CHAPTER 4

49.1K 2K 390
                                    


Chapter 4

Clayton’s Pov

PAGPASOK ko sa restaurant ay napahawak ako sa maglabilang braso ko. Sobrang lamig o sadyang nilalamig lang talaga ako dahil sa kaba. O dahil na rin sa mainit na panahon sa labas at pagpasok ko rito ay sinalubong agad ako ng malamig na atmospera. Kakapasok ko pa lang pero naririnig ko na ang tamang-tama lang sa ingay na musika sa loob ng restaurant. May mga tao na tahimik na nag-uusap. Mga tao na swube lang ang galaw, pihikan, sopistikado/a . . . isa lang ang nahihinuha ko. Mga mayayaman ang mga tao na nandirito.

Tiningnan ko ang mga tao na nakasuot ng mamahalin at mula sa mga kilalang brand na mga damit. Nakasuot ng alahas na hindi ko alam na kung ilan ang halaga mula sa leeg, tenga, kamay at mga daliri may nakasabit na alahas na kumikinang sa ganda.

Nakapatingin tuloy ako sa sarili ko. I look like a beggar compared to them. Thankfully, they didn't notice my gaze.

"Sir, are you Mr. Clayton Perkin?" Pag-iingles sa akin ng isang waiter. Buti na lang ay hindi ko napagkamalan ang waiter na isa sa mga kustomer dito. Mabuti pa ang waiter naka-suit.

"O-oo, ah . . . oo a-ako nga." Nalilito pa ako kung mag-iingles din ba ako o hindi. Tuloy nauutal ako.

"This way, Sir." Inilahad niya ang kamay niya. Sumunod naman ako sa kanya. Nagtaka ako ng makarating kami sa harap ng isang pintuan kulay itim at ang handle naman ay kulay ginto. Parang kahit langaw ay madudulas sa sobrang kintab. Napansin ko nga rin na kahit na ang tiles nila ay parang salamin. Mabuti na lang at nag-sneakers ako. Mahigpit ang kapit sa tiles na parang di dinapuan ng alikabok. Ako lang siguro ang alikabok dito. Nandito kami ngayon sa second-floor ng restaurant at ang second-floor ay puro mga room. Akala ko ay nasa isang magarbong hotel tuloy ako.

"D-dito na?" tanong ko sa waiter.

"Yes, Sir Mr. Lavoisier is already waiting for you." Sagot niya sa akin at nag-bend siya tsaka binuksan ang pintuan.

"Bakit hindi sa baba?" Hindi ko mapigilang usal sa sarili ko.

"Mr. Lavoisier is a VVIP here, sir." Napalingon ako sa waiter na nakahawak pa rin sa handle ng pintuan.

I only gave the waiter a quizzical look.

Dahan-dahan akong pumasok. Napalingon pa ako ng sumara ang pintuan. Akalain mo nga naman na ang isang room dito ay parang times 3 sa laki kumpara sa condo ni Jersey. Nakita ko na may nakahanda na parang catering service sa gilid na may nga pagkain na hindi ko alam kung ano-ano ang pangalan. May isang tao naman na nakatayo roon at hula ko waiter din iyon dahil pareho sila ng suit ng waiter na nagdala sa akin dito.

Napatingin ako sa lalaki na nakatingin sa labas. Kulay itim na transparent glass ang wall kaya klarong-klaro lang ang nasa labas. Nakatalikod lang ang lalaki na malaki ang pangangatawan sa gawi ko.

"You're 10 minutes and twenty-five seconds late, Mr. Perkin. Would you mind if I asked you to move faster than you usually do?" Baritong sabi ng lalaki na nakaupo at nakatalikod sa akin.

Ang kaninang paghanga ko sa buong karangyaan ng restaurant na pinasukan ko ay nagsiliparan at napalitan ng kaba. Parang gusto ko nang tumakbo papunta banyo at magkulong. Naiihi na rin ako sa kaba. Sa lamig ng airconditioned na room na ito ay pinagpapawisan pa talaga ako. Pasmado na yata ako.

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now