CHAPTER 20: SICK

47 4 0
                                    

Chapter 20

Angel's POV,

Masaya akong makita si Moyb dahil bumisita s'ya sa bahay pero hindi rin s'ya nagtagal doon dahil may tumawag sa kanya at emergency daw.

Kahapon lang ako nakalabas ng hospital pero hindi pa ako pinapasok dahil mataas ang lagnat ko,walang pasok si Janice kaya s'ya ang nag-asikaso sa akin. Last month ko ata nalaman na si Moyb pala ang kapatid ni Janice.

FLASHBACK

Nasa labas kami ng mansyon ng mga Vamps ni Moyb dahil hinatid n'ya ako,galing kasi kami sa jollibee dahil panalo sila sa liga sa baranggay na pinuntahan nila pero hindi rin kami nagtagal doon dahil may kasiyahan daw sila ng mga kaibigan n'ya, selebrasyon sa pagka panalo kumbaga.

“Ah sige Mogi I'll go ahead na it's already 8 you need to sleep early pa naman,” paalam nito at niyakap ako.

“Hmm,ikaw din 'wag ka na masyadong magpa-gabi ng uwi sa bahay n'yo baka pagalitan ka pa eh,”

“Bahay mo rin soon haha,of course Mogi hindi ako magtatagal doon promise ko 'yan,” nag-cross pa s'ya sa leeg n'ya gamit ang daliri n'ya. Tumawa naman ako.

“Sige promise?”

“Oo promise,”

“Mamatay ka pa?”

“Grabe ka naman sa akin Mogi!”

“Haha biro lang sige na papasok na ako,” paalam ko rito. Pero bago paman ako makapasok ay biglang bumukas ang gate at iniluwa nito si Janice.

“Hoy bata ka! Ang tagal kong umuwi ha at sino 'yang kasama mo—

Natigilan naman itong nakatingin kay Moyb at sunod-sunod na tumulo ang luha nito at mabilis na niyakap si Moyb na ikina-gulat at ikinataka ko. Aaminin ko kumirot bigla ang puso ko,lalo pa at tumulo rin ang luha ni Moyb.

“Wil,” tila nananabik at masayang tawag ni Janice rito at mas niyakap pa ito ng mahigpit.

“Ate,” nagulat naman ako sa tawag ni William sa kay Janice. Ate? Naalala ko naman 'yong kwento ni Janice na may kapatid s'ya na William ang pangalan—Si Moyb ang kapatid n'ya!?

“Omg ikaw 'yong boyfriend ni Angel?” hindi makapaniwalang tanong ni Janice,tumango naman si Moyb.

“Wait,what are you doing here?” nagtatakang tanong ni Moyb habang tinuturo ang mansyon ng mga Vamps. Hindi paman nakapag-salita si Janice ay nagsalita ulit si Moyb. “Don't tell me you're working here?” tinaasan s'ya ni Moyb ng kilay.

“Y-Yeah I'm working here,” nag-aalinlangang sagot ni Janice.

“Ah,sige mauna na ako ha mag-usap muna kayo,” paalam ko sa kanila.

“You sure?” tanong ni Janice,tumango naman ako.

“Okay sleep kana rin Mogi ha? Enjoy your beauty rest,love you,” tumango lang ako sa sinabi ni Moyb at pumasok na nga sa bahay.

END OF FLASHBACK

“Oo nga pala aalis ako mamaya at wala naman pasok si Shaun kaya pwede mo s'yang tawagin if you need something,okay?” tumango naman ako at lumabas na nga si Janice. Ang swerte siguro ng boyfriend ni Janice dahil may girlfriend s'yang mabait,masipag,matulungin,maganda,matalino at halos perfect na na babae,wife material pa. Ang swerte rin ni Moyb sa ate n'ya,pariho silang mabait ni Moyb pero siguro mas mabait talaga itong si Janice.

“Jela?” rinig kong tawag ni Shaun habang kumakatok sa kwarto namin ni Janice.

“Pasok ka lang po,” mahinang at mahinahong sabi ko,pumasok naman ito.

“Sana palagi ka nalang may sakit para always kang mabait,” irap ni Shaun,sinamaan ko naman ng tingin ito pero nag-smirk lang ito.

“Janice wants you to drink your medicine,here,” abot n'ya sa gamot sa akin. “I also hate that girl huh,inuutusan ako knowing that she's just a maid,” irap nito na ikinatawa ko. “I hate her but I hate you more,” umirap ulit ito at nagpinag-cross ang braso nito,bakla talaga!

“Sama mo!” inis na sabi ko sa kanya nag-smirk lang ito at dahan-dahan akong pina-upo sa kama. S'ya narin ang humawak sa tubig at pina-inom ako dahil nanghihina pa rin ako.

“Ang init mo parin,you should sleep muna,gigisingin lang kita mamaya kapag lunch na,just call me if you want anything okay?” napangiti naman ako. Hindi ko aakalain na may ganito pala s'yang ugali eh.

“What are you smiling at!?” inis na tanong nito habang inaayos ang hihigaan ko.

“Mabait ka rin naman pala,”

“H-Hindi ah,”

“Asus nahiya pa,”

“Lol I'm not okay?”

“Weh?” nanunuksong tinignan ko ito. Sinamaan nya naman ako ng tingin at hinampas ang unan sa akin.

“Aray!” sigaw ko rito at tumawa,bigla namang pumasok si Janice sa kwarto.

“Anong nangyari Angel?” nag-aalalang tanong nito.

“Eh 'yan oh hinampas ako ng unan,” tila nagsusumbong na batang sabi ko at itinuro si Shaun.

“What I'm n—

“Umalis kana nga d'yan lumabas ka! Walang hiya ka papatayin mo ba si Angel!? Alam mo namang may sakit eh!” sigaw ni Janice rito at hinila ito patayo sa kama ko.

“Hey I'm not doing anything s'ya ang nauna!”

“Eh sinabihan kalang naman ng mabait ah!”

“But you're teasing me!”

“Tahimik alis na labas kana! Talagang gusto mong patayin itong pasyente natin eh!” sigaw ni Janice at tinulak ito palabas. Natawa naman ako dahil nagsisigawan pa silang dalawa. Mas grabi ata sila kung mag sigawan kumpara sa amin ni Shaun eh.

Nagising naman ako nung nag-ring ang cellphone ko may tumawag hindi ko tinignan kong sino dahil inaantok pa ako kaya sinagot ko ito at inilagay lang sa tainga ko.

“Hmmm?”

[Natutulog ka ba?] bigla naman akong nainis nung marinig ang boses n'ya lalo na sa tanong n'ya.

“Sasagotin ko ba ang tawag mo kung natutulog ako ha!? At isa pa saan mo nakuha ang number ko?”

['Di na kailangan 'yon,pagaling ka kailangan ko sana bukas ang binigay na task ni ma'am sa atin pero hindi ka pa okay kaya 'wag nalang muna,”

“Kunin mo nalang dito,”

[Hindi ko pwedeng pabayaan ang paninda ng nanay ko]

“Sige inaantok na ako,” hindi ko na hinintay na sumagot ito at binaba ko na ang linya.

Napatingin naman ako sa oras at 7pm na pala. Hindi rin ako naka-recieve ng message galing kay Moyb hindi na katulad noon na halos minuto ay nagte-text s'ya sa akin at ina-update ako siguro busy lang talaga s'ya ngayon lalo pa at pictorial nila bukas para sa moving up.

THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)Where stories live. Discover now