CHAPTER 2

56.9K 1.8K 233
                                    

Chapter 2

Clayton’s Pov

UMUPO ako sa sofa namin na gawa sa kuwayan. Naninibago ako sa katahimikan ng bahay namin. Minsan kasi kapag umuuwi ako sa bahay si mama ay nandyan sa labas ng bahay namin at nagtitinda ng barbeque. Tapos ang bahay namin ay maingay dahil mahilig makinig ng music si Mama, usually ang pinapakinggan niya ay mga music ng Air Supply.

Nilibot ko ang tingin sa buong sala namin. Maliit lang ang bahay namin at kapag nakaupo ka sa tanggapan namin ay nakikita mo na ang kusina namin. Ang nagsisilbing divider lang ng kusina at tanggapan namin ay isang mahabang kurtina lang na naka sabit sa divider namin. Sa divider naman namin ay nando'n ang 21 inches naming TV, ang DVD, at nando'n din ang dalawang maliit na speakers tapos may mga souvenirs din at mga pictures namin ni Mama roon.

Lumapit ako roon sa divider namin at kinuha ko ang picture namin ni Mama Ellen. Kinuha ko ang picture na iyon kinunan noong 20th birthday ko. Dinala kasi ako nito mama sa Jollibee. Natatandaan ko pa na ayaw kong sumama kay mama dahil masyadong childish 'yon para sa akin. Pero mapilit talaga si Mama at gusto niya rin daw na maranasan ko ang mag-jollibee
And for the first time in my life at sa 20th birthday ko, nagjollibee kami ni Mama. Sabi niya dapat daw ay magpicture kami para remembrance raw. Sa mumurahing cellphone ko pa kinuha ang larawan namin.

Tumulo ang luha ko at niyakap ko ang larawan na iyon namin ni Mama. Hindi ako papayag na mawala ang mama ko. Limang taon lang ako mula no'ng iwan kami ni Papa. Simula noon, si Mama na ang kasama ko sa hirap, lungkot, gutom, at saya ng buhay ko. Kaya gagawin ko ang lahat maoperahan lang siya. Kahit anong klaseng trabaho o paraan pa yan gagawin ko para sa mama ko.

Nagising ako na nakahiga ako kuwayan naming sofa at nasa kamay ko pa ang picture namin ni Mama. Hindi ko alam na nakatulog pala ako. Nagluto ako ng breakfast ko tapos ay naghanda sa mesa namin. Tatawagin ko na sana si Mama nang maalala ko na nasa ospital pala siya. Tiningnan ko ang mesa na tig-dalawa ang nilagay kong plato, baso at kutsara. Tumingala ako upang pigilan ang luha ko na nagbabadya na namang tumulo. Bumuntong hininga ako bago umupo at kumain.

Pagkatapos kong kumain ay naghanda ako ng mga damit ko dahil habang nasa ospital si Mama do'n muna ako. Wala kasing magbabantay sa kanya maliban sa akin. Wala na akong relatives sa side ni Mama at sa papa ko naman ay hindi ko sila nakilala ni minsan. Hindi ko nakilala ang mga lolo at lola ko o mga pinsan ko man. Kaya nga wala akong malalapitan na kahit isa . . . ako lang ang maaasahan ni Mama. Kaya kailangan kong magpakatatag. Nagdala rin ako ng kaonting damit ni Mama kung kakailanganin. Nakakapanibago.

Pumasok ako sa school at wala namang masyadong ganap. Ang mga chismis at rants lang ni Harem ang naririnig ko. Kaya no'ng uwian na namin ay sabay kaming naglakad patungong exit.

"Teka nga lang Clay,"  ani Harem sabay hawak sa kamay ko, humarap ako sa kanya at tumingin sa kamay niyang nakahawak sa akin. Pareho kaming dalawa na tumigil sa paglalakad. "May problema ka ba?" sunod niyang wika sa akin.

Binitawan niya kamay ko.

Malalim na hininga ang kumawala sa akin bago ako tumingin sa kanya.

"Hmm," tumango ako sa kanya.

"May matutulong ba ako?" panaka niyang tanong.

"Hindi ko alam, Harem," mahinang saad ko.

"Sabihin mo akin kung ganun."

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now