CHAPTER 41

37 4 0
                                    

Chapter 41

Peachy's POV,

It's been a month since we went to AJAP B.R. Next month grade 11 na kami and I'm so excited kasi naman another school year na at next year na naman grade 12 na kami at graduate na hahahaa.

Napatingin naman ako sa labas. Ang ganda ng simoy ng hangin and the skies are clear. How I wish A.L's mood now was clearer than that.

Nung araw na nalaman n'ya na William is cheating on him we're so nervous dahil nalaman n'ya na matagal na naming alam ito. She also stays with her obāchan right now all I know is binibisita s'ya ng mga alaga n'ya roon dahil lahat kami hindi n'ya pinapansin. I know her,when she's hurt all of us can't talk to her lalo pa ngayon at pati kami may kasalanan sa kanya.

But Von said she still talks to them naman pero hindi katulad noon na madaldal kahit puro inis ang dinadaldal nito sa kanila pero ngayon she became cold,pilit ang smile at hindi na katulad noon na ang daming words na nilalabas sa bibig,ngayon parang nabibilang na raw ang words n'ya.

I sighed. She talk to us like that either. Minsan nafe-feel ko napipilitan lang s'yang makipag-usap. She really loves William. William still talks to her sabi nina Von dahil pumupunta raw si  William doon but he also received a cold treatment from her.

The last time I saw him talking to A.L was 4days after A.L knew he cheated. Kung noon nakikita ko pa na may spark sa mga mata ni A.L kapag kausap ito pero noong araw na 'yon all I can see was her normal look but the color of her eyes...alam kong 'yon pa ang araw na nakita ko ang ganoon ka itim na kulay nito at hindi mo talaga mababasa ang mukha ni A.L.

“Hoy alam mo ba nililigawan daw ngayon nina Joy si Steph.” irap na sabi ni A.E na ikina-gulat ko. Nandito kami ngayon sa bahay dahil ako lang mag-isa rito at wala rin daw s'yang gagawin sa kanila kaya nandito s'ya at ano pa nga ba ang inaasahan ko rito? Puro chika lalo pa at wala si A.L.

“What the f!ck?! For real?”

“Yes P.Z! Ayan kana naman sa kaka-english mo eh!” irap ulit nito. Tumawa naman ako.

“Ngayon lang ba ako ganito? 'di naman 'di ba? Tsk,pero totoo talaga?!”

“Oo,nakita ko sa gc nila kasama kasi si Isaac sa gc nila at basta nanggigigil na naman ako sa kanya!”

“Bakit? Girlfriend ka ba ni Steph? Kung maka panggigil ah.”

“Grabi ka naman! Kailangan bang maging jowa muna si Steph bago ako manggigil sa nanliligaw sa kanya? Haha isipin mo kasi babae si Joy tapos s'ya pa 'yong nanliligaw 'di ba?”

“Oo nga naman,but I also experienced that alam mo na hahaha masyadong obsessed at huli ko na nalaman na masyadong cringe ang ginagawa ko hahaha.”

“Hahaha—hmmm pero alam mo ba?”

“Hindi malamang.”

“Tang!na mo talaga!”

“Hahaha joke lang. Ano ba kasi?”

“Namiss ko na si A.L.” mapait na ngumiti ito.

“Me too,I also miss J.F hahaha.”

“Oo nga namiss ko rin si Zavyn.”

Nasa probinsya na si J.F umuwi na sila ni Vince doon at hindi ko alam kailan kami magkikita ulit,doon narin kasi s'ya mag-aaral at ako naman mananatili parin sa Naobil pati si A.E pero hindi ko alam kung si A.L babalik pa ba sa pinagta-trabaho-an n'ya o sa probinsya o doon lang s'ya sa place kung saan nandoon ang obāchan n'ya.

Ilang oras lang ang lumipas ay umuwi na rin si A.E dahil uutusan daw s'ya ng papa n'ya kaya naman dahil inutusan din ako ni mama sa palengke ay mag-isa rin akong namalengke.

THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora