CHAPTER 12: PICNIC

83 5 0
                                    

Chapter 12

Jamy POV,

Nasa park kami ngayon ng boyfriend ko kasama ang baby namin,maraming mga bata rito at sobrang saya ko dahil maraming naglalaro sa baby namin kahit hindi namin kakilala. Nag-picnic kami although hindi ito ang first time pero kakaiba parin talaga ang saya kapag kompleto kayong pamilya na nagbo-bonding. Masaya akong pinagmasdan sila ng anak namin habang nilalaro niya ito.

Kasama namin ngayon ang ate ko at ang anak at lesbian nitong kasintahan. Nagka-anak kasi ang ate ko sa isang lalaki,malamang haha, pero nag-hiwalay sila kaya naman naging magkasintahan si ate at ang lesbian n'ya,nasa kanila rin ni ate ang bunsong anak n'ya.

Hindi ko alam pero sa kabila ng saya ko ay mayroon talagang kakaibang pakiramdam na bumabalot sa akin. Na-aalala ko kase 'yong ex-girlfriend n'ya,oo,napag usapan na namin 'yon,parte lamang yong babaeng 'yon sa nakaraan n'ya pero....hindi ko maiintindihan kung anong klaseng tingin 'yong pinupukol sa akin ng ex-girlfriend n'ya. Hindi ko alam pero feeling ko aagawin n'ya ang tatay ng anak ko na siyang kinakatakutan ko. Hindi ko lubos maunawaan kung bakit ganito ang dapat kong maramdaman,napag-usapan na namin 'to pero—
Napa-iling na lamang ako. Hindi dapat ako nag-iisip nang ganoon dahil dapat ito ay masayang araw namin dapat gumagawa kami ng magagandang bagay ngayon dahil madalas lamang kaming nag-ba-bonding eh,hindi ito ang oras para mag overthink ako,tama! Think positive! Past is past!

Nakangiti akong nakatingin sa mag-ama habang naghahanda nang kakainin namin. Hindi naman marami ang dala namin,snacks lang naman chichirya tapos kanin,bumili rin si ate kanina ng chicken joy, cereal naman para sa baby namin. 8 months palang kase si baby kaya cereal lang muna.

“Halina kayo kainan na,” masayang tawag ko sa kanila. Lumapit naman sila ate sa akin at nagsalo-salo na nga kami. Imbis na ako ang magpapa-kain sa baby namin ay nag volunteer na ang daddy nito dahil dapat daw magpakabusog ako. Ang swerte ko talaga sa kanya kahit kailan.
By the way Vince ang pangalan ng boyfriend ko,ama ng baby namin na si Zavyn.

“Oo nga pala Jam bakit hindi mo sinama rito sina Angel?” tanong ni ate. Lumunok muna ako bago sumagot.

“Nako,si Angel busy 'yon palagi kase nagta-trabaho 'yon at kapag day off non eh nakatuon lang ang atensyon nun sa mga activities nya na kulang,si Aymei naman ganoon din,busy,marami rin daw siyang activities na kailangan n'yang tapusin tapos sasamahan n'ya raw si Isaac sa school alam nyo naman 'yong bf n'ya eh SSG president. Tapos si Peachy busy din,may mga kulang pa kasi s'yang activities although may homeworks din naman ako pero mamaya na 'yon haha,babawi nalang daw sila next time,” mahabang paliwanag ko. Tumangon naman si ate. Kumain na lamang ulit kami. Sa kalagitnaan nang tawanan namin habang kumakain ay may biglang lumapit na babae sa amin—si Wennah!

Hindi ko alam pero sobrang bilis talaga nang tibok nang puso ko. Ewan ko ba ang praning masyado nitong puso ko. Ngumiti lang ako rito at ngumiti rin ito pabalik sa akin at halatang peke! Umiling na lamang ako at itinuon kay Zavyn ang atensyon ko.

“Ahm—ano palang kailangan mo?” nag-aalinlangang tanong ko rito.

“Doon lang ako galing sa kabila nagpapahangin kasi ako with my friends and accidentally napadpad ang mga tingin ko sa inyo, that's why I came here—ah yes I want to give this to your baby pala Vince and Jamy?right?” tanong nito. Tumangon lang ako. “So here,a gift from me,” inabot nito sa akin ang paper bag binuksan ko ito at may lamang stuff toy at gamit ng bata. Napangiti naman ako.

“Ah thank you pala rito,” pagpapasalamat ko.

“No need,” sabi pa nito.

“A-Ah—salamat Wennah,” nag-aalinlangang sabi ni Vince.

“I said,no need hahah I wanna be his tita if okay lang?” sabi nito. Tumingin naman si Vince sa akin. Nag-aalinlangang tumango naman ako. Gusto kong umayaw pero feeling ko mabait naman ito kaya pumayag na lamang ako,wala naman sigurong masama 'di ba?

“Yes by the way,what's his name?” tanong nito.

“Sky Zavyn,”sagot ni Vince.

“Omg ang ganda naman ng name ni baby Sky,” nakangiting puri nito at pinisil ang pisnge ni Zav.

“Oo nga pala Wennah bakit hindi ka muna kumain?” aya ko rito.

“No thanks,I'm still full at may lakad pa ako ngayon sinadya ko lang talaga ang gift ko kay baby Sky,so I'll go ahead?” paalam nito.

“Thank you ulit,” sabi ko. Ngumiti lang ito.

“Salamat Wennah,ingat ka,” pahabol na paalam ni Vince,kumaway lang ito at umalis na ng tuluyan.

“'Yon 'yong ex mo Vince 'di ba?”  tanong ni ate Ann,'yong lesbian na kasintahan ni ate. Tumango naman ako.

“Nako kakaiba ang kutob ko sa babaeng 'yon ha,” sabi pa ni ate at sinulyapan kung saan dumaan si Wennah kanina.

“Ano kaba ate past is past mabait naman siguro si Wennah eh,'di ba love?” tanong ko kay Vince.

“Ha?—ah oo,oo,” tila balisang sagot nito.

“Malalim ata ang iniisip mo Vince ah,” may panunuksong sabi ni ate.

“Ha?ahhaha hindi naman iniisip ko lang 'yong trabaho ko,oo tama,'yong trabaho ko ang iniisip ko ano kaba,” tawa nito. Napabuntong hininga naman ako at ngumiti. Wala naman sigurong masamang intensiyon si Wennah kaya hindi ko kailangang mabahala.

“Nako siguraduhin mo lang na hindi 'yong babaeng 'yon ang iniisip mo ha?kase baka maka patay ako,” nagbabantang ngumiti si ate rito. Napalunok naman ito.

“Hindi ah,Mahal ko kaya itong si Jamy ko,'di ba love?” niyakap ako nito. Ngumiti naman ako at tumango.

“Abay dapat lang baka ako pa pumatay sa'yo eh,” biro ko.

“Sama mo!” nag-pout naman ito. Tumawa nalamang ako.

“Tama na ang yakap kung nakakapag-salita lang 'yang anak n'yo eh kanina na 'yan nag reklamo,” sita ni ate sa amin. Ngayon ko lang din naalala na hawak ko pala si Zav.

“Basta lagi mong tatandaan mahal na mahal ko kayo ng anak natin,” mahinang sabi ni Vince na ikina-ngiti ko.

Tama,alam kong past is past na talaga. Wala akong dapat ipag-alala dahil alam kong mahal na mahal kami ni Vince.

THE FIVE PRINCE AND ANGEL (COMPLETED)Where stories live. Discover now