Not That Intricate Love Affai...

By JulNielMontadilla

35.7K 1.3K 319

Julia Montes was just once a simple working student, doing everything to provide the needs of her family. Da... More

Not That Intricate Love Affair
Chapter 1: First Meeting
Chapter 2: Weird Man!
Chapter 3: Who.... to choose?
Chapter 4 : Is He Confessing?
Chapter 5: Not Lovers' Quarrel
Chapter 6: First Real LQ and Date
Chapter 7: He Tries So Hard
Chapter 8: Julia's First Love (Short Update)
Chapter 9: Feels Like A Girlfriend
Chapter 10 : Our Daily Routine
Chapter 11: Month-Oops.Kiko's Birthday
Chapter 12: Confused Heart
Chapter 13: My New Housemate
Chapter 15: All Lovey-Dovey & Never-Ending Jealousy
Chapter 16: Night of Truth & Tears
Chapter 17: The House
Chapter 18: Cuddling & Attacks
Chapter 19: Not the first love
Chapter 20: Love Letter
Chapter 21: Hidden Story (DANIEL'S POV)
Chapter 22: Early Wedding Surprise
Chapter 23: List of Love; List of Responsibility
Chapter 24: Engagement Party
Chapter 25: Off the Road
Chapter 26: Believe me, I know you
Not That Intricate Love Affair: End of Part 1
Chapter
2x01: Present Situations
2x02: Memory Bank
2x03: Welcome Back
2x04: She's His
2x05: First Meeting
2x06: Birthday Together
2x07: Workmates
2x08: Workweek
2x09: Secret
2x10: Weddings and Proposals
2x11: Confrontation
2x12: The Break-Up
2x13: What Happened in the Past
2x14: House Triangle
2x15: Stolen
2x16: Deja vu
2x17: All Out
2x18: Turning Point (Part 1)
2x18: Turning Point (Part 2)
2x19: End
Not That Inticate Love Affair: The Ending
NTILA

Chapter 14: Words of Wisdom

828 32 6
By JulNielMontadilla

Ba't ang init? Para bang ang sikip sa pakiramdam? Naalimpungatan ako bigla at minulat ang aking mata.

White ceiling. Huh? Familiar 'to ah. Parang deja vu. Saan ko nga last na experience 'to? AH! Oo tama! Nung nilagnat ako at napunta ako sa...napunta ako sa...

KWARTO NI DANIEL FORD!! 

Tumingin ako sa gilid ko at shems!! Yakap yakap ako ng lalaking ito!! Kaya pala ang init!

"Good Morning Julia" hinigpitan niya pa ang yakap niya at hinalikan ako sa noo. 

Babangon na sana ako nang biglang may narealize ko na....

I AM NAKED. 


DANIEL IS NAKED.


WE'RE BOTH NAKED. 


OMG. What just happened?!?!


"Aaaaaaaah!" Sigaw ko.


"Julia" 


Bumangon ako dahilan ng boses na iyon. White ceiling... nandito ako sa kwarto ni Daniel. Tumingin ako sa kanya at tiningnan niya ako ng may nalilitong mukha.

"Binangungot ka ba?" Tanong niya.

Tumingin ako beneath the sheets. Thank God may suot ako. Bangungot? Oo tama bangungot. Salamat naman panaginip lang iyon! 


"A-ah. A-alis n-na a-ako" bigla bigla akong umalis sa kama. Eeh julia naman. Bakit ako nakatulog dun? Stupid!!

Paglabas ko ng kwarto ay nakatitig si manang sa akin na may ba’t-dyan-ka-lumabas look. Ngumiti siya sa akin na para bang nagpapahiwatig na “Alam na this”. Hay nako.

“Nilagnat si Daniel kasi so dito na ako nagpalipas ng gabi” rason ko kay manang. Nakakahiya naman kasi.
 
“Wala naman akong tinatanong ah” sagot naman niya saka ngumisi. I get it manang. Defensive ako.


After maligo, nagtimpla na ako ng kape ko. Kailangan ko kasi talaga ‘to dahil marami akong gagawin mamaya. After some while ay may naramdaman akong yakap mula sa likod. Amoy pa lang, kilala ko na. Sinamahan niya ang kamay ko bale, sabay na kaming nagsti-stir sa kape. He then kissed my hair while whispering, “Thanks for the coffee” saka niya kinuha ang tasa at umalis.

Wow lang. Akin yun eh!! Pagharap ko ay nakita ko si manang na nakatingin sa akin at nakangiti ulit.


“Lagnat pala ah” sabi niya. SHEMAY! Ramdam ko na pulang-pula ako.


“Manang naman eh” umupo na ako sa may dining at kumain. Bigla naman akong may naalala.


“Manang, marunong po palang maggitara si Daniel?” Naintriga kasi ako sa gitara sa kwarto niya kagabi. Ayaw niya naman magplay kaya tatanungin ko na lang si manang kung magaling siya or not.


“Huh? Naku hindi noh. Beginner pa lang yan. Binili niya yan last month at hanggang ngayon, nag-aaral siyang tumugtog ng gitara”


Napainom naman ako ng tubig. OMG. Last month? Eh di that means…nung sinabi ko sa kanya sa library …
FLASHBACK
"So, come here and sit with me for a while" Tinap nya ang sahig.

"Bingi ka ba? Diba sabi ko nagmamadali ako? Sige na. Bye!" Aalis na sana ako pero hinila nya ang kamay ko at pinaupo ako sa tabi niya.

"Oh" inabot niya sa akin ang isa sa mga earphone plugs niya. Nilagay ko ito sa tenga ko at nakinig sa music.

"Classical?" tanong ko.

"Yeah."

"Ikaw? Anong genre ng music ang gusto mo?" - Daniel

"Gusto ko lang makinig sa mga instrumentals. Lalo na ang gitara"

DON’T TELL ME… NATUTO SIYANG MAGGITARA PARA SA AKIN?!?!

---------------------
Matapos kumain ay lumabas na ako ng condo niya at naghintay sa may elevator. Maya-maya ay may humablot ng kamay ko. Without realizing, magkahawak na kami ng kamay. Pagbukas ng elevator, hinila na rin niya ako papasok. Tinitingnan ko lang ang mga kamay namin sa salamin. Glass walls kasi yung elevator. 


"What now?" Tanong niya.

Hindi naman ako sumagot. "Julia." Tawag ko sa sarili ko. Ano na ba 'tong nararamdaman mo? Bakit ba takot kang totohanin 'to? Bakit ba takot akong masaktan? 


Naramdaman ko na lang ang pagkawala ng kamay ko sa hawak niya. Nasa harap ko na siya ngayon. 


"Anong iniisip mo?" He caressed my cheek.


Tiningnan ko siya sa mata. And all I can see is...


Sincerity. 


"Ngayon mo lang yan narealize, Julia?" Tanong ni Jae sa akin matapos kong i-share sa kanila ang nangyari sa resort at sa lahat lahat. Andito na ako sa pizza parlor after class. 


"Ay nako Julia. Kung nag-effort siya nang ganun, meaning hindi talaga for the char itong inyo. Baka nga tinamaan na iyon" dagdag naman ni Shai.


"Pero girl, ang tanong nga, ba't ang bilis. Tinulungan niya lang once dun sa swimming pool tapos I like you na agad? Eh sa pantitrip lang iyon nangyayari" sabat ni Jae.


"Ay grabe. Hindi pa ba tayo nakakamove-on sa issue na iyan? Baka nga eh nabighani na siya sa beauty ng girlaloong ito" tinuro ako ni Shai


"Akala nga natin one month lang diba? Kaya pinatulan niya pero may surprise event meaning gusto pang ituloy! Eh di go! Love love! HAHAHAHAHAHA" sagot ni Jae.


Bigla namang bumukas ang pinto ng resto kaya sabay-sabay na kaming umayos ng tayo.


"Welcome!" Nagbow kaming tatlo. Pag-angat ng ulo namin, laking-gulat ko kung sino yung bagong dating.


Si Kiko pala.


Nakatingin siya sa akin na may hindi ko maintindihan. Parang pinaghalong galit at pag-aalala. Tama nga naman Juls! Umalis ka ng walang paalam nung birthday niya. Tatlong araw na after nun. Sino ba naman ang hindi mag-aalala at hindi magagalit nun?


Umupo siya sa may table sa may pinaka-dulo at sumenyas na ako sa dalawa na susunod ako sa kanya. Nag thumbs-up naman ang dalawa kaya naglakad na ako papunta kay Kiko at umupo sa harap niya.

"Julia, tell me a specific reason kung bakit nawala ka ng parang bula. If not, i tell you matagal-tagal kitang hindi kikibuin" - kiko


"Basta.. may nangyari lang" ayoko naman sabihin sa kanya ang nangyari kay Paulo dahil dagdag na naman yun sa aalalahanin niya. 


"So si Daniel pwede?"Sigaw nung isip ko. Eh noon si Kiko ang takbuhan ko ah.


"Julia..." tawag niya.

"Basta. Sorry hindi ako nakapagpaalam" 


Bigla naman siyang sumigaw "Anong nangyari?! Anong rason iyan?!"


"Kiko!!!" Saway ko naman

Nabigla naman ako dun. Bakit siya galit?! Mabuti na lang wala pang customers ngayon.


"Sorry. Okay sorry." Bigla siyang kumalma.


"Julia, okay. Di na kita tatanungin ng kung ano pa. I just hope hindi ka umalis dahil dun sa sinabi ko." 

Sinabi niya? Oo. Tama. Gulong-gulo pala ako ngayon. Ano bang gagawin ko? How can i tell him na boyfriend ko si Daniel?


"Julia..." hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa table. Napatingin naman ako dito. Ba't parang hindi ko gusto yung pakiramdam? Parang gumagawa ako ng kasalanan.


"I told you you can think about it. But not too long. I will never hurt you. Alam mo iyan dahil kilala mo ako” pinatong niya pa ang isa niya pang kamay sa kamay ko.


“K-kiko…” hindi ko na napigilang sabihin ang pangalan niya.


Tiningnan niya lang ako at niyakap. He buried his face into my hair na medyo nasa may left shoulder ko. My heart froze. Dati-rati pa naman akong niyayakap ni Kiko pero hindi ko gusto ang nararamdaman ko.

Hinintay ni Kiko na matapos ang shift ko saka ako hinatid. Siyempre sa may convenience store lang ako sa may kanto malapit sa condo ni Daniel. Before ako dumiretso sa condo, pumasok muna ako doon sa seven eleven saka bumili ng slurpee. Umupo ako sa may stool at nag-isip isip na rin.

Nagflashback sa akin nung binuhusan ako ng Daniel na yun ng slurpee dati. Natatawa akong isipin kung ano ang naging mukha ko nung mga panahong yun. Super galit na galit ako that time tapos bigla niya na lang ako binigyan ng towel.

Nakangiti lang akong parang asong ulol ngayon. Maya-maya ay biglang umulan. Ay shemay naman. Ba’t ngayon pa? Dapat pala eh dumiretso ka na kanina Julia!! May pareminisce-reminisce pang nalalaman eh.

UY WAIT…speaking of reminisce. Naalala ko naman bigla yung pinalayas kami sa nirerentahan naming bahay dati. Umuulan nun at ayoko pang tanggapin ang tulong niya pero he was persistent about it and we ended up living in his family’s apartment. Teka... yun ang dahilan kung bakit ako pumayag na maging girlfriend niya ah. Yun yung turning point. Yung sinabi ni mama na ibigay kung ano man ang gusto ni Daniel dahil sa sobrang bait niya. At yun din ang dahilan kung bakit palagi akong naguguluhan. Utang na loob lang yun eh, yun lang… pero hindi ko na alam. Iba na ang nararamdaman ko. Mas lalo pa’t nagsabi na si Kiko ng feelings niya pero hindi ko yata kayang mabalik. Bakit?


“WAIT LANG JULIA. KASI NAMAN BAKIT BA PA-HARD-TO-GET KA PA?!?! AMININ MO NA KASI NA GUSTO MO SI DANIEL. YOU LIKE HIM. YOU LOVE HIM?” sigaw ng konsensiya ko.


Love agad? Finifigure-out ko pa nga lang…mahal na agad? Haaaay.


Bigla namang may tumabi sa akin na lalaki. Gwapo ito, infairness. Maputi, mestizo at parang amerikano. Umiinom din siya ng slurpee at nakatingin sa malayo.


“Haaaay. You’ll never know what you have until it’s gone” monologue niya.


You’ll never know what you have until it’s gone… You’ll never know what you have until it’s gone….
YOU’LL NEVER KNOW WHAT YOU HAVE UNTIL IT’S GONE!!!!!

“Tama! Tama!” sigaw ko ng biglaan. Nakita ko naman na parang naguat ang lalaki at napatingin din sa akin. Tiningnan ko rin siya.

“Thank you! Thank you! Salamat.” Yun lang ang nasabi ko habang tinatapik ang kanyang balikat. Tumakbo na ako paalis.


Ramdam ko ang pagtama ng bawat patak ng ulan sa balat ko pero wala akong pakialam. I need to go to Daniel now. I can’t wait to tell him what I really feel for him. Hindi ko hihintaying wala ng kami bago ako magtapat na gusto ko siya. Yes. Oo. Gustong-gusto ko si Daniel and I don’t think my life would ever be the same without him. Ohmygod. Tinamaan na ba talaga ako? Yes. Oo, Sa tingin ko Julia, oo. Wala na akong pakialam kung totoong trip trip niya lang ang relasyong ‘to. All I can do is to enjoy every moment I have with him. Nuxx. Parang may cancer lang si Daniel ah. Hinihingal na ako sa pagtakbo without realizing nasa harap na pala ako ng building. Tumakbo pa ako papasok hanggang nakarating sa elevator. Nakatingin sa akin lahat ng tao dito. Sino ba naman ang hindi magiging head-turner kung basing-basa ka sa ulan pero again, wala akong pakialam. Mabuti na lang wala akong kasabay sa elevator. Mirror ba naman ang walls nun, wala silang makikita kundi ang reflection ng isang sisang baliw na may basang damit.


Hindi na ako kumatok dahil binigyan na ako ni Daniel ng susi. Gusto ko din siyang surpresahin. Pagpasok ko, walang tao sa sofa at sa kusina. Medyo dim nga eh dahil hindi binuksan ang ilaw sa kusina. Nasa kwarto siguro siya. Papasok na sana ako pero naalala kong basa pala ang damit ko. Ang pangit naman diba kung haharap ako sa kanya nang nakaganito. Aalis na sana ako para magbihis pero may narinig akong napakasarap pakinggan. Dinikit ko ang tenga ko sa may pintuan. Gitara. Someone is playing the guitar and I’m quite sure….that someone’s Daniel.

Familiar ang tinutugtog niya. Grow old with you ata. Napapikit ako ng mata. Alam niyo naming fan na fan ako ng instrumentals diba? Daniel learned how to play the guitar for me… napakalaking bagay yun. Ilang segundo pa ay tumigil na ang pagtugtog pero nakasandal pa rin ako sa pinto. Then biglang….bumukas!


Mabuti na lang… sinalo ako ni Daniel. Tumingin siya sa akin na parang naguguluhan. I know kasi basa ako.


Umayos kami ng tayo. “Ba’t ka basa?” cold niyang tanong sa akin. Tiningnan ko lang siya. I examined his features. He is someone I can be with. Shet ang gwapo gwapo niya. Ngumiti lang ako and the next thing I know… I tiptoed, wrapped my arms around his neck and hugged him very tightly.


I was feeling that moment…the warmth kahit na dapat nanginginig na ako sa lamig.


“Julia…” omg he’s calling my name.


“hmmmmm?”

“Umalis ka sa kwarto ko” mas malamig pa ang tonong yun kesa sa aircon ng kwarto niya.


O.O What? Ano daw? Umalis ako sa pagkakayakap at tiningnan siya. Hindi naman siya nakatingin sa akin.


“May sakit ka ba?” tanong ko habang nilalagay ko ang palad ko sa noo niya. Kinuha niya naman ito from there at tiningnan ako.


“I need to sleep. Paki-sara ng pinto” tinalikuran niya ako at pumasok siya sa cr ng kwarto niya. I was left there again. Oo again dahil palagi naman na ako ang iniiwan niya sa ere.


Pumasok na ako sa kwarto ko while trying to figure out things. This is the first time na ganun ang trato niya sa akin. Baka masakit lang ang ulo niya? Yes Julia… baka nga ganun lang.


-----------------------------------------------------------

Nasa cafeteria ako ngayon, soundtrippin’. Wala akong ganang kumain kahit hindi ako nakapag-almusal. Paano ba kasi, hindi ako pinansin ni Daniel kaninang umaga ewan ko ba dun. After a while, may umupo na sa table sa harap ko. Great…andito na naman yung tatlo. Claire…Suzy & Krystal. Seriously, ano na naman ang problema nila?


“Hey Julia you” pangunguna ni Krystal.


“Ano na naman?” I snapped back.


“Look, hindi mo ba alam na nagkagulo nung birthday ni Kiko dahil bigla kang nawala?” diretsong sabi ni Claire.


“I think I need to say sorry to Kiko. Not to you guys and I already did say sorry so pwede ba, umalis kayo dyan” panira talaga ng araw ang tatlong ‘to. Bwiseeet.


“Uh oh. Not that Julia. What we wanted to ask you why Daniel Ford was gone missing when you were missing also” Uh oh nga. Napa-upo ako ng maayos.


“A-ano naman ang p-paki ko sa kanya?” pagsisinungaling ko. I still really want to keep things private. Lalo na sa magulong surroundings katulad ng school naming kung saan present ang mga babaeng katulad nila.


Sasagot pa sana si Claire pero may tumawag kay Krystal. Then kailangan na nilang umalis. Bwahahahahaha. Fail lang. Thank God. Natakasan ko yung mga echoserang yun.
“We’ll see next time” parang pagpapaalam na iyon ni Claire.


Ngayon na naalala ko, hindi ba napansin ni Kiko yun? Na sabay kaming nawala ni Daniel? Pero wala naman so maybe, hindi niya lubos naisip. Eh ano naman ang pake niya kung umuwi si Daniel, right?


Pumunta na ako sa library and guess what, tambak pala ang trabaho ko!

Buong araw akong nag-ayos ng libro, naghanap ng mga students na hindi pa nagbabalik ng libro at nag-organize ng mga records. After some time, pumunta ako sa likod. Kamusta kaya si Daniel? Never ko pa siyang nakita since morning. Okay lang ba na tawagan siya? Malamang okay lang. Girlfriend niya kaya ako!


So yes, tinawagan ko nga. The thing is, hindi niya ako sinasagot pero…may naririnig akong ringtone sa left side ng lib. Sinundan ko ‘to and…. I SAW SOMETHING UNPLEASANT.


Si Daniel…nakaupo…sharing his earphones with someone I don’t know. Naka sandal pa sa balikat niya.

I can’t take it. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kung kalian ko na inamin, may iba na. Tumalikod ako. Lord naman eh. Ba’t agad-agad? Tapos uuwi ako sa bahay niya mamaya? Ano ba Daniel! Hindi ko talaga siya magets eh.


I sat down sa likod ng shelf kung saan sila umuupo. Wow. This day’s so great.


I heard chuckles pa talaga. Ouch Fine!! Tumayo na lang ako at pumuta sa librarian. HIHINGI NA LANG AKO NG MAGAGAWA AT MAG-OOVERTIME!! KAINIS.

Author’ POV

Nasa tapat na ng pizza parlor si Daniel para sunduin si Julia. Walang kaalam-alam si Julia na pupuntahan siya dito ni Daniel dahil nag-usap na sila kanina sa library na magta-taxi na lamang ito pauwi. Ayaw pa sana ni Julia na magtaxi pero nagpumilit si Daniel na sundin niya ang gusto nito. Ayaw na maulit ni Daniel ang nangyari kay Julia dati. Kahit si Kiko pa ang nakasama nito nung nawala siya, ayaw ni Daniel na umabot sa panahong may mangyaring masama kay Julia dahil sa pasakay niya sa jeep sa gabi. Pinarada niya ang sasakyan sa parking lot sa gilid ng pizza parlor. Ayaw niyang magpark sa harap dahil balak niyang dumaan sa door sa kabilang side para surpresahin si Julia.

Bago pa siya makababa, may nakita siya sa loob ng lugar na iyon na hindi niya ikinagusto. Puro glass ang walls ng restaurant na yun kaya kitang-kita niya ang mga kaganapan sa loob. 


He saw Julia…facing Kiko… as held her hand na nakapatong sa lamesa.


Jealousy rushed inside him as if someone is touching his private property. Alam niya naman na magbestfriend sila pero bakit iba ang nakikita niya ngayon? The look in Kiko’s eyes is different. Lalaki din siya. Alam niya ang ibig sabihin ng mga titig na yun… Kiko wants her. He likes Julia.

He rolled down the windows para naman makalanghap siya ng sariwang hangin. “Kalma lang Daniel. Kalma lang. Wag ka munang gumawa ng eksena” sabi niya sa sarili.

Maya-maya pa’t nakita niyang palabas sina Shai at Jae. May hawak silang malalaking supot na itatapon yata sa likod. Si Shai ay nagbabasa ng isang papel gamit ang free hand nito at si Jae naman ay nagsco-scroll ng cellphone habang ang isang kamay ay hawak ang supot. Ito ang dahilan kung bakit hindi nila napansin ang sasakyan na nakaparada. Titingnan lang din sila ni Daniel hanggang huminto ang dalawa. Bale, nakatalikod sila sa sasakyan ni Daniel.


“Hoy, andito si papa Kiko ah” pangunguna ni Shai.

“Kitang-kita ko naman. Ano ako bulag?” sagot ni jae habang patuloy na tinitingnan ang cellphone nito.

“Sa tingin mo ba, gusto na ni Julia yung Daniel?” sa sinabing yun ni Shai, mas lumakas pa ata ang pandinig ni Daniel habang naghihintay ng sagot.

“Tinatanong pa ba yun? Sinagot nga ako eh” sabi ng magulong utak ni Daniel.

“Di ko alam basta ang alam natin, naging sila out of gratitude ni Julia! Tapos!” – Jae

Para naming may sumuntok kay Daniel nung narinig niya yun. G-gratitude? A-ano? Ang pakikipagrelasyon sa kanya ni Julia ay dahil sa utang na loob lamang?


“Pero…” bulong ni Jae. “Feeling ko gusto niya na hehehehe” kilig na kilig na dagdag niya.

Medyo lumuwag naman ang pakiramdam ni Daniel kahit may kaunting pagkadismaya. Reasonable naman na utang na loob lang yun dati at least… may feelings na si Julia para sa kanya ngayon.

“Oo nga. Eh anong ginagawa ni Julia ngayon with Papa Kiko? Eh diba nga sabi ni Juls, nagconfess na siya nung birthday niya?” tinuro ni Shai sila Julia at Kiko sa loob.

Nabigla si Daniel sa narinig. Tama nga siya! Iba na ang tingin ni Kiko ngayon. Gagong yun! Kaya pala napaka caring nito kay Julia nung birthday niya.


“Wait lang girl…may possibility nga na hindi niya pa gusto si Daniel. Diba first love ni Juls si Kiko?” – Jae

Nakaramdam si Daniel ng para bang maliliit na karayom na tumutusok sa puso niya ngayon. “Pakshet. Anong first love ang pinagsasabi ng dalawang ‘to?” mahinang pagmumura niya.

Unti-unti naming tumingin ang dalawang nasa harap niya kanan at biglang naghampasan sa kilig. Sinundan ni Daniel kung saan sila nakatingin. Ang nakita niya kanina…mas may malala pa dun.


Kiko is hugging Julia now…tightly.

“How dare he!!!?!?!” sigaw ng utak ni Daniel. Hindi niya na kaya. Kailangan niya nang lumabas sa sasakyan niya. Kailangan niyang tapusin kung ano man ang nangyayari sa loob dahil takot siya na kung saan pa ito mapunta.


Pabukas na sana ang pinto ng sasakyan nang napatigil siya sa huling sinabi ni Jae.

“Alam mo ba Shai, naiisip ko minsan eh. Malakas ang tama ni Julia kay Kiko dati, di ba? Baka ginawa niyang panakip butas si Daniel para makamove-on”

Hindi siya nakagalaw. Hindi siya makapaniwala sa narinig. “Grabe ka naman! Halika na, itapon na natin ito!” hinila na ni Shai si Jae at naglakad na palayo.

Tiningnan ulit ni Daniel si Julia.

“Ba’t wala kang ginagawa, Julia? Ba’t hinahayaan mo lang na yakapin ka ng lalaking yan!!” napahampas si Daniel sa manibela.


He felt defeated and betrayed. Hindi pa naman sila nagtatagal ni Julia pero hindi niya mapigilang magalit. Somehow, he can’t make a move. He can’t barge in there and pull Julia away. All he did was to roll the windows up, start the engine and drive away.

8 PM

Hindi pa rin nakauwi si Julia. Nasa kwarto lang si Daniel habang sinustrum ang gitara. Nagfaflashback sa kanya ang mga natuklasan kanina.


“Di ko alam basta ang alam natin, naging sila out of gratitude ni Julia! Tapos!”

“Wait lang girl…may possibility nga na hindi niya pa gusto si Daniel. Diba first love ni Juls si Kiko?”

“Alam mo ba Shai, naiisip ko minsan eh. Malakas ang tama ni Julia kay Kiko dati, di ba? Baka ginawa niyang panakip butas si Daniel para makamove-on”


Masakit para sa kanya na isipin na ganun lang pala ang relasyon nila ni Julia.

He slammed the guitar on his bed. Hindi naman ito nasira.

“Wow Julia wow” pabalik-balik ang paglalakad niya habang tinitingnan ang orasan. Hindi na maganda ang iniisip niyang nangyayari ngayon.

“Magkasama ba sila? Saan sila ngayon?” Yan ang mga tanong na bumabaha sa kanyang isipan.

Nagi-init ang dugo niya kapag naalala ang salitang “panakip-butas”.

"Ayokong may nakakaalam sa atin. Let's start this quietly para pag matapos, tahimik lang."

Naalala niya ang sinabing ito ni Julia noong unang araw na kinwintas niya ang singsing.

“Stupid. Ang loser mo Daniel! Ginawa ka ngang panakip-butas! At ngayong nainlove na sa kanya ang first love niya. Wala na! Game over na!” Sinipa niya pa ang lampshade table niya habang nagrerewind ang eksena sa pizza parlor kanina.

 Pagkatapos ng ilang minute, biglang bumagsak ang ulan. Tiningnan niya cellphone nito para i-check kung may messages mula kay Julia.


At that lonely hour, despite all that he had discovered…he was still worried sick about Julia. Especially because it was raining hard. And as he unlocked his phone, he saw the face of Julia. The asleep Julia which he had taken yesterday night, when they slept on the same bed together.

Pinikit ni Daniel ang kanyang mga mata while trying to internalize what was really happening. Hindi niya malaman kung ano ang dapat gawin ngayon. Kung susugod ba siya sa ulan para hanapin kung nasaan si Julia. Hindi niya yun magawa dahil sa galit na nakabalot sa kanya ngayon. In the end, he decided to let go of all the confusing feelings using the guitar.

Binili niya yun the afternoon after nilang nagkita ni Julia sa library. Naisip niya kasi, na kapag marunong siyang mag gitara, mas lalo siyang magiging cool sa paningin ng girlfriend niya lalo na’t favorite nito ang guitar instrumentals. Nagsimula na siyang tumugtog ng kantang “Grow Old with You”.


As much as he wanted to sing along with what he was playing, he couldn’t do it. The lyrics seemed to be so unreal for his situation especially now that maybe he and Julia are not feeling the same way for each other.

Tapos na ang kanta at tumingin siya ulit sa cellphone nito. Julia. Julia. Quarter to 9 na pero hindi pa rin ito nakakauwi. Nilagay niya ang gitara sa pwesto nito at binuksan ang pinto. Laking gulat niya nang may papatumba galling yata sa pagsandal dito.


He caught her with his arms at napansin nito na basa si Julia. Tumayo naman siya agad at tumingin kay Daniel.

“Ba’t ka basa?” Daniel asked blankly. Ni hindi niya na lubos maalala na umulan.

There… she looked into Daniel’s eyes once again at for him, parang nawala ang mga pangyayari kanina sa isipan niya. Bigla-bigla….Julia flashed a shy smile. The next thing he knew, Julia was already hugging him.

Yun ang unang beses na si Julia ang gumawa ng unang move and he wanted to remember it for the rest of his life. Hindi niya ramdam ang lamig sa basang katawan ni Julia…he wanted them to stay that way hanggang…naalala niya kung paano sila nagyakapan ni Kiko kanina.

“Wait lang girl…may possibility nga na hindi niya pa gusto si Daniel. Diba first love ni Juls si Kiko?”

“Alam mo ba Shai, naiisip ko minsan eh. Malakas ang tama ni Julia kay Kiko dati, di ba? Baka ginawa niyang panakip butas si Daniel para makamove-on”

“Julia” tawag niya.

“Umalis ka sa kwarto ko” lamig na utos niya kay Julia.

Tumayo sila ng maayos.


“May sakit ka ba?” Julia placed her palm on his forehead. Inalis naman nito ni Daniel.

“I need to sleep. Paki-sara ng pinto” tapang-tapangan yung sinabi ni Daniel at pumasok sa Cr. Naghilamos siya ng mukha at tumingin sa salamin.

“Julia…ano bang ginagawa mo?” – Daniel.

It was confusing for him to understand Julia. One time, she’s being hugged by the guy he once loved. Hours later, she’s hugging the guy who loves her.

The thing is…he loves her. And maybe, it will never be “she loves him too”.

------------------------------------------------------------------
Nasa library si Daniel ngayon habang nakikinig ng music. Hindi na siya nagpaalam kay Julia kanina. Kailangan niyang mag-isip kay; kailangan niya munang lumayo.

Ilang saglit pa ay may tumabi sa kanya.

“Hey dork” bati ng isang babae.

“What now, Kylie?” tipid na sagot ni Daniel. Pinsan nito ang kausap. Anak ng tito niya. Magkatulad sila ng features ng mukha ngunit sobrang puti ni Kylie at isa pang asset niya ang kanyang mga labi.

“Dito pa rin ang tambayan mo? Wala bang change? Ang boring!” she sounded like mocking him and getting into his nerves. Ganun talaga sila magpinsan. Asaran lang nang asaran. Mas matanda si Kylie sa kanya. Graduate na ito ng Business Administration from the same school two years ago. Ngayon ay nagtatrabaho siya as one of the directors of their family business. Training na rin hanggang  siya na ang humalili.

“Ba’t ka ba napapunta ditto?”- Daniel

“Wala lang. I’m bored! HAHAHA de joke lang. May pina-asikaso lang sa akin dito. Namiss kita kasi kaya nagpakasakali akong andito ka” sagot naman niya.

Dagdag pa ni Kylie, “Kung ako sa iyo, I will definitely enjoy my last year in college! You know, have fun. Gayahin mo ako. I’m contented kahit sinasakal nila ako sa kompanya. I have accepted long before na ganito na talaga ang fate ko sa buhay. At least I had the time of my life nung college.”

“Yeah right” – Daniel

“Tssss. Dito nga muna ako. Pa-share ako ng earphone” kukunin sana ni Kylie ang isang plug kay Daniel pero hindi ito binigay sa kanya.

“No” pag-aayaw ni Daniel.

“Wag kang ano dyan. Engot ka! Pahiram nga” kinuha pa rin ito ni Kylie sa huli at nilagay sa tenga niya.

“Kylie…”

“Oh ano?”

“I’m a rebound” kwento ni Daniel. Sa kanilang lahat magpipinsan, si Kylie lang napaglalalabsan niya ng problema.

“OOOOOH. Girl problem! HAHAHAHAHA” tumawa naman ng malakas ang isa.

“Tell me what to do. Wag mo kong pagtawanan” inis na sabi ni Daniel.

“Easy bro! Easy. Flip the table around”

“Anong ibig mong sabihin?” hindi magets ni Daniel ang gustong iparating ng pinsan niya.

“Ginawa kang panakip-butas? Baguhin mo!  Make it to the point na hindi na siya makakaalis sa iyo. Ginawa kang boyfriend? Then be a boyfriend! Ipamukha mo na mali ang naging desisyon niyang gawin sa iyo yun.”

After that, Kylie leaned onto Daniel’s shoulder. Habang si Daniel, napag-isip-isip. Matapos ng ilang minuto, nakatanggap ng tawag si Kylie mula sa kompanya saka ito nagpaalam nang umalis. Si Daniel naman, naglakad na palabas ng library.

-----------------------------------------------------------------

Julia’s POV

Pabalik na ako sa library ngayon para ibalik ang dala-dala kong bundok ng libro mula sa mga iresponsableng mga studyanteng hindi marunong magbalik! Palibhasa mga rich kids kaya kaya nilang bayaran ang mga fines nito. Ilang hakbang pa ay nakaramdam ako ng pananakit ng ulo.

Heto na naman tayo eh. Lakad lang Julia, malapit na ang library. Pinilit ko pang humakbang at nagpagewang-gewang na ako sa paglalakad. Lasing ka ba, Julia? Laban na nga lang! Andyan na ang library oh! Isang hakbang pa ay medyo dumilim na ang paningin ko. Binagsak ko na ang mga libro at bumigay na. 


“Tabs!” rinig kong boses ni Kiko sabay ng pagsalo sa akin. Hindi ko alam kung saan siya galing o kung paano siya naka-abot dito. Basta alam ko, si Kiko ang andito ngayon.

Maya-maya naman ay nalipat ako sa ibang taong hawak. Familiar. Masakit na talaga ang ulo ko. Ano bang nangyayari?

“Alis. Ako nang bahala sa kanya. Julia?” that voice sent shivers all over my skin. That cold voice. Isa lang ang kilala kong may ganyang boses. The same voice na nagpaalis sa akin kagabi sa kwarto niya. T-teka? B-bat siya andito? Dapat dun siya sa babae niya!

“Ano ba, pare. Ako na” sagot naman ni Kiko. Nagdidilim na talaga ang paningin ko at sobrang sakit na talaga ng utak ko! Naramdaman ko ang paghawak ni Kiko sa braso ko at pag-alalay sa likod na para bang babawiin ako kay Daniel.

“Kaibigan ako ni Julia. Dadalhin ko siya sa ospital” pagpupumilit ni Kiko.

Hindi ko na kaya at bago ako tuluyang mahimatay, boses ni Daniel ang huli kong narinig.

“Back Off. Kaibigan ka lang. Boyfriend ako”

Continue Reading

You'll Also Like

10.6M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
67.5K 1.8K 47
BINI ships Oneshots Compilation.
77.6K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY
5.5K 140 65
THIS IS A MIKAIAH STORY HOPE YOU ALL LIKE IT! this is a fanfiction only!!!!