01-24-22/07-07-22 Si Angel ay isang katulong sa isang mansyon na pinagtatrabahuan ng kanyang lola,ang mansyon ng mga Vamps. Kilala ang mga Vamps dahil sa sila ay nagmamay-ari ng iba't ibang lupain at mga business sa iba't ibang bansa. Mabait ang mga Vamps lalo na sa kanila ni Angel at sabi pa nga nina Mr. And Mrs. Vamps na pagdating daw ng panahon ay gusto nilang ikasal si Angel sa isa sa anak nila na dahilan para mandiri si Angel,ayaw ni Angel na makasal sa isa sa anak ng mga Vamps dahil wala lang ayaw nya lang at hindi nya pa ito nakikita,dahil ayon sa kay Mr.and Mrs. Vamps ay nasa USA raw ang mga ito. Masaya si Angel habang pinagsisilbihan ang mag-asawa dahil sa kabaitan ng mga ito,ngunit isang araw ay nabulabog ang kasiyahan ni Angel dahil dumating na mula USA ang mga anak ng mag-asawang Vamps. Ano kaya ang magiging takbo ng pamumuhay ni Angel sa mansyon ng Vamps kasama ang limang prinsepeng anak ng mag-asawang Vamps? Matiwasay parin ba at masaya? O mag-iiba ang takbo ng kanyang pamumuhay doon? ♡♡♡.