CHAPTER 7

44.1K 1.6K 226
                                    

⚠️ SLIGHT MATURE CONTENT BELOW. READ AT YOUR OWN RISK.

Chapter 7

Clayton’s Pov

ISANG linggo na akong nandirito sa mansion ni Lorcan pero ang huling pagkikita lang namin ay iyong araw na dumating ako rito. Pagkatapos no'ng hinalikan niya ako ay hindi ko na siya nakita at wala rin 'yong kanang kamay niya na si Alfonso.

Bumaba ako saka pumunta sa napakalaki rin na dining room dito sa mansion para mag-almusal. Minsan naiisip ko na mas mabuti pa ang bahay namin na maliit dahil pakiramdam ko ay masigla pa iyon kaysa sa marangyang mansion na ito pero wala namang kabuhay-buhay.

Halos dalawang linggo na akong hindi pumapasok sa MU dahil hindi nila ako pinapayagan. Dapat daw ay magpaalam ako kay Lorcan. Pero wala naman akong contact number ni Lorcan. Nagtanong ako sa mga maids dito pero wala rin silang contact number ni Lorcan. Nag-aalala ako dahil baka matigil na naman ako sa pag-aaral ko nito. Oo, naisip ko na tumigil sa pag-aaral dahil maghahanap ako ng trabaho para panggamot kay mama pero kung ganito man lang ang gagawin ko ay mas mabuti pang mag-aral na lang ako.

"Clay, nakahain na sa dining room pupuntahan na sana kita sa kwarto mo." anas ni Jhera nang makasalubong ko siya pababa. Si Jhera ang naging kaibigan ko rito sa loob ng isang linggo kong pagtira sa mansyon ni Lorcan. Noong una ay nagdadalawang isip pa siya dahil baka raw masisante siya pag nalaman ni Lorcan na nakikipagkaibigan siya sa akin. Pero syempre wala naman dito si Lorcan at sabi niya rin hindi naman daw masyadong umuuwi rito si Lorcan sa mansion.

"Hmm, sige pero tapos na ba kayong kumain?" suna ko at nagpatuloy sa paglalakad papuntang dining room.

"Hindi pa pero pagkatapos mo ay saka na kami kakain ganyan kami rito, Clay." tugon niya naman.

"Hindi ba pwedeng sabay na lang tayong kumain?" Napanguso ako.

"Hindi pwede Clay mapapagalitan tayo ni Esmeralda." Paalala niya.

Tama siya. Isang beses ay kumakain ako ng lunch, pinilit ko si Jhera na umupo at samahan akong kumain. Pero nang nadatnan kami ni Esmeralda ay pinagalitan niya si Jhera at hindi rin ako nakaligtas sa pangangaral at galit nito. Sabi ni Jhera kaya raw masungit si Esmeralda dahil matandang dalaga raw iyon. Nagawa niya pa talagang magbiro. Tsk!

May isa pang beses na pumunta rin ako sa bakuran dito sa mansion. Nakita ko si Ronnie na nagdidilig ng mga halaman kaya tinulungan ko siya dahil naboboryu na ako sa kakahiga at panood ng TV. Hinayaan ako ni Ronnie na tumulong sa kanya at sa kasamaang palad ay nakita ako ni Esmeralda kaya ayon si Ronnie at ako ay napagalitan na naman. Si Esmeralda pala ang parang mayordoma rito sa mansion ni Lorcan. Nang napagalitan kami ni Ronnie ay nakita ko na kalmado lang si Ronnie at hinihintay lang niya na matapos si Esmeralda sa pagsasalita. Siguro ay nasanay na siya sa ugali na iyon ni Esmeralda. Naaawa ako.

Tumango ako kay Jhera at tahimik kami hanggang sa nakarating kami sa dining room.

"Clay, sana hindi mo masasamain pero kaano-ano ka ni Young Master?" Kuryosong tanong ni Jhera na nakatayo sa gilid ko. Ang tinutukoy niyang young master ay si Lorcan.

Napatigil ako sa pagsusubo dahil sa tanong niya. "K-kaibigan niya ako." Pagsisinungaling ko kay Jhera. Iyon lang kasi ang naisip kong maaaring isagot sa kanya dahil hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na ibeninta ko kay Lorcan ang katawan ko. Baka mahimatay si Jhera sa kinatatayuan niya.

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant