CHAPTER 1

86.2K 2K 200
                                    

Chapter 1

Clayton’s Pov

NAPA-ILING ako nang may nakita ako sa school ground namin na may naglantad ng pagmamahal niya raw kuno sa isang babae, 'yong tinatawag nilang proposal. Tssk, gumastos pa sa bulaklak, chocolates, balloons, at may pa confetti pa sa huli. Maghihiwalay din naman tapos nakagastos ka pa. Ako ay isang dakilang NGSB at sa edad kong dalawampu't dalawa ay hindi pa ako nagkagusto sa isang babae. Nagagandahan at humahanga naman ako sa ilang mga babae, pero never pa akong nagkagusto nang to the point that I want her to be my girlfriend.

Every girl's dream is to have those kinds of confessions and surprises from their suitors or loved ones. Pero 'di rin ba nila naiisip na gusto rin naming mga lalaki na sinusurpresa? I clutched on the sling of my Nike Air backpack, pero piki iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Uwian na at sa ganitong oras ay siksikan sa exit, kaya minabuti ko na lang na hindi masyadong magmadali dahil maiipit lang naman ako ro'n.

"Sweetie pie!" Umalingawngaw ang malakas na boses ng isang kilala kong boses. I secretly rolled my eyes in disbelief. I knew it was Harem. Harem was my gay classmate; siya lang 'yong masasabi kong close friend ko talaga rito sa loob at labas ng university. Pag-college ka na, bihira ka lang makakakita ng totoong kaibigan mo at makakasama mo talaga. Hindi rin gaya sa high school na marami kang mga barkada; sa college isa o dalawa na kaibigan ayos na.

Sinadya ko ngang iwan siya sa classroom kanina itong si Harem kasi nainis ako sa kanya. Bigla niya kasi akong hinalikan ang pisngi. D*mn this faggot friend of mine. Mas bata sa akin si Harem ng isang taon at nasa third year college na kami ngayon sa kursong BSHM. Minsan na kasi akong tumigil sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay namin. Mabuti na lang at nakapag-working scholar ako rito sa MU, not mutual understanding and definitely not mabuting usapan, but Mcpaulavenet University. The university is one of the most prestigious universities in the country and they offer scholarships to those underprivileged students. And luckily, I'm one of those many working scholars here at MU. Kung hindi lang dahil sa scholarship na 'to ay hindi siguro ako makakapagpatuloy sa pag-aaral ko.

"Harem stop calling me sweetie pie because I'm not your sweetie in the first place. At mas lalong hindi pie ako ang  mo!" Naiinis kong sumbat dito.

"Ahhhw, nagalit ang sweetie ko," tunog nang-aasar nitong wika.

Nagsisi tuloy ako at kung bakit hindi ako nakipagsiksikan doon sa exit. Ngayon ay kailan kong tiisin ang kaingayan ng kaibigan ko. I'm straight pero nagclick ang pagkakaibigan namin ni Harem.

"Sabing hindi—"

"Kalma-kalma lang hindi naman 'to mabiro. Atsaka nag-sorry na nga ako, 'di ba!" Siya pa ang may ganang pagtaasan ako ng boses. "Napasubo lang naman ako sa truth or consequence kanina." rason niya.

"Kaya nga sinabi ko sa'yong 'wag kang sumali roon." Dahil alam kong pag-ganoong mga laro sa loob ng classroom namin may mga ganong consequence talaga. Kaya nga ako nakontento nang manood na lang sa kanila.

"Eeehhhhh," tumili siya. "Alam mo namang nando'n ang bebe ko. Nagbabakasali ako lang 'no na siya 'yong hahalikan ko pero alam mo, Clay." Tumingin siya sa akin. "No'ng hinalikan kita sa pisngi . . . ." Tumaas ang kilay ko dahil binibitin niya talaga. "Nandidiri ako!" sigaw niya sa pagmumukha ko tapos ay kumaripas ng takbo palabas.

"Tang*na mong bakla ka!!!" Kaya ayon naghabulalan kaming dalawa patungong exit ng school. Hanggang sa makalabas kami ay hindi ako nakabawi kay Harem sa pagsigaw niya sa pagmumukha ko.

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon