CHAPTER 4: MS. BEAST

125 7 0
                                    

Chapter 4

Angel's POV,

Pabalik na kami ng classroom nina A.E,P.Z,at J.F nang bigla kaming harangin ng mga basketball player na may gusto kay P.Z at may gusto rin daw sa akin lol. Hindi ko alam kung bakit nagkaka-gusto 'yang mga 'yan sa akin eh,hindi naman ako kasing ganda ng mga kaibigan ko at maldita pa tsk.

“Hi Angel,”pacute na bati ni Jack sa akin. Ngumiti naman ako. Oo,cute naman si Jack pero mas matangkad ako sa kanya at mukha ko s'yang kapatid. Iniwan naman ako ng mga TUNAY kong kaibigan! Kaya ngayon ako nalamang ang nandito kasama ang tatlo kong manliligaw—kuno na sina Jack,Jesnar,at Cris. Ewan ko ba basta ang alam ko noon boy best friend ko lang itong tatlo eh pero ngayon naging manliligaw ko na.

“Ah hehe pwede ka namang pumili sa amin,'wag kang mag-alala nagpag-usapan na namin na kung sino ang pipiliin mo sa amin rerespetuhin ng isa sa amin,” nakangiting sabi pa ni Jack na ikinangiwi ko. Silang tatlo ay puro sikat na basketball player sa Naobil High,okay lang naman sa akin na ganyan nga gusto raw nila ako at nanliligaw sila pero,dahil kasi sikat sila at maraming nakaka-alam na nanliligaw silang sabay sa akin at sa ibang ulol pa na nanliligaw sa akin eh halos araw-araw nalang may kaaway ako.

“Alam n'yo naman siguro ang sagot ko 'di ba?”nakangiting tanong ko sa kanila.

“Grabe ka naman Gel hindi ba talaga magbabago'yan?”kunwari malungkot na tanong ni Cris.

“Sabi ko naman na bata pa ako 'di ba?” tanong ko ulit.

“Bata pa raw pero naging jowa si Captain,” nagtatampong sabi ni Jesnar.

Ang tinutukoy nyang captain ay si William,ex-boyfriend ko na captain sa team nila,na iniyakan ko haha ewan ko ba nabaliw talaga ako sa lalaking 'yon,nadala sa masasarap na salita haha at oo,aaminin ko may feelings pa rin ako sa kanya hanggang ngayon,gusto ko nang mawala itong nararamdaman ko sa kanya kaso sa tuwing nakikita ko s'ya nasasaktan pa rin ako at kahit alam kong walang ibig sabihin sa mga tingin n'ya sa tuwing pinagtatagpo ang landas namin ay talagang iniisip ko na may nararamdaman pa s'ya sa akin.

Bago paman ako maiyak habang inaalala ang sakit na dulot ni William sa puso ko ay pekeng tumawa ako sa kanilang tatlo at kumaripas sa pagtakbo patungo sa cr at doon umiyak.

Nang bumalik ako sa silid ay nakakalokong ngiti ang bumungad sa akin na galing sa kanilang A.E,sinabi nila na pumunta raw 'yong tatlo rito at ipinabibigay ang mga pasalubong nila sa akin kahit hindi ko naman kaarawan oh anong espesyal na okasyon. Nag bigay ulit ng apat na tsokolate na may kasamang tatlong rosas si Jack,paborito ko namang mga chichirya at ilang cokes ang ibinigay ni Jesnar at malaking Marshmallow galing kay Cris.

Gustohin ko mang ibalik sa kanila ang mga ibinigay nila sa akin pero alam kong kay lola na naman sila pupunta at uutusang ibigay ang mga 'to sa akin. Ewan ko talaga sa kanila o sa buhay nila patawarin talaga sana nila ako basta matagal ko nang sinabi sa kanila na boy best friends parin ang tingin ko sa kanila at hindi na magbabago 'yon.

At ano pa bang inaasahan ko eh ayun kinuha ni A.E ang isang malaking chichirya at coke,dahil may nag-bigay din kay P.Z ng tsokolate at chichirya rin galing sa manliligaw nya eh ngayon medyo kay sa pagkaing nakay P.Z ang atensyon nila.

Class.
Class.
Class.
Lunch time.

Sa classroom lang kami kumain pumunta sina P.Z at J.F dito dahil tamad kaming pumunta sa tambayan namin. Habang kumakain kami ay nagtitilian ulit ang mga kababaihan sa labas ng silid namin na ikinaliit ng mga mata ko. Ang ingay!

“Andyan na naman ang tatlo mong alaga A.L,” tawang bulong ni J.F. Walang ganang tumingin ako sa pintuan at ayun nga kumakaway at nakangiting parang ulol si Seve sa akin lalong lalo na si Brett at Brix.

THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)Where stories live. Discover now