CHAPTER 29

31.6K 1.2K 203
                                    

Chapter 29

Clayton’s Pov

NAGISING ako na uhaw na uhaw ako parang natuyuan ata ang lalamunan ko. Nagising na naman ako sa isang pamilyar na silid halos ilang araw pa lang no'ng huling narito ako. Nasa ospital na naman ako. Suki na ata ako rito sa LCL hospital.

"Clayton buti nagising ka na." Bungad ni Harem at binigay sa akin ang isang baso ng tubig. Bumangon ako at umupo bago tinanggap ang baso ng tubig. Inibus ko ang isang baso ng tubig.

"Harem-"

Pinutol niya ako. "Nakakatampo ka." malungkot niyang wika.

Hawak ng dalawa kong kamay ang baso, binaba ko ito at yumuko. "Sorry Harem, sorry talaga."

"Alam mo bang wala akong nagawa kanina habang pinagsasalitaan ka ng babaeng iyon ng hindi maganda? Hindi ko alam kung papaano kita puprotektahan kung ako mismo hindi alam kung ano na ang nangyayari sayo."

"Harem."

"Siguro kasalanan ko rin. Siguro hindi ako naging mabuting kaibigan."

Nilagay ko ang baso sa maliit na mesa sa gilid ko at inabut ang kamay niya. "Hindi. Huwag kang magsalita ng ganyan, Harem. Ako ang hindi naging mabuting kaibigan. Marami akong nililihim. Ang hirap lang kasi ng sitwasyon ko. Kung alam," tumigil ako saglit para punasan ang luha na dumaan sa pisngi ko. "Kung alam mo lang Harem kung gaano ko kagustong sabihin sayo ang lahat p-pero kasi bawal hindi pwede. Nahihirapan na rin naman ako. Kaya sa nangyari ngayon kasalan ko rin siguro. Siguro ito na iyong bayad dahil sa pagsisinungaling ko."

"Tumigil kang lalaki ka!" Umupo si Harem sa hospital bed at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. "Huwag na nating pagtalunan kung sino ang may kasalanan sa atin o kung sino ang nagkulang sa pagkakaibigan nating ito. Basta ang importante ayos ka lang at hindi ako naniniwala sa sinasabi ng babae kanina. Alam ko may dahilan ka. Kaya iintindihin kita, Clay. Nandito lang ako.  Alam mo bang nung nawalan ka nang malay. Wala ni isa ang dumalo sa'yo. Lahat sila ay parang nandidiri sayo." Mapait akong ngumiti sa kanya. Ano pa ba ang aasahan ko?

"H-harem, t-totoo iyong sinabi ng babae kanina. T-totoo iyong sinabi ni Lindsey kanina. Ginamit ko ang katawan ko para sa pera. K-kaya kung nandidiri ka sa akin Harem, ayos lang."

"Naiintindihan kita, Clay." Binitawan niya ang kamay ko saka huminga siya ng malalim. "Sa panahon na kailangan mo ako wala akong nagawa. Wala akong natulong. Alam ko naman na hindi mo gagawin iyon kung hindi kailangan ni tita, ng mama mo, diba? Kilala kita higit man sa iba dyan kaya hindi ako nandidiri sayo. Dahil alam ko, hindi ka naman ganoong tao. Alam kong hindi ka kagaya ng sinasabi ng babae kanina."

Ngumiti ako saka niyakap si Harem. Muling tumulo ang mga luha ko. Saan pa ba ako makakahanap ng ganitong klaseng kaibigan sa mundo.

"Salamat. Salamat, Harem."

Kinuwento ko sa kanya kung papaano ko nakilala si Lindsey at kung bakit ganun na lang ang reaksyon ni Lindsey sa akin. Nagtanong pa siya kung ayos lang ba raw na malaman niya ang lahat ng sinabi ko sa kanya, e sinabi ko raw kanina na hindi pwede. Syempre sinabi ko na kakausapin ko si Lorcan. Siguro maiintindihan niya iyon saka kumalat na school iyon. Ang hindi lang alam nila ay si Lorcan iyong lalaki ko. Kinuwento ko rin sa kanya na nagustuhan ko si Lorcan na nahulog din ako sa lalaki kinalaunan. Ang bakla kung kaibigan kinikilig pa.

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now