CHAPTER 47: FORGET HIM NOT

39 3 0
                                    

Chapter 47

Angel POV,

Ngayon ko lang ulit na open ang mobile data ko dahil ang kulit ni A.E may tagged post daw ako mula sa kanya. Naka post naman ang picture naming apat,ako,si A.E,P.Z at Janice habang naka-upo sa labas ng bahay habang nakatingala sa kalangitan,si Steph ang kumuha ng litrato sa amin.

Ang ganda naman talaga ng kalangitan dito palagi. Maraming bituin na nagkalat sa langit habang nakapalibot din sa buwan. Kahit maginaw ay ang ganda paring magtambay sa labas ng bahay hanggang kailan mo gusto.

Walang kapit bahay na magta-tanong bakit nandyan ka o anong meron sa langit,walang mga isturbo,hindi maingay na galing sa mga sasakyan at wala ring stress.

Habang nag-i-iscroll ako sa news feed ay nakita ko ang 5hrs ago post ni J.F kasama si Zav,naka-upo sila sa picnic mat at halatang family bonding na naman 'yon.

I'm so happy for her. Maraming problema ang darating sa buhay na kailangang harapin at huwag mong takasan dahil do-doble at do-doble ang problema mo kapag tatakasan mo. Alam kong lahat ng problema sa buhay n'ya ay haharapin n'ya at kakayanin n'ya. At sana maging okay na talaga sila ni Vince.

She deserve to be happy,they deserve to be happy, and also Zav deserve to have a complete family. Kaya alam ko na hindi talaga sila pababayaan ng diyos.

Nag-scroll pa ako nang nag-scroll hanggang sa makita ko ang pangalan n'ya. Ayaw kong makita ang pangalan n'ya ulit pero hindi ko mapigilang basahin ang shared post n'ya na 5 days ago. Sabi roon sa shared post n'ya

IF YOU REALLY LOVE SOMEONE, YOU WON'T PRESS THE CHEAT BUTTON,DAHIL IKAW LANG DIN ANG MAGSA-SUFFER SA GINAWA MO”

So anong ibig sabihin nito nasaktan s'ya?

Napa-iling naman ako.

Hayaan mo na s'ya Angel! Hindi ikaw 'yan at hindi magiging ikaw 'yan. Huwag kang mag assume dahil ikaw lang din ang masasaktan.

Napabuntong hininga ulit ako at naalala ang araw na nag-usap kami dahil nga nag-cheat s'ya.

FLASHBACK

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon dahil nasa harap ko na s'ya. Hindi ko alam kung magagalit ba ako,maiiyak,sasapakin ko ba s'ya o ano bang dapat kong gawin sa kanya.

Gusto kong maiyak. Gusto kong tanungin kong bakit pa s'ya nagpakita sa akin. Pero wala,wala akong magawa kundi ang tignan s'ya. Gusto kong tanungin kung bakit niya ako niloko, kung ano ba ang nagawa ko sa kanya pero paano? Wala man lang kahit isang salita ang lumabas sa bibig ko!

“Can you leave us for awhile? I-I want t-to talk to her,alone.” utal na sabi nito. Masama ang tingin ng mga kaibigan ko sa kaniya at hindi umalis sa tabi ko.

“We won't leave her.” pagmamatigas ni P.Z. Bumuntong hininga naman ako. At tinignan sila. Nawala ang galit sa mukha nila at napalitan ito ng takot na ewan.

“Hintayin n'yo nalang ako.”

“O-Okay,call us if you need something,okay?” tumango naman ako sa sinabi ni P.Z.

“Hindi kami lalayo sa'yo.” sabi pa ni A.E.

“Oo,couz. Dyaan lang kami sa malapit.”  dagdag pa ni J.F.

“Lets go.” naunang umalis si Shaun at lahat naman sila tumingin muna sa akin bago tuluyang umalis.

Walang umimik sa aming dalawa. Nakatingin lang ako sa dinaanan nila  kanina at alam kong nakatingin lang s'ya sa akin.

THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)Where stories live. Discover now