CHAPTER 33: I MISS HIM

39 2 0
                                    

Chapter 33

Angel's POV,

"Doon tayo!" sigaw ni Rik na kaklase namin at tumakbo sa dagat.

"Malalim d'yan eh!" reklamo ko.

"Matulog ka kasi." sinamaan ko naman ng tingin si Ryan na tumakbo rin sa dagat kasama ang iba pa naming kaklase. Tumakbo na rin sina P.Z kaya padabog akong lumusob sa tubig at talagang sa malalim sila pumunta!

"Ang daya n'yo naman! Ang lalim d'yan eh!" sigaw ko at nanatili sa hanggang bewang ko lang na tubig.

"Halikana kasi! Nandito naman kami eh." sigaw ni P.Z. Hanggang dibdib n'ya ang tubig na kinatatayuan n'ya kaya alam kong hanggang leeg ko na ang tubig.

"Ayoko nga! Bakit ba kasi kailangang d'yan mag laro? Pwede namang dito sa mababaw eh!"

"Aysus ang panget kaya d'yan."
"Oo nga hindi natin ma-e-enjoy ang laro eh."
"Halikana kasi Angel!"
"Ako bahala sa'yo Angel pramis pwede kang yumakap sa akin hehe." sigaw nung mga kaklase namin. Ngumiwi naman ako.

"Gotcha!" nanlaki naman ang mata ko nung umahon mula sa harapan ko si Brix. Kasunod nito ay si Von,Seve,Steph at Shaun! Silang magka-kapatid!

"Come here yaya hahah." tawang sabi ni Seve at umikot ako para bumalik sana kaso hinarangan ako ni Shaun.

"Teka! Ayoko nga!" sigaw ko at hinawakan naman ni Von ang kamay ko at ngumiti ng nakakaloko. Tumingin naman ako kay Steph para humingi ng tulong pero nakakaloko rin ang ngiting pinakita nito.

"Come here yaya you'll enjoy our game promise!" sigaw ni Brix at hinila ako. Sumunod naman ang mga kapatid nito.

"Waaah! Hindi ako marunong lumangoy!"
"Waaah! Ayoko na! Ayoko na!"
"Peste malulunod ako!!!!"
"Hanggang leeg ko na 'yong tubig inanyo!" pagsisigaw ko ngunit tawanan lang ang napala ko at hindi awa!

Napakapit naman ako kay Brix ng wala sa oras dahil sa takot. Sana kunin mo na sila lord nagmamakaawa ako.

"I can feel your breast." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Brix.

"Ang bastos hmmmm."

"Hoy A.L."
"Angel!" rinig kong tawag nila sa akin.

"Ahhh-ha-hmm-tangina n'yo!" sigaw ko.

"Sorry ikaw kasi sabi ko lang naman na I can-

"Tumahimik ka jan! Sapakin kita eh!" sigaw ko at napahawak sa kamay-teka...napatingin naman ako sa nag-ahon sa akin na ngayon ay nanatiling nakayakap sa akin mula sa likuran. Si Shaun! Tinignan naman ako nito ng parang wala lang. Napalunok naman ako dahil wala itong damit pang itaas-sila namang lahat na lalaki pero-

"Balik na tayo!" pagyaya ko at dahan-dahang tinapak sa buhangin na nasa ilalim ng tubig ang paa ko at lumakad nang patiyad. Natawa naman sila sa akin kaya sumunod na lamang sila sa akin.

"Mamaya na lang tayo maglaro." sabi pa ni J.F at natatawang lumapit sa akin.Sumang-ayon naman sila.

"Yaya bakit ganyan ang suot mo? We're in the beach you know." tanong ni Brix habang nakatingin sa dibdib ko. Sinamaan ko naman ito nang tingin at tumawa naman ito nang marahan.

"Mas better na ganyan ang suot ni Yaya,I don't want to see her wearing bikini." sabi pa ni Seve.

"Why? Hindi ba maganda 'yon kasi dalagang-dalaga na ang Yaya natin hahaha." si Von.

"Gross. Bikinis won't suit her ugly body haha baka mukha lang s'yang lizard na nagbikini hahaha." tinaliman ko naman nang tingin si Shaun.

"Wow hanep akala mo naman ang ganda ng katawan ah." angal ko at tinignan ito mula ulo,dibdib,abs iw,at paa.

"Really? Ah,that's why nung inahon kita kanina you looked at me and you're blushing while looking at my hot body." he smirked.

"Yaks kadiri ka! Mangdiri ka nga sa sarili mo!" inis na sabi ko.

"Shaun I'm sorry pero aangal din ako, I know you're my brother but,I'm hotter than you." si Seve.

"What? Hey hey look at me,I more hotter!" si Brix.

"Hahaha tama na 'yan I'm hotter."si Von.

"Tumigil nga kayo kahit naman maganda ang katawan n'yo at kahit mag-suntokan pa kayo kung sino ang mas hot ay halos lahat naman ng mga babae rito ay nakatingin kay Steph." irap ko at tinignan ang mga babae malapit sa amin. Tinignan din nila ito. Sabay naman kaming napatingin kay Steph na nasa tabi ko.

"W-What?" nahihiyang tanong ni Steph. Oo talaga! Ang hot ni Steph,swear to God maging akin man s'ya hahaha joke mas hot parin Moyb ko kahit hindi ko nakita ang abs nito.

Sa totoo lang hot naman talaga silang lahat. Talagang mapapa lip bite ka nalang. Mga body builder ata sila eh.

"Kung yelo lang ako kanina lang ako natunaw sa titig mo." nabalik naman ako sa wisyo nung may magsalita sa harap ko. Si Ryan. Napatingin naman ako sa kina P.Z at J.F na ngayon ay nakangiting aso na.

"Hmmm kung yelo lang s'ya." sabi pa ni J.F at nauna nang maglakad.

"Smooth look,hot." sabi rin ni P.Z at sinundan na si J.F. Napalobo naman ko ng pisngi at sinamaan nang tingin si Ryan. Ngumisi lang ito at umalis.

"Hoy picture muna tayo." sabi nung kaklase namin. Nagsibalikan naman sila.

"A.L halika rito." hila ni J.F sa akin.

"Ayoko kayo nalang." tanggi ko pero pinilit parin talaga ako nito. Pinilit din ni P.Z si A.E kaya ito kahit labag sa loob sumali na lang ako.

"Doon tayo sa tubig dali dali." napa-irap naman ako at sumunod sa kanila.

"Bilisan n'yo naman sayang 'yong rejuv ko eh!" maarteng sabi nung isang kaklase namin na panay dikit kay Brix. Kadiri. Pero nagtataka ako kasi hindi man lang naki cooperate si Brix sa kalandian nito ahaha akala ko malandi rin itong si Brix eh.

Nag-utos 'yong kaklase namin sa isang lifeguard para picture-an kami. Hindi ko alam kung ngumingiti ba ako o hindi sa mga litrato namin eh hahaha.

Ewan ko lang talaga bigla nalang akong nawala sa mood dahil nga wala si William. Naiinggit ako sa mga couples na nagpi-picture rito sa mga magagandang spot sa dalampasigan eh.

Naalala ko rin 'yong unang picture namin sa isang resort din 'yong gala namin nina A.E at doon din nabuo ang pag-iibigan namin. Natawa pa nga ako nung araw na 'yon eh dahil may lumapit sa aking mga lalaki nakipagkilala tapos ewan nag-selos daw si Moyb nun at nag-walk out kahit hindi pa nga kami noon.

Namiss ko na talagang maka-bonding si Moyb dahil busy nalang kasi s'ya palagi tapos minsan n'ya lang ako tini-text or china-chat. Siguro once a week lang n'ya ako tini-text puro sorry kasi nga busy daw s'ya pero okay narin 'yon kesa sa walang update sa kanya 'di ba?

Napabuntong hininga naman ako at nilunod ang sarili sa tubig.

---

(^^); 33-40 chapters are all Angel's Point Of View.

THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)Where stories live. Discover now