Class Code: ERROR

By SymphoZenie

4.4K 169 349

Highest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment th... More

Class Code: ERROR Disclaimer
Prologue
Chapter 1: The Announcement
Chapter 2: Sirius Tech Institute
Chapter 3: A Test For the New Utopia
Chapter 4: Escape from the Prison-like Home
Chapter 5: A Night Before Class
Chapter 6: Mysterious Items and Mysteriously Kidnapped
Chapter 7: Flower Garden-Crashers
Chapter 8: A Forest behind the Wall
Chapter 9: The Stranger
Chapter 10: Upcoming Terror
Chapter 11: New Subject
Chapter 12.1: Beta Tester #1-A
Chapter 12.2: An Oath to Protect
Chapter 14:Midterm Exam's Forbidden Technique
Chapter 15: Zenrie and the Two Knights
Chapter 16: Butterfly Effect
Chapter 17.1: Into the Woods of Exiles
Chapter 17.2: Tigmour
Chapter 17.3: Triple Switch Technique
Chapter 18: Souvenir
Chapter 19: SAU Intramurals Opening Ceremony
Chapter 20: The Girl on the Dance Floor
Chapter 21.1: Before Nine O'clock
Chapter 21.2: The Birth of Black Navillerian Angelus
Chapter 22: Duel Arena Tournament
Chapter 23: Final Round
Chapter 24: Surprise Visitors
Chapter 25: Cake and Coffee Talks
Chapter 26.1: The Monument of Peace
Chapter 26.2: Arcantz Legionear
Chapter 27.1: Scarlet Dawn's Wake-up Call
Chapter 27.2: Beauty and the Cursed Fairest
Chapter 27.3: Blue-eyed Maiden
Chapter 28: To Freeze or Promotion
Chapter 29.1: Ellah's Proposal
Chapter 29.2: Eighth of May
Chapter 30: Have a Break
Chapter 31.1: Wardrobe Malfunction
Chapter 31.2: The Temporaries
Chapter 31.3: Dealing with a Hyena
Chapter 32: Stars in the Sea
Chapter 33: A Father Who Broke the Oath
Chapter 34.1: Blind Spot Test
Chapter 34.2: In the Eyes of the Peculiar
Author's Note
Author's Note
Chapter 35: The Result
Chapter 36.1: The Enchanting Encounter
Chapter 36.2: The Petal

Chapter 13: A Call from the Parallel World

29 4 7
By SymphoZenie



===Zenrie===

March 23, 2020, 08:30 AM

Nakatingin ako sa rice cooker habang hinihintay ko ang pagkaluto ng kanin. Kumuha rin ako ng isang basong tubig saka uminom upang masidlan naman ang aking tiyan. Naging kulay golden brown na rin ang pork cutlet na agad kong kinuha sa kawali upang hindi ito masunog. Gumawa na rin ako ng vegetable salad habang hinihintay kong maluto ang panghuling piraso na inilagay ko kanina.

Kahit makailang beses kong ituon ang aking sarili sa mga gawain, hindi ko pa rin talaga maiwasang lumipad ang aking isipan sa mga naging kaganapan sa virtual world. Sa pag-re-review pa lang ng mga aralin namin para sa midterm exams, kahit may nakukuha ako sa nilalaman ng mga 'to ay sumingit pa rin ang mga iyon lalo na sa munting reunion namin ng mga beta tester nitong Sabado. Sa tingin ko'y hinahabol pa rin ako ng sarili kong bangungot at nakaraan kahit nasa nakakulong kami sa alternatibong mundo.

Dalawang araw ang lumipas matapos kaming makapag-usap ng iba pang beta testers sa dug out ng gymnasium. Napagkasunduan din naming magtulungan upang kumalap ng iba pang impormasyon tungkol sa sinasabing AI at sa mga nangyayari sa aming paligid sa kinabibilangan naming unibersidad. Hindi ko pa rin alam sa ngayon kung ano rin ang mga misteryosong kaganapan sa iba pang mga paaralan bago pa man magpakita si Avicta sa virtual world.

Maliban doon, kumukulo pa rin ang dugo ko sa tuwing maaalala ko ang naging pag-uusap namin ni Jairus at malamang siya ang pinakaunang beta tester sa aming grupo. Simula noong kumalas ako sa guild at hindi na nagparamdam sa kanya, mas gumagawa pa siya ng mga paraan upang makausap ako tungkol sa mga nangyari. Dinaig pa talaga ang kakulitan ng isang 'to kahit makailang beses na akong nagsabi sa kanyang kailangan ko pa ng panahon upang makakuha ako ng sapat na lakas upang harapin siya ulit.

He's even getting secretive and sometimes spewed some surprises. Kapag nakita ko pa siya ulit, talagang sasapakin ko na siya.

Abala ako ngayon sa paghain ng kanin sa mesa. Gaya ng dati ay magkasama na naman kami ng barkada sa pagkain at sinamahan pa ng kuwentuhan. Alam kong kinakabahan na kami sa midterm exams namin sa Miyerkules at pinag-igihan pa ang pag-re-review sa lahat ng mga leksyon namin bawat kurso.

"Hay! Kahit kailan talaga wala pa ring pumapasok sa utak ko para sa isasagot sa exam ngayong Miyerkules," nayayamot na saad ni Mimi.

"Sinabi mo pa Emmie," pagsang-ayon naman ni Ranzou sa kaniya habang tinatapik ang kamay sa mesa. "Kahit ilang chocolate bars na ang nakain ko upang tumalas ang isipan ko ayaw pa rin talaga."

Nakangisi namang tumingin si Emerson sa kanya at muling ginulo ang kanyang buhok. "Anong walang pumapasok na ideya para sa exam? Baka nakakalimutan mong nakatulog ka lang buong maghapon habang abala kami ni Althea sa pag-re-review. Hindi ka na rin namin ginising at baka ilabas mo ulit ang espada mo." Wika naman ni Emerson, sabay alis ng kaniyang kamay sa ulo ni Ranzou.

Marahan namang umiling si Ranzou at hinampas si Emerson sa balikat. "Nagtutulog-tulugan lang ako n'on pero sa totoo lang nag-aaral ako para sa exams. Isa pa, hindi niyo man lang ba nakita ang mga pakete ng tsokolate sa may trash bin? Grabe naman kayo sa'kin!" naiinis na saad ni Ranzou.

"Sa totoo lang nakita ko 'yon Ranzou," pagsuporta naman ni Mimi sa kaniya. "Ako kasi ang nagtapon ng basura kahapon at hindi ko inakalang nasa sampung pakete ng tsokolate na ang naubos mo at malalaki pa. Hinay-hinay ka naman sa pagiging chocoholic mo kahit nasa virtual world tayo." Mahina namang tumawa si Mimi sa kaniya at kumuha ng baso upang makapagsalok ng tubig. Lumapit na rin siya sa akin upang tulungan ako sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa.

Umigting ang mga labi ni Ranzou at umirap kay Emerson. Napakibit-balikat naman siya habang nakatitig sa plato.

"Ewan ko ba kung naniniwala kayong dalawa sa akin o pinagtutulungan niyo ako pareho," mahinang sabi niya.

Tumawa naman si Mimi habang inilagay ang isang plato ng pork cutlet sa mesa.

"Hay naku! Kay aga-aga pa nagbibiruan na kayo nang ganyan ah," natatawang saad niya. "Tulungan niyo na lang kaya si Riri sa paghahanda ng agahan."

Tatayo sana sina Emerson at Ranzou ngunit naunahan ko na silang ilapag ang malaking mangkok ng vegetable salad sa mesa. Ito na rin ang huling pagkain na ihahain namin sa mesa at sigurado akong kanina pa nagugutom ang mga alaga ko rito. Para lang akong nag-babysit sa mga 'to na talagang napapagod sa kare-review ng mga aralin sa midterms; kahit ang iba r'yan ay natutulog. Siguro nag-aral siya sa kaniyang panaginip.

"Ayos lang Mimi," nakangiti kong saad at tinanggal ang suot kong itim na apron. "Tapos na rin naman tayong maghain ng mga pagkain sa mesa at puwede na tayong kumain."

"Ayos!" Masayang sigaw ni Ranzou at pumalakpak. "Kanina pa talaga ako nagugutom Commander Ka--- Zenrie!"

Mariin na naman akong nakatingin sa kaniya at aakma na akong paluin ang hawak kong sandok sa ulo niya. Ayan na naman siya sa mga pang-aasar na 'yan na talagang kinaiinisan ko. Alam naman niyang may mga kasama pa kami ritong hindi pa alam kung sino ako sa laro lalong-lalo na sa iniingatan kong game pseudonym.

Baka gusto niyang magaya kay Jairus na sinipa ko sa open bench hallway.

Mahina naman akong tumawa at hindi na ako nag-atubili pang paluin ng sandok ang ulo niya. Napailing si Ranzou sa sakit at hinimas agad ito. Isa lang naman 'yan sa mga appetizer para sa mga mapang-asar na gaya niya ngayong umaga.

"Ituloy mong sabihin 'yon at talagang hindi ka na makakakain ng agahan Ranzou Nazario," sabi kong may diin sa huli. Inilapag ko na rin ang sandok sa mesa.

"Pasensya na Zenrie, nagbibiro lang naman ako eh!" padabog namang saad ni Ranzou.

Tumawa naman si Emerson sa kaniya na agad namang napatapik sa balikat nito. "Kapag inasar mo talaga si Zenrie tungkol sa bagay na 'yon, talagang wala nang magluluto sa atin dito sa dorm. Kaya umayos ka r'yan at baka ikaw pa ang maging biktima ng malupit niyang sword skill," natatawang asar niya kay Ranzou.

Kesa sa magkaroon pa ng hidwaan dito, minabuti ko nang awatin ang dalawang 'to. Kailangan na rin naming kumain upang makapasok na kami nang maaga sa klase. Nakasanayan na rin naming gawin ito simula pa noong wala pang pandemya. Tamang tambay lang sa university gazebo, library, at sa walang humpay na pagkukuwentuhan namin. Minsan pa nga manlilibre pa ang dakilang manager namin na si Ranzou sa tuwing mapanghihinaan kami ng loob matapos ang laro o sa exams.

Ang kakaiba nga lang sa kanya ay mag-re-review siya at matapos ang limang minuto knock out agad. Siguro iba-iba lang talaga ang mga estilo namin.

"Oh! Tama na muna 'yan at baka may mahampas na naman ako sa inyo," wika ko't napataas ng kilay sabay bato ng kunot-noong tingin sa dalawa.

Lumingon agad silang dalawa sa akin at mahinang tumawa sabay himas ng batok. Nakaka-stress rin talaga ang dalawang 'to minsan sa totoo lang.

Umupo na agad ako sa tabi ni Mimi at pinagmasdan ang aking mga kasamahan sa hapag. Agad kong napansing may dalawang upuan na bakante sa tabi ni Emerson. Minabuti ko na agad magtanong sa kanila.

"Nasaan nga pala sina Zoiren at Althea?"

"Nauna na silang pumasok sa klase Zenrie," sagot naman ni Emerson habang isinasaayos ang kutsara sa plato niya.

"Alam mo namang alas siyete ng umaga ang pasok nila kaya maaga silang umalis," dagdag naman ni Ranzou.

Muntik ko na tuloy makalimutan ang bagay na ito. Mas maaga pa pala ang pasok nila kesa sa amin dahil nga rin sa iba ang pinanggagalingan naming college programs. Kahit ganoon, magkakasundo naman kami kapag may problema na kami pagdating sa minor subjects at sa mga bagay na may kinalaman sa teknolohiya.

Natawa ako nang mahina habang kumukuha ng kutsara sa tabi. "Oo nga pala," sabi ko. "Muntik ko na tuloy kalimutan ang bagay na 'yon."

"Dahil kasi 'yan sa pag-re-review mo Zenrie kaya nakakalimutan mong iba ang schedule ng klase natin sa kanila. Hahahaha!" Pang-aasar naman ni Ranzou sa akin at ngumisi.

Umirap ako sa kaniya at huminga nang malalim. "Hay! Nagsalita ang natutulog lang sa tabi habang nagre-review kami nitong nakaraang araw."

Muli na namang nababalot ng tawa ang bawat dingding ng aming silid matapos kong magbitaw ng mga linya. Umirap si Ranzou sa akin at umiling na parang nagsisimula na namang magdabog dahil doon. Hinimas agad ni Emerson ang kanyang likod.

"Saka na muna 'yang mga pagbibiruan niyo at baka bigla pang tumunog ang sirenang narinig natin noong Biyernes. Tapos maaga pa naman tayong papasok gaya ng kinagisnan natin," natatawang sabi ni Emerson.

"Buti pa nga."

Hindi na rin kami nag-atubili pang kumain upang makapaghanda na sa mga sarili namin para pumasok. Maliban din sa maaga, may oras pa akong tumambay sa library para magbasa at manaliksik tungkol sa librong hiniram ni Zoiren. Hindi ako makapaniwalang mula roon ang ikinukuwento ni mama sa akin noong bata pa ako.

Avillerius... Ano bang misteryo ang nakakubli sa'yo rito sa malabangungot na virtual world?

Bakit ko pa kasi kinukulit si mama na ipagpatuloy ang kuwentong 'yon kahit may libro naman pala? Siguro iba lang talaga ang trip na naisip ko kaya ganoon.



===Zoiren===



Tahimik kong nakaupo sa aking puwesto sa likuran habang nakikinig sa aming talagakayan. Habang nasasalita ang aming propesor sa harap, napahikab ang ilan sa aming mga estudyante sa kanya at kasama na roon sila Dezmund at Alwyn: ang mga pasimuno ng kalokohan sa block na ito.

Napahikab din ang isang kaklaseng katabi ko habang nilalaro niya ang kanyang ballpen sa mesa. Sersyoso namang nakatingin si Althea sa holographic screen na talagang seryoso sa talakayang ito. Kasagsagan din kasi ng aming talakayan ngayon tungkol sa Purposive Communication at nasa diskusyon na kami sa usaping modelo ng komunikasyon. Dinadapuan din ako ng antok sa klaseng ito kaya minsan natutulog na lang ako sa likuran.

It's a little bit boring; I want to investigate again about Avicta's whereabouts.

Nakatingin lang ako sa kanya pero lumilipad ang isipan ko sa ibang bagay. Ang galing din ano?

"Mr. Alima!" Isang maalingawngaw na boses ang aking narinig mula sa harapan. Napatayo ako bigla sa aking upuan at muntikan na akong mawalan ng balanse.

Rinig na rinig kong tumatawa sila Alwyn sa tabi dahilan upang magsalubong ang mga kilay ko nang makarinig ako ng mga boses mula sa kampon ng kadiliman.

"Yes ma'am?" tanong ko, kasabay ng pagkamot ko sa ulo.

"Can you tell me what kind of communication model it this?" Sa pagturo pa lang ng prof sa naturang larawan sa white board, tumunog na ang university bell na nagpapatunay sa pagtatapos ng isang period ng klase. Bihira lang talagang mangyari ang ganitong klaseng himala sa talambuhay ng isang estudyante.

Saved by the bell! Buti na lang at dumating ang SOS ko dahil wala talaga akong maisasagot sa larawang iyon.

Sa kabutihang palad ay nag-dismiss na agad si ma'am sa amin at dali-dali akong lumabas mula sa klasrum namin sa ikaapat na palapag ng Institute of Computing Department Building. Habang pababa ako sa hagdan ay tinawag ako bigla ni Althea.

"Zoiren sandali!" malakas na tawag niya sa akin at napahinto ako sa panghuling yapak ng hagdan papuntang pangatlong palapag.

"Bakit Althea?" tanong ko kasabay ng paglingon ko sa likod. "May problema ba?"

"Wala naman," sagot niya at iniayos ang kaniyang salamin. "Pupuntahan mo ba si Zenrie sa library ngayon? May ipapaabot kasi ako sa kaniya mula sa isang estudyanteng nagpakilala sa akin na taga Angeruzo. Nagkita kasi kami kanina sa ground floor at may ibinigay sa akin na isang lalagyan. 'Yong parang test tube pero capsule serum ang laman."

Binuksan agad ni Althea ang kaniyang student's window at inilabas ang sinasabi niyang item na lumitaw sa kaniyang kanang kamay. Mariin kong pinagmasdan ang mga kulay asul na capsule serum sa loob nito. Mukhang pamilyar sa akin ang bagay na ito pero hindi ko alam kung saan ko na ito nakita.

Muli akong tumingin kay Althea na bumabato ng katanungan sa mata. "Tinanong mo ba kung sino ang nagbigay sa'yo ng bagay na 'yan?" mapanuring tanong ko sa kaniya.

Medyo naningkit ng mga mata niya nang tanungin ko sa kanya ang bagay na ito. "Sa totoo lang Zoiren hindi ko kilala kung sino siya. Akala ko nga si Andy 'yong kaharap ko kanina, pero ibang lalake pala. Sa tingin ko nama'y kilala niya si Zenrie at ang kambal kaya ipinabibigay niya sa akin 'to," wika ni Althea at agad napabuntong hininga.

My brows furrowed as I kept staring on the item. Sa mga sinabi niya, parang kilala ko na kung sino ang nagbigay nito para kay Zenrie. Hindi naman siguro ito isang gayuma para lang mapaamo siya. Oo nga pala, hindi pala uso ang bagay na 'yan sa virtual world maliban na lang kung system ang kokontrol sa utak mo.

Mukhang si Beta Tester #1-A o Jairus ang nagpapaabot nito para ibigay kay Zenrie. Hay naku! Hindi ba uso sa kanya ang i-send na lang agad sa kaniya ang bagay na ito imbes na ipapaabot? Beta tester raw pero hindi ginamit ang chat box para ibigay na lang sa kaniya.

That dork weaboo!

Ay mali! Pareho pala sila ni Zenrie na may dugong Hapon pero hindi sa ugali. How the heck that scumbag told me about that last time? Malay ko ba kung hindi ko alam na nagsasalita pala sila ng Nihongo kung ang pagkarinig ko ay isang literal na suka?

"May problema ba Zoiren?" Althea slightly tilted her head in wonder. "Para kasing titig na titig ka sa bagay na 'to at nagsalubong pa ang mga kilay mo. Kilala mo ba kung sino 'yon?" Dagdag naman niyang tanong sa akin na nagpapalik ng aking atensyon sa kaniya.

I sighed deeply and shrugged. "Oo naman Althea ayos lang ako," sagot ko. "Bakit hindi na lang niya i-send kay Zenrie ang bagay na 'yan? Total, nasa virtual world naman tayo."

Napahawak na lang tuloy si Althea sa kaniyang kaliwang bewang at muling ibinalik ang kaniyang mga tingin sa hawak niyang item. "Iyan din ang ipinagtataka ko Zoiren." Sabi niya. "I guess he's a shy person that's why he lends me this item. Ewan ko ba, parang pakiramdam ko tuloy may something sa lalakeng 'yon kay Zenrie eh." Wika niya't bumato sa akin ng kunot-noong tingin.

May something? Ano 'yon? Linya mula sa isang potato chips na patalastas?

Pero hindi, seryoso na 'to.

Ano bang meron sa Jairus na 'to? Sa pagkakaalala ko nitong Sabado ay matagal na rin silang magkaibigan ayon sa kanyang mga sinabi. At ito namang si Zenrie, hindi sa may iniisip akong kakaiba sa kaniya pero ang galing ding makipagplastikan kay Jairus eh. Kaya rin pala may marka ng sipa ang mokong na iyon sa mukha dahil may ginawa na naman 'to sa kaniya kaya nagalit. Hindi ko alam kung anong meron sa dalawang 'to pero ang init ng dugo niya kay Jairus.



========



"Zenrie, naaalala mo ba iyong itinanong ko sa'yo noong nasa dug out A tayo kanina?" tanong ko sa kanya habang kinukuha ko ang aking notebook sa student's window.

Kumuha naman siya ng isang basong tubig at madaling ininom ang laman nito. Muli siyang tumingin sa akin ngunit sa pagkakataon nito'y namumuo sa kaniyang mga mata ang kawalan ng emosyon nito. Huminga siya nang malalim bago siya sumagot.

"Oo naman Zoiren," sabi niya. "Iyon bang dahilan kaya may marka ng sapatos si Jairus sa mukha?"

Tumango ako sa kanya bilang tugon. Sumagot agad si Zenrie sa aking katanungan habang nagsalubong na rin ang aking mga mata sa kaniya. "Sabihin na lang nating bigla na lang niya akong sinorpresa na hindi ko talaga gusto. Isa pa, naiinis ako dahil hindi man lang niya sinabi agad na siya pala ang kaibigang tinutukoy nina Ellah at Andy," wika niya't napayuko ng ulo.

"Huwag mo sanang mamasamain ang sasabihin ko sa'yo Zenrie," mahinang sabi ko sa kaniya. Inilapag ko muna ang hawak kong notebook sa mesa at ipinatong ang aking baba sa dalawang kamay. "Narinig ko rin kasi sa mokong--- este kay Jairus na matagal na kayong magkakilala. Totoo ba 'yon?"

Muling natigilan si Zenrie sa aking mga sinabi. Dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang ulo at muli na namang nakatingin ang kaniyang mga matang walang emosyon sa akin at kinalauna'y bahagyang ngumiti. Minsan talaga misteryoso rin ang babaeng 'to kahit may bahid din siyang kabitteran.

"Sa totoo lang Zoiren, saka ko na lang ikukuwento sa iyo ang mga bagay na iyon. Isa pa, it's our personal problem and we're the only one who could deal with it. Sabihin na lang nating may usapang close friend concerns kami kuno ng aha--- ibig kong sabihin ni Jairus," saad niya.

Ngumiti na lang ako sa kaniya at inunawa ang kaniyang mga sinabi. "Ok Zenrie. Hindi ko rin naman pinipilit na malaman ang bagay na 'yon. Besides, we have to continue our review and focus," saad ko kay Zenrie.

Tumango siya sa akin at ngumiti. "Buti pa nga."



===========

Hindi ko alam kung anong meron sa dalawang 'yon. Para kasing dinaig pa ang LQ ng magjowa ang inisan ng dalawa pero wala namang sila. Malapit na magkaibigan sila ni Jairus tapos sinipa't inapakan ang paa ng mokong. May napapansin lang talaga akong kakaiba kay Zenrie sa tuwing kaharap niya ang sinasabing Beta Tester#1-A.

Hindi kaya may nakaraan ang dalawang 'yon na magjowa? Ang bitter kasi ni Zenrie lalo na 'yong iniligtas namin ang magkasintahang ang sagwa sa mata noon.

Baka hindi naman. Siguro may natatagong alitan ang dalawang 'yon kaya nagkalamat ang pagkakaibigan nila. Sinusubukan ko lang manghula kung ano ba talaga, pero bawal at baka masira mo 'yong privacy. Baka ako pa ang sapakin niya kung magtanong pa ako't mapagkamalang tsismoso.

At sa sinasabi ni Althea na mahiyain siya, sa salitang iyon siya nagkakamali. Ang kapal pa nga ng mukha n'on para pumunta rito sa SAU at sabihan ako ng lampa't lutang!

"Ako na ang mag-aabot kay Zenrie n'yan Althea." Pagtanggap ko sa kanyang alok.

"Ok Zoiren," sabi niya. "Sabihin mo na rin sa kaniya mamaya na kami nina Emerson at Ranzou ang mamamalengke para sa hapunan natin."

Muli akong napatango bilang tugon ko sa kaniya. "Makakaasa ka Althea," saad ko.

Binuksan ko kaagad ang aking student's window at ipinasok ang naturang item sa aking items vault. Matapos n'on ay nagpatuloy na ako sa aking paglalakad upang makarating sa library. Sa tuwing sasapit na ang alas dos ng hapon, malamang nandoon na rin siya tumatambay habang ginagawa ang kaniyang mga nakasanayan.

Baka nga'y nagsusulat iyon sa nobela niya o nananaliksik tungkol sa mga nangyayari sa virtual world.

Sa ngayon, wala pa rin kaming natatanggap na tawag mula kay Prof. Leizuko matapos ang insidente. We even tried to contact him, pero hindi siya sumasagot. Ano na ba ang nangyayari sa kaniya at ang Sirius Tech kaya hindi kami sinasagot? Hindi naman siguro may nangyayari rin sa kanila o hinarang ni Avicta ang linya.

Hay naku! May mas malala pa pala kesa sa nalalapit naming midterm exams.



===Zenrie===

Nakaupo ako sa cubicle ng hardin habang pinagmamasdan ko ang mga munting moon flower sa tabi ng asul na rosas. Napagdesisyunan ko rin munang hindi tumambay sa library dahil na rin sa mga bagay na bumabagabag sa aking isipan. Kahit din kasi roon ay madidistorbo ako sa dami ng mga librong umaakit sa'kin para magbasa.

Kailangan ko na muna kasing mapag-isa dahil sa mga kaganapan nitong nakaraang linggo. Maliban pa roon, nagpakita ulit sa akin ang ahas na iyon na gumamot sa aking daplis sa kaliwang braso. I couldn't believe that he's one of us beta testers na mas nauna pa sa amin. Kulang na lang masasabi kong isa siya sa mga impostor ng grupo.

Joiners ika nga.

Dapat ngayon magpapakita na si Blaurei para kausapin ako rito, pero hindi pa rin siya nagpakita. Na-mi-miss ko pa naman ang pangungulit n'on sa akin habang tinatawag ako sa aking pseudonym sa laro. Kahit nakakainis siya minsan dahil muntikan niyang banggitin ang natatanging pseudonym ko na minsan nang ipinagkalat ni Jairus sa guild.

Pero sa usaping pangungulila, kumusta na kaya sila Issei at Tita Tory sa tunay na mundo? Sigurado akong nag-aalala nang sobra ang mga 'yon nang mabalitaan sa telebisyon ang tungkol sa insidenteng ito. Pabida rin itong si Avicta eh ano? Sarap kalikutin ng kaniyang motherboard para malaman kung saan nanggaling ang mokong na ito.

Tapos hindi pa namin ma-contact si Prof. Leizuko matapos ang pagtitipon namin nitong Sabado sa dug out. Ano na rin kaya ang nangyayari roon habang nagkaroon ng hijacking incident?

Tumunog at umilaw ang butterfly icon sa aking kanan kaya agad akong napabukas ng aking student's window. Dumiretso agad ako sa aking contacts at sa hindi inaasahang pangyayari ay may tumawag sa akin. 'Yon nga lang ay hindi si Prof. Leizuko ang tumawag sa akin pero iba. Hindi rin ang Jairus na 'yon na talagang masasapak ko na sa oras na bibisita ako kina Ellah at Andy.

Isang Tatsumi ang nakapangalan sa kabilang window na tumatawag sa akin ngayon. My heart starts racing when I find out that this name is really familiar to me. Hindi ko na rin namamalayang nakaguhit na ang isang ngiti sa aking mga labi. Parang kilala ko ang pangalang ito at minsan ko na rin siyang nakasama sa laro.

Kaagad kong sinagot ang tawag at lumitaw ang isa pang window sa aking harapan na animo'y isang video call gaya noong kay Calyx. Nagpakita agad sa screen ang isang pamilyar na mukhang namumugto na ang mga mata sa kaiiyak at inaayos ang kaniyang hair pin sa bangs niya. Nakasuot din siya ng pink na sweater at tumili pa.

"Zenriiiiiiieeeeeeee!!! Thank goodness na-contact na rin kita r'yan sa virtual world!" Malakas na sabi ang aking narinig at wala nang iba kundi ang aking pinakamamahal na pinsan.

"Issei... I-Ikaw ba 'yan?" marahang tanong ko. Inilapat ko ang aking kamay sa screen at hindi ko na napansing namumuo na ang mga luha sa aking mata at nagbabadyang tumulo.

"Yes Zenrie! You're one and only fabulous cousin," sabi naman niya at nagpose pa.

Sabi ko na! Si Issei nga ang nasa screen!

Abot langit ang aking mga ngiti at tila nakangiti na rin ang aking mga mata dahil sa galak. Napahawak tuloy ako sa aking dibdib at tuluyan nang tumulo ang aking mga luha. Hindi ko akalaing matatawag niya ako kahit nasa virtual world. Kung ano man ang ginawa niya, talagang malaki ang utang na loob ko para sa pinsan ko.

Not just on the photo shoot efforts, but also for calling me in the parallel world.

"Ang beauty mo uys! Huwag ka nang umiyak d'yan Zenrie," sabi ni Issei. "Akala mo ikaw lang ang nakakamiss sa amin? Siyempre kami rin ni mom noh."

Wengya! May gana pang mang-asar ang tokwang 'to palibhasa parang nasa coma ang katawan ko r'yan.

Pinunas ko muna ang aking mga luha gamit ang panyo at muling tumingin sa screen. "Ako rin naman Issei. Nangungulila na rin ako sa inyo r'yan sa tunay na mundo." Pahikbi kong saad sa kaniya.

"Akala namin tuloy nagkakaroon na ng world war d'yan sa virtual world nang mabalitaan namin ang hijack incident nitong Biyernes," pag-aalalang sabi ni Issei. "Kumusta naman kayo ni Emmie? Baka may nahihimatay na naman d'yan o nagkaroon ng trauma."

Mukhang alam na rin nila ang mga nangyayari. Hindi na rin ito bago sa akin dahil kami rin ang naging saksi. Ang pinagtataka ko lang sa ngayon ay paano naman ang nasa Sirius Tech at sila Prof. Leizuko.

"Mahabang kuwento Issei," sabi ko. "Maraming natataranta, natatakot, at gaya ng sinabi mo'y nahimatay dahil sa mga nagyari. Isipin mo ba namang nagkatotoo ang kuwentong sinasabi sa akin ni mama dati at kapangalan pa ng bruhang kontrabida ang AI rito. At isa pa, we're doing fine with Mimi here."

Nanlaki at kumukurap bigla ang mga mata ni Issei nang marinig niya ang aking mga sinabi. Napatapik na rin siya nang malakas sa mesa kasabay ng pag-iling niya.

"Nani (What)?!" Hindi makapaniwalang bulyas ni Issei. "Grabe naman d'yan! Parang dinaig pa ang katapusan ng mundo ang mga nangyayari sa alternatibong mundo na 'yan. At isa pa, sino namang echoserang AI na 'yan ang biglang nagpakita sa inyo't nasabi mong kapangalan ng kontrabida sa kuwento ni Tita Haruka?"

Unti-unting nagsalubong ang mga kilay ni Isser sa screen at nagkibit-balikat. Sa mga galaw niya parang gusto na niyang manapak o manabunot ng kalaban. Namumula na rin kasi nang bahagya ang mukha niya dahil sa nalalaman niya.

I sighed in frustration, looking at him with my dull stare. "Si AI 7663 Avicta ang tinutukoy kong biglang nagpakita rito noong Biyernes. Ang pangalang Avicta naman ay mula sa isang kontrabida mula sa ikinukuwento ni mama sa'kin noong bata pa ako. Hindi rin ako makapaniwalang ibinase rin niya roon ang bagong subject namin na talagang mapapasubo ka na lang na sumuong sa laban. Isang tunay na laban," paliwanag ko sa kaniya.

"Anla! Grabe naman ang chakang 'to!" bulalas ni Issei. "Kung makaasta siya r'yan parang reyna ng virtual world ah! Parang pinasukan ng bug ang utak niya!"

"She's the biggest bug Issei," matipid kong tugon. Napakibit-balikat ako habang inaalala ang mga kaganapang nagpagimbal sa lahat ng users dito sa virtual world.

Minsan nakakagigil na ring malaman kung sino ba talaga ang nasa likod ng naturang AI na iyon. Kahit galing ang pangalan niya sa kuwento, masasabi ko rin talagang ang talino niya para gawing subject ang Avillerius at ang game sa amin. An idea came from the kidney-bean brained artificial intelligence that makes me sick. Paano na lang kung magsisilabasan na rin ang mga virtual identity namin lalo na sa laro? Talagang gulo ang abot ko nito kapag malaman nila.

Ang inaalala ko lang ay kung kailan niya papatunugin ang sirenang gumimbal sa amin noong Biyernes.

Issei slapped his forehead and breathes rapidly. "Anak ng sushi! I knew it! Kaya pala iba rin ang kutob ko sa pakhitang iyon habang nanonood kami ng balita. Maluwag na siguro ang turnilyo niya o baka nama'y kinakalawang na ang CPU."

"Sinabi mo pa," mahinang saad kong tila mas nagpapadagdag ng bigat sa loob ko. "Kumusta naman kayo ni Tita Tory? Tumaas na naman ba ang mga kaso r'yan sa tunay na mundo tungkol sa naturang virus?"

"Sa ngayon Zenrie, umakyat na sa 20 ang kaso rito sa siyudad ng Davao. Sa buong rehiyon naman ay nasa 56 na ang naitala habang sa buong bansa ay nasa 579 na. Kasasabi lang din ng pangulo na magkakaroon ng enhanced community quarantine rito at namahagi na rin ang barangay ng food and medicine pass. Limitado na rin ang paglabas lalo na't bawal ang mga kabataang nasa 21 pababa at senior citizens 60 pataas," ulat naman ni Issei.

Grabe. Hindi lang din pala virtual world ang pagtutuonan ko talaga ng pansin, pati na rin ang kaligtasan ng pamilya ko sa tunay na mundo. Nitong nakaraan nasa 12 lang ang kaso, ngayon nama'y mas umakyat pa sa 56 ang buong rehiyon? Anak ng tinapang giliw! Parang bumibilis din ang pag-akyat ng mga natatamaan ng RespiroRoachVirus. Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang kalagayan nila r'yan.

"Ano?!" bulwas ko. "Hindi ko inakalang biglang tumaas ang bilang ng kaso ngayon d'yan. Kailangan niyong mag-ingat lagi lalo na't nakakulong kami rito sa virtual world," paalala ko sa kaniya.

"Hai (Yes) Zenrie, pero pati rin kami rito'y hindi rin maiwasang mag-alala sa inyo lalo na kapag mauubusan kayo ng HP," saad niya. At this moment, his bright smile turns into quivering lips. Napayuko siya nang bahagya nang may pumasok sa kaniyang isipan tungkol sa mga nangyayari. "Nag-aalala rin kasi kami sa kalagayan niyo lalo na kung bigla na lang tumunog ang sirena gaya ng nasa balita. Hindi ako makapaniwalang nagkatotoo rin ang isa sa mga kaganapang mula sa binabasa mong light novel dati. Makailang beses na rin naming sinubukang tanggalin ang Virtualrealmnet sa'yo, pero bigla akong nakuryentehan nang mahawakan ko ito," dagdag niyang paliwanag.

Natigilan ako sa kaniyang mga sinabi. Tila lumikha ng kurot sa aking dibdib nang malaman ko ang isang bagay na mas nagpapalaki pa ng pag-aalala sa kanila. Pinipilit din pala nilang tanggalin ang suot kong Virtualrealmnet para maka-log out ako, pero hindi nila nagawa. Paano naman nangyaring may kuryenteng bumabalot sa naturang gadget?

Hindi naman kaya kinalikot talaga ni Avicta ang system ng Virtualrealmnet? Nakakaasar!

"Nakuryente? Paano naman nangyari iyon?"

"Hindi ko rin alam Zenrie," sabi niya. "But I have a gut that each Virtualrealmnet creates a protective barrier from whomever tries to touch it. Laking gulat ko rin na hindi naman ganito ang gadget na 'to. Siguro kinalikot ang main server nito kaya nagkakaroon ng kuryenteng poprotekta mula sa mga dalubhasang hahawak nito." Huminga nang malalim si Issei sa sobrang pagkadismaya at pag-aalala.

Kaasar!

Paano na 'to? Malakas ang kutob kong pati ang supercomputer ng Sirius Tech ay kinalikot na rin ng naturang AI na 'yon. Ang kaso hindi ko pa rin nakokonpirma kung ano rin ang mga nangyayari sa naturang kompanya. Hindi ko lubos maisip na bigla na lang maging ganoon ang Virtualrealmnet matapos siyang magpakita sa Biyernes. That scumbag AI!

Lihim akong napakuyom sa aking kanang kamao kasabay ng pagyuko ko nang bahagya. Hindi lang pala kami ang nakakaranas ng salot na ito, pati na rin ang mga mahal sa buhay naming pilit kaming tinutulungan upang makalabas sa bangungot. Gusto kong sumigaw sa lahat ng nararamdaman ko ngunit wala na akong sapat na boses pang mailalabas.

"Pero kahit gan'on man ang nangyari, may tumulong sa amin na kontakin ka r'yan," saad niya.

"May tumulong sa inyo?" Napaangat ako ng ulo at binato ang mapagtanong na tingin. "Paano niyo naman nagawang kontakin ako kahit nasa virtual world?"

Muling ipinakita ni Issei ang kanyang maliwanag na ngiti at mahina pa itong tumawa. "May tumawag din kasi kay mom kahapon at binigyan siya ng proseso kung paano kumonekta sa'yo. Binigyan siya ng isang IP address at isang code na magpapahintulot sa server ng supercomputer na makapasok sa kakaibang mundong iyan. Ginawa ko ang prosesong sinabi niya at voila! Nakapasok na rin ako sa Virtualrealmnet mo Zenrie!" masiglang pagsasalay naman niya. He even spread his arms like a showman on stage.

Naningkit muli ang aking mga mata sa mga narinig. "Hindi naman siguro hacker ang nagbigay sa'yo ng mga iyon tama? At anong code?"

"Zenrie Matsouka Hidalgo..." Tumayo bigla si Issei at inilagay ang kaniyang mga kamay sa bewang. Parang sesermonan na naman ako ng baklang 'to dahil hindi ako agad naniwala. "Kung hacker iyon, malamang hinihingi na niya sa akin ang aking buong impormasyon o kaya nama'y i-ba-blackmail kapalit ng tulong. Isa pa, sa tingin ko'y kilala mo ang taong nagbigay sa amin ni mom ng mga instructions upang makapag-access d'yan. Ang galing talaga niya parang isang techno genius," paliwanag ni Issei na may konting puri pa sa kung sino ang tumulong sa kaniyang tawagan ako rito.

I suddenly rub my chin in thought of that mysterious person who called my aunt. Paano kaya niya nalaman ang number ni Tita Tory at tulungan akong ma-contact? This is getting weird. Mukha nga ng virus weird, paano pa kaya ang estrangherong nagpadala nito? At talagang taong kilala ko? Sino naman 'yon?

Techno genius huh. Hindi kaya...

"Ok Issei I get it," sabi ko. "But I'm just curious about the code. Puwede mo bang sabihin sa akin kung ano 'yon?"

"Ang code na binigay sa akin ng sinasabi kong estranghero ay b4m8b10. Parang voucher lang para sa piso wifi o sa online shopping app. Tinype ko 'yan matapos kong makapasok sa server at sa kabutihang palad nama'y nakapasok na rin," paliwanag niya.

Tama nga siya, para ngang isang voucher code ng piso wifi ayon sa pagkakarinig ko. Maliban doon, kung sino man ang tumulong sa kanila upang makausap ako rito sa virtual world, malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Kung si Prof. Leizuko man 'yon, talagang hindi ko rin maipaliwanag ang sayang nadarama ko dahil dito. Sana man lang ay masagot na rin niya ang mga tawag namin.

Ngunit hindi ko pa alam sa ngayon kung si Prof. Leizuko nga 'yon. Sino naman kaya ang gagawa n'on?

Unti-unting naibsan ang bigat na dala ko sa aking dibdib matapos kong marinig lahat ng kaniyang sinabi. Imbes na magduda pa ako ay maluwag na tinanggap ko ito at magtiwala, kahit mahirap pa ring magtiwala sa taong hindi mo lubos na kilala. Gumuhit muli ang mga ngiting abot langit ang nakamit sa aking mga labi.

"Kung sino man ang tumulong sa inyo para matawagan ako rito, malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Nagpapasalamat ako dahil muli ko kayong nakausap kahit nasa alternatibong mundo ako ngayon," nakangiting saad ko.

"Ganoon na rin kami sa kaniya Zenrie." Pagsang-ayon naman niya.

Napansin ko tuloy ang mga luhang namumuo sa mga mata niya at nagbabadyang tumulo. Kumuha naman si Issei ng panyo sa lapag at agad pinunasan ang mga mata niya. Kahit ako rin ay gustong pakawalan ang mga luha sa aking mga mata na parang Angat Dam na tuluyang rumagasa sa aking mga pisngi. Hindi ko rin talaga maiwasang mangulila sa kanilang dalawa kahit ang katawan ko ay pasimpleng nakahiga sa aking kuwarto na parang na-comatose. OBVIOUSLY IN COMATOSE STATE because our virtual bodies are stuck in this parallel world of nightmares.

Inilapat ni Issei ang kaniyang kamay sa screen. "Zenrie, ipangako mo sa amin ni mom na makakaligtas kayo sa bangungot na 'yan at makapag-log out kayo. Alam kong taglay mo rin ang pagiging Black Navillerian Angelus kahit wala ka sa game at sigurado akong malalabanan niyo rin ang kampon ng Avicta na iyon kung sakaling tutunog ang sirena para sa bagong subject niyo. Fighting lang couz ok?" pagsusumamo naman ni Issei at tuluyan na ngang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.

Ngayon ko lang nakitang ganito si Issei simula noong mawala si mama. Close rin kasi silang dalawa lalo na sa pang-aasar sa'kin na kailangan kong magsuot ng pink na damit. Kahit ako rin ay ayaw silang mawala habang nandito ako sa virtual world. Nag-aalala ako sa kanilang kaligtasan lalo na sa kalusugan, at sila nama'y nag-aalala sa aming kapakanan sa oras na tutunog ang sirenang maghuhudyat sa ERCO 673. Wala kaming ibang iniisip ngayon kun'di paano makaligtas sa kinakaharap naming bangungot sa magkaibang mundo na tanging buhay ang magiging kapalit sa isang galaw lang.

Huminga muli ako nang malalim at ipinakita sa kaniya ang masiglang ngiti. "Huwag ka nang mag-aalala r'yan Issei, gagawin namin ang lahat upang makalabas kami rito. Matatapos din namin ang bagong subject na nilikha ni Avicta na mga buhay at alaala ang kapalit. Sa oras na makumpleto namin ito, magwawakas na rin ang bangungot na nagkukulong sa amin dito sa virtual world. Mag-iingat din kayo r'yan lagi dahil uuwi rin ako sa tunay na mundo," saad kong may halong deteminasyon. Inilapat ko na rin ang aking kamay sa kaniya sa mismong screen.

Pinunasan na rin ni Issei ang kaniyang mga luha at muling ngumiti. "We'll wait for you Zenrie. Kapag nangyari 'yon talagang magpapa-victory party kami para sa'yo," nakangiting sabi ni Issei at unti-unting nanumbalik ang kaniyang sigla.

"Oo naman, basta walang pink color ok?"

"Ok," natatawang tugon niya. "Yakusoku (Promise)?"

"Yakusoku (Promise)," matipid kong saad at tumango. "Ikumusta mo na rin ako kay Tita Tory r'yan at sabihin mong ayos lang ako."

"Oo naman Zenrie, no problem."

Bago ko pa tuluyang ibaba ang tawag, bigla kong naalala ang isang bagay na dapat ginamit ko noong hindi pa kami ikinulong ni Avicta sa virtual world. Bigla ko tuloy naalala ang munting kahong ibinigay sa amin ni Prof. Leizuko noong sumalang kami sa beta test. "Issei sandali lang, may hihingiin sana akong pabor sa'yo kung ayos lang."

"Ano 'yon Zenrie?" tanong ni Issei.

"Puwede mo bang kunin ang maliit na kahong itim sa drawer ko at buksan iyon?" pagsusumamo ko sa kaniya.

Tumango naman si Issei sa akin. "Oo naman Zenrie pagkatapos kong tapusin ang ginagawa kong disenyo sa notepad ko."

"Salamat talaga," matipid kong saad at ngumiti.

"Basta para sa'yo Zenrie my badass cousin," nakangiting sabi niya.

Hay! Hindi na rin talaga maiiwasang maalis ang mga katagang 'yan minsan. Pero nasasanay na rin ako kung sa bagay.

Ibinaba ko na rin ang tawag kasabay ng pagsara ko sa aking student's window. Muli ay naiwan na naman akong mag-isa sa rooftop habang dinadama ko ang haplos ng malamig na hanging tumatangay sa iilang hibla ng aking buhok. Sumabay pa sa pagsasayaw ang mga dahon at bulaklak sa hangin na talagang nakakahalinang tignan. Unti-unti ring naibsan ang bigat ng nararamdaman ko nang makausap ko ang pnakamamahal kong pinsan. Mabuti na lang at nalaman kong ayos lang sila.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa kanila kahit hindi ko sila kapiling ngayon. Oo, nandoon nga ang katawan ko pero wala naman ang aking consciousness. Kasi nga para akong na-coma sa tunay na mundo na halos tatlong araw nang nakahiga.

Pero sa totoo lang, nagtataka pa rin ako kung sino ang tumawag kay Tita Tory para ma-contact ako ni Issei sa virtual world. Noong una'y nanghihinala ako kung si Prof. Leizuko ba 'yon, pero sa tingin ko'y may iba pang taong tumulong sa kanila. Kasi nga, hanggang ngayo'y hindi pa rin namin siya magawang i-contact at baka may nagyayari nang hindi maganda sa Sirius Tech.

Sino naman kayang estranghero iyon?



=========



Matapos naming maghapunan ay dumiretso ako sa rooftop ng dorm. Suot ko ang paborito kong itim na hoody jacket upang hindi ako mangatog habang pinagmamasdan ko ang mga tala sa kalangitan at ang buong tanawin ng Strelia Aurelis. Gaya kanina'y gusto ko na namang mag-isa upang mag-isip sa estrangherong tumawag kay Tita Tory at iba pang mga kababalaghang dumating sa virtual world.

Naglatag na rin ako ng makapal na futon sa malinis na sahig upang makaupo at pagmasdan ang katahimikang nababalot sa paligid. Nandito ulit ang hanging umaakap sa aking katawan na parang kumot. Hay! Ito talaga ang nakakarelax sa pakiramdam.

"Kumusta Black Navillerian Angelus!" Isang masiglang boses ang aking narinig mula sa aking likuran at hindi ko na iyon ipinagtataka kung sino siya.

Lumingon ako sa likod at muli ko ngang nakita ang kaniyang mga nagniningning na pakpak.

"Blaurei," nakangiting bungad ko. "Mabuti naman at napadalaw ka na rin."

"Na-miss mo ako Zenrie ano?" pang-aasar naman ni Blaurei at dumapo sa aking kanang tuhod.

Tumawa naman ako nang mahina sa kaniyang mga sinabi. Ngayon lang nga ulit nagpakita ang paruparong 'to may gana pa talaga siyang mang-asar sa akin. Wew siya!

"Naiinis man akong aminin pero na-mi-miss ko ang pangungulit mo sa'kin," sabi ko sa kaniya.

"Kaya nga eh! Bumisita ako agad sa'yo matapos mangyari ang paglitaw ni Avicta. Sira talaga siya sa totoo lang," gigil na saad ni Blaurei.

Bakit ang cute niyang mainis kahit isa lamang siyang paruparo? Siguro kung bata lang 'to kanina ko pa pinipisil ang mga pisngi niya.

Napabuntong hininga ako nang muli ko na namang naalala ang bagay na naganap nitong Biyernes. Siguro rin may dahilan kung bakit din hindi siya nagpakita sa akin.

"Sinabi mo pa," sabi ko. "Kulang na lang talaga ilalagay ko na siya sa isang malaking rehab facility sa virtual world kapag nagkataon."

"Hahahaha! Grabe ipaparehab mo talaga ang isang AI na gaya niya? May ganoon ba?" Pamimilosopo naman niya.

"Depende kung may bug removal center dito," nakangisi kong saad.

Kinalauna'y nagsitawanan kaming dalawa habang nakatingin sa kalangitan. Ito lang 'yong beses na magkasama kami ngayon sa isang napakapayapang lugar na walang sinuman ang makakadistorbo. Maliban na lang kung may makakaalam na nandito ako.

"Maiba nga tayo Zenrie." Inilipat agad ni Blaurei ang aming usapin. "Gusto rin kitang batiin sa pagligtas mo sa mga dinukot na estudyante at pagtalo kay Diya. Hindi rin talaga ako nagkakamali sa pagpili ko sa'yo maliban sa taglay mong data energy signal. Ipinagmamalaki talaga kita."

"Hindi ko rin naman magagawa iyon kung hindi dahil sa pagtutulugan namin ng aking mga kasamahan Blaurei," sabi ko. "Sa totoo lang kasi nagsama-sama kami upang isagawa ang misyong iyon. Sinabihan na rin namin silang hindi ipaalam sa iba na kami ang nagligtas sa kanila."

Lumipad ulit si Blaurei sa aking harapan habang nagliliwanag na naman ang kaniyang mga pakpak. "Mabuti naman kung ganoon Zenrie. Pero alam mo, hanga ako sa'yo dahil isa kang magaling na commander sa grupo, at 'yan din ang pag-uugali ng Black Navillerian Angelus na nasa kuwento."

"Hindi ka naman siguro nambobola sa'kin ano Blaurei?" Nakangisi kong tanong.

Napailing naman si Blaurei sa aking mga sinabi at lumapit pa nang husto sa mukha ko. Grabe naman 'tong paruparo na'to eh ano?

"Ano ba sa tingin mo Kaze---"

"Huwag na huwag mong babanggitin 'yan sa harapan ko lalo na't wala ako sa laro," mariing saad ko at napakibit-balikat.

"Biro lang naman eh!" Napailing ulit si Blaurei na parang nagdadabog na.

Kinalauna'y natawa na lang kami sa aming konting biruan at napatingin sa kalangitan. Bihira lang din akong magkaroon ng ganitong sandali dati noong hindi pa kami umalis ni Tita Tory sa bahay. Sa tuwing naiisip ko kasi si mama ay napatingin na lang ako sa kalangitan habang pinagmamasdan ang mga bituing kumukutitap. Para lang silang nakikipaglaro at walang iniindang problema.

I sighed in relief. "Napakaganda talaga ng kalangitan ngayon. Sa tuwing pinagmamasdan ko ang mga bituin, parang naaalala ko tuloy ang mga panahong kasama ko pa si mama," mahinang saad ko.

Muli na namang dumapo si Blaurei sa aking tuhod at tinignan ako nang maigi. "Sa tingin ko na-mi-miss mo na siya ngayon," malumanay na sabi niya.

"Ganoon na nga," matipid kong sagot.

"Alam kong mahal na mahal mo siya't marami na rin kayong pinagsamahan. Siguro nasasaktan ka pa rin sa pagkawala niya tama?"

Natigilan ako sa kaniyang mga sinabi at marahang huminga. Hanggang ngayon kasi ay tumatakbo pa rin sa isipan ko ang pagkamatay niya't paglaho ni Tito Nayu. Hindi ko rin alam kung patay na ba siya o nakaligtas. Humihingi pa rin ako ng mga tunay na kasagutan sa naturang insidente kung sinadya ba 'yon o nagkataon lang, dahil kung pinagplanuhan man ay hihingi talaga ako ng hustisya.

Nangungulila pa rin ako sa kanilang dalawa lalo na si mama. Tama nga si Blaurei.

"Sa totoo lang, mahirap aminin pero tama ka Blaurei," malumanay kong saad. "Napapaisip pa rin ako hanggang ngayon tungkol sa nangyaring insidente sampung taon ang nakakaraan. Masakit isipin pero kailangan kong tanggapin ang mga nangyari. Kulang na lang talaga iimbestigahan ko ang mga kaganapan noon upang ikompirma kung sinadya ba 'yon o isang natural na aksidente. Hindi pa rin kasi nahahanap si Tito Nayu hanggang ngayon."

Napaakap na lang ako sa aking mga binti at napayuko ng ulo. Gusto ko lang itago ang mga luhang nagbabadya na namang tumulo sa aking mga mata. Kahit sa isang paruparo ay ayaw kong ipakita sa kaniyang umiiyak ako na parang bata. I sighed rapidly as those memories keep on playing inside my head.

"Ikinalulungkot ko ang nangyari sa kanila Zenrie." Pakikiramay naman ni Blaurei.

"Ayos lang Blaurei," tugon ko.

"Pero alam mo, may sasabihin sana ako sa'yo."

Nanatili pa ring nakayuko ang aking ulo habang kinakausap ko pa rin siya. "Ano 'yon?" tanong ko.

"Nandito si Haruka."

Mabilis kong iniangat ang aking ulo at binato ang mapanuring tingin. Lumipad naman siya agad sa aking harapan nang unti-unti kong ibinaba ang aking mga tuhod at binti.

"Anong sabi mo?"

"Nandito si Haruka," mahinang usal ni Blaurei sa pangalawang pagkakataon.

Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang pangalan ni mama at kinalauna'y tumawa ako. Tinakpan ko ang aking bibig habang kinikontrol ang pagpigil sa aking tawa. Paano naman niya masasabing nandito si mama?

Pero sandali, paano niya nalaman ang pangalan ni mama? Kakaiba rin talaga ang paruparong stalker eh ano?

"Hindi ko alam kung nagbibiro ka Blaurei pero napatawa mo ako," natatawang saad ko sa kaniya.

"Totoo ang sinasabi ko Black Navillerian Angelus," pagsusumamo niya at tinawag ako sa aking unang pseudonym.

"Alam ko," malumanay kong sabi. Naningkit ang aking mga mata at ngumiti sa kaniya habang inilagay ko ang aking kanang kamay sa dibdib. "Wala na nga si mama, pero nandito siya sa puso ko at nakatago ang mga alaala at sandali namin noong nabubuhay pa. Kaya masasabi ko ring nandito pa rin siya."

"Pero---"

"Iyon din ang paniniwala ko sa ngayon hangga't hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang tunay na nangyari sa kanila ni Tito Nayu. Maipagpapatuloy ko rin ang kuwentong sinasabi ni mama sa akin habang nabubuhay at lumalaban ako ngayon," saad ko sa kaniya at ngumiti.

Blaurei sighed. "Ok Zenrie, kung 'yan ang paniniwala mo sa mga sinasabi ko."

Unti-unting lumakas ang hangin na tuluyang tumangay sa aking buhok habang dinadama ko ito. Muli akong tumingala at pinagmasdan ang napakagandang art work sa kalangitan na nakikipaglaro sa iyong mga mata. Ang sarap sa pakiramdam habang pinagmamasdan sila.

Hindi ko na namalayang unti-unti nang pumipikit ang aking mga mata habang pinagmamasdan ko ang langit at naramdaman ko na lang na may matigas na bagay ang sumalo sa akin. Mistulang magnet ang aking katawan na mismong hinila nito.

Dahil na rin sa katahimikan, parang gusto ko nang mamahinga saglit.

Maya-maya pa'y may narinig akong boses na tumatawag sa akin malapit sa aking puwesto at bumasag sa katahimikan.

"Zenrie nandyan ka ba?" tanong sa'kin ni Zoiren.

Agad akong namulat at bumangon sa aking hinihigaang futon at lumingon sa kaniya. Kahit papano'y hindi naman nakakagulat makita si Zoiren kumpara sa isa.

Pero sandali lang, paano naman niya ako natunton sa rooftop?

"Zoiren," mahinang usal ko at naningkit ang mga mata. "Bakit mo pala ako hinahanap?"

"Kasi may ipinapaabot kasi si Althea sa akin kaninang umaga at nakalimutan kong sabihin sa'yo. Bigla ka na lang din kasing nawala sa may hapag kaya hinanap kita hanggang sa umabot ako rito," paliwanag ni Zoiren at ngumiti.

Agad siyang lumapit sa aking kinauupuan at tumigil sa aking kaliwa. Sinuyod ko ulit ang aking mga sa paligid at hinanap si Blaurei ngunit bigla na lang siyang naglahong parang bula. Ang bilis din pala niyang umeskapo dinaig pa ang ilaw sa bilis.

"Akala ko sinabi sa'yo ni Mimi," sabi ko.

"Hindi rin ako nagtanong sa kaniya kung nasaan ka. I'm just following my guts," tugon naman niya.

Tumango ako nang marahan at tumingin sa kanya. Siguro rin ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iimbestiga sa mga nangyayari gaya nga ng mga ginagawa ko.

Binuksan agad ni Zoiren ang kaniyang student's window at may kinuha sa item vault. Habang ginagawa niya ito ay muli na naman akong tumingala sa kalangitan upang pagmasdan ang mga bituin. Unti-unti ko ring nasilayan ang buwan na nagpamalas din ng liwanag.

"May ipinaabot sa akin si Althea kaninang hapon sa may hagdanan. Ibibigay ko sana ito sa'yo kanina pero hindi kita nakita sa library. Saan ka ba pumunta kanina?" tanong ni Zoiren at umupo sa kaliwa ko. Sa paglapag pa lang niya'y muntik na naman siyang mawalan ng balanse kaya ako napalingon nang maramdaman kong hinihila ang aking futon. Mabuti na lang at nakabuwelo siya.

"Nagpahangin lang ako sa hardin habang iniisip ko pa rin ang mga kaganapan sa virtual world at kinakausap ang mga bulaklak," tugon ko sa kaniya.

"Siguro ang dami nang mga katanungan ang pumasok sa isipan mo at pati mga bulaklak kinakausap mo na." Hula pa niya.

"Ganoon na nga," tugon ko at tumango sa kaniya. "Ano nga pala ang ipapaabot sa akin ni Althea kaya mo ako hinahanap kanina?"

"Heto." Tumingin ako sa kaniya sabay abot niya sa akin ng isang lalagyang napakapamilyar sa aking mga mata. Isang sisidlang naglalaman ng mga healing serum na minsang ginamit ni Jairus upang magamot ang aking daplis sa aking braso.

My eyes are widening as I keep on staring on the healing serum tube. Nakapagtatakang isipin kung paano naman nagkaroon si Althea ng ganito at iniabot sa akin ito. Saan naman kaya niya nakuha 'to?

"Ang healing serum." Mahinang usal ko.

Tumingin naman nang diretso si Zoiren sa akin at muli na namang nangungusap ang kaniyang mga matang gustong magtanong sa akin. "Isa itong healing serum?"

"Oo Zoiren," tugon ko. "Paano naman nagkaroon si Althea nang ganito? Bumili ba siya sa isang items shop?"

Zoiren breathes deeply and looks at me in a questionable manner. Medyo naningkit ang kaniyang mga mata sa pagkakataong ito.

"Sa totoo lang Zenrie may nag-abot kay Althea niyan nang magkausap kami sa may hagdanan. Nagpakilala raw na taga Angeruzo ang sinasabing nagbigay sa kaniya n'yan at nagkita pa sila sa ground floor ng Institute of Computing Department. Isa pa, hindi rin si Andy o Ellah ang nakasalubong niya at mukhang alam mo kung sino siya," paliwanag naman ni Zoiren.

Naningkit ang aking mga mata kasabay ng pagsalubong ng aking kilay. Iisang tao lang ang magkakaroon ng ganito at nakita ko na rin ito mismo noong Sabado. Hindi talaga siya nagpapapigil sa mga ginagawa niya sa akin ngayon. Anong silbi ng healing serum kung hindi pa rin naghihilom ang malalim na sugat sa aking puso mula sa kalokohan niya sa game?

"Jairus," mahinang usal kong may konting kirot sa aking boses.

"Iyan din ang nasa isip ko kanina," suporta naman ni Zoiren at tumango. "Bakit ka naman niya aabutan nito?"

That kidney-bean brain! Ano na naman kaya ang pumasok sa kokote niya?

Napakuyom ako ng kamao sa magkabilang kamay kasabay ng pag-igting ng aking ngipin. Tila bumibigat ang aking ulo at sumikip ang aking dibdib sa tuwing naaalala ko ang taong nagbigay sa akin nito.

But I don't want to let them know about our conflict since it's our personal problem lalo na't nakasalalay rin ang aming ranks at virtual identities sa laro. Not this time. May itinakdang araw din para sabihin koi to sa kanila lalo na kina Mimi at Zoiren.

"Hindi ko rin alam," tugon kong walang emosyon. "Kung binigay man niya sa'kin ang bagay na 'yan bilang peace offering, hindi ko matatanggap 'yan. Itago mo na lang 'yan sa item vault mo Zoiren at gamitin sa oras na mapapasabak tayo sa labanan kapag nagsimula na ang ERCO 673 period. Mas mabuti nang magtamo ako ng pinsala kesa sa ibang tao pa ang magkaroon."

"Pero Zenrie sayang naman kung hindi mo ito gagamitin lalo na't mahalaga 'to. Paano na lang kung magtamo ka ng pinsala? Kahit ako ay naiinis sa Jairus na 'yon, pero sa tingin ko gusto niyang bumawi sa'yo o sa'tin dahil sa naging ugali niya noong magkaroon tayo ng konting reunion sa dug out." Pagsusumamo naman ni Zoiren.

I scoffed, looking away from the healing serum tube and gazed up to the night sky. Pilit kong itinatago ang nararamdaman kong sakit sa tuwing maaalala kong ginamit niya sa akin ito.

"Kung gusto niyang bumawi, siya dapat ang nagbigay sa akin niyan nang personal. Pero wala pa akong sapat na lakas na makaharap siya ulit at kausapin. Gaya nga ng sinabi ko sa'yo dati, saka ko na rin ikukuwento ang lahat kapag handa na ako," saad ko sa malamig na pananalita.

"Hoy Zenrie huwag ka ngang feeling pain proof d'yan kahit may punto ka!" bulyaw ni Zoiren. "Kailangan mo pa ring ingatan ang sarili mo kahit sa labanan. Delikado na kapag maubusan ng metro ang HP natin na sanhi ng pagkamatay o matinding amnesia sa tunay na mundo."

Hinampas ko siya sa kaliwang braso at napailing sa sakit. Huminga rin ako nang malalim upang maibsan ng konti ang inis ko. "Ok Zoiren, pero hindi ko pa rin maipapangakong magiging ayos ako kapag nakita ko siya ulit. Bilang commander sa grupo, gagawin ko pa rin ang aking responsibilidad na protektahan kayo kahit na anong mangyari."

"Naiintindihan ko. Healing takes time Zenrie, huwag mong ipilit ang sarili mo," payo naman niya.

Lumingon ako sa kaniya habang nakapaskil sa aking mga ngiti ang pait ng kahapon. Kahit papano'y naibsan ng konti ang bigat na nararamdaman ko. "Salamat sa paalala mo Zoiren."

"No problem," nakangiting saad niya.

I darted my gaze back to the healing serum on his hand. Sa tuwing makikita ko ang bagay na ito, naaalala ko ulit ang taong minsan nang sumira sa tiwala ko sa laro. Hindi pa rin ako madadala sa binibigay niyang healing serum kahit ginamit na niya sa akin ito.

Ang sakit pa rin sa dibdib. Gusto kong pakawalan ang lahat ng sakit na natamo ko sa buong talambuhay ko ngunit hindi ko magawa lalo na sa pagkawala ng dalawang taong mahalaga sa buhay ko. Sa oras na hawak ko ang aking espada at harapin ang mga terbaeus, doon ko lang magagawa ang bagay na iyon na mas nagpapagaan sa pakiramdam ko. Ngunit hindi pa pala 'yon sapat.

Gustuhin ko man siyang patawarin, pero hindi ko pa kaya. Ang lalim ng sugat na natamo ko. Sa totoo lang, napapagod na rin akong masaktan. Pero alam kong may dahilan ang lahat upang mangyari sa akin ang mga bagay na ito.

Ngunit sa kabilang banda, nang makausap ko si Issei kanina at malamang ayos lang sila ay mas nabubuhayan pa ako ng pag-asang lumaban. Taos-puso akong nagpapasalamat sa taong tumulong sa kanila upang makakonekta sa akin dito sa virtual world at mas nagpapagaan sa aking pakiramdam.

Kung sino ka man, sana makausap kita at magpasalamat sa ginawa mo sa amin.



===Someone's POV===



Konting tiis na lang Zenrie, magkikita na rin tayong muli. I know that you're facing a tough battle in the virtual world where lives and memories are the cost. Naniniwala akong mapoprotektahan mo ang mga inosente sa mundong 'yan kagaya ng isang tunay na Black Navillerian Angelus. Don't let yourself devour by pain and anger in your heart that's quite deceitful.

If only I was there, hindi ka sana mas nahihirapan pang lumaban kasama si Torisei. Ngunit kailangan kong gawin ito para sa kapakanan niyo. Tandaan niyong mahal na mahal ko kayo. Tanging tawag lang at tulong kung paano kayo magkausap sa virtual world muna ang magagawa ko sa inyo sa ngayon.

Pull out your swords and change the story of your destiny Zenrie. I know you can solve this case with your comrade. Lumaban ka, Black Navillerian Angelus.



===================================



Author's Note:



Muli ngang nakakapag-usap ang dalawa sa magkaibang mundo ngunit hindi pa rin nila alam kung sino ang misteryosong taong tumawag kay Torisei. Isa ba siyang kaibigan? O isang kaaway?

Tuluyan na rin bang matuklasan ni Zoiren ang tungkol sa pagkakaibigan nina Zenrie at Jairus?

Makakasagot din ba kaya sila sa nalalapit na exam at walang mangyayaring kakaiba?

Ano na rin kaya ang nangyayari sa Sirius Tech matapos ang nangyaring system hijacking?

Abangan sa susunod na kabanata...

What's up minna-san! We're facing one of the greatest challenges this year and lives are the cost mostly. Maraming bahay at kabuhayan ang nasisira dahil sa mga delubyo. Let's unite as one in helping the victims of the recent Typhoon Ulysses in donations and prayers. Panahon na rin upang magbuklod ang sambayanan para sa pagsubok na ito at bumangon.

Stay safe everyone, God bless and lovelots!

~SymphoZenie

Continue Reading

You'll Also Like

Kairos By leigh heasley

Science Fiction

842K 23K 28
Time travel is legal and Ada Blum is looking for love. But what happens when one of her charming bachelors from the past makes his way to the present...