CHAPTER 11

41.3K 1.5K 360
                                    

⚠️SLIGHT MATURE CONTENT BELOW. READ AT YOUR OWN RISK.

Chapter 11

Clayton’s Pov

"MA, gumising ka na. Miss na miss na kita, 'ma. Marami akong gustong sabihin sa'yo 'ma. Marami ang nagbago sa loob lang ng isang buwan, 'ma." ani ko habang hawak ang kamay ni Mama. Wala pa rin siyang malay na nakahiga sa hospital bed pero nagkukwento ako sa kanya. Para kasing ito ang kailangan ko ngayon. Kailangan kong mailabas itong dinadamdam ko kundi baka sumabog ito sa loob ko.

"'Ma, pati yata ang kasarian ko ay nagbago rin." Pagpapatuloy ko. Natawa pa ako ng mapakla. "Sana magising ka na 'ma dahil marami akong gustong ikwento sa’yo. . . sana mapatawad mo ako 'ma. Sana mapatawad mo ako sa kasalanan ko sa'yo."

Binitawan ko ang kamay ni mama saka pinunasan ang luha na lumakbay sa pisngi ko. Nitong mga nakaraang araw ay napansin kung nagiging emosyonal na ako. Siguro dahil lang ito sa pangungulila ko kay mama. Biglang pumasok sa isip ko si Lorcan.

'Hmm, hindi ko naman namimiss ang taong iyon.' Tanggi ng utak ko pero iba ang binubulong ng damdamin ko. Ayaw kong magpakulong sa walang kapaparoonan na nararamdaman ko dahil alam kung malaking bawal ito. Pero kung hindi ba bawal si Lorcan, ayos lang?

Simula noong pumasok ako muli sa MU ay kada uwian ko na binibisita si mama sa kadahilanang mamimiss ko siya. Pero syempre isa na rin sa dahilan ko na ayaw ko munang umuwi sa mansion ni Lorcan. Gusto ko pag-uwi ko ay matulog na lang ako at pagsapit ng umaga ay papasok agad ako sa eskwela. Hindi ako kumakain doon simula noong umalis si Lorcan na hindi ko alam kung saan o baka tama si Colt na nasa Abu Dhabi sila. Masakit kasi sa parte ko na talagang parang isa lang akong bayaran . . . na lalaki.

Kung may iba lang sana akong maisip noon na paraan siguro hindi magiging ganito ang takbo ng buhay ko. Malamang hindi ako nasasaktan ng ganito dahil sa nararamdaman ko. May parte sa akin na nagpapasalamat nga ako na hindi pa umuuwi si Lorcan dahil parang mababaliw na ako. At halos isang linggo na nga siyang wala sa mansion niya.

Para na nga akong baliw dahil pati sa panaginip ko ay nando'n si Lorcan. Puro na lang siya. Minsan napapanaginipan ko na sweet siya sa akin, na nilalambing niya ako, na naghahalikan kami. Pero paggising ko sumasampal sa akin ang mga reyalidad. Na kahit kailan hindi mangyayari ang mga panaginip ko.

Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa paaralan dahil ngayon ang play namin. At naging totoo nga na ako ang gumanap na katambal sa male lead. Napi-pressure nga rin ako— kami na kasali sa play. Lalo na si Joseff. Si Joseff ang lead male nagaganap na kasintahan ko sa play. Napi-pressure kami dahil sabi ng teacher namin na siyang direktor din ay darating daw ang mga may-ari nitong MU. Mamayang hapon pa naman ang play pero pinapunta kami rito ng maaga dahil one last practice raw before sa real play na.

Habang umiinom ako sa aking mineral water ay lumapit si Joseff sa kinauupuan ko. "Okay ka lang?" tanong ni Joseff nang matapos kong uminom. Dala-dala niya ang sariling water jug. Umupo rin siya sa tabi ko.

"Medyo kinakabahan lang." Totoong sagot ko. Syempre sino ba naman ang hindi kakabahan pagnalaman pupunta ang mga may ari ng paaralang ito na sila ring dahilan kung bakit ako nakapag-aral dito.

"Huaag kang kabahan dahil pati ako kinakabahan sa'yo. Nararamdaman ko ang panginginig mo kanina. At pati rin sa mata mo nakikita ko ang kaba mo." Puna niya.

"Para namang hindi ka kinakabahan. E, pati nga naman ikaw kinakabahan din at napi-pressure." Balik kong untag sa kanya.

Nilagay niya ang water jug sa tabi niya at humarap sa akin.

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon