La Cuevas #3: Beautiful Scars

By Jojissi

1.6M 49K 15.5K

COMPLETED | UNEDITED After an unfortunate incident 18 years ago, Sadie Trinity is now back in La Cuevas, to f... More

BEAUTIFUL SCARS
PROLOGUE
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
EPILOGUE 1/2
EPILOGUE 2/2
Special Chapter

Chapter 1

51K 1.2K 419
By Jojissi

"Happy birthday!"



I just looked at her lazily  and didn't even bother myself to reply. She rolled her eyes at me and my eyes widened in shock when she cling her arms on mine, making us look so close together. Kairita.



"Tsk," I tried to pull my hands away but she locked it even harder in her arms so I just sighed and boredly shook my head. What a nuisance.



"Halika na! Ang dami mong bisita sa baba!"



"I don't want to go there." I said and stared directly at Molina's brown eyes. Unlike mine that's dark and expressionless, she has a pair of expressive brown eyes that looks softie and happy.



Kumunot ang noo niya, "What? No way! Today is your birthday, lumabas ka naman at hindi puro pagkuha ng dugo at pag tulog ang inaatupag mo!"



Molina is a.. I don't know if she's my friend, I don't even know what's friend is for. Basta noong dumating ako dito noong nakaraang apat na buwan ay madalas na rin siya dito sa mansion. Ang alam ko ay kaibigan siya ni Lea at may kasama pa silang dalawa na hindi ko pa nakikita.



Iyong isa ay may sinundan daw na lalaki sa El Nido at ang isa naman ay nasa Baguio dahil pumasok sa Philippine Military Academy. Hindi ko alam kung totoo ba iyon pero hindi na lang ako nakiusyoso dahil wala naman akong pakielam.



Hindi na rin madalas dito si Lea at Gavin dahil sa Maynila na nag-aaral ng kolehiyo si Lea habang nagtatrabaho naman doon si Gavin. Mayroon silang tinutuluyang condo habang hindi pa tuluyang nagagawa ang penthouse na pinlano ni Gavin doon.



Kaya ngayon, ako ang kinukulit ng babaeng ito. Noong una ay hindi talaga siya umubra sa ugali ko. Ilang beses ko siyang tinaboy at hindi pinansin pero pursigido siyang  mapalapit sa akin sa hindi ko malamang kadahilanan. Nang lumaon ay nasanay na lang ako na palagi siyang nangungulit at sumusulpot sa kung nasaan ako. I think she's lonely.



"Later." Sagot ko na lang at tuluyan nang inalis ang pagkakapulupot ng kamay niya sa kamay ko.



Ngumuso naman siya at tumango bago umupo sa kama ko at mag cellphone. Ako naman ay dumiretso sa study table ko at inayos ang aking mga gamit. Inaayos ko ang PHLEB kit ko nang pumasok siya kanina kaya naudlot iyon ngayon. Ayoko ng makalat, maingay, maliwanag at masyadong matao. Mabilis akong mairita kapag ganoon.




Sinikop ko ang mga libro ko at ibinalik ang mga gamit sa drawer ng table. Walang imik akong nagtungo sa cabinet dahil walang walk in closet ang kuwarto ko. Hanggang ngayon kasi ay sa guest room pa rin ako tumutuloy— which is ayaw nina Loren, Sage at daddy. Wala rin naman silang magagawa kung ayaw ko ng masyadong malaking kuwarto. Wala naman kasing silbi iyon dahil kaunti lang din ang gamit ko kumpara sa kanila.



Naglabas ako ng high neck mini dress na slipover type. Kulay beige iyon at bagong bili lang, regalo sa akin ni Gavin.



"Wait, girl seryoso ka? Birthday mo tapos pang manang 'yang suot mo?"



Nahinto ako sa paghahanap ng flats nang magsalita si Moli. Ang ingay talaga. "Don't even get me started," sagot ko na lang at pinili ang beige din na flat shoes.



But Moli being Moli, of course she won't oblige. Nang makita niya iyon ay nanlaki ang mga mata niya at tila na offend dahil sa pinili ko.



"Oh my god, Sadie! You lack sense of fashion! Argh!" Naibato niya ang kaniyang cellphone sa kama ko at saka padabog na nagmartsa patungo sa akin.



Ako naman ay kunot noo lang at nakatingin sa kaniya.



"Mag suot ka naman ng sleeveless dress, or tube top! Maraming damit si Lea doon sa kuwarto niya—"



"Why are you so eager on making me dress like you? Magkaiba tayo Moli. Ito ang gusto ko." Mariing ani ko na ikinatigil niya.



"But it's your bir—"



"I don't even celebrate my own birthday. I'm just doing this for them." Sagot ko na ang tinutukoy ay ang pamilya ko.


Alam kong may inihanda silang party para sa akin at kahit ayaw ko ay nirerespeto ko pa rin sila. Ito ang unang beses na magbi-birthday ako kasama sila kaya pagbibigyan ko na lang. Hindi na rin naman ito mauulit dahil lilinawin kong ayoko na ng mga susunod pang celebration.


"Tss. Fine!" Inirapan niya ako at bumalik sa kama para kuhanin ang cellphone niya. Naka suot siya ng spaghetti strap crop top na kulay puti at itim na mini skirt.



Nakasimangot pa rin siya nang magpaalam sa akin. "Labas lang ako, baka nandoon na si Lea. Mag-ayos ka!" Paalala niya at hindi na hinintay ang sagot ko.



Lumabas siya ng kuwarto ko habang ako ay nagpatuloy na sa paghahanda. Napailing ako habang pumapasok sa banyo at naghubad. Inalis ko ang turtle neck sweater ko at pinagmasdan ang sarili ko sa malaking salamin ng sink.



My eyes automatically darted at the upper part of my chest were my burn scar lies. It's a bit large and really evident if I won't hide it. My mood went scrap upon seeing it. This is the reason why I always wear high neck or turtle neck shirts. I got this scar from the accident 18 years ago.



Isang taon palang ako noon nang magkasunog sa isang mall na kinaroroonan namin ng mama ko. I didn't know what exactly happened, kinwento lang ni daddy at tita sa akin— 'iyong mama ni Gavin. Nawala raw ako no'n, at hindi na muling nakita sa loob ng labing walong taon.



At sa loob ng labing walong taon na iyon ay nabuhay ako sa Orphanage. Ayaw sa akin ng mga tao doon dahil masyado akong tahimik at mahirap pakisamahan. Hindi ko rin inaasaan na kukupkupin ako nang sumapit ang ika walong taong kaarawan ko. PIpinagpatuloy ko ang pag-aaral ko dahil tinulungan ako ng matandang kumupkop sa akin. Nanilbihan kami pareho bilang katulong sa bahay nina Gavin doon sa Maynila.



How ironic right? Ako man ay hindi nakapaniwala sa mga nangyari. Totoo ngang napaka liit ng mundo. Ngayon ay patay na patay naman si Gavin kay Lea na siyang tumayo sa puwesto ko sa loob ng mga taong naghihirap ako para lang makapag aral.



But I'm not mad at her.. I mean Lea. I don't hold grudge towards her since I understand that she's not at fault for this. Narito na rin naman ako. Nakilala ko na ang totoong pamilya ko at natutulungan ko pa si nanay Ida—iyong kumupkop sa akin.



Apat na buwan na ako sa mansion na ito, mas nakilala ko ang mga kapatid at ama ko, masaya sana, pero sa tuwing makikita ko ang peklat na ito sa aking dibdib ay tila ibinabalik ako sa nakaraan. This scar really has its own way of ruining my day. Ayaw akong patahimikin.



Nang matapos akong maligo ay isinuot kona ang dress. Hapit iyon sa akin kaya nakahulma ang hubog ng katawan ko. Nagtungo ako sa vanity table at naghanap ng mga piercings. Naglagay ako ng dalawang helix, isang upper lobe, at isang standard lobe piercings sa kaliwang tenga. Habang sa kabila naman ay isang upper at standard lobe lang.



Naglagay din ako ng light lipstick na palagi kong gamit pag pumapasok, pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang hair dryer at nag spray ng pabango na ibinigay ni Lea sa akin noon. Isinuot kona ang flat shoes ko at walang tingin-tingin na naglakad palabas ng kuwarto.



Naabutan ko ang ilang mga kasambahay namin na maraming bitbit na tray. Palabas sila papunta ng garden dahil doon nagpahanda si daddy. Sa awa ng Diyos ay bumubuti naman ang lagay niya, iyon nga lang ay hindi na siya gaanong nakakapag trabaho, tinutulungan naman siya nina Loren at Sage sa kumpanya habang nag-aaral pa si Lea.



Nagkasundo kaming lahat na si Lea ang magmamana ng kumpanya. Una sa lahat, ayoko ng ganoong trabaho. Magdodoktor ako kagaya ni Loren at mama at Med tech ang napili kong pre med course. Iyon ang plano ko kaya walang problema sa akin ang desisyon nila. At isa pa, iyon din ang inaral ni Lea at alam kong iyon ang pangarap niya. She deserves it though.



"Uy Sadie,"



Nilingon ko si Vincent na papasok pa lang galing sa garden. Tinanguan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad, dahil papalapit siya ay binagalan ko ang lakad ko para hindi masyadong bastos ang dating ko kung lalagpasan ko siya. Kahit pa iyon naman talaga ang gusto kong gawin.



"Happy birthday!" he greeted and I nodded again, without smiling. He chuckled and handed me a small paper bag. My eyes went down and saw a 'Tiffany & Co.' brand on it.



I lazily got it from his hand and said 'thanks' without smiling.



"Grabe, puwede bang mag smile ka naman? Birthday mo oh, ngumingiti ka lang yata kapag kinukuhanan mo kami ng dugo e." he joked but I remained stern. I just look at him and tried not to blink, obviously making him uncomfortable.



Well it's true that they are my source of blood, urine, etc. Loren, Sage, Ricci and him. Maganda silang pag-practisan dahil litaw ang mga ugat nila at hindi ako nahihirapang hanapin ang mga iyon. Iyon ang unang napansin ko nang makilala ko sila. Actually, iyon naman talaga ang una kong tinitignan sa mga tao. I'm obsessed with veins.



Ayaw ni Andrei dahil takot iyon sa karayom. Napaka arte, kaya naman itinatak ko sa isip ko na kapag dumating ang araw na pumayag siyang kuhanan ko ng dugo ay 10cc syringe ang gagamitin ko sa kaniya.



Si Luke naman ay hindi ko close. Dalawang beses ko pa lang siyang nakita sa loob ng apat na buwan at ni minsan ay hindi ko siya nakausap. Ayoko rin naman siyang kausapin dahil mukhang pareho kaming hindi tumatanggap ng kausap. Though I would love to try his veins too. It looks good.



"I only smile when I see people in pain." I said half honestly.



Malamang ay nasasaktan sila kapag kumukuha ako ng dugo lalo pa't never kopa silang ginamitan ng 3cc. Hindi kasi nila alam na may sizes ang mga syringe kaya sinasadya kong malalaki ang mga gamit ko at hindi ko ipinapakita ang mas maliliit na syringe para wala silang choice kung hindi tiisin ang sakit. Naaalala ko din kapag nasasapul ng bola sa maselang parte ng katawan nila, kapag pumipiyok sa rehearsals at napapagod ay napapangiti ako.



Hindi ko alam, natutuwa ako kapag nakikita silang nahihirapan.



"Whoa, kung ganoon ayos lang na saktan mo 'ko basta mapangiti kita."



Otomatikong kumunot ang noo ko at pinagtaasan siya ng kilay. And that's when he hurriedly raised his both hands in surrender. "Happy birthday ulit!" Sabi niya at mabilis na pinisil ang pisngi ko.



Bago ko pa siya magantihan ay nawala na siya sa harap ko at bumalik sa garden. Nakasimangot akong hinihimas ang pisngi ko habang masama ang tingin sa daan na dinaanan niya. Sa inis ko ay hindi na ako tumuloy sa garden at nagpasyang pumunta sa kusina para uminom.  Kung hindi ako magpapakalma ngayon ay baka mabara ko ang lahat ng mga bisita doon.



Hawak ko pa rin ang paper bag na ibinigay ni Vincent habang naglalakad ako patungo sa kusina. Didiretso na sana ako sa ref, nang mamataan ko sa labas ng kusina ang likod ng isang lalaki na nakatanaw sa loob ng countertop.



Kumunot ang noo ko nang mapansing hindi siya gumagalaw. Diretso lamang siyang nakatayo kaya malaya kong napagmasdan ang likuran niya. He's wearing a white dress shirt, folded until his elbows. Dahil doon ay nakita ko ang mga nakasilip na ugat sa kaniyang kamay. Napakagat ako sa aking labi nang makitang napaka ideal ng kamay niya para pag practisan. He's also wearing a black pants and shoes. Naningkit ang nga mata ko nang mamukhaan ang likod na ito.



Is it Luke? But what is he doing here?



Nagtataka man ay aalis nalang sana ako, pero nang marinig ko ang boses ni Lea ay natigilan ako sa pag hakbang.



"I didn't give my number okay," sabi ni Lea sa iritadong boses.



"Okay." Sagot naman ni Gavin. Oh, sila ang nag-uusap? E bakit narito si Luke?



"You don't believe me!" Medyo irita pa rin si Lea. Lumapit na ako pero tama lang para walang makakita.



"Let's talk about it later Bernice—"



"And why are you calling me by my name now?!"



Narito ako ngayon ilang hakbang ang layo mula sa nakatalikod na si Luke. Naroon sa loob ng kusina sina Gavin at Lea na nagtatalo pero hindi ganoon kaingay.




"Alright baby, I'm sorry.." Pag suko ni Gavin.




Umirap si Lea at humalukipkip.



"And now you're the one who's mad here," sabi pa ni Gavin na ikina iling ko nalang. Napaka under ng gago.



Nang maramdaman kong patapos na sila sa pag-uusap ay nauna na akong umalis doon at lumayo ng kaunti. At tama nga ako, dahil mabilis na tumalikod si Luke at tila nagulat pa nang makita akong nakamasid sa kaniya.



Those eyes.. it's dark and gloomy. I can easily see the pain and regret there the moment his eyes met mine. Nagtaas ako ng kilay at humalukipkip habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.



He seems so startled and bothered by the fact that I caught him watching them fight. He looks so troubled that I might think he's in love with Lea by the way he watch them earlier. And I'm not dumb dude, I know you have feelings for my cousin's girlfriend.



Akala ko ay hindi siya aalis nang marinig namin ang mga yapak nina Lea palabas ng kusina, ngunit lalo pang tumaas ang isang kilay ko nang mabilis siyang nag-iwas ng tingin at naglakad paalis para lampasan ako.



Nang humampas ang amoy ng pabango niya sa ilong ko ay nahigit ko ang aking hininga at mabagal na nagbuga ng hangin. That scent.. pinigulan ko pa ang sarili kong lumingon upang singhutin ang bakas ng amoy niya sa sobrang bango. Halatang panlalaki.



Lumabas sina Lea at agad na ngumiti nang makita ako, parang walang nangyari.



"Sadie, happy birthday!" She went to hug me and I just nodded.



Gavin just looked at me too and raised a brow, I rolled my eyes at him and let them walk away as I recall Luke's eyes showered with pain.



I just stood there for minutes and found myself slowly smiling. He must be really hurt huh,



How interesting.



JOJISSI

Continue Reading

You'll Also Like

99.3K 1.5K 43
Ar. Apollo Maximus E. Del Prado
344K 14.3K 42
VARSITY GIRLS Series (1/4) Perez X Ortega Volleyball X Softball
3.3M 76.7K 43
Elysha Yvonhale Vicencio never experienced luck in her life. Hindi niya kailanman nakilala ang ama. Nawala sa kanya ang ina sa murang edad. Naghirap...
3.1K 90 14
"I'll wrap you in my arms Gal, night or day... I will never get tired of you... And in any other life time, by chance... I will still wrap my arms in...