CHAPTER 28: YOU'RE MY MOON

47 3 0
                                    

Chapter 28

Zephany's POV,

Nandito parin kami ngayon sa bahay namin sa probinsya dahil gustong makita nina Lola si Angel dahil matagal-tagal na rin nila itong hindi nakita.

Nag-celebrate kami sa moving up n'ya ulit at syempre puro na naman lasing ang mga mama at papa namin. At syempre hindi mawawala ang speech ng mga magulang namin dahil lasing na at alam ko rin na naiirita na itong si Angel dahil hindi talaga n'ya gusto ang maingay pero no choice naman kami.

I'm Zephany Louisiana Lin anak ni Rycel Lin. Kung naguguluhan kayo bakit hindi Winter ang last name ng mommy ko,pina-adopt kasi s'ya ng lola ko at single mom lang ang mommy ko.

"May liga sa court punta tayo?" sabi ni Rhaine,kapatid ni Angel na medjo boyish. Nagtinginan naman kaming tatlo ni Angel at Maria at ngumiti.

"Mommy pwede po ba kaming manood ng liga doon sa basketball court? Alam mo naman itong si Angel naiirita na dahil ang ingay," nanlaki naman ang mata ni Angel dahil sa sabi ni Maria. As usual s'ya talaga ang idadahilan namin dahil alam naman nila na talagang ayaw ni Angel sa maingay at lalo na kapag nagsasalita na ng kung ano ano ang papa n'ya at kapag tungkol na sa kanya o kapag nadadamay s'ya.

"Sige ako na bahala," mabilis sa alas kwatro naman kaming pumunta sa kwarto at nagbihis at sa kusina kami lumabas para hindi kami makita ng mga batang nandito baka kasi sumama. Anim lang kaming lumabas dahil nagkakasundo kaming anim dahil malapit-lapit lang naman kami ng edad.

"Buti naman at pinayagan tayo haha," sabi pa ni Frenz,pinsan namin na 1st year highschool. Dapat second year highschool na s'ya ngayon pero bulakbol eh kaya ayan balik first year.

"Oo nga hahah," tawa ni Kent, pinsan din namin na 1st year highschool.

Nang makarating kami sa liga ay nakita ko si Christian, boyfriend ko. Kasama kasi s'ya sa naglaro ang team nila ay Zimen Pride at ang kalaban nila ay Scorpions,halatang mas bata ang mga kalaban nila. Maliit si Christian haha para sa akin cute sya taga tainga ko lang siguro s'ya height doesn't matter naman eh.

Nasa harap kami kung saan naka upo ang mga players at syempre lumipat kaming tatlo ng pwesto ni Angel at Maria dahil hindi pa alam ng mga pinsan ko na may boyfriend ako at baka magsumbong pa sila. Kaya naman nakatayo lang kami sa gilid na malapit lang din sa mga players pero sinigurado naming hindi kami makikita ng mga pinsan namin. Lumapit si Christian sa akin at kiniss ako sa cheeks. Pero hindi nakita ni Maria at Angel dahil hindi rin nila nagustuhan si Christian. Hindi ko alam kung bakit pero masama raw talaga ang kutob nila pero bahala na sila sa buhay nila dahil mahal ko talaga si Christian.

"Aray!" napalingon naman ako sa likuran ko. Si Angel nakasandal sa pader sa labas ng office rito sa covered court. Office ng mga baranggay officers nakatakip ang kamay nito sa noo nito.

"Anong ginagawa ni Angel d'yan?" nagtatakang tanong ko kay Maria na nasa harapan ko.

"Umalis dahil hindi raw s'ya maka-upo bakit?" nagtatakang tanong ni Maria. Tinignan ko ulit si Angel at tinignan din ito ni Maria.

"Sino 'yang lalaking 'yan?" tukoy ni Maria sa isang lalaki na katabi ni Angel na mukhang kasama sa Scorpions na kalaban nina Christian.

"Ewan ko,"

"Boyfriend n'ya ba 'yan?" tanong ni Maria. Nagkibit balikat naman ako.

"Hindi naman si William 'yan eh." sabi ko.

"Ang pogi ha hanep." sabi pa ni Maria at tumawa. Oo ang pogi nga naman ng kasama ni Angel.

"Kailan ba kayo uuwi?" tanong ni Christian.

"Ewan ko kay mommy," kibit balikat ko.

"Hmm iiwan mo na naman ako rito," tila nagtatampong sabi nito. Natawa naman ako.

"Ano ka ba babalik din naman ako rito eh,"

"Baka may iba ka ng lalaki roon eh!"

"Sus wala ka bang tiwala sa akin? First of all loyal naman ako sa'yo at basta ikaw lang naman talaga ang mahal ko eh ano ka ba,"

"Siguraduhin mo lang talaga na hindi mo ako ipagpapalit ha?"

"Ano ka ba! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan sa ngayon matagal pa siguro bakasyon naman eh,kung uuwi si mommy sa buwan na ito hindi naman siguro ako sasama,"

"Hindi ka rin naman sigurado eh,"

"Sus sige na pumunta kana ron," ngumiti ako rito at nag smack kiss naman ito at bumalik na sa pwesto n'ya.

---
Nanalo ang team Scorpions pero okay lang naman daw sa kanila ni Christian isang score lang daw naman ang lagpas ng Scorpions. Napatingin naman ako kay Angel na nakikipag-away sa lalaking kasama n'ya kanina. Ewan ko ba sa kanila kanina pa sila ang ingay eh parang mga bata.

"Hoy tara na," tawag ko kay Angel.

"Nyenyenye!" parang batang dinidilaan nung lalaki si Angel at sinusugod ni Angel ng kamao tumatakbo ito at tumatawa. Tinalikuran na ito ni Angel at halatang wala na sa mood si Angel ngayon.

"Sino 'yon?" diretsong tanong ni Maria. Hindi ito kumibo. Nilingon ko naman ulit ang lalaking 'yon na nakatingin parin kay Angel at tumalikod na. Felden 20 ang nakalagay sa jersey nito. Napakunot naman ang noo ko.

"Huy!" napatingin ako kay Maria nung tawagin kalbitin n'ya ako.

"Bakit?"

"Tawag ka nung pangit mong boyfriend,"

"Ang sama mo!" irap ko rito at tinignan ang direksyon na tinuro n'ya. Nagpaalam muna ako sa kanila at lumapit kay Christian na nasa isang madilim na parte ng tindahan sa kanang bahagi ng court.

"Hmm?"

"Dito muna tayo saglit pupuntahan pa kasi ni Rito ang girlfriend n'ya,"

"Ah sge,"

"Sure ka okay lang? Baka hanapin ka nung mga pinsan mo,"

"Hindi naman,hihintayin lang daw nila ako mabuti na rin para pagdating namin doon tulog na sila at para hindi na mag-iinit ang ulo nung mga 'yon,"

"Haha kayo talaga mainitin ang ulo n'yong magpamilya hahaha,"

"Oo nga eh,ewan ko ba nasa dugo na namin ito,"

"Hmm,kamusta na pala ang studies mo? Nakaya mo ba?"

"Oo naman noh,at next next next month 2nd year college na tayo,"

"Oo nga eh,sa cebu ka parin ba?"

"Siguro,'yon ang sabi ni mommy eh,"

"Mamimiss na naman kita tagal mo na namang babalik dito eh," naka-ngusong sabi nito. Niyakap ko naman ito.

"Babalik din naman ako eh,basta wag mo akong palitan ha?"nakanguso ring sabi ko.

"Heh baka papalitan mo ako ng pogi doon eh!" natawa naman ako sa sabi nito.

"Basta promise mo sa akin ha? Huwag mo akong papalitan. I love you kahit gaano ka pa kalayo kahit nasa buwan ka pa at nakatingala lang ako sa iyo hinding-hindi kita papalitan at ikaw lang ang mamahalin ko at wala ng iba pa," nakangiting sabi ko.

"I want you to be happy. I don't care if someone will make you happy there but don't worry I trust you,I love you more," he smiled and kiss me.

You're my moon and I'm just an ordinary girl who's fond of you and in love with you. I won't change my feelings towards you no matter what.

THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)Where stories live. Discover now