CHAPTER 20

35.9K 1.2K 90
                                    

Chapter 20

Clayton’s Pov

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa pamamanhid ng kamay ko. Akmang iaangat ko ang aking kamay nang maramdaman ko anng mabigat nito. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Nakita ko si Daniel na mahimbing na natutulog at nakaunan sa braso ko. Kaya pala. Tumagilid ako at inayos ang ulo niyang nakaunan sa aking braso.

Hinaplos ko ang buhok niya. Natakot talaga ako kagabi dahil akala ko nawala na siya. Buti ay sina Desmond lang pala ang kumuha sa kanya. Kung hindi man, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Malilintikan talaga ako sa tiyuhin niya.

Hindi ko magawang magalit kay Desmond at Laszlo sa ginawa nila pero tinakot talaga nila ako ng husto. Naalala ko tuloy iyong nangyari kagabi.

FLASHBACK

Nakaupo lang ako sa gilid ng guard house sa Marcet Village. Ayaw kong pumasok doon dahil hindi ko pa nahahanap si Daniel. Niyakap ko ang tuhod ko dahil malalim na ang gabi at malamig na.

"Sir papasok po ba kayo sa loob. May hinihintay pa po kayo?" tanong ng guard sa akin. Pang ilang beses na niya akong sinabihan na pumasok sa village.

Umuling ako sa kanya.

May paparating nan kotse kaya tinakpan ko ang aking mata. Tumigil ito sa tapat ko at bumusina ng malakas. Walang modo!

"Hey! Clayton!" Napatayo ako nang makilala ko kung kaninong boses iyon.

"Oi, Colt." tanging usal ko.

"Why don't you get in? Kanina ka pa hinahanap nina Desmond."

Kumunot ang noo ko sa kanya. "Bakit nila ako hinahanap? Si D-daniel iyong nawala ko Colt. Sa tingin nakidnap siya." nag-aalalang saad ko.

"Sumakay ka na ihahatid kita sa bahay ni Lorcan." utos niya.

"Hindi pwede Colt. Hindi pa mahanap si Daniel."

"You have your phone?" tanong niya.

Umiling ako. Nasira na iyong telepono ko.

"Just get inside."

Wala akong nagawa at pumasok ako sa kotse  niya. Pero hindi niya pa kami umuusad. Nakakandar lang iyong makina ng kotse niya.

"Sa iyo lang siguro muna ako, Colt habang hindi pa nakikita si Daniel." ani ko.

Tamad siyang umiling. "Nasa bahay na ni Lorcan si Daniel."

"Ano?" Gulat akong napatingin dito.

"Si Desmond ang kumuha kay Daniel no'ng nasa mall kayo. And the rest is history," napakakaswal niyang saad na para bang walang nangyari. Tapos ako halos mabaliw na sa kakahanap kay Daniel. "They're just pranking you." he glanced at me.

"Sinong kasama niya?"

"Si Las," sagot niya sa akin.

Bumalik ako sa pagkakasandal sa kinauupaun ko. Nakahinga ako nang maluwag. Mas mabuti ng sina Desmond at Laszlo ang kumuha kay Daniel kaysa naman nakidnap talaga. Dahil kung ganun siguro maghuhukay na ako sa sarili kong libingan. Saka tingin ko naman hindi hahayaan ni Lorcan na mawala ang pamangkin niya. No'ng nasa school nga lang kami ang daming MIB ang sumama sa amin. Tapos itong mall si Ronnie lang ang pinasama niya.

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now