CHAPTER 13

40.6K 1.5K 336
                                    

⚠️MATURE CONTENT BELOW. READ AT YOUR OWN RISK.

Chapter 13

Clayton’s Pov

NAPABUNTONGHININGA na naman ako. Hindi ko na mabilang kong ilang beses na akong napabuntonghininga magmula ng maupo kami sa kuwayan na sofa rito sa bahay. Si Lorcan ay nasa tabi ko habang si Colt naman ay nasa harap naming dalawa na hindi makatingin ng deretso sa kaibigan. Si Lorcan naman ay parang lawin ang matang nakatingin kay Colt na hanggang ngayon ay nakatapis lang ng tuwalya. Ako na ang naaawa kay Colt baka sumakit ang tiyan nito.

Nag-aalala ako sa kalagayan ni Colt pero ako man ay hindi mapakali sa kinauupuan ko. Panay ang buntonghininga at hindi mapirmi ang tingin sa kahit na saang banda sa bahay namin.

"Answer me, Colt." Mayamaya ay wika ni Lorcan na walang paring pagbabago sa boses niya. Sersoyo at malamig pa rin.

Tumingin ako kay Colt na napangiwi at ipinilig niya ang ulo.

"Can I wear some clothes first, Lorcan?"

"Answer me first. You knew better what I don't like Colt." Makahulugang saad ni Lorcan saka humilig sa sofa at pinagkrus ang braso sa harap ng dibdib niya.

"Ano kasi . . . .” pagsisimula ko at bumaling kay Lorcan kaso ang tingin ni Lorcan ay na kay Colt pa rin. "P-pumunta siya rito kagabi-" Hindi ko matuloy ang pagsasalita ko nang bumaling ang seryosong mukha ni Lorcan sa akin.

"He went here, and you let him sleep here while you pushed me away? Wow!" Sarkastiko niyang wika at napatiim-bagang.

"Ano k-kasi Lorcan . . . .”

"What?" Pinagtaasan niya ako sa kilay niya. "You f*cking stay still Colt we're not done yet!" Turo ni Lorcan kay Colt sa kabilang banda pero ang tingin ay nanatili sa akin. Sumulyap ako kay Colt na napayuko saka bumalik sa kinauupuan niya. Napangiwi siya.

"Pagbihisin mo muna 'yong tao, Lorcan." Baling ko sa kanya.

Tumaas lang ang kilay niya sa akin.

"Are you demanding me again?"

Umiling ako.

"Hindi nagsalita lang ako kung ano ang dapat."

Pagak siyang tumawa pero wala iyong ka-humor-humor. Bigla itong ngumisi at walang ano-ano'y walang pagdadalawang isip nitong inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Mabuti na lang at naiatras ko ang ulo ko dahil kung hindi ay nahalikan na niya ako.
Akmang hahalikan na naman niya sana ako nang tumunog ang tiyan ko. Napayuko siya at nagtaas-baba ang balikat niya. Tumatawa ba siya?

"Before I'll eat you maybe you should eat your breakfast first." saad niya at inangat ang ulo niya sa akin at tumaas ang gilid ng labi nito.

Natataranta akong tumayo at nagtungo sa kusina. Pagdating ko sa kusina ay napakapit ako sa table at napalunok. Kinalma ko ang nagwawala kong damdamin.

"Kumalma ka." pagkakausap ko sa damdamin ko.

Sumilip ako sa kurtina na nakatabing upang makita si Lorcan at Colt na seryosong nag-uusap. Hindi naririnig ang pinag-uusapan nila dahil mahina lang ang boses nila. Si Colt naman ay panay ang tango kay Lorcan. Nang tumayo si Colt ay agad kong tinigil ang pagsilip ko sa kanila.

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now