CHAPTER 18: PANGANIB

45 4 0
                                    

Chapter 18

Angel POV,

BWESIT na bwesit na ako rito sa bus station dahil sa sobrang lakas ng buhos ng ulan at talagang ngayon pa talaga umulan na hindi ako sumabay sa mga asungot na mga amo ko at wala rin si William dahil may lakad daw s'ya,maging si A.E,P.Z at J.F ay hindi ko na pinahintay sa akin dahil akala ko matatagalan pa ako sa pagche-check ng mga test papers ng section II ng grade 10,inutusan kasi ako ni Ms. Beast na icheck ang test nila, punishment na rin daw ito dahil hindi ako pumunta sa dance practice namin nung sabado na ipri-prisenta namin sa Valentines day. Malay ko ba naman na may points pala 'yon at required kaming sumayaw sa Valentines day para narin sa performance grade namin tsk! Sabi lang kasi nung kaklase namin o classroom president namin na kailangan daw naming mag-practice ng sayaw para sa Valentines day eh!

In-on ko naman ang cellphone ko pero lowbat na ito at-namatay na nga! hindi rin kasi ako nakapag-charge kanina. Niyakap ko nalamang ang sarili ko dahil sa ginaw na dala nang pag-ihip ng hangin. Halos mangatog na ang tuhod ko sa ginaw,wala pa akong jacket at talagang naka uniform pa ako at ang nasuot kong palda ay manipis na hanggang itaas pa ng tuhod ko,kahit ang blouse ko ay ang nipis.

Medyo natatakot pa ako kasi lima lang kaming nandito sa bus station at puro pa sila lalaki,hindi ko rin sila kilala at iba rin ang uniform nila mukha pang mga gangster na ewan!
Nanindig naman ang mga balahibo ko dahil sa tawanan nila. Hindi ko na kasi sila nakikita dahil isa lang ang bench dito sa bus station at ang liit pa siguro apat lang talaga 'yong kasya,nasa gilid lang kasi ako ng bench na medyo nasa harapan nila kaya hindi ko sila nakikita. Napalunok naman ako nung maramdaman kong tumayo ang isa sa kanila. Bwesit! 'Wag nalang sana ngayon dumalaw 'yong takot ko at negative instinct! Naghihina pa naman ako dahil galing ako sa trangkaso.

"Hi ganda," tinignan ko lang ang isang lalaki na pumunta sa harapan ko,oo may hitsura naman pero halata talagang bad boy.

"Ah wala ka bang sundo ganda?" napayakap naman ako ng mahigpit sa bag ko dahil lumapit 'yong mga kasama nito.

"Baka gusto mo munang makipag-laro sa amin," tumawa naman sila at 'yong isa hinahagod pa 'yong likuran ko kaya agay akong umalis sa harapan nila pero bigla akong hinila nung dalawang lalaki.

"Teka lang makikipag-usap lang naman kami," nakangising sabi nung unang lumapit sa akin.

"Ano ba! Tigilan n'yo nga ako!" inis na sigaw ko sa mga ito.

"Makikipag-usap lang naman eh ba't ka umalis?" napa-atras naman ako nung biglang lumapit ang isa sa kanila at hinawakan nung dalawa ang braso ko.

"Ano ba! Bwesit bitiwan n'yo ako!" pagpupumiglas ko.

"Medyo malamig miss hindi mo ba dama?" nakakalokong ngisi nung isang lalaki at nagtawanan naman sila.

"Oo nga miss baka gusto kong magpa-init saglit o ihahatid ka namin pa uwi?" tumawa ulit sila. Inis kong sinipa ang pang-ibabang bahagi nung lalaking nasa harapan ko at pinaghahampas ang tatlo.

Kahit umuulan at madilim na ang paligid ay nagtatakbo parin ako,hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa isang tindahan na may kalayuan sa bus station hinihingal naman akong huminto sa tindahan may poste sa kabila kaya medyo madilim parin ang paligid.

Hindi ako nag-alinlangang kunin ang cellphone ko at para akong nabuhayan dahil may konting percent pa sa cellphone ko tinawagan ko naman si Moyb at ilang minuto pa bago nito sinagot.

[Oh Mogi anong kailangan mo?]

"Moyb hindi ka ba busy? Puntahan mo ako please," nanginginig na sabi ko habang palinga-linga.

[Nasaan ka?]

"Nasa isang tindahan ako malayo sa bus station-"

[Ha?teka lang hindi kita naririnig ng maayos] halos mabingi na nga ako sa ingay sa linya nya,nag-pa-party ba sila?

"Moyb please puntahan mo ako sa tindahan-

[William what are you doing there? Come on join us] nanliit naman ang mata ko sa narinig kong boses ng babae at may ibang boses ng lalaki at sobrang ingay talaga. [ Yes,susunod ako,ah Mogi usap nalang tayo bukas ingat ka sa pag-uwi]

"T-Teka-Moyb!" halos ma iyak na ako dahil hindi man lang n'ya ako pinakinggan at dahil na rin sa takot ko.

Napalunok naman ako nung nakita mo sa malayo ang mga lalaki hindi ko alam kung saan ako tatakbo. May daan sa kanan ko na nasa gitna ng dalawang magkahilerang pader at masyadong madilim na daan pero may mga bahay naman sa dulo nito,kung tatakbo naman ako sa kabila na may poste ay wala na akong matatakbuhan pa dahil trucking ang nandoon. Napahinga ako ng malalim at tumakbo sa kanan ko,hindi naman gaano ka dilim pero wala paring mga tao rito.

"Kahit tumakbo kapa nang tumakbo maabutan ka parin namin," napalingon naman ako sa kanila at dahil malapit na sila sa akin ay halos madapadapa na ako at pa ulit-ulit na lamang akong nananalangin at humihingi nang tulong sa diyos,hindi rin mawala sa bibig ko ang pangalan ni William.

"Ah!" napasigaw naman ako nung nadapa ako.

"Hahah sabi sa'yo eh maabutan ka," tawa nung lalaki at itinayo nila ako. Nagpupumiglas naman ako at hanggang sa maramdaman ko na ang maginaw na semento sa likuran ko. Isinandal nila ako sa pader na madilim at hindi ko na makita ang mga mukha nila.

"Ano ba! Bitiwan n'yo ako!" sigaw ko at nagpupumiglas parin. Naramdaman ko naman ang mainit na palad sa bandang hita ko kaya napasigaw ako at inulit ko 'yong ginawa ko sa kanila isang lalaki kanina,sinipa ko ang maselang parte ng katawan nito kaya napasigaw ito at sinuntok ang mukha ko ng tatlong beses. Ramdam ko ang pamamaga ng mukha ko dahil sa lakas ng pagka-suntok nito kahit ganon ay nagpupumiglas parin ako at sinipa ulit ang isa pang nasa harapan ko.

"Aba ang tapang mo talaga!" sigaw nung isa pang sinipa ko at napadaing nalamang ako sa sakit na naramdaman ko sa simura ko dahilan para mapayuko ako at dinadama ang hapdi sa sikmura ko at pamamaga ng mukha ko.

"Ano itutuloy na natin?"
"Syempre naman,"
"Ang bango-bango naman nito,"

"T-Tama n-na," mahinang sabi ko. Pero inaamoy parin ako ng kung sino at nung maramdaman ko na naman ulit ang palad sa hita ko ay napasigaw ako sa galit at takot dahilan para masipa ko ulit ito. "Ano ba! Ano bang nagawa ko!?" naisigaw ko nalamang at bigla namang mag dumating na lalaki at sinuntok ang kung sino. Binitiwan naman ako nung dalawang naka hawak sa mga kamay ko kanina pero imbis na tumakbo ako ay napaluhod na lamang ako dahil sa sakit ng aking sikmura at dahil ng hihina na ako. Napatingin naman ako sa nagsu-suntukang kalalakihan apat laban sa apat. H-Hindi kaya si William 'yon? Napangiti naman ako.

"M-Moyb," mahinang daing ko.

"Angel!" rinig kong sigaw ng pamilyar na boses at huli kong naramdaman ang katawan kong bumagsak sa lupa.

THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)Where stories live. Discover now