CHAPTER 19: BEG

42 4 0
                                    

Chapter 19

Aymei's POV,

"Salamat po Doc," pasasalamat namin sa doctor na nag-check kay A.L. Nandito kami ngayon sa GAUNAJ HOSPITAL dahil dito nila dinala si A.L matapos nitong mawalan ng malay. Mabuti naman daw ang kalagayan ni A.L sadyang hindi nanghihina lang daw 'yong katawan n'ya dahil sa klima at sa natamo n'yang pasa sa katawan na ngayon ay namamaga parin.

Hindi ko lubos akalain na mangyayari ito sa kanya,ilang ulit namin s'yang tinatawagan kagabi dahil hindi raw sila magkasama ni William at hindi pa raw ito naka-uwi sabi ni Janice,'yong bagong katulong ng mga alaga ni A.L. Sobrang nag-alala kami sa kanya dahil sabi n'ya magche-check lamang s'ya ng test papers pero malapit ng mag-alas otso eh wala pa s'ya sa mansyon ng mga Vamps.

"Who the heck did that to her!? I'll kill those bastards! Tell me!" inis na sigaw ni P.Z.

"Ano ka ba! Kalma ka lang okay? Hintayin nating magising si A.L," sabi ko pa kay P.Z.

"Omg! How can I calm down!? Look at her! She-She has bruises on her face!-

"Peachy just calm down okay? We will wait until she opens her eyes so we can ask who's those bastards,"may halong galit sa tono ni Von. Galit na umupo si P.Z sa gilid ng kama kung saan nakahiga si A.L.

"Wala namang kaaway si A.L right?" tanong ni P.Z at umiling naman ako.

"Siguro talaga pinagti-tripan nila si A.L eh," inis na sabi ko pa.

"At sa dinami-dami ng pwedeng pag-tripan si A.L pa talaga!" parang hindi makapaniwalang sabi ni P.Z. Napabuntong hininga nalamang ako at bigla naman nag-ring ang phone ko,si J.F tumawag.

"Hello J.F,"

[Ano ng lagay ni A.L? Okay lang ba si couzi?]

"Sabi ng doctor okay na raw s'ya magigising na raw s'ya mga mamaya mahina lang talaga ang katawan n'ya ngayon dahil sa klima at sa pasang natamo n'ya,"

[ Mabuti naman,eh doon sa gumawa n'yan sa kanya?! Anong balita?]

"Wala parin eh, madilim daw kasi roon kaya hindi nila nakita ang mga mukha nito at tumakbo pa raw ang mga ito hindi na nila nahabol,"

[Bwesit! Ang sama nila! Sige balitaan mo nalang ako ha? Hindi kasi ako maka-alis ngayon eh dahil wala pa si Vince]

"Ah oo,sige 'wag kang mag-alala,"

[Sige salamat para masuntok ko ang pagmumukha nung gumawa sa kanya n'yan,sige bye na nagising si Zav eh]

"Okay sige bye," pinatay na nga n'ya ang kabilang linya.

Napa-iling naman ako. Ilang linggo na ata ang lumipas matapos dumating nung Wennah sa buhay nila ay napapansin kong hindi na nangyayari ulit ang family day nila na nandyaan si Vince,at madalas ding sabihin ni J.F na minsan ginagabi nang umuuwi si Vince at minsan kinabukasan na. Masama talaga ang kutob ko na may kinalaman naman 'yong Wennah na 'yon sa nangyayari sa boyfriend ni J.F ngayon.

-

Inis naman akong nakatingin kay William na sobrang nag-aalala kuno kay A.L,eh hindi nga s'ya dumating sa para iligtas ang girlfriend n'ya. Sabi kasi sa amin ni A.L na tinawagan n'ya raw si William pero mukhang busy daw na ikina-inis namin. Gusto ko talagang sipain si William ng buong lakas eh ang kapal ng mukhang sumulpot pagka-gising ni A.L eh halos hindi pa namin nakausap ng maayos si A.L.

"The last name she mentioned before s'ya nawalan ng malay ay kay William," sabi pa ni Charles.

"I will punch that guy-Ouch!" napasigaw naman si Brix nung batukan s'ya ni Janice.

"Ay sorry pero alam mo naman na halatang hindi pa okay si Angel 'di ba? Kapag susuntokin mo 'yang boyfriend nya edi magkakagulo na naman dadagdagan mo lang 'yang naramdaman ni Angel at isa pa ako ang papatay sa'yo," irap nito kay Brix,umirap naman pabalik si Brix.Nagulat naman kami nung inis na inis si P.Z na pumasok sa kwarto kung asan si A.L kaya sinundan namin ito.

"I'm just asking if you're done talking to A.L so we can talk her AGAIN," diniinan pa ni P.Z ang 'again' at halata talagang naiinis din ito kay William. Well,sino ba naman Kasi ang hindi maiinis dito 'di ba?

"Ah,y-yeah, we're done talking so,maybe I'll just leave you in their hands Mogi,if okay lang sa'yo," ngiti ni William dito. Tumango naman si A.L at nagpaalam na nga si William.

"So,I want to ask you again,do you know those...ba-yeah,bastards?" tanong ni P.Z,umiling naman si A.L.

"P-Pero 'yong uniform nila ay halatang sa isang private school sa CHS," sabi nito.

"CHS?" nagtatakang tanong ni Steph.

"Cross High School, kung tayo o ang school natin ay sa south sila naman ay nasa north,kadalasan sa mga nag-aaral doon ay mga anak ng billionaires o 'di kayay anak ng may mga matataas na rango sa bansa," paliwanag ni Janice.

"So,that's it,we need to go there! Pamilyar ba sa'yo ang mga mukha nila?" tanong ni P.Z na may bahid na pananabik at galit sa pananalita nito.

"Oo, nakita ko ng malapitan ang mga mukha nila," kalmadong sabi ni A.L. Kahit alam kong masama na ang nangyari sa kanya ay alam ko rin na ayaw n'yang ipakita ang takot n'ya. Si A.L 'yong tipo ng tao na selfish at selfless ma pride rin,kahit sobrang nanghihina na s'ya kaya n'ya paring isawalang bahala 'yon at umaaktong parang wala lang sa kanya,mas gusto pa n'yang s'ya lang ang nakaka-alam sa kanyang nararamdaman at s'ya lang ang may problema kesa sa iba,alam kong kahit gusto na nitong mag open up sa isang tao tungkol sa mga problema n'ya ay talagang nangingibabaw parin ang pride n'ya at selfishness n'ya. Ayaw n'yang isabi ang mga problema n'ya sa buhay dahil alam n'yang maapektohan din ang mga sasabihan nya sa problema n'ya pati pagta-trato magbabago,'yan ay observations ko lang sa mga kilos n'ya.

"O-Oo nga pala,salamat," biglang sabi ni A.L at tumingin kay Charles. Sabi kasi nina Brix kanina na si Charles daw 'yong nakakita kay A.L na sinusundan ng mga lalaki kaya naman tinawagan n'ya si P.Z na nuon ay pinuntahan pala ni Von para tanungin at tinawagan din ako ni P.Z at doon naman galing sa bahay si Brix at Draiv nung mga oras na 'yon at huling tinawagan namin sina Shaun at Steph na galing din sa bahay nina J.F. Hindi rin alam ni A.L na si Charles ang tumakbo palapit sa kanya nung nawalan na s'ya ng malay,ang alam n'ya lang ay si Charles ang unang dumating para saklolohan s'ya.

-
Hindi na ako nagtagal sa hospital dahil ang mga alaga na raw ni A.L ang bahala sa kanya,gusto panga naming mag stay ni P.Z pero dahil nandoon naman daw sila at lalabas na rin bukas si A.L ay hindi na kami nag-matigas pa.

Napatalon ako sa gulat nung buksan ko ang gate namin at biglang may humawak sa braso ko. Inis akong nilingon ito at-

"Isaac?" sambit ko sa pangalan nito at susunod kong namalayan ay umiiyak ito at nagmamakaawang bumalik ako sa kanya habang yakap ako ng mahigpit.

THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)Where stories live. Discover now