CHAPTER 1: VAMPS SIBLINGS

319 8 0
                                    

Chapter 1

Angel POV,

“Nako hindi na ho kailangan,” tanggi ko kay Mrs.Vamps sa kanyang alok na s'ya na ang magpapa-aral sa akin. Alam ko namang okay 'yon upang maliit na lamang ang gastusin nina mama lalo pa't apat kaming pinag-aaral nila. Pero nakakahiya narin kase dahil ang laki na ng naitulong nila sa amin lalo na kay lola.

“Alam mo Jela pumayag ka na,” bulong ni Ante Lily,isa ring katulong sa mansyon ng Vamps.

“Ah hehe hindi na po talaga kailangan ma'am kase may konting sahod naman ho ako sa inyo at isa pa sapat na ho 'yon para sa pag-aaral ko at para sa gastusin ng pamilya namin,” nakangiting sabi ko rito.

“Hayst nanay Vina oh ang tigas ng ulo ni Angel,”nakangusong sumbong ni Mrs.Vamps kay Lola.

“Hay nako alam n'yo naman 'yang batang 'yan ma'am eh talagang matigas ang ulo malalaman n'yo rin naman kung papayag 'yan eh talagang mabilis pa sa takbo ng kabayo kung um-oo,” mahinang humagikhik si Lola lalo na ang Vamps couple at ang mga katulong.

“Sige na honey 'wag na nating pilitin si Angel,what if dagdagan nalang natin ang sahod nya lalo pa't s'ya lang ang baby natin dito,” sabi pa ni Mr.Vamps.

“Nako 'wag na ho talaga nakakahiya naman po,” tanggi ko ulit.

“I don't care Jela basta dadagdagan namin ang sahod mo,” irap ni Mrs. Vamps,tumawa naman ang mga katulong habang ako ay ngumiwi lang.

“Okay let's go hon?” tanong ni Mr.Vamps kay Mrs.Vamps,tumango naman si Mrs. Vamps at hinatid na nga namin sila sa labas dahil may pupuntahan daw silang event sa business friend nila.

“Mag-ingat po kayo,” kumaway kami sa kanila habang umaalis na sila. Ang bait talaga nina Mr.and Mrs. Vamps,ang suwerte siguro ng mga anak nila dahil sa mabait ang mga magulang nila siguro rin mabait ang mga anak nila.

Pumasok na ulit kami sa mansyon at nag-simula nang mag-trabaho. Naisip ko lang kung ano ang ireregalo ko kay Aymei,birthday kasi ni Aymei bukas,best friend ko.
By the way ako nga pala si Angel Louise Winter,anak ni Evie Winter at Jay Winter,may tatlo akong kapatid,dalawang babae at isang bunsong lalaki.

Mabilis kong tinapos ang trabaho ko at naligo at nagpaalam kay lola dahil bibili muna ako ng regalo para kay Aymei saktong sakto may ipon naman ako para sa birthday nya at mahilig si Aymei sa mga sexy na damit,tops,mga ganyan at mahilig din s'ya sa libro,nakahiligan n'ya lang na magbasa ng libro dahil na impluwensyahan ko s'ya,best influencer ako haha.

Nasa book store na nga ako at binili ang libro na Hopeless Romantic ni Ms.Trisha,dahil alam kong baliw ito sa jowa n'ya at palaging nasasaktan dahil sa maling tao at dahil narin sa jowa nyang akala mo naman heartthrob angas manakit ng damdamin ng kaibigan ko.

Anyway matapos kong bilhan si Aymei ng wattpad book,tops,at high waist shorts ay kumain muna ako ng ice cream sa malapit na ice cream vendor sa plaza na malapit lang sa books store.

“Uy ineng longtime no see,” nakangiting bungad ni Manong sorbetero sa akin.

“Oo nga manong namiss ko po itong paborito kong paninda mo,” nakangiting sabi ko rito. Malapit lang din kasi ang paaralan namin sa plaza sa kabilang kanto lang nito tapos ilang steps lang mula sa paaralan ang Mall, Jollibee,bookstore at iba pa.

Kumain na nga ako ng ice cream habang pauwi ako sa mansyon halos limang oras din akong nawala roon,habang pauwi na nga ako ay sa kasamaang palad may naghahabulang lalaki at nahulog 'yong dala kong ice cream na cookies and cream na favorite ko!!! Dalawang ice cream kase ang dala ko, chocolate at cookies and cream.

Inis naman akong tumingin sa mga walang hiyang lalaki na tinignan lang ako. Mga bw*s*t! Hindi man lang nag sorry!

“Hoy! Bayaran n'yo 'yong ice cream ko!” inis na sigaw ko rito.

“Eh? It's not our fault miss,ikaw ang hindi tumitingin sa daan,”sabi pa nung isang lalaki.

“Aba put*ng*n* yan! Ako pa talaga sinisisi mo? Eh sino ba 'yong naghahabulang mga asong gala rito? Ha? Kayo 'di ba?” sigaw ko.

“Hey we're not asong gala,”slang na sabi nung isa pang lalaki

“'Wag mo akong ma hey-hey! Bayaran n'yo 'yan!” sigaw ko sabay turo sa ice cream.

“Its just an ice cream—

“Its just an ice cream p*t*ng*n* bayaran n'yo 'yan!!!! Mas mahalaga pa 'yan sa buhay ninyo!” sigaw ko ulit.

“What a noisy creature,just give her a money!”inis na sabi nung isa,halatang masungit. Binigyan naman ako nung slang na lalaki ng five hundred pero hindi ko ito tinanggap,nanliit naman ang mga maliliit nilang mata. Umirap naman ako at imbis na papasok na ako sa mansyon ay napasigaw at napatalon naman ako sa gulat dahil nandoon ang mag-asawang Vamps at si Lola,nakangiti pa ang mag asawang Vamps parang asong ul*l,oo asong ul*l shuta!

“I think magkakasundo rin kayo in the end of the day,” nanliit naman ang mata ko sa sinabi ni Mrs.Vamps. Napatingin naman ako sa limang lalaki sa likuran ko at tingin ulit sa mag-asawang Vamps,magka-mukha silang pito!

“Anak n'yo po sila?” turo ko sa limang lalaki. Tumango naman ang mag-asawa.

“Hindi ba kita d'yan sa'yo ineng na magka-mukha sila?” tawang tanong ni Ante Lily. Ngumiwi naman ako.

“Ang bait ng mga magulang tapos hindi gentleman ang mga anak,” bulong ko. Maliban sa isa na cute ahihi.

“We can hear you,” sabi nung isa.

“Nyenyenye,” irap ko.

“Hahaha you're so cute as always Jela,” puri ni Mrs.Vamps. Ngumiwi naman ulit ako. Pumasok na kaming lahat sa mansyon at ipinakilala na nga sa akin ni Mrs.Vamps ang kanyang mga asong anak.

'Yong nag-sabi ng it's not our fault ay si Brix,'yong slang naman ay si Brett, 'yong nag-sabi naman ng it's just an ice cream ay si Seve,'yong cute naman ay si Deiso at ang masungit na si Shaun,'yong nag-sabi na noisy creature.

Nag-iinit talaga ang dugo ko sa kanila ngiti-ngiti pa dahil ba amo ko rin sila? Aba p*t*ng*n* 'wag talaga nila akong subukan!

THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)Where stories live. Discover now