CHAPTER 52: NOT COMPLETELY HEALED

37 3 0
                                    

Chapter 52

Angel's POV,

Kahit isang beses hindi pa ako pinakilala ni William sa mga magulang n'ya.

Noon kasi sobrang busy namin. Palagi kong sinasabi noon na gusto kong makilala ang mga magulang niya pero sinasabi niya na busy siya. Tapos kapag s'ya naman nagyaya sa akin,ako na naman iyong busy.

May doubt din kasi ako. Kesyo ganto ganyan baka hindi boto ang mga magulang nito tapos ganyan ganyan. Baka maghiwalay kami ni William. Iniisip ko nun,hindi ko talaga kakayaning mawala s'ya.

FLASHBACK

“William,minahal mo ba talaga ako?” gumagaral ang boses kong tanong dito. Hindi ito umimik at nakatitig lang sa akin.

“W-William n-noong nakipag balikan ka ba s-sa akin...sin-sinadya mo ba iyon p-para saktan ako?” tanong ko ulit. Lumunok ito.

“Angel. I do love you. I love you. Pero ewan ko ba,hindi ko rin naiintindihan ang sarili ko e. Mahal kita pero mas masaya ako kapag kasama si Kailla. Ang cute mo,pero mas na ku-cute-an ako kay Kailla. Ang bait mo pero para sa a-akin si Kailla ang mas mabait.

Sorry Angel,alam ko na hindi pa rin talaga ako sigurado sa nararamdaman ko ngayon e. Kung ikaw ba ang mahal ko o si Kailla.” umiyak ulit ako dahil sa sinabi nito.

“William,Mahal kita. Mahal na mahal. Alam k-kong may girlfriend kana pero...ewan ko ba hahha nag- e-expect parin ako na a-ako ang p-pinuntahan mo r-rito ngayon katulad noong una.” natatawa ngunit humihikbing sabi ko. Niyakap lang ako nito ng mahigpit. Aaminin ko. Miss na miss ko na si William. Oo, namiss ko talaga siya.

Hindi ko alam ano ang kasunod na nangyari basta ang alam ko lang nasa kariton na nasa gilid ng puno papunta sa gulayan. Dito ako dinala ng mga paa ko.

Nakatingala ako sa kalangitan at kahit isang bituin wala. May buwan pero tinatakpan na ito ng makakapal na ulap at tila hindi kalaunan mawawala rin at papalitan ng ulan.

“I told you hindi kapa naka move on—”

“Ay put!ng!na!” napatalon ako sa gulat nung may magsalita sa tabi ko. Si Shaun. Imbis na magtanong ako kung bakit siya narito ay mas umaapaw parin ang galit ko kasi nga ginulat niya ako.

“Put!ng!na mo! Papatayin mo ba ako sa gulat ha? Paano kung namatay ako kasi ginulat mo ako?”

“Then I will insist to dig your grave iyan nalang siguro ang paraan para—aw! That hurst nanny!” sigaw nito nung pingutin ko ang tainga nito.

“'Hurts' mo mata mo! Kapal ng mukha mo! Baka ilibing kita diyaan na buhay e!”

Ilibing mo pake ko ba.” feeling ko talaga umuusok iyong tainga at ilong ko sa lalaking ito e!

Umupo nalang ulit ako sa tabi nito at hindi na nagsalita. Nakatingala parin ako sa kalangitan at inaabangang tuluyan nang tabunan ng mga ulap ang buwan.

“I know it's hard for you to move on.” basag nito sa katahimikan. Nilingon ko ito,nakatingala ito.

“I know hindi sa lahat ng oras matapang ka. Minsan kailangan nating magta-tapang-tapangan para hindi malaman ng iba na duwag ka. Minsan kailangan nating itago ang totoo nating nararamdaman.”

Hindi parin ito nakatingin sa akin. Hindi narin ako nagsalita at nakinig lang.

“Alam mo. Magkaiba ang isinisigaw ng puso at isipan. Iba ang tulak ng bibig at ang iyong totoong nararamdaman. Iyong sinasabi mo na 'hindi ko na siya mahal' pero ang totoo mahal mo pa talaga siya. Iyong sinasabi mong 'nakalimutan ko na siya' pero ang totoo hindi pa.”  tumingin naman ito sa akin at nagtagpo nga ang mga mata namin.

“Hmm. Alam mo? Hindi mo alam malamang.” nag-iwas ako ng tingin dito. “Oo,ang buong akala ko talaga... nakalimutan ko na siya. Pero ang hirap mabuhay na puro akala lang. Palagi kang hindi sigurado. Naiinggit ako sa mga taong sigurado bawat kilos e. Kahit paghinga tama. Kulang nalang mag 'how to breath properly' tutorial na sila.”

“You know what yaya?"” napatingin naman ako sa kakarating lang na si Seve.

“ I feel you. Kahit ,not so deeply in love naman ako sa babaeng iyon pero sobra parin ang sakit na naramdaman ko when she cheated on me.” nagulat naman ako sa sinabi nito. Ka poging tao niloko?

“Eh? Talaga ba? Niloko ka? As in? Sino 'yan? Maganda ba?”

“I regret sharing.” irap nito at tumabi rin sa akin. Nasa kanan ko si Shaun at si Seve naman sa kaliwa. Maliit lang ang kariton ni lolo kaya para kaming dumi ng kambing na nagsiksikan. Buti nalang din iyon kasi naka jersey lang ako na hanggang tuhod at maginaw na kaya buti nasiksik ako sa kanila.

“Sabihin mo na kasi.”

“She's pretty,cute,smart, attractive,for me she's perfect. Pasok sa standards ko. But luckily hindi ako pasok sa standards niya hahaha in short hindi ako ang gusto niya.

Yes,in a relationship kami,but know what? Same personality daw kami ng taong mahal niya. At kung sinuswerte ka nga naman hahaha habang magkasama kami,magkausap at kung ano pa...hindi pala ako ang nasa isip niya.

Hindi si Seve ang nakikita niya. Kundi ang lalaking mahal niya na may mahal na iba hahah.

Hiniling ko noon na sana...sana...sana...sana ako nalang ang lalaking mahal niya.  Sana ako nalang iyon. At alam mo ba? Akala ko noon hindi ko na siya mahal,na wala na akong naramdaman sa kanya. Pero bigla ulit siyang nagpakita. Hindi nagpakita para balikan ako,katulad nung mga romance stories na magsisisi o ano pero kasama niya ang taong mahal niya.”

Ramdam ko ang sakit sa bawat salita ni Seve. Oo nakangiti siya,pero ang mga mata niya,naluluha na parang pinipigilan lang niya.

Hindi ko alam kung ako ba ang may drama ngayong gabi o siya. Pero nakaka-relate rin talaga ako kay Seve.

Bumalik si William,ulit. Hindi para sabihin na 'mahal pa kita' 'Nagsisisi ako' pero para bigyan ulit ng kirot ang puso ko. Hindi lang kirot. Dinudurog talaga ito. Bumalik siya kasama ang girlfriend niya.

“But Yaya...” nagtagpo ang tingin namin. “...I know malalampasan mo rin 'yan. You're strong. The love story of your life doesn't ends here. Just cry all you want to ease the pain in your heart. Magiging okay din ang lahat.” nakangiting sabi nito.

Hindi ko alam pero kusang tumulo ang luha sa mga mata ko. Humuhikbi akong napayakap kay Shaun. Ewan ko kusa rin akong yumakap kay Shaun e. Niyakap din ako nito.

Ilang saglit lang ay napakalas ako sa pagkakayakap kay Shaun na ikinagulat nilang dalawa. Napatingin naman ako kay Seve.

“Bakit hindi mo iyon sabihin sa sarili m—aray!” sigaw ko nung pitikin nito ang noo ko.

“Masyado kanang naging madaldal.” sabi nito at tumayo. Sumunod din si Shaun sa pagtayo at iniwan nga nila ako. Mga p!ste!

Napatingala ulit ako. Mahal kaya ako ni William? Tama kaya si Shaun na sa bibig nakalimutan ko na siya. Sa isipan hindi na siya. Pero sa puso....siya at siya pa rin talaga. Ang sakit lang talagang isipin na may girlfriend na siya habang ako? Hindi pa completely healed.

END OF FLASHBACK

Napabuntong hininga naman ako at pinunasan ang luhang namumuo sa mga mata ko at ang luhang nasa pisngi ko.

“Why are you crying— ”

“P!st!ng palaka!” napatalon at napasigaw ako sa gulat dahil may biglang nagsalita sa likuran ko. Inis akong umikot at nandoon ang magka-kapatid. Feeling welcome sa kwarto ko a.

THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)Where stories live. Discover now