Class Code: ERROR

Per SymphoZenie

4.4K 169 349

Highest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment th... M茅s

Class Code: ERROR Disclaimer
Prologue
Chapter 1: The Announcement
Chapter 2: Sirius Tech Institute
Chapter 3: A Test For the New Utopia
Chapter 4: Escape from the Prison-like Home
Chapter 5: A Night Before Class
Chapter 6: Mysterious Items and Mysteriously Kidnapped
Chapter 7: Flower Garden-Crashers
Chapter 8: A Forest behind the Wall
Chapter 9: The Stranger
Chapter 10: Upcoming Terror
Chapter 11: New Subject
Chapter 12.1: Beta Tester #1-A
Chapter 13: A Call from the Parallel World
Chapter 14:Midterm Exam's Forbidden Technique
Chapter 15: Zenrie and the Two Knights
Chapter 16: Butterfly Effect
Chapter 17.1: Into the Woods of Exiles
Chapter 17.2: Tigmour
Chapter 17.3: Triple Switch Technique
Chapter 18: Souvenir
Chapter 19: SAU Intramurals Opening Ceremony
Chapter 20: The Girl on the Dance Floor
Chapter 21.1: Before Nine O'clock
Chapter 21.2: The Birth of Black Navillerian Angelus
Chapter 22: Duel Arena Tournament
Chapter 23: Final Round
Chapter 24: Surprise Visitors
Chapter 25: Cake and Coffee Talks
Chapter 26.1: The Monument of Peace
Chapter 26.2: Arcantz Legionear
Chapter 27.1: Scarlet Dawn's Wake-up Call
Chapter 27.2: Beauty and the Cursed Fairest
Chapter 27.3: Blue-eyed Maiden
Chapter 28: To Freeze or Promotion
Chapter 29.1: Ellah's Proposal
Chapter 29.2: Eighth of May
Chapter 30: Have a Break
Chapter 31.1: Wardrobe Malfunction
Chapter 31.2: The Temporaries
Chapter 31.3: Dealing with a Hyena
Chapter 32: Stars in the Sea
Chapter 33: A Father Who Broke the Oath
Chapter 34.1: Blind Spot Test
Chapter 34.2: In the Eyes of the Peculiar
Author's Note
Author's Note
Chapter 35: The Result
Chapter 36.1: The Enchanting Encounter
Chapter 36.2: The Petal

Chapter 12.2: An Oath to Protect

72 2 20
Per SymphoZenie



­===Zenrie===

I couldn't stop scratching my head telepathically from the words he said. Nagdadalawang-isip ako kung ano ang magiging reaksyon ko matapos kong marinig ang mga salitang ito na lumabas sa kanyang bibig. Kung isa man ito sa kanyang mga kakaibang prank, talagang masisipa ko na naman siya ulit palabas ng dug out.

"What's the reason why I'm saying this to you? Dahil... ako ang naging unang beta tester sa naturang proyekto, Zenrie-chan. I'm Beta Tester #1-A."

Calyx and Zoiren gasped from what they have heard but my heart's beating rapidly as my blood boils. Nanlaki ang mga mata namin na halos hindi makapaniwala sa mga sinabi niya.

"ANO?!" Calyx and Zoiren exclaimed as their jaws dropped.

"Pero hindi ba't si Zenrie ang---"

Naputol ang pagsasalita ni Zoiren nang inunahan ko na naman siya ulit.

"I'm quite surprised Jairus," bahagyang ngiti ko sa kanya at napakibit-balikat. "Hindi na ako magtataka sa mga salita mo lalo na't pareho tayo ng numerong ibinigay ni Prof. Leizuko noong final phase sa beta test, kaso mas nauna ka lang."

"As what I expected to you," nakangiti niyang saad. "Alam ko ring ikaw si Beta Tester #1 sa final phase ng beta testing at sabihin na lang nating ikaw si Beta Tester #1-B. Gaya mo at ng mga kasamahan mo rito sa SAU, nag-iimbestiga rin ako sa mga nangyayari sa virtual world doon sa Angeruzo."

Hindi pa rin makapaniwala si Zoiren sa kanyang mga narinig at binabato agad kina Ellah at Andy ang mapagtanong na tingin.

"Alam niyo rin ang tungkol dito Ellah at Andy? Are you also investigating?" tanong ni Zoiren sa kanila.

Sabay namang tumango sila Ellah. "Oo Zoiren ganoon na nga. We're also investigating with the same case as yours here in Strelia Aurelis and also we know about his beta testing journey. Maliban sa kaibigan namin si Jairus, kaklase rin namin siya sa Information and Technology ngayon," sabi ni Ellah kay Zoiren.

"Yup, nagpahinga muna siya ng isang taon kaya sa Tokyo muna siya nanatili. Dapat nga ngayon isa na siyang sophomore, pero hindi iyon problema lalo na't magkakasama kami sa iisang block," dagdag na kuwento naman ni Andy.

If I'm not mistaken, isang taon din ang agwat ng edad namin ni Jairus at nakilala ko siya sa game noong nasa 11th Grade ako ng Senior High. Pero gaya nga ng sinabi ko kanina, may naging alitan kami ng mokong na ito limang buwan ang nakakaraan dahil sa usaping virtual identity.

Buti na lang hindi ko siya naging schoolmate. What a relief, but messy things happen today. Nice timing huh.

"Sokka (I see)." Matipid akong tugon sa kanilang dalawa at huminga nang malalim upang maibsan ang tensyon sa loob ko.

"Tama sila Zenrie-chan, and there's no need to doubt me regarding this situation," sabi naman ni Jairus at tuluyang ngumiti sa akin.

I scoffed and looked away from his sight. "About that 'no need to doubt me' thingy, may pag-uusapan pa tayo tungkol d'yan Jairus," saad kong may diin sa huli.

"Sokka (I see)," Jairus sighed. "Hihintayin ko ang oras na 'yan."

Napakamot naman ng ulo si Zoiren at naningkit ang mga mata sa naging tugon namin at lumingon sa aming dalawa.

"Bakit ba suka ang tugon niyo sa isa't isa? Nanghihingi ba kayo sa amin ng suka?" pamimilosopong tanong ni Zoiren.

Singbilis ng kidlat kaming tumingin ni Jairus kay Zoiren at napataas ng mga kilay. Mariing nakatutok ang aming mga mata sa kanya na parang isang tigreng handang mangalmot ng bibiktimahin. Aba't may gana pang magbiro ang posteng ito.

"We're replying using one of our native languages Zoiren and not asking for vinegar as what you think," sabay naming tugon sa kanya sa seryosong tono.

"Actually, sokka is a Japanese word meaning 'I see' in English term. Hindi iyon suka na literal," dagdag naman ni Andy na nagpipigil ng tawa.

"Mali lang siguro ang pagkakarinig mo Zoi," sabi naman ni Calyx at napatakip ng bibig.

"Ah... kaya pala. Naiintindihan ko na. Akala ko weeaboo 'tong mga kasama ko rito sa tabi at humihingi ng suka eh," natatawang sabi ni Zoiren.

Natawa kaming lahat sa kanyang mga sinabi habang palihim ko namang inilagay ang aking kamay sa kanyang likod. Halos mapunit naman ang bibig ni Ellah sa napakalakas niyang tumawa kasabay ng paghampas ng kanyang kamay sa mesa na dinaig pa ang judge sa korte.

Iba rin pala ang epekto ng cake na binigay niya sa amin ngayong araw na 'to.

"Bwahahahaha! Walang hiya ka Zoiren! May potensyal kang maging stand up comedian dahil sa kalutangang punch line na 'yan!" Natatawang saad pa rin ni Ellah at tila naluluha na ang mga mata. Huminga siya nang marahan upang humupa ang kanyang pagtawa.

Natigilan agad ako sa pagtawa at bumalik sa pagiging medyo seryoso.

"Sinabi mo pa Ellah," mahina kong saad at bahagyang ngumiti.

Walang anu-ano'y binatukan ko si Zoiren nang malakas dahilan upang muntikan nang masubsob ang mukha niya sa maliit na pirasong cake sa platito. Bigla namang nanlaki ang mga mata nila habang si Jairus naman ay patagong tumatawa sa tabi. Ang masasabi ko lang, mukhang magkakasundo silang dalawa ni Ranzou sa pagiging pilosopo ng mga 'to.

"Ang galing din ng timing mong magbiro Zoiren Pleños Alima," sarkastikong saad ko at napaigting ng labi.

"Pasensya na Zenrie, mali lang ang pagkakarinig ko sa inyo," iling naman ni Zoiren habang hinihimas ang kanyang batok.

"Baka (Stupid). Hindi na nga lampa, lutang pa," pang-aasar naman ni Jairus sa kanya nang mahina.

"Isa ka pa!" mariing saad ko.

I turned to him with my deadly glare. Gaya nga ni Zoiren ay binatukan ko rin si Jairus nang malakas at napailing. Hinimas din niya ang kanyang batok habang ako nama'y napakibit-balikat.

"What?" nagtatakang tanong niya.

"Baka nakakalimutan mo Jairus Kurosaka." Umirap ako sa kanya at tumingin na lang sa aking tapat. Hay naku! Kulang na lang magiging pilak 'tong buhok ko sa kanila.

Sa tuwing maiinis ako, hindi ko na lang namamalayang tinawag ko na ang isang tao sa kanyang buong pangalan. Ewan ko ba kung anong epekto ng tiramisu cake at dark chocolate sa'kin kaya ganito ang naging reaksyon ko. Hays! Pati na rin ang mga tao sa paligid ko'y nagagaya na ang mga sinasabi ko gaya na lang nina Ranzou at Althea na sa tuwing maiinis ay tatawagin ka sa buong pangalan.

"Ok awat na muna tayo sa comedy, may mga malahagang bagay pa tayong pagtutuonan ng pansin," sabi naman ni Andy. Inilapag niya ang kutsarita sa platito at inilagay ang kanyang mga kamay sa mesa habang magkahawak sa isa't isa.

"Tama si Andy," pagsang-ayon ko. Itinuon ko ulit ang aking atensyon sa kanila matapos kong punasan ng panyo ang aking bibig. "Napag-alaman na rin natin ngayon ang iba pang impormasyon tungkol sa nangyayaring pagbabago sa systems ng virtual world matapos ang hijacking incident. Sa oras na patutunugin niya ang sirena upang magsimula ang ERCO 673 class period, kailangan nating maging handa at lumaban. Huwag nating hahayaang mahulog tayo sa dalawang pagpipilian ni Avicta sa mangyayari kapag naubusan tayo ng buhay rito sa virtual world gaya ng mental unconsciousness o total amnesia, at ang pagkamatay sa tunay na mundo. Magpatuloy lang tayong mag-imbestiga at magkalap pa ng iba pang impormasyon tungkol sa asignaturang ito. Huwag natin kalimutang ibahagi ang mga nalalaman natin upang maging handa tayo sa susunod na hakbang at tulungan ang mga users na nakulong dito. Kaya naman... let's promise each other that we can survive and complete this class or mission together."

Tumayo naman si Ellah sa aking mga sinabi at inilagay ang kanyang kamao sa dibdib na parang nanunumpa sa isa sa aming mga tungkulin.

"Indeed Zenrie. Kailangan din nating gumawa ng paraan upang makausap din si Prof. Leizuko kung ano na ba talaga ang nangyayari sa tunay na mundo at humingi ng tulong sa kanya kung paano natin malalagpasan ang nagsisimulang panunungkulan ni Avicta sa virtual world," sabi ni Ellah.

"At hindi lang 'yan, bilang isang beta tester, tungkulin din nating panatilihing ligtas ang lahat mula sa mga kamay ng isang malaking bug. Hindi rin natin hahayaang may isa man sa atin ang malagas," dagdag naman ni Zoiren, kasabay ng pagtayo niya at ginaya ang ginawa ni Ellah.

"Let's keep ourselves alive as we finish this very tough death-game class," sabi naman ni Andy.

"Makakapagtapos din tayo hindi lang sa pag-aaral, pati na rin sa bangungot na ito," dugtong ni Calyx at magkasabay sila ni Andy sa pagtayo at paglapat ng kanang kamao sa dibdib.

I can't imagine how brave these people are. Kahit may takot sa aming katawang nababalot na parang kumot, hindi naman ito mapapantayan sa lakas at pananampalataya namin sa puso't isipan. Basta may pangarap, magagawa talaga 'yan at mukhang oras na rin upang gampanan ang tungkuling ito.

"I fight not just to survive, but to protect those precious lives wandering and finding a way to escape from this horrible dream," sabi naman ni Jairus at napatayo na rin sa kinauupuan.

Tumayo na rin ako at inilagay ang aking kanang kamao sa dibdib.

"I don't want any single blood pixel to be wasted for such selfish desires and ambitions like Avicta. Para sa mga inosente at mga mahal ko sa buhay, nakahanda akong lumaban sa oras na patunugin ang sirenang hudyat para sa ERCO 673 o sa mga panahong mapupunta tayo sa panganib. Hindi marunong sumuko ang isang mandirigma para sa tungkuling ito. Makakapagtapos din tayo at makakalabas sa mundo ng bangungot," sabi kong may halong determinasyon.

Ako ang player na nakaluklok sa unang puweso ngayon sa laro bilang si Black Navillerian Angelus at sa aking pangalawang pseudonym na nangangako ring handang protektahan ang lahat ng nandito sa virtual world kahit pa buhay ko ang magiging kapalit. Gagawin namin ang lahat upang makumpleto namin ang 15 hiyas ni Lanzar at i-decode ang mga ito upang makalabas kami sa bangungot. Para sa mga taong malapit sa puso ko gaya ng aking pamilya at kaibigan o kahit hindi ko kakilala, handa kong itaas ang aking mga espada upang lumaban.

Nagkatinginan kaming lahat at ngumiti sa isa't isa. Ito ang unang beses na ginawa namin ito simula noong beta testing. Determinado kaming naniniwalang matatapos namin ang palarong ginawa niya. Sabihin na lang nating para itong nasa isang light novel na kailangan mong kumpletuhin ang isang daang palapag upang makalabas ka mula sa mabilanggong mundo.

Mukhang magsisimula na rin ang nakakalokang misyon na ito. Pero bago muna 'yon, puwede bang magsasanay na muna kami bago sumabak sa bagong klase namin? Baka kung mapano pa kami sa oras na tutunog na ang sirena.

Matapos ang munting reunion namin ay lumabas na kami sa dug out at inihatid sila sa portal ng SAU upang makauwi na sa mga naturang dormitoryo ng bawat unibersidad. Hindi pa rin natatanggal sa aming mga mukha ang mga ngiting kanina pa nakaguhit sa aming mga labi lalo na si Ellah.

"Pa'no Zenrie, sa susunod ulit?" tanong ni Ellah.

Tumango naman ako sa kanya at sumagot, "Oo naman Ellah. You're welcome here anytime to visit."

"Thanks Zenrie." Nagyakapan agad kami ni Ellah nang mahigpit at tila gigil pa. Para siyang si Issei kung makayakap sa akin at talagang namimiss ko na ang baklang 'yon lalo na sa pangungulit niya sa akin para sa photoshoot. Kahit isang araw pa lang ang nakakaraan, na-mi-miss ko na kaagad ang kakulitan niya gaya ni Tita Tory.

"No Problem Ellah."

Kumalas na agad kami sa pagkayakap at nagpaalam sa amin. Pumasok na siya sa portal kasama si Andy na nagwagayway din ng kanyang kamay.

"Magkita na lang tayo sa susunod sa pamamagitan ng ng video call kung sakali," sabi naman ni Calyx.

"Oo naman Calyx, walang problema 'yon sa amin," tugon naman ni Zoiren.

Tumango agad si Calyx at pumasok na rin sa portal. Kinailangan na rin kasi niyang bumalik sa kanilang dorm upang isaayos pa ang kanyang mga gamit sa silid na kinabibilangan niya. Abala na rin siguro sila para sa nalalapit na ding midterm exams. Gaya nga niya, kinailangan na rin naming bumalik sa dorm upang makapag-aral na sa mga lalabas sa pagsusulit. Nagpaaalam na rin si Zoiren sa aking mauna na sa dorm namin upang tulungan sina Emerson at Ranzou sa kanilang silid at inabisuhan ko na rin siyang susunod na lang ako. Mamaya rin kasi ay babawi ako sa hapunan namin at kailangan kong magluto.

Sa ngayon, tanging kaming dalawa na lang ni Jairus ang naiwan sa tapat ng portal. Nababalot ulit ng katahimikan ang paligid at tila bumubulong pa ang hangin sa aming mga tainga. Unti-unti na ring dumidilim ang paligid at magsisimula na ring mamahinga ang araw.

"Manunulat ka na rin pala gaya ng ikinuwento ni Ellah sa akin," sabi ni Jairus at lumingon sa akin.

I sigh deeply and stare to the semi-dark sky. "Ngayon mo lang alam? Hindi ba't naikuwento ko na sa'yo ang bagay na 'yan dati noong magkasama pa tayo sa guild?" mahinang tanong kong may bahid na pagiging seryoso.

"I'm sorry, medyo nakakalimutan ko na kasi. Alam mo namang may iniisip ako hanggang ngayon. I'm happy for your progress in both stuffs." Ipinasok niya sa kanyang bulsa ang kanyang mga kamay at tumingin din sa kalangitan.

Masaya raw sa mga naging progreso ko sa buhay? Marahil naging masaya rin siya matapos ang pag-iwan sa akin sa ere roon sa game matapos niyang basagin ang tiwala ko. Sigurado ako ngayong hinahabol na ako ng mga kasamahan ko sa guild noon upang makuha lang ang ulo ko bilang tropeyo nila lalong-lalo na ang pinuno nilang si Shudo na sa pagkakaalam ko'y nasa pangatlong taon na sa kolehiyo.

Bago pa man siya makapagsalita ulit tungkol sa bagay na iyon, inunahan ko na agad siya sa pamamagitan ng katanungan.

"Hindi ka pa ba babalik sa dorm niyo Jairus?" tanong ko sa kanya.

Jairus moves his head in sideways and flash his smile on me that's quite an eyesore. "Actually I'm going back right now. Kailangan ko na rin kasing mag-aral para sa midterms namin at magpapatuloy sa gagawin naming imbestigasyon sa Angeruzo. By the way, I know what happened about the kidnapping incident in your university. Sigurado rin akong kayo ang tumulong sa kanila upang mailigtas ang dalawang estudyante. Hindi pa rin talaga kumukupas ang pagiging magaling mo sa taktika at manguna sa grupo."

"Thanks," I turn to him with a dull stare, "pero tandaan mong hindi pa kita pinagkakatiwalaan dahil sa ginawa mo sa game. I'm still mad at you because you broke my trust for telling the guild about my other secret pseudonym, or a second pseudonym. You know I hate those things," saad ko sa malamig na tono.

Napahigpit ako sa paghawak sa aking kaliwang braso kung saan may daplis at napayuko ng ulo. Masakit pa rin ang dibdib ko sa oras na makikita ko siya. Hindi pa rin ako handang patawarin siya dahil sa sobrang laki ng pinsalang ginawa niya sa buhay ko. Nakasalalay ang aking virtual identity sa bagay na iyon na kahit kailan ay ayokong malaman ng iba ang maskara sa likod ng pagiging Black Navillerian Angelus ko na isang top rank player sa laro.

"I know," mahinang tugon ni Jairus. "Kaya gusto mo munang humingi ng konting panahon upang makaipon ng lakas para harapin ako ulit."

Napapansin ko ring kanina pa nakatitig si Jairus sa aking kaliwang braso at nabigla ako nang tinutukan niya ako sa mata.

Ano na naman ang gagawin ng mokong na'to? Isa na namang galawan?

"May problema ba?" nakataas-kilay kong tanong sa kanya.

"Roll off your left sleeve Zenrie-chan," malumanay na utos niya sa akin.

Napangiwi naman ako ng labi at agad inilagay ang aking kanang braso sa likod. Ewan ko lang kung ano ang naiisip niya kaya inutos niya sa akin ang bagay na ito.

"Bakit naman? Ano bang dahilan para iutos mo sa akin ang irorolyo ang manggas na 'to?" Mariing tanong ko't umiling kasabay ng pag-atras ko ng isang hakbang.

"Basta," sabi ni Jairus. "Akin na muna ang kaliwang braso mo. Akala mo ba hindi ko napapansin ang bagay na itinatago mo r'yan kanina pa lang sa munting reunion natin sa dug out?"

"Napansin ang alin?" tanong ko habang iniiwasan ko pa rin ang kanang kamay ni Jairus na hablutin ang braso ko.

"Kailangan ko pa bang itanong 'yan sa'yo?" Jairus scoffed and crossed his arms.

Tinapang giliw! Napansin yata niya ang braso kong may daplis. May x-ray vision siguro ang mokong na'to. And whoa! Kunwari concern ang nagiging galawan niya ah. Dagdagan ko kaya ito ng isa pang sipa sa mukha niya.

I shrugged and released my exasperated sigh. Kesa naman sa lumuha pa siya ng krudo sa mata ay pumayag na lang ako sa kagustuhan niya. "Ok fine! Heto na 'yong napapansin mo sa braso ko."

Ipinuwesto ko ang aking kaliwang braso sa ibaba ng aking dibdib at inirolyo ang manggas. Tumambad nga sa kanya ang daplis na natamo ko kahapon. Napabuntong hininga naman si Jairus at mabusising tumingin sa braso ko.

"Just like before, kailangan mong maging maingat para hindi ka masugatan gaya nito," sabi naman ni Jairus.

Back to you trust-breaker and kidney-beaned brain! Dapat iniisip mo na agad ang mangyayari bago mo ginawa ang bagay na iyon noon.

Kung alam lang niya, he must apply it in his self. Nakakainis pa naman minsan ang may magsasabing mag-iingat ka pero sila rin pala ang magbibigay ng sugat sayo. How Ironic isn't it?

"Sanay na ako Jairus kahit ilang beses pa akong masugatan o magkaroon ng pasa sa katawan. Kailangan mo pa bang sabihin 'yan sa'kin eh ang buhay ko parang nasa tunay na labanan naman," saad ko sa malayelong tono at muling tumingin sa kanya.

"Naiintindihan ko," matipid na sagot nito. "Huwag mo ngang gawing kalasag ang katawan mo, kaya ka nagkakaroon ng mga pinsala dahil doon," mahinang saad niya.

"May sinasabi ka?" Tinaasan ko siya ng kilay nang mapansin kong may sinasabi na naman siyang tanging sarili niya ang nakakarinig.

"Wala. Just disregard it," Jairus said, moving his head in sideways.

Binuksan niya ang kanyang student's window at may kinuha sa kanyang item vault. Lumitaw sa kanyang kaliwang kamay ang isang maliit na test tube na may mga maliliit na asul na capsule serum sa loob na parang ginagamit sa buhok. Naningkit ang aking mga mata sa kakaibang bagay na hawak niya.

Kung hindi ako nagkakamali, ito'y isang lalagyan ng healing serum kagaya sa laro!

"Sandali lang, kung may balak ka sa daplis na 'to, huwag mo na lang itutuloy," pagtatangka kong pagpigil sa kanya.

"Huwag ka nang magreklamo r'yan at gagamutin ko ang natamong daplis mo," sabi niya, pero sa pagkakataong ito'y nasa pag-aalala ang kanyang boses.

"Jairus ang sabi ko—"

"Hold your tongue Black Navillerian Angelus because I have to cure this wound from your left arm. Alam mo namang mabagal ang proseso sa paggaling ng sugat kaya kinailangan mong magkaroon ng healing serum gaya ng hawak ko. Huwag nang matigas ang ulo please, I'm just trying to help you." Muli na naman akong tinignan nang diretso ni Jairus at tila walang bahid ng emosyon ang kanyang mukha.

Sa totoo lang gusto ko siyang sapakin ulit dahil namimilit na siya sa akin tungkol dito. Ewan ko kung anong meron sa kanya kaya nalaman niyang may daplis ako sa kaliwang braso. Baka naman siguro may x-ray vision siya gaya ng nasa isip ko o nahahalata niya ako. Ibang klase rin ang mokong na 'to eh ano?

I sighed for the second time and tried to avoid my eye contact, but I decided to soften my head a little bit. Ayoko namang sayangin ang alok niyang tulungan ako kahit kumukulo pa rin ang dugo ko sa kanya dahil sa ginawa niya. Pilit ko mang kalimutan, pero malabo pa rin dahil hindi pa niya sinasabi sa akin ang punong dahilan kung bakit kinailangan pa niyang ipagkalat sa guild ang aking pangalawang pseudonym na ngayo'y alam na rin nina Ranzou, Althea, Emerson at Issei. Sasabihin ko na rin kay Mimi ang tungkol dito noon pa pero sa mga panahong iyon ay lagi kong bukambibig ang mga kadramahan ko sa buhay. Pero 'di bale, sasabihin ko naman ito sa kanya sa tamang panahon.

"Ok Jairus you win. Gawin mo na ang bagay na 'yan," mahinang saad ko at tumingin sa kanya.

Tumango si Jairus sa akin at kasunod n'on ang pagbukas niya sa naturang lalagyan upang kumuha ng isang piraso. Ipinasok agad niya ito sa bulsa saglit matapos niya itong isara. Binuksan niya ang serum capsule at pinatakan ang daplis sa aking kaliwang braso kasabay ng paghawak niya rito. Wala pang tatlong segundo'y unti-unting nawala ang pulang marka ng sugat at tuluyan na ngang gumaling. Bahagya naman akong nakanganga sa aking nasaksihan at bahagyang ngumiti habang hinihimas ko ang braso sabay ayos sa manggas.

Pinatakan na rin ni Jairus ang kanyang kaliwang pisngi ng healing serum at nawala na rin ang natamong tama mula sa sipa ko.

"Kumusta naman ang pakiramdam mo Zenrie-chan?" tanong ni Jairus.

"Ayos na ako. Thanks for healing my wound," mahinang sabi ko at nagpasalamat sa kanya. "Pero tandaan mo ang mga sinabi ko sa'yo kanina, hindi ko pa maibabalik sa iyo ang buong tiwala ko matapos ang pagkalat mo sa aking pangalawang pseudonym sa guild at pinagtangkaan akong traydorin. Bigyan mo muna ako ng panahon upang humugot ng lakas upang maging handa ako sa susunod nating pagkikita. Mabilis mang gumaling ang sugat ko sa braso, pero hindi pa ang puso ko. I hope you understand me. Alam kong masasabi mo rin ang tunay na dahilan kung bakit mo ginawa sa akin 'yon sa tamang panahon."

Napayuko ng ulo si Jairus at bahagyang ngumiti habang pasuklay niyang hinihimas ang kanyang buhok ng isang beses. Kinalauna'y bumalik ang kanyang mga tingin sa akin at tila nangungusap ito sa akin.

"Tatandaan ko 'yan Zenrie-chan. Sana mapatawad mo na ako sa lahat ng ginawa ko sa'yo. Nauunawaan kong ganoon na lang kalaki ang galit mo sa'kin dahil sa malaking sugat na dinulot ko sa'yo kaya sinipa mo ako sa muling pagkikita natin. But please... don't harden your heart," nalulungkot na saad ni Jairus.

"I'm still healing... don't push me to recover immediately. Huwag mo muna akong kulitin sa ngayon pakiusap," saad kong may diin sa huli.

"As you wish, pero maghihintay pa rin ako sa'yo."

Bahagya akong ngumiti sa kanya at tuluyan na akong tumalikod. Hindi ko maiwasang magkaroon ng matinding pagtatalo sa aking isipan ukol sa bagay na ito. Pakiramdam ko'y tinutukso ako ng tadhana at nagkita pa kami ng mokong na ito sa virtual world. Sa tuwing nakikita ko siya, parang tinusok ako ng espada sa dibdib at nawala ang diwa ng aking puso.

Hindi na ito kagaya ng dati, iba na ngayon. Ang pinagkakatiwalaan ko noo'y nagkanulo sa akin at sinira ang tiwalang binigay ko. Napakahirap. Napakahirap pang humarap sa kanya at pilit kong pinipigilan ang apoy sa aking loob na sumklab ulit at mag-udyok sa aking bumunot ng espada.

"Saka na kapag may lakas na akong makinig sa'yo. Sa susunod nating pagkikita, Rank 2 Kizuto."

I waved my right hand as I took a step away from him. Tinawag ko rin siya sa kanyang game pseudonym sa unang pagkakataon matapos ang limang buwan bago pa man ako tuluyang lumisan sa kinatatayuan naming dalawa. Siya rin ang kasunod sa aking rank sa laro na gaya ko'y nananatili pa rin sa puwesto. Sa ngayon, kailangan ko pa rin maging matatag at hindi ipakita sa kanila ang aking kahinaan. Ayokong may mag-alala sa akin at makakadagdag lang ako ng pasanin sa iba. At tungkol naman sa mga pinagsamahan namin ni Jairus, mahirap pa rin sa akin ang ibalik 'yon dahil sa napakalalim na sugat na natamo ko.

Sa susunod, sasapakin ko na siya kapag magkikita kami.

Magsisimula na ang takip-silim at kinailangan ko nang bumalik sa dorm upang tulungan sila Mimi sa paghahanda ng hapunan. Kinailangan ko na ring bumawi kaninang umaga dahil hindi ako nakaluto agad ng agahan. Pag-uusapan na lang din namin muna ang tungkol sa review namin sa midterms at sa iba pang bagay para hindi ko pa maisingit ang usaping ito sa kanila.

Jairus... bakit ka pa nagbalik?



===Jairus===



"Saka na kapag may lakas na akong makinig sa'yo. Sa susunod nating pagkikita, Rank 2 Kizuto..."

Lumakad na si Zenrie-chan papunta sa kanilang dorm habang mag-isa naman akong nakatayo sa tapat ng portal habang dinadama ang hanging humahaplos sa aking balat. She even waved her right hand as a farewell until she disappeared from my sight until the shadow is only my left bud in this place. I can't even imagine that I could see her again, pero kitang-kita ko pa rin sa kanyang mga mata ang apoy na naglalagablab sa loob niya.

I also decided to go back to the dorm of Angeruzo University before sunset, baka hinahanap na ako nina Andy at Ellah at magtaka pa kung bakit matagal akong nakabalik. Iisipin tuloy ng isa r'yan na namamasyal ako sa Strelia Aurelis upang makahanap ng paraan upang paamuhin ang commander ng kasama kong lampa kanina. Kakaiba pa naman ang iniisip ng Andy na 'yon kahit minsan seryoso siya.

At oo nga pala, bakit naisali pa ni Prof. Leizuko ang isang 'yon sa mga beta tester? He's clumpsy and sometimes an airhead trying to knock some jokes in a serious situation. I couldn't imagine how Zenrie-chan handles a person like him.

Pagsapit ng gabi, nagpalit ako ng damit pantulog matapos kong maghapunan kasama ang kambal. I stayed on the upper part of the double-deck bed holding my notes for the upcoming exams and a sketch pad where I draw anything when I'm bored. Makailang beses na rin akong nagpalit ng mga pahina sa notebook habang nagbabasa ng mga leksyong lalabas sa exam at inaamin kong walang pumapasok sa utak ko dahil sa iniisip ko ngayon. Pinipilit ko mang gawin, but my mind doesn't cooperate with me. Even a single detail on what should I draw on the sketch pad, I can't caught up an idea.

I put the notebook on my lap and sighed deeply. Marahan akong napailing dahil sa dami ng mga bagay na bumabagabag sa aking isipan. Muli akong tumingin sa bintana ng silid at napahimas ng ulo. Sumusulpot na naman ulit sa aking isipan ang mga nangyari kanina matapos ko siyang makita ulit at nalamang hindi na pala siya gaya ng dati.

"Hindi ka makapag-review nang maayos?" Isang pamilyar na boses ang aking narinig mula sa ibaba ng hinihigaan ko na agad kong sinilip.

"Something's just bothering my mind right now Andy," sagot ko sa kanya.

Dumungaw naman si Andy sa akin dito sa itaas habang inaayos niya ang kanyang suot na mustard sweater at hawak ang isang notebook. Sumalubong sa akin ang kanyang mga mapanuring mata at para bang sinusuri ang isang papel sa scanner ang ginagawa niya. He breathes lightly and smiles a bit.

"Let me guess, Beta Tester #1-B Zenrie. Am I right?" panghuhula naman ni Andy. "I guess I don't need to ask you on who's that game partner you're talking about. Nahahalata ko kanina sa inyong dalawa kung paano kayo makitungo sa isa't isa."

I paused a second and respond to him, "Mukhang hindi ko na kailangang sabihin iyan dahil napangunahan mo na naman ako."

"I knew it," lumabas siya mula sa kanyang higaan sa ibaba at kumuha ng upuan sa tabi upang makausap ako nang maayos, "hindi ko na rin itatanong sa'yo kung bakit natagalan kang pumasok sa portal kanina at sumunod sa amin ni Ellah. How's your conversation with her?"

Sumandal ako sa pader na nakadikit sa hinihigaan ko at hinawakan ang sketch pad sa tabi. I lower my head a little bit and bring back my gaze to him. "Everything's fine Andy and I cured her wound on her left arm earlier. Nakuha niya kasi iyon sa hardin ng SAU matapos ang kaguluhan kahapon. Hindi na naman kasi siya nag-iingat," tugon ko sa kanya.

Andy giggles as he folds his arms. "At least your charm doesn't rust until now Jairus. Naging maalalahanin ka pa rin sa kanya kahit napapansin kong medyo sinusungitan ka niya. Alam kong siya rin ang may gawa sa kaliwang pisngi mong may bakas ng kanyang snickers."

It looks like he's been watching me earlier without noticing it. Sino ba namang hindi makakahalata sa marka ng sipa ni Zenrie-chan sa mukha ko kanina matapos niya akong bigyan ng mga compliment? Hindi ko inakalang mas nagsanay pa siya nang maigi sa mga combat skills niya gaya ng ikinuwento niya sa'kin dati.

My eyes narrowed as I keep on staring at him. "Sa totoo lang hindi tatalab kay Zenrie-chan ang mga sinasabi mo r'yan Andy. She's immune to those things."

"But she let you cure her wound on the left arm. Hindi ba 'yon counted para sa'yo?" Muli na namang ngumiti nang bahagya si Andy sa akin at ipinatong ang kanyang kanang binti sa kabila.

Ayoko talaga sa mga tinging 'yan na ginagawa niya.

"Hindi Andy," matipid kong sagot sa kanya. "Anong akala mo sa'kin gumagawa ng mga galawan sa isang babae? You know that I won't do that to her. Huwag ka ngang feeling sidekick ng isang harem king sa anime."

"Ok Jairus as what you said. I'm just joking," napabuntong hiningang saad ni Andy. "But by the way, hindi ba't may isang bagay na kailangan niyong pag-usapan nang kayong dalawa lang? Sa pagkakaalala ko kasi sa mga ikinukuwento mo, may hindi pagkakaunawaan kayong dalawa dati makalipas ang limang buwan. What kind of argument was that?"

Tanging alam lang ni Andy sa ngayon ay ang pagiging partners namin ni Zenrie-chan sa laro, but not her rank and her virtual identity because it's a serious thing for her to keep it. Malalim ang kanyang dahilan kaya niya sinasabi sa akin ang bagay na ito noon nang magsimula kaming maglaro sa isang online game. Although it's quite similar to League of Legends, Elsword and Grand Chase, that game also tests your trust from each other. Not just for the rank, but on how you could handle your partnership and virtual identities.

At 'yan ang isang bagay na hindi ko nagampanan sa kanya noong nasa guild kami.

Andy knows my rank and virtual identity as well as Ellah, but just like Zenrie-chan, I keep on reminding them not to tell it to anyone. Nahawa na rin ako sa kanya sa totoo lang pero para sa seguridad ko na rin ito.

Andy snaps his fingers to catch my attention. "Ayan ka na naman sa mukhang 'yan. Malalim na naman siguro ang iniisip mo sa mga katanungan ko at nagmistula kang isang internet connection na nag-la-lag bigla."

"Sa totoo lang, mabigat ang kasalanan ko sa kanya Andy. Kami lang ang nakakaalam sa bagay na iyon sa ngayon at balang araw makakausap ko siya ulit," sabi ko sa kanya, kasabay ng pag-iwas ko ng tingin at ibinalik sa bintana ang atensyon.

"Pero ano naman ang sinabi niya sa'yo nang mag-usap kayo?"

"Bibigyan ko muna siya ng sapat na panahon upang makausap ako ulit. I can see from her eyes that she's still enduring the pain from the damage I made," saad ko sa mababang tono.

"Ganyan talaga Jairus," tumayo si Andy at lumapit sa may hagdanan ng double-deck bed, "you can't force a person to talk about it especially when she's in the healing stage. Kapag pinilit mo kasi, mas mahihirapan siyang makalimot at humugot ng lakas upang harapin ka at lumala pa ang galit niya. Hayaan mo muna siyang makapag-isip-isip."

He's right; I don't have to push her to talk with me about the great offense I made from the past. I'm really desperate to tell her the story after she left the guild and decided to become a solo player. Ngunit... hindi ko talaga puwedeng pilitin ang isang tao kapag hindi pa handa. Mas makakadagdag lang ako ng sakit ng ulo sa kanya lalo na't marami rin siyang pasanin sa buhay.

I turned to him again and sighed lightly. Kailangan ko munang pakalmahin ang isipan ko at baka magresulta pa sa overthinking ang ginagawa ko. Hindi ko kasi maiwasang isipin ang nangyari kay Zenrie-chan pagkatapos n'on at hanggang ngayo'y bumabagabag pa rin ito kahit sa mga panaginip ko.

"That's the best thing I can do for now. Arigatou (Thank you) Andy," I smiled, putting the sketch pad on my lap and turn the previous page.

"No problem Jairus," tugon niya. "Ikaw naman kasi kung makapagdrama ka r'yan dinaig pa ang hiniwalayan ng nobya. Isa pa, mag-sweater ka nga! Hindi ka ba nilalamigan sa suot mong sando?" Pang-aasar naman ni Andy dahilan upang mapakunot ako ng noo.

Kumuha agad si Andy ng isang itim na sweater sa aming cabinet at binato sa mukha ko. Muntikan na ring mapunit ang hawak kong sketch pad na agad kong inilapag. Marahan akong napailing sa ginawa niya at kinuha ang sweater saka kinumpol ko itong parang bola. Naniningkit na naman ang aking mga mata sa kanya.

"I'm already capable with this Andy at natural lang sa isang tao ang ilabas ang hinanakit niya. Hindi lahat ng nagdadrama ay pag-ibig na ang pinoproblema, may iba naman sa pagtitiwala. At isa pa, kung bumato ka parang babae. Hindi ka na siguro nag-work out ng dalawang linggo," pambabara ko naman sa kanya at ibinato ang sweater sa kanyang mukha upang mapaupo ito sa sahig.

You thought that this guy is naïve and serious? Well, don't try to ask me about that sa tuwing kaming tatlo ang magkakasama.

"Buti nga sa'yo Andy!" Natatawang saad naman ni Ellah habang nakatayo sa may pintuan ng silid namin. Pumalakpak na naman siyang parang isang sea lion at parang napupunit na ang kanyang bibig sa katatawa. "You shouldn't mess up with him just like what Zenrie did earlier at the dug out. Kawawa tuloy silang dalawa ni Zoiren dahil sa pambabara nilang dalawa."

Agad namang binato ni Andy si Ellah ng kunot-noong tingin. "Ellah! Can't you just knock first?" nabibiglang sabi niya.

"Whatever!" bulalas niya at pumasok sa silid. Umakyat agad siya sa kabilang double-deck bed at nagtakip ng kumot. Para talagang mga aso't pusa ang dalawang 'to minsan sa dorm kaya minsan umaakyat na lang ako sa rooftop upang makahanap ng katahimikan.

"Whatever mo mukha mo pigtails," pang-aasar naman ni Andy sa kanyang kakambal.

"Inaano ba kita Andy?" Ellah asked and remove the blanket, "I was just entering the room and not interrupting your conversation with Jairus ok? Gusto ko lang matulog dahil hindi ko na kayang mag-aral para sa midterms! Kapag nalaman kong pinag-uusapan niyo ang paborito kong manunulat na isang Aurelian, humanda talaga kayo sa kanya." Bigla siyang nayamot kaya nilagyan niya ng earplugs ang kanyang mga tainga at nakinig ng kanta sa kanyang student's window. Muli na naman siyang nagtakip ng kumot at napailing.

"Hay naku!" Andy sighed in frustration. Bumalik agad siya sa kanyang higaan sa ibaba at nag-aral.

Para talagang mga bata ang mga 'to at nakakapagod minsang umawat sa kanila. Kahit ako ang mas nakakatanda sa dalawang 'to, minsan nakakayamot nang humupa sa kanilang sitwasyon, sa madaling salita pa'y maging referee.

Kumuha ako ng hoody jacket sa aking student's window at bumaba sa double-deck bed habang dala ko ang sketch pad. Narinig naman ni Andy ang yapak ng aking mga paa at pumukaw din ito sa kanyang atensyon nang isinuot ko na ang aking mga tsinelas.

"Saan ka pupunta Jairus?" tanong niya.

"I'm going to the rooftop for a while Andy," sabi ko. "Kailangan ko na munang mapag-isa sandali."

"Ok Jairus."

Lumabas na ako ng silid at umakyat ng hagdan papuntang rooftop. Binuksan ko na rin ang pinto at sa wakas ay natatanaw ko na ang kalangitang pinapalibutan ng mga maririkit na bituin at buwan na unti-unti nang nagiging bilog. Sinalubong din ako ng malamig na hangin at kapayapaang yumakap sa aking katawan at isipan. This is the kind of scenery I really want every time I spend with myself.

Sumandal ako sa may pader na may barikadang alambre sa likod habang binubuklat ko ang aking sketch pad. Inilipat ko ang isang pahina nito at muli akong tumingin sa isa sa mga ginawa ko noong hindi pa umusbong ang pandemya.

It was an image of the bravest warrior I knew: Night sky eyes, rosy cheeks, jet-black hair, angelic smile, side hairs where the left side is longer than the opposite, a kind person who can understand and accept your greatest flaws, and she has a courageous heart burning like furnace to fight in daily life battles... that's how Zenrie-chan is. I couldn't believe I wasted a friend like her. Naging padalos-dalos ako sa aking mga desisyon dati kaya lumayo siya sa'kin at naging solo player.

Sa hindi inaasahang mga pangyayari, nakita ko rin siya sa wakas nang personal ulit ngunit sa virtual world nga lang. It was the first time I heard her calling me on my game pseudonym from the past five months of not talking with her. Napakaraming pagbabago rin ang nakita ko sa kanya lalong-lalo na sa pagiging seryoso at mas umusbong pa ang kanyang katapangan at pagganap ng tungkulin sa puso, but her mood shifted after she saw me on the open bench and kicked me on the face.

All I expected from her is a great slap on the face, but she gave more than that. She did it.

Maybe she's--- or not maybe. She's mad at me from what I've done from the previous. May dahilan naman ako kung bakit ko ginawa iyon sa kanya dahil gusto ko siyang protektahan. Why she can't listen to me? Minsan talaga may pusong amazona rin si Zenrie-chan at gaya ng sinabi ko sa kanila'y nakakatakot din siyang magalit at muli kong nasaksihan 'yon kanina.

Honestly, I really missed her smiles and her cheerful personality even our conversation after the game, strategic plans, and even joining a particular quest as partners. But because of the foolish decision I made from the past, I broke her trust as well as our friendship. Malaki ang pagsisising natamo ko matapos ang usapang iyon sa group chat box ng guild namin noon at hanggang ngayo'y bumabagabag pa rin iyon sa aking isipan.

Dahil sa matinding galit, hindi rin niya nagawang makinig sa'kin sa mga paliwanag ko. Ngunit... pati rin ako'y walang maisip na tamang dahilan kung bakit ko sinabi sa guild ang kanyang pangalawang pseudonym kahit mas ginagamit niya ang katagang Black Navillerian Angelus sa laro.

Ano ba talaga ang tunay kong dahilan kaya ko ginawa ang bagay na 'yon? Hindi sapat sa'kin ang sabihin sa kanyang pinoprotektahan ko siya at wala akong masabing dahilan upang sumuporta sa bagay na 'yon. Kaasar!

Hindi niya tuloy alam kung gaano ako nagkakaroon ng matinding pressure sa mga panahong iyon dahil pinagtangkaan din ako ni Shudo at ng buong guild sa isang bagay na parehong iniingatan namin ni Zenrie-chan: ang aming virtual identity at rank. He's eager to know who we are in real life just for the rank, but it's not that easy. I can't believe we trusted that bastard and the guild of snakes.

Kung ano ang ginawa mong nakakasama sa iyong kapwa, babalik naman ito sa'yo nang doble at talagang pagsisisihan mo ang bagay na ito. Dahil doon, I have to face this heavy consequence.

Nananatili pa ring nakasara ang kanyang pananaw dahil sa mga pangyayari. Mas pinili niya munang mapag-isa at hayaan ang kanyang sariling mag-isip. Nakakapagtaka at nakakabahala rin ang kanyang ginawa sa hardin gaya ng ikinuwento ni Zoiren sa amin. But it's her best way to release her tension in a quiet place until it runs out.

Pero kahit ganoon, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asang darating din ang tamang panahon upang mapatawad niya ako sa lahat ng nagawa ko. Still, I don't have enough valid reason to tell her the root reason from what I've done. Heto na naman ako't huhukayin ko ang lahat ng mga detalye sa pangyayaring iyon upang mahalungkat ko ang tunay na dahilan kung bakit pinoprotektahan ko siya't sinabi sa kanila ang kanyang pangalawang pseudonym.

I won't give up on you Zenrie-chan. Sisikapin kong makabawi sa lahat ng pagkakamali ko at ibalik ang mga pinagsamahan natin dati sa laro bilang mag-partners. One day, you'll forgive me from all of my offenses and start over again as you regain my trust. Bibigyan kita ng konting panahon upang makahugot ng sapat na lakas upang magkaharap tayong muli gaya ng sinabi mo sa akin kanina.

Onegai (Please) Black Navillerian Angelus... 

Huwag mong gawing manhid ang puso mo sa oras na marinig mo na ang aking tunay na rason kung bakit isinugal ko ang iyong pangalawang pseudonym upang iligtas ka.





どうか、ブラック·ナビレリアン·アンジェラス、私のせいであなたの心臓がしびれないようにしてください。 

(Please, Black Navillerian Angelus, don't let your heart die in numbness because of me.)

================



Author's note:

Never break a trust because it's too fragile like glass. Once it gets broken, it's difficult to fix it and it takes a long period of time to heal.

Ano kaya ang susunod na mangyayari sa kanila sa virtual world? Magawa kaya nilang ma-contact si Prof. Leizuko upang pag-usapan ang mga nakagigimbal na pangyayari?

Paano na lang kaya kung may iba pa palang tatawag kay Zenrie mula sa tunay na mundo?

Makakasagot kaya sila sa nalalapit na midterm exams?

Abangan sa susunod na kabanata...

Medyo naging madalang ang pag-uupdate ko dahil sa nangyayaring internet interruption dito sa amin. Halos dalawang linggo na rin akong hindi nakakapasok sa online class at nakatiwangwang ang aking mga school works dahil dito. 

Pero payting pa rin kahit na anong mangyari!

Stay tuning in for more updates! Stay safe and God bless always! Lovelots!

Reminder: Huwag lang puro basa sa watty, sagot-sagot din ng module at huwag kalimutang magpahinga kapag nakakaramdam ng pagod. Always pray and never give up!

~SymphoZenie

Continua llegint

You'll Also Like

Kairos Per leigh heasley

Ci猫ncia Ficci贸

842K 23K 28
Time travel is legal and Ada Blum is looking for love. But what happens when one of her charming bachelors from the past makes his way to the present...