La Cuevas #3: Beautiful Scars

Por Jojissi

1.6M 49K 15.5K

COMPLETED | UNEDITED After an unfortunate incident 18 years ago, Sadie Trinity is now back in La Cuevas, to f... Más

BEAUTIFUL SCARS
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
EPILOGUE 1/2
EPILOGUE 2/2
Special Chapter

Chapter 6

29.7K 1K 694
Por Jojissi

"Ang dami naman,"



"Bakit, hindi mo kayang bayaran?" Asik ko nang kuwestyunin niya ang dami ng mga piercings na kinuha ko. Hindi na kasi ako nag-isip at tumingin sa presyo. Basta ko nalang kinuha ang mga hikaw na nagustohan ko.



"I can. But will you really wear all that—"



"Pake mo? Gusto mong mapatawad kita 'diba? Bakit nagrereklamo ka?"



Padabog kong inilagay ang mga piercings sa transparent glass na counter top kung saan sa tingin ko ay magbabayad. Dahil doon ay kumalansing ang mga silver at high quality stainless steels na hikaw kaya napapitlag ang dalawang lalaking nakatingin sa amin.



Napakurap-kurap si Luke at napaawang ang kaniyang labi habang nilalabanan ang mabibigat kong mga tingin. Tila nagulat siya sa sinabi at ginawa ko kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. Sa huli ay bumuntong hininga siya at marahang tumango.



"Alright, sorry."



Inirapan ko siya at humalukipkip ako paharap sa counter kung saan wala pa ring tao na mag-aasikaso sa mga pinili ko. Nagtataka kong nilingon iyong dalawang lalaki at nang magtama ang mga paningin namin ay halos magtulakan sila para ipilit kung sino ang kukuha ng bayad namin.



"Tangna, ikaw na nga—"



"Ayoko gago,"



Narinig ko ang pag tikhim ni Luke na siyang nakapagpatigil sa dalawa. Kakamot-kamot sa ulong naglakad ang isa na medyo mahaba ang buhok at maraming tattoo sa kamay hanggang sa leeg.



Tahimik niyang kinuha ang mga pinamili ko at tila kabisado na ang mga presyo niyon kaya't mabilis niyang ipinasok ang lahat sa tig-iisang itim na zip lock na may logo ng gintong ulo ng dragon. I noticed that it's the same logo outside the shop. 18 zip locks ang nagamit dahil 18 different piercings ang napili ko. Ipinasok iyon lahat sa isang itim na paper bag na may parehong logo pero may kasama nang L.Ink sa ilalim ng logo.



Pilit ang ngiti ng lalaki nang i-abot niya iyon sa akin. Hindi ko naman siya sinuklian ng ngiti, tinapunan ko lang siya ng tamad na tingin at mabilis na hinablot ang paper bag. Nakita kong nag-abot ng credit card si Luke at tinanggap naman iyon ng lalaki.



Hindi ko mapigilan ang pag-usbong ng panibagong ngiti sa aking labi nang buksan ko ang paper bag at tanawin ang mga zip lock na naglalaman ng mga piercings.



Nang maramdaman kong may nakatingin sa akin ay nag-angat ako ng ulo at nakita ang isang lalaki kanina na napakurap-kurap at mabilis na pumasok ulit sa kuwarto. Pawang malalaki ang mga katawan nila at siguradong tambay sa gym. Nagkibit nalang ako ng balikat at inilibot ang tingin sa shop.



Iniwan ko si Luke doon at nagtingin-tingin sa mga pader kung saan naka display ang mga designs nila. Aaminin ko, magaganda ang mga proposed samples nila para sa mga tattoo.



There's Tribal or Polynesian tattoos that's inspired by the numbers of indigenous communities' beliefs and culture. There's Japanese that I believe is very rare these days, as well as the American traditional. I was also amazed with the samples of their Realism tattoos. Along with them are the New School and Watercolor which I think has something in common, they just look a little bit alike but you'll see the difference if you'll look at it closely.



There's Flowers, Letterings such as calligraphy, Trash Folks which consist of almost every element but using only a black and red ink that made it more bold and dark. But the design that really had my attention was the Biomechanical tattoo, the details are so fine that if you won't take a good look at it, you might think it's a real tool attached to the skin. So amazing.



"You wanna have your skin inked?"



I was startled by Luke's low and baritone voice behind me. Nang lingunin ko siya ay wala siyang emosyong nakatingin sa akin. Inirapan ko siya at nagkibit ako ng balikat, hindi ko kasi alam ang isasagot ko. A part of me was debating if do I really want it or not. Magdodoktor ako, ayos labg naman basta natatakpan, pero parang hindi pa rin naman yata tama na may tattoo ako lalo pa at isa akong babae?



Ang piercings ay maaalis ko pa sa tuwing kailangang alisin, pero ang tattoo.. hindi iyon matatanggal unless papatungan. And I don't want that hassle in the future kaya huwag na lang.



"Am I forgiven?" Tanong ni Luke nang nasa sasakiyan na kami pauwi.



Niyaya niya akong mag lunch kasama siya pero tumanggi na ako dahil gusto ko nang subukan ang mga piercings na ito sa bahay. Isa pa, kailangan ko pang mag-aral  kaya nagpasya akong umuwi na lang.



"Yes." Simpleng sagot ko hahang pinagmamasdan ang paper bag. Kapag bagay sa akin ang mga piercings na ito ay siguradong babalik pa ako doon para bumili.



Hindi na siya sumagot. Nang makauwi kami ay hindi na bumaba si Luke at nagpaalam nang aalis dahil may pupuntahan pa. Tumango lang ako at walang lingon na lumabas ng kaniyang kotse at pumasok sa mansion.



"Saan ka galing?" Bungad ni Sage.



"Sa nanay ko."



"Sadie Trinity."



"Sage Archer. Hindi mo 'ko masisindak. Tumabi ka."



Nang hindi siya gumalaw at seryoso lang na tumingin sa akin ay bumuntong hininga ako at iniangat ang paper bag na dala para ipakita sa kaniya. "Bumili lang kami. Masaya ka na?" Pabalang na sagot ko.



Tila kumislap ang mga mata niya nang makita ang logo ng paper bag na dala ko.



"Whoa, piercings? Pahingi—" Akmang kukunin niya ang paper bag sa kamay ko nang iiwas ko iyon at hampasin ang kaniyang kamay. "Tang.." reklamo niya at sinamaan ako ng tingin.



"Bumili ka. Tabi nga," binunggo ko ang balikat niya at diretso nang umakyat ng hagdan. Pareho kasi kaming mahilig sa piercings, though mas marami ang sa kaniya dahil mayroon din siya sa dila at sa ilalim ng collarbone.



Pumasok ako sa aking kuwarto at hindi na nag-abala pang magbihis. Isinukat ko ang lahat ng piercings puwera ang mga snug, industrial, daith at rook dahil wala pa naman akong butas sa mga parteng iyon. Siguro ay babalik nalang ako sa L.ink para magpabutas sa susunod.







Vincent:

Hi Sadie

Huy

Hellooo

Luh, snobber

Free ako ngayon puwede mo akong kuhanan ng dugo, ano?



Bumuntong hininga ako at tamad na nagtipa ng irereply sa kumag na 'to. Kakakuha ko lang sa kaniya ng dugo noong makalawa tapos gusto niyang kuhanan ko na naman siya? 'yung totoo wala bang kwenta ang dugo niya sa kaniya?



Ako:

Shut up, next time.



Madalang mangyari na ako ang tumatanggi na kumuha ng dugo, madalas ay kay Vincent lang nangyayari iyon dahil siya lang naman ang mapilit na gustong-gustong mawalan ng dugo. Madalas ay ako ang namimilit na pagpractisan sila kapag wala si Vincent kaya naman ang weird talaga kapag ganito. Na eenjoy yata siya sa turok ng karayom.



Vincent:

Okay, busy ka?



Binaba ko ang aking cellphone nang mabasa iyon at kinuha ang isang libro. Dahil binayaran namin ito at puwede naming sulatan ay marami na ang naka highlight na terms na dapat kong tandaan.



Muling tumunog ang cellphone ko at kusa iyong bumukas. Sinilip ko ang mensahe na siguradong galing ulit kay Vincent na makikita sa lockscreen notification.



Vincent:

Sadie may tanong ako.



Hindi ako nagreply kaya makalipas ang ilang segundo ay nagtext na naman siya.



Vincent:

Anong hobby mong gawin?



Kumunot ang noo ko at ibinaba ang librong hawak para mag reply.



Ako:

Matulog.



Pinagmasdan ko iyon at akmang ibababa na, nang agad siyang mag reply. Ang bilis.



Vincent:

Luh, ako din! Sa susunod sabay nating gawin.



Kumunot ang noo ko at napairap sa hangin. Matagal ko nang napapansin na dumidiskarte ito sa akin pero wala naman akong pakielam sa kaniya. Hindi naman niya ako inaano at hindi rin ako naiilang sa kaniya kaya hinahayaan ko na lang.



Vincent:

I'm not a photographer but I can picture us together.



Ako:

Photobomber ka lang.



Ipinatong ko ang phone ko sa lamesa at nagpatuloy na sa pagbabasa. Ilang beses pang tumunog ang cellphone ko pero hindi ko na pinansin. Kunot na ang noo ko habang pilit na iniintindi ang mga pangungusap sa libro ngunit nadidistract ako sa tunog ng notifs.



Bumuntong hininga ako at kinuha ulit ang cellphone ko para i shut down na, nang mabasa ko ang huling mensahe niya.



Vincent:

Are u religious? coz u're the answer to my prayers.



Ako:

Atheist ako gago.



Vincent:

Luh, di nga? Seryoso ka?

Sakin?



Hindi na ako nag reply. Pinatay ko ang cellphone ko at inihagis sa kama bago muling nagpakalunod sa libro. Damn Vincent.



Kinabukasan ay sabado, wala kaming pasok pero may task na ibinigay kaya hindi na ako nakapag almusal lalo pa't before lunch and deadline noon. Nang maisend ko ang file sa prof namin ay humihikab akong nagtungo sa banyo at naligo.



Nagsuot ako ng blue long sleeve sweater na high neck pa rin at black short shorts. Binuksan ko ang cellphone ko at dinala bago bumaba para kumain. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakababa sa hagdanan ay narinig ko na ang pamilyar na boses ni Luke na kausap si Sage.



"She's coming next week." It was Luke's low and obviously bothered voice..



"What's your plan?"



"I don't know, go to Palawan again I guess."



"Just give Lea a heads up,"



"I don't wanna bother her."



"Then buy your own fucking rest house or live in a hotel there,"



Kunot noo akong bumaba at naabutan sila sa sala na nag-uusap. Naka pamewang si Sage habang naka halukipkip naman si Luke. Sabay silang napalingon sa akin nang maging matunog ang pag hakbang ko. Binigyan ko sila ng tamad na tingin bago dumiretso sa kusina at naghanap ng makakain.



Habang kumakain ako ay nag-ingay ang cellphone ko ng sunod-sunod kaya napaikot ako ng mata habang ngumunguya. Hindi ko iyon pinansin hanggang sa matapos akong kumain.



Binuksan ko ang cellphone ko at chineck ang message ni Vincent na siya lang namang dahilan kung bakit ito nag-iingay.



Vincent:

Are u a banana? Bcs I find u a peeling

U must be the reason for global warming bcs u're hot

Hoy

Kiligin ka naman

Sadie!

Luh nawala



Iyon ang mga messages niya kahapon noong pinatay kona ang telepono, iyong ngayon naman ay mula pa kaninang umaga at meron ding ngayon.



Vincent:

Good morning

Pansinin moko

Wala kang pasok ngayon diba? It's Saturday



Nasa lamesa pa rin ako at nakaharap sa aking plato habang nagtitipa ng reply.



Ako:

Malamang



Vincent:

Yown! So ano? 'wag ka nang mahiya, c'mon, ask me out



Ako:

Okay. Go out.



Nakangisi kong inabot ang orange juice at ininom habang iniimagine ang nakasimangot niyang mukha.



Vincent:

Ang hirap mo namang banatan tol bakit ka ganiyan? Kulang ka sa vitamin me.



Ako:

Kulang ka sa aruga



Vincent:

Arugain mo kasi :((



Ako:

.|.



Pinatay ko ang aking cellphone nang marinig ang mga yapak nila Sage papalapit. Ipinatong ko ang cellphone pataob sa tabi ng aking plato at hinintay silang makaupo.



"Hindi ka bumaba kanina 'no?" Bungad ni Sage.



"May ginawa ako." Sagot ko.



Tumango lang siya at umupo na silang dalawa sa harap ko. Naglapag naman ng plato ang mga maids para sa kanila.



"Malinis naman iyong mga guest rooms dito, bahala ka kung saan ka matulog."



Tumaas ang isang kilay ko nang sabihin iyon ni Sage. Siguradong si Luke ang kausap niya. Wait what? Dito siya matutulog? Why?



"Thanks, I'll leave before monday."



"Paano kapag nahanap ka doon?"



Nagkibit lamang ng balikat si Luke at nagsimula na silang kumain nang hindi ako pinapansin. Kunot pa rin ang noo ko hanggang sa iwanan ko sila roon ngunit ayokong magtanong. Hindi ko ugaling buksan ang bibig ko sa mga bagay na wala naman akong pakielam.



Sumapit ang gabi ng sabado na naroon si Luke sa gym sa first floor. Madalang ko siyang makita dahil hindi naman ako pala labas ng kuwarto.



Pagkatapos kong hatiran ng gamot si daddy ay nakasalubong ko siya sa hagdanan na pawis na pawis sa suot niyang itim na sleeveless shirt at sports shorts. Basa rin ang buhok niya ng pawis at malalim ang paghinga niya habang may nakasabit na face towel sa kaniyang batok at may hawak na bottled water sa isang kamay.



Kunot noo ko siyang pinagmasdan na umakyat papalapit sa baitang na tinatapakan ko. Humakbang na rin ako pababa pero nang magkasalubong kami ay tumabi ako, sakto namang tumabi din siya kaya nagkatapat kami. Tumabi ulit ako sa kabilang side pero ganoon din ang ginawa niya. Sa ikatlong pagkakataon ay nagkasabay ulit kami ng direksiyon kaya inis akong tumigil at sinamaan siya ng tingin.



"Tatabi ka o itutulak kita?" Seryosong ani ko.



Nagtaas naman siya ng kilay. "Ikaw nga ang gumagaya sa akin,"



Napapantastikuhang nagbuga ako ng hangin at sarkastikong ngumiti sa kaniya. "Ang kapal ng muk—"



Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang hapitin niya ang parehong bewang ko at bigla na lang isandal sa railings ng hagdanan.



"What the fuck?!" Singkal ko nang tumama ang balakang ko roon. Inilibot ko ang aking paningin at napansing walang mga maid na naglalakad sa paligid, fuck bakit ngayon pa sila na busy?!



Hindi naman masakit ang pagkakasandal ko pero nagulat ako sa ginawa niya. Sa isang iglap ay naikulong niya ako sa pagitan ng mga braso niyang nakaharang sa magkabilang gilid ko at nakahawak sa railing.



Diretso ang tingin ng seryoso niyang mga mata sa tenga ko kaya sa sandaling iyon ay alam ko na kung bakit ganito siya ka seryoso. Nag-iigting ang kaniyang mga panga habang dahan-dahang naglalakbay ang kaniyang mga mata mula sa aking tenga patungo sa akin mga mata.



Nagtagpo ang masama kong tingin sa seryoso niyang tingin. Kapwa kami mabibigat ang hiningang nakatitig sa isa't-isa.



Nakamamanghang pawis na pawis siya pero ang amoy niya ay walang bahid ng hindi magandang amoy. Sa katunayan ay hindi kapintas-lintas ang pabango niyang nanunuot ngayon sa ilong ko. Kailangan ko pang paalalahanan ang sarili ko na huwag suminghot at baka sa sobrang lapit namin ay mahahalata niyang inaamoy ko siya.



"We had a deal.." he trailed in his usual but more husky voice "You're not allowed to wear piercings when I'm around," he remarked that automatically sent foreign feelings inside of me.



I blinked several times while taming those creatures in my stomach, their at it again, moving in a chaotic routine inside of me. Making my knees tremble a bit.



"I forgo—" but he didn't let me finish my words.



"This is a warning Eleanor. The next time I see those piercshits on your ears again, I won't hesitate to remove them using my mouth."



Nanlaki ang mga mata ko at kusang umangat ang aking dibdib nang mahigit ko ang sariling hininga. Wala na siyang sinabi pa at matigas na inalis ang mga kamay niya sa railing kasabay ng pagtalikod niya sa akin.



Tulala ko siyang sinundan ng tingin habang kinakalma ko ang aking sarili. Napahawak ako sa railing na nasa aking likod at dahan-dahang nagbuga ng hangin na kanina ko pa pinipigilang ilabas. What.. did he just say?



JOJISSI

Hi pala sa sabit ni Brent q aw8 Paula

Seguir leyendo

También te gustarán

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
76.3K 1.3K 48
FLIGHT ATTENDANT SERIES #1: A Tourism Student from DLU, Aiofe Lexine. A cheerful, timid, lavish, and a very kind daughter. She never expected that he...
344K 14.3K 42
VARSITY GIRLS Series (1/4) Perez X Ortega Volleyball X Softball
Wild One Por dstndbydstny

Ficción General

6.5M 184K 63
The forbidden fruit that everyone wants to have a taste, a woman of the world, liberated, wild, and without a doubt, gorgeous - Odine Beateressa Sant...