CHAPTER 18

34.8K 1.3K 246
                                    

Chapter 18

Clayton’s Pov

UNANG araw ng semestral break pero heto ako. Nakahiga sa kama at masama ang pakiramdam. Nilalamig ako ng husto. Ngayon pa ako nagkasakit kung kailan gusto kong pumunta sa Lattea. Bigla ko kasing namiss kasi si Ate Kris at 'yong trabaho ko roon.

Pagod kong minulat ang mata ko. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang katawan ko na nakabihis na ako. Sa pagkakaalala ko kagabi ay natulog akong hubo't hubad. Tinagilid ko ang ulo ko at inalala kung sino ang maaaring nagbihis sa akin. Hindi maaaring si Jhera! Tang*na lang. Sino naman kaya si Lorcan? Pinilig ko ang ulo ko. Mas maniniwala pa siguro akong si Jhera na lang dahil malabo namang si Lorcan. Sa nalaman niya kagabi posibleng paalisin na ako no'n dito sa mansyon niya.

Bakit ko nga naman kasi nasabi iyon? Pahamak talaga ang bibig ko kahit kailan.

Ang lamig ng pakiramdam ko pero ang init ng hininga ko. Tssk! Bwesit na lagnat! Mahina akong bumangon dahil pakiramdam ko ang bigat at pagod ng katawan ko.

Pagkatapos kong mag-cr ay lalabas na sana ako nang biglang nanghina ang tuhod ko. Akala ko masasalampak ako sa tiles pero may matigas na braso mula sa likod ko ang sumalo sa akin. Mabilis ang kilos kong umalis sa kamay ni Lorcan. Humarap ako sa kanya. Nakita kong naka-jeans lang siya at walang damit pang itaas. Halatang bagong ligo siya dahil basa pa ang buhok niya. Tumalikod ako sa kanya saka inabot ang busol.

"You have a fever?" tanong niya bago pa ako makalabas.

Hindi ako humarap sa kanya. "Uhmm," tugon ko sa kanya.

"Ipapaakyat ko rito si Jhera to take care of you."

Hinarap ko siya dahil sa sinabi niya. "H-hindi na kailangan Lorcan, kaya ko ang sarili ko." Pagmamatigas ko.

"It' s an order." Pinal niyang wika.

"Pero kasi . . . .”

"If you don't want to be a burden then you should at least wear something before you doze off!"

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Kagabi ay ibang iba siya tapos ngayon, ano 'tong paandar niya?

"Kung nag-aalala ka dahil nilalagnat ako-"

"Don't misunderstood me again, Perkin. I'm not worried about you! I'm just worried about Daniel because his looking for you! What if he catches your cold? That's.all. I am. concern. with." may diin niyang saad.

Halos matawa ako sa sarili ko. Bakit ko nga ba sinabi na nag-alala siya sa akin? Ano niya ba ako? Parausan lang na pagkatapos gamitin iiwan na lang at kukunin na naman kung kailan kakailanganin niya. Ganun lang ako sa kanya.

"Ah, o-oo nga pala," huminga ako ng malalim. "S-sige kung 'yan ang gusto mo."

Lumabas ako ng CR at sumandal sa pintuang nilabasan. Napatawa ako nang mapait sabay ng pagtulo ng luha sa mga mata ko. Sa ganito lang ako magaling. Nagpadausdos ako sa pintuan saka niyakap ang tuhod. Tinago ko ang mukha ko at ko at tahimik na umiiyak. Walang awa rin talaga si Lorcan kahit na sa mga salita niya ang sakit. Hindi man lang ba niya inisip na may lagnat ako. Sana  fi-in-lter man lang niya 'yong sinabi niya.

"CLAYTON!" pag-angat ng ulo ko ay nakita ko si Jhera na may dalang tray. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang damit ko. Bago sumubok na tumayo.

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now