CHAPTER 19

9.6K 211 8
                                    


"P-paanong wala na si Seven? kaka-kausap ko palang sakanya kaninang umaga." lumuluha kong saad. Nakakabigla naman, P-paano? Anong nangyari sayo Sev?

"N-Ngayon ngayon ko lang din nalaman, hindi ako naniwala noong una." anito, patuloy pa din kaming humikhikbi. Naglakad ako papunta sa kama ko at humiga doon, niyakap ko ang unan, naka loud speaker ang phone ko at inilapag ko sa may unan ko.

Bakit naman po ganito, Lord? May dumating nga po. Nalaman kong magkakaanak na ako. Pero bakit kinuha niyo samin si Seven? Hindi ko pa nasasabi sakanya na magkakaanak na ako, simula nang makaalis ako ay hindi ko pa siya nakikita. Araw ng kaarawan niya ngayon tapos imbis magsaya siya sa araw ng birthday niya nawala naman siya.

Ito ang sinasabi ng matanda ng mangyayari na kailangan kong maging malakas.

Walang tigil ang pag daloy ng mga luha ko habang pinakikinggan si Raquel.

"Kaibigan ng pinsan ko ang ate Savy ni Seven, then kanina galing ako ng soffee shop ni Tita. umiiyak si ate Queen pagdating ko. Tinanong ko siya kung bakit..." Humikhikbing aniya.

"..S-sinabi niyang kinwento daw sakanya lahat ng kapatid ni Seven ang nangyari kanina, H-hindi siya tinanggap ng magulang niya noong umamin siya, kaya lumayas siya. Malakas ang ulan dito samin Idalia,
malakas ang ulan nang umalis si Seven dala ang sasakyan niya hindi ko man lang siya nadamayan. May nakabanggaan siyang isang sasakyan. Ang nakabangga niya ay nakaligtas samantala si Seven hindi." Parehas na kaming umiiyak.

Seven, Bakit? Lord, Bakit nangyayari to? Hindi po ba pwedeng wala na lang mawala? Bat kailangang may mawala pa?

"Bago mag simula ang dinner nila kasama ang family niya ay nagkausap pa kami, mga 6:30 pm." aniya, Humihikbi pa din.

6:30 din ang oras kung saan nasa loob ako ng Ashmie.

"G-Grabe, hindi ko na naisip na mawawala si Seven. Bakit naman ganun? Kinuha siya agad agad." Humikhikbing sabi ko, sobra sobra na to' lord, bakit naman ganun?

"God Sev, sana masaya ka kung nasaan ka. mamimiss ka namin " humikhikbing ani Raquel, mahina ang boses nito sa kabilang linya pero rinig ko pa din.

Pumikit ako. Seven, sobrang sakit. Pero hindi ako pwedeng magpalamon sa emosyon ko.

Seven, I'm pregnant. Kaba at excitement ang nararamdaman ko maisip ko palang na sasabihin ko na 'to sainyo, tapos ganito. Nang iwan kana agad. hindi ko pa nga nasasabi, e! Nakakainis ka!

Okay, Buntis ako. Bawal magpalamon sa emosyon. Baka kung anong mangyari sa baby ko. Base na din sa mga napapanood ko sa tv.

Tulala ako habang nakaupo dito sa sala. iniisip ko si Seven, iniisip ko kung bakit ang bilis niyang nawala. Bakit kinuha siya kaagad? Ang bait na tao ni Sev, Ganun ba talaga? Mababait ang parating maagang kinukuha? Pag masamang damo matagal mamatay, ganun?

Hinaplos ko ang tiyan ko. Napangiti ako sa kadahilanang masaya ako at magiging dalawa na kami, pero nalulungkot kasi wala dito ang ama niya. Lalaki siyang walang ama. Dahil paniguradong ikakasal na si Prof.

Naisip ko si Seven, lqala na si Seven. Wala na ang taong isa sa nag bigay ng saya sakin. Kaibigang pang habang buhay na nakaukit sa puso ko, Kaibigang mahal ko. Kaibigang hinding hindi ko na muling makikita. Kaibigang parating nandiyan para sakin.

Seven, Pwede bang yakapin mo ako?Miss na miss na kita. Hindi man lang kita nayakap o nakita sa huling araw mo.

Niyakap ko ang unang nasa tabi ko at doon umiyak.

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now