thing into guys at ayaw rin niya sa mga taong naa-attach sa kanya.

He already made it clear the first day we met. At wala rin akong balak na lagpasan iyon. Never!

Hindi ko mabilang kong ilang buntonghininga na ang ginawa ko rito sa kwarto ko. Sabi kanina ni Lorcan ay dapat i-pursue ko siya para payagan niya akong pumasok ulit sa school pero ang malaking tanong ko. PAANO? How can I pursue him?

Ipagluto ko kaya siya? Agad kong iniling ang ulo ko sa naiisip. Masarap magluto ang chef ng mansion walang-wala ang luto ko kung ganun.

Masahiin ko kaya siya? Siguro pagod iyon dahil sa trabaho niya. Naibagsak ko ang katawan ko sa kama dahil walang pumapasok na ideya sa utak ko.

Tapos biglang pumasok sa isip ko ang panaginip ko kanina. Jusko! Tanghaling tapat tapos nanaginip ako ng ganun! Ano 'yon? Namiss ko ang halik ni Lorcan? Pero sobra naman ata iyon umabot pa sa sipsipan ang nangyari. Wet dream ba iyon? Wet dream sa tanghaling tapat!

Pero, ano kaya ang pakiramdam kapag totoo na at hindi na sa panaginip? Napadapa ako sa kama at ipinadyak ko ang paa ko. Ano nang nangyayari sa akin? Sa utak ko?

Umupo ako sa kama ng may biglang kumatok sa pintuan.

"Clay, gising ka ba? Handa na ang dinner." Boses iyon ni Jhera sa labas ng aking silid.

Inayos ko ang sarili ko bago pumunta sa pintuan at sinilip si Jhera. Tapos tumingin ako sa hallway ng second floor.

"Si Lorcan?" tanong ko kay Jhera na nakatingin sa hallway ng may pagtataka.

"Dinala ni Esmeralda ang dinner ni Young Master sa kwarto nito. May tinatapos pa raw'ng trabaho, e."

Napatango ako kay Jhera bago lumabas at isara ang pinto. "Mabuti naman," bulong ko pero narinig pa ni Jhera.

"Anong mabuti naman?" Kunot-noong tanong niya.

"Ah, wala-wala." Iwinawasiwas ko ang kamay ko sa harap niya at sabay na ngumiti ng hilaw.

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon