PROLOGUE

106K 2.4K 180
                                    

Prologue





"CLAY, pakihatid nga ito sa table 15." Kakagaling ko lang sa locker room pero madali kong sinunod ang utos sa akin ni Ate Kris, ang may-ari ng pinagpa-part-time-man ko ngayon.

Kinuha ko ang tray ng tea at dinala iyon sa table 15. Pagdating ko roon ay isa-isa ko iyong nilagay sa table nila na puro lalaki yung umakupa. Nasa pang-huling tea na ako na ilalagay sa table nang biglang hawakan ng lalaki ang kamay ko. Sa gulat ko ay hindi agad ako nakabawi sa pagkabigla.

"Whoa, I knew it! Your hand is very soft." Ewan ko kung komplemento ng isang lalaking may piercing sa tenga.

Hinablot sa ang kamay ko mula sa kanya. I bend my head a bit and am ready to leave but before I can do my pace, narinig ko pa ang huli niyang sinabi.

"Clay, right? I like you, Clay." Parang nagsitayuan ang balahibo ko dahil sa narinig. Ang bulgar ng lalaking iyon.

Ilang beses na akong nakarinig ng gano'ng mga linyahan mula sa mga lalaki at isinasantabi ko na lang iyon. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay. Yes, inaamin ko. I do appreciate men's beauty pero hindi naman umaabot sa punto na gudto ko na rin silang maging kasintahan o karelasyon.

"Anong klaseng mukha yan, Clay?" Natatawang wika ni Ate Kris pagdating ko sa counter kung saan siya.

"Ate, naiinis ako sa customer table 15." Inis na sabi ko sa kanya.

Umiling lang si ate. "Hoy, Clay loyal customer 'yan dito pero pansin ko nga ay may ini-s-stalk ang isa sa kanila rito. Akala ko no'ng una ay si Janice pero ikaw pala."

Umikot na lang ako sa counter para tulungan si Ate Kris at di nagsalita dahil baka kung saan na iyon umabot.

"Oi, Clay kanina pa nagriring ang phone mo dun sa locker mo," saad sa akin ni Janice pagdating niya. Si Janice ay kagaya ko rin na nagpa-part time dito.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya dahil sino naman kaya ang tatawag sa akin?

"Sige, Clay tingnan mo iyon baka importante," ani Ate Kris.

Tumango ako.

Hinubad ko ang suot kong apron at dinala ko iyon papuntang locker room. Kinuha ko kaagad ang bag ko sa loob ng locker ko at kinalkal ko ang cellphone ko sa aking bag. Lumaki ang mata ko nang makita kong may 15 missed call iyon pero unknown naman ang caller. I decided to call the number dahil hindi ito tatawag kung hindi importante or emergency. Ilang ring lang ay sinagot na nito ang tawag ko.

"Hello," usal ko.

"Hi, ito ba si Clayton, ikaw ba 'yong anak ni Ellen?" Hindi ko mapigilang magtaka dahil alam niya ang pangalan ni mama at alam niya rin ang pangalan ko.

"Oo, ito nga po, bakit po?" sagot ko.

"Kanina ka pa namin kinucontact pero 'di ka sumasagot pero pumunta ka agad ngayon sa LCL Hospital dahil inatake ang nanay mo at nasa emergency room siya ngayon."

Dahil sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang telepono ko. Parang ayaw magsink sa utak ko ang narinig ko ngayon. Walang sakit ang mama ko pero bakit nasa emergency room? At anong at bakit inataki si mama?


Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now