CHAPTER 6

44.3K 1.7K 182
                                    

Chapter 6

Clayton’s Pov

"MR. Perkin, Mr. Perkin wake up. We're here." Nagising ako dahil sa pagtawag sa akin ni Alfonso, na kanang kamay ni Lorcan na driver ko ngayon. Ibinuka ko ang isang mata ko at napahikab. Bumangon ako mula sa pagkakahilig ko at nagflex ng buto ko. Nangalay ng leeg ko dahil sa aking tulog.

"Anong oras na po?" tanong ko kay Alfonso na nasa driver's seat

Tumingin siya sa bisig niya bago sumagot sa akin. "3:20 PM." Mga dalawang oras din pala ang byahe namin. Nakatulog nga ako sa sasakyan dahil sobrang tahimik ni Alfonso.

Nauna ng bumaba si Alfonso sa kotse ay nahiya pa ako dahil pinagbuksan niya pa ako ng pintuan. Nang makalabas ako ay bahagya akong yumuko sa kanya bilang galang at pasasalamat.

Hamakbang ako papunta sa compartment ng sasakyan pero napatigil ako nang magsalita si Alfonso.

"Ako na ang magdadala ng gamit mo sa loob. Just get inside." baling niya sa akin.

Halos lumuwa ang mata ko sa nakikita ko ngayon. Sa harap ko lang naman ngayon ang bahay ni Lorcan. Aakalalain mo nga naman na ang tinutukoy na bahay ni Lorcan ay mansion naman pala! Sa labas pa nga ay nagtatayuan na ang malalaking apat na haligi na siyang entrance ng mansion na tatlong palapag. Mula sa labas ng mansion ni Lorcan ay nakikita ko ang ala renaissance period inspired na disenyo. Ang paligid naman ay mayroong mga halaman na kagaya sa mata ni Lorcan na puro berde rin ang nakikita kong mga halaman. Ang ground mga puro bermuda at tanging ang daanan lang ng sasakyan ang nakasemento. Tapos sa harap ng mansion ay may fountain na may tatlong angel na may turutot na siyang bumubuga ng tubig.

"Sir, this way." Nagulat ako na babaeng nagsalita sa gilid ko na naka-uniforms' maid. Medyo nakayuko siya sa akin pero kahit na hindi siya yumuko ay mas mataas ako sa kanya ng konti at ang buhok niya ay hanggang leeg.

"Oh, ah, oo." Nauutal kong saad, 'di pa rin nakabawi sa gulat. Kung itong mansion na 'to ang tawag ni Lorcan at bahay, ano na lang kaya ang tawag niya sa bahay namin kapag nakita niya iyon? Siguro tatawagin niya iyong bahay ng aso.

Nauna ng naglakad ang maid at sumunod ako sa kanya. Hindi ko mapigilang mapalingon-lingon sa paligid ko na bagong-bago sa mata ko. Nakakamangha talaga. Mas lumabas tuloy ang pagiging ignorante ko. 'Yong dalawang mamalaki ang katawan na guard na nakatayo sa labas ng pintuan ay siyang bumukas ng napakalaking pintuan ng mansion. Woah, grabe!

Pagbukas ng pintuan ay sabay na bumuga ang bibig ko at bumilog ang mata sa nakikita ko ngayon. Sa paningin ko ay parang kumikinang ang buong paligid. Lahat ng makikita ko rito sa loob ay kulay ginto. Mula sa chandelier na kumukisap sa liwanag na siyang nagpapatingkad sa paligid. At ang sahig na pwede ka ng manalamin sa sobrang kintab. Tapos ang hagdanan sa kabilang dako ay kulay ginto rin ang railings doon. Parang pumasok ako sa imabakan ng ginto.

"Kung may langaw lang sa bahay ko. Matagal nang napasukan ang bibig mo, Perkin." Napalingon ako sa aking likuran kung saan si Lorcan na napakagwapo sa sout niyang puting long sleeve na nakatupi sa siko niya. Nakasabit sa kamay niya ang coat niyang itim. Pero yong paraan niya sa pagsasalita ng tagalog ay sa hindi ko malamang dahilan ay ang sexy no'ng pakinggan. Parang nanunuot sa kaibuturan ng katawang lupa ko.

Napailing ako. Nababaliw na yata ako.

"L-lorcan."

"Aren't you tired of shaking your head." puna nito at lumapit sa akin. "Do you like what you're seeing?"

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now