Thanks For The Memories (Comp...

By MsLonelyGurL

54K 1.5K 483

Ano gagawin mo kapag naging tatlo ang taong mahal mo? Masasabi mo ba na LOVE talaga ang nararamdaman mo o gag... More

Thanks For The Memories - Prologue (REVISED)
Chapter 1 - Special Day - UPDATED (6/29/14)
Chapter 2 - After Graduation - UPDATED (6/29/14)
Chapter 3 - Pretending to be okay - UPDATED (6/29/14)
Chapter 4 - Love at First Sight??? (UPDATED - 7/23/14)
Chapter 5 - Kaasar tong araw na to!!!!! (UPDATED - 08/11/14)
Chapter 6 - Its nice to be back - UPDATED (09/11/14)
Chapter 7 - Confession
Chapter 8 - Confession Part 2 / Confession of a Teenstar
Chapter 9 - First Day Of Classes
Chapter 10 - I'll be there
Chapter 11 - Bonding with the Teen Star (Part 1)
Chapter 12 - Bonding with the Teen Star (Part 2)
Chapter 13 - Is it real or just another CRUSH?ll
Chapter 14 - Concern ( Part 1 )
Chapter 15 - Concern ( Part 2 )
Chapter 16 - Let the Pain Remain
Chapter 17 - Kung Ako Na Lang Sana
Chapter 18 - Argument
Chapter 19 - Namimiss Kita
Chapter 20 - Unexpected Call
Chapter 21 - Coming Home
Chapter 22 - Letter
Chapter 23 - Call Of Attention
Chapter 24 - After heartbreak
Chapter 25 - Stay Calm!
Chapter 26 - Books
Chapter 27 - Review Session 101
Chapter 28 - Prepared
Chapter 29 - Pass or Fail
Chapter 30 - Secret Conversation Part 1
Chapter 30 - Secret Conversation Part 2
Chapter 31 - Important Announcement
Chapter 32 - His Secret Identity Part 1
Chapter 32 - His Secret Identity Part 2
Chapter 34 - Decision
Chapter 35 - Surprise
Chapter 36 - Jealousy!
Chapter 37 - Everywhere
Chapter 38 - Plan
Chapter 39 - Moment of Truth Part 1
Chapter 39 - Moment of Truth Part 2
Chapter 40 - What the f*ck!
Chapter 41 - Hugs & Kisses
Chapter 42 [Special Chapter 1] - Hidden Feelings
Chapter 43 [Special Chapter 2] - Sweet Revenge
Chapter 44 [Special Chapter 3] - Farewell
Chapter 45 - Two Boys
Chapter 46 - Transferees
Chapter 47 - Trust
Chapter 48 - First Move
Chapter 49 - Scene
Chapter 50 - Talk of Responsibilities
Chapter 51 - Unexpected Incident
Chapter 52 - Untitled
Chapter 53 - Untitled.1
Chapter 54 - Untitled.2
Chapter 55 - Who's the Secret Agent?
Chapter 56 - Final Chapter of Book 1
Thanks For The Memories - Epilogue
Final AUTHOR'S NOTE - EDITED!!!
Announcement!!
TFTM: Special Chapter

Chapter 33 - Don't Go, Please?

667 21 7
By MsLonelyGurL

****Dedicated to: click5 :') Thanks ah? Isa ako sa mga naging idol mo :') Continue writing sa story mo :') Don't give up :')

Sorry kung ngayon lang ang update :') Super busy kasi ako eh? ^__^v

Pic ni Daniel nang natutulog siya :) ANg cute niya! >.< ----->

Enjoy Reading Guys :')

**************** 

" Don't Go, Please? "

- Shayne's POV -

" Ang tagal naman ni Mama! " Natatarantang sigaw ko sa kwarto. Nilingon ko ang kama at nakita si Daniel na iniinda ang sakit galing sa pakikipagsuntukan kay Kris. Tadtad siya ng mga galos at pasa sa buong katawan.

Agad akong umupo sa gilid ng kama para mahawakan ang kamay niya para sa gayon ay mabawasan ang nararamdaman niyang sakit. Hindi ko kaya na makita siyang nahihrapan.

Sobra sobrang pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon para kay Daniel. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito ako sa kanya. Gusto kong umiyak dahil ako ang may kasalanan kaya nagkakaganyan siya.

" Sorry talaga, Daniel dahil sa akin kaya ka nasasaktan ng ganyan. " Maluha luha kong sinabi sa kanya.

" A-ano ka ba? Ayos lang yun! Makabawi man lang sayo! Sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan sayo. " Sabay hawak sa kamay ko at marahang pinisil iyon.

Dahil sa ginawa niya, my heart skipped a beat.

" D-daniel. . " T_T

*sniff*

" Oh? Dont cry. Hindi pa nga ako patay iniiyakan mo na agad ako. Paano pa kaya kapag natuluyan ako? Eh di humagulgol ka na ng iyak dyan. Baka nga sumunod ka pa sa hukay. " Pang-aasar niya. Samahan mo pa na nakangisi yan kahit na namimilipit na siya sa sakit.

Aba! Nakakaasar ang isang to! Mabuti nga't nagagawa ko pang mag-alala sa kalagayan niya! Mangiyak-ngiyak na nga ako dito kasi grabe ang pagprotekta niya sa akin kanina at dahil na rin sa mga natamo niyang sugat tapos magagawa pa niyang tumawa ng ganyan! Kabadtrip lang ah! =__="

Kinuha ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at agad siyang hinampas sa braso pero mahina lang. Gusto ko lang makita niya na nakakabadtrip ang sinabi niya sa akin at mukha namang nakumbinsi ko siya dahil biglang nag-iba ang expression ng mukha niya. Kung kanina ay mapang-asar, ngayon naman ay punung-puno ng pagtataka.

At mukhang napaniwala ko naman siya at pilit na hinuhulaan ang nasa isipan ko. Taimtim siyang nakatitig sa akin kaya naman inilayo ko ang tingin ko sa kanya.

" Shayne? May problema ba? "

" Wala! Magpahinga ka na lang dyan! " Sigaw ko sa kanya.

Agad naman niyang iniiwas ang mukha niya kahit na hirap na hirap siyang gawin iyon.

* tok.tok *

" Mukhang si Mama na yan! Teka bubuksan ko lang ang pinto. " Sabi ko kay Daniel habang nakatingin pa din siya sa malayo.

Agad ko namang binuksan ang pinto. Hindi nga ako nagkamali at si Mama nga ang kumatok. Marami siyang dala like first aid. Nilapitan ko kaagad si Mama para tulungan siya. Lumapit naman agad si Mama sa kama para gamutin si Daniel.

" Anak, lumabas ka muna sa kwarto. Mag-uusap tayo mamaya. "

At agad akong lumabas ng kwarto. Sana hindi ganoon kalala si Daniel. Sobra na talaga akong nag-aalala sa kanya kahit pa nababadtrip pa din ako sa kanya.

Nagdesisyon akong bumaba ng hagdan at pumunta sa sala para umupo. Doon ko na lang hihintayin si Mama.

***************

-Daniel's POV -

" Iho? Napano ka ba? " Pagtatanong ng nanay ni Shayne na kasalukuyang nagpipiga ng bimbo sa palangganang may tubig.

" N-napaaway po kanina. " Mautal-utal kong sagot sa kanya.

" Ah ok. Kay Shayne ko na lang tatanunging ang buong detalye pagkatapos kitang bigyan ng paunang lunas. "

Pinapanuod ko lang siya sa ginagawa niyang pagpupunas sa mga braso ko. Pupunasan daw niya muna ang mga galos ko para maalis ang mga dumi dulot ng pagkakahiga ko sa sahig kanina. Pagkatapos niyang mapunasan ang kanang braso ko ay lumipat naman siya sa kabila. Pauulit ulit lang niyang pinunasan iyon hanggang sa ilagay na niya muli ang bimbo sa palanggana. Nakaramdam ako ng kirot. Lalong humapdi ang mga sugat ko sa ginawa niya kaya hindi na napigilan ang sarili ko.

" Araay!! " Napasigaw ako sa sobrang hapdi.

" Iho, ayos lang yan. Nilagyan ko kasi ng alcohol ang tubig kaya humapdi lalo ang sugat mo para malinis na din yan at hindi na maimpeksyon. Mamaya lalagyan ko na yan ng betadine para maging mabilis ang paghilom niyan. " Kasalukuyan niyang binubuksan ang butones ng polo ko para makita siguro ang sanhi ng pamimilipit ko ng sakit sa sikmura.

Nang matanggal na ang lahat ng butones sa polo ko ay isinunod na niyang itinaas ang sando ko. Pinipilit kong makita ang mga pasa ko sa katawan pero sadya talagang napakahapdi ng mga galos kaya ipinasya ko na lang huwag gumalaw.

Narinig ko naman na tumunog ang first aid kit. Binuksan niya marahil ang naturang kit at may kinuha. Kung hindi ako nagkakamali, pain reliever na gamot at benda ang kinuha niya mula sa kit. Inilagay niya sa side table ang gamot at inalalayan ako para makaupo para malagyan ang benda ang bandang sikmura ko dahil sa pamumula, pamamaga at nararamdaman kong sakit mula doon. Nagulat ako nang bigla siyang magsalita habang patuloy lang siya sa paglalagay ng benda.

" Iho? Ano bang pangalan mo? "

" Daniel Santiago po. Bakit? "

" Wala lang. Ingatan mo ang anak ko ha? Pati iwasan mo na ang pakikipag-away. Sayang ang mukha mo kung babasagan lang. " Mukhang nagkacrush pa itong nanay ni Shayne sa akin ah? (~~,)

" H-ha? Opo! Iingatan ko po ang anak niyo. " Nakangiti kong tugon sa kanya kahit na nakakaramdam pa din ako ng sakit.

" Good. Oh siya, inumin mo na itong gamot para mabawasan kahit papano ang sakit. " Agad naman niyang iniabot sa akin ang gamot at isang basong tubig. Habang umiinom ako ng gamot ay nararamdaman ko na may pinapahid siya sa braso ko.

Inilagay ko sa side table ang baso at saka iniayos ang sarili ko para humiga. Medyo nabawasan na ang sakit sa mga galos at sugat na natamo ko. Nilingon ko naman ang nanay ni Shayne na abala ngayon sa pagliligpit ng mga ginamit sa paggagamot niya sa akin. Mabait naman pala ang nanay niya so nothing to worry about.

" Iho, papasunurin ko na ang anak ko dito. Ingat lang ha? Mga bata pa kayo. " Inunahan ako don ah? Mukhang nahulaan niya ang takbo ng isip ko. Hahaha!

" Opo. Wala naman po ako gagawing masama sa anak niyo. "

" Mabuti naman kung ganon. Magpahinga ka na muna dyan. Pagbalik ng anak ko may dala na siyang pagkain. Alam kong hindi ka pa kumakain. " Naglakad na siya papunta sa pinto at lumabas.

Pagkalabas na pagkalabas niya ay nakaramdam ako ng antok. Epekto siguro ito ng gamot na ininom ko kaya nagpasiya muna akong matulog.

*************

- Shayne's POV -

Nakaring ako ng tunog mula sa itaas, galing mismo sa kwarto. Agad akong napalingon sa hagdan at nakita ko si Mama na bumababa dala dala ang first kit. Tumayo ako bigla at dali daling naglakad papunta kay Mama para tanungin kung ano na ang lagay ni Daniel.

" Ma, kamusta na po siya? Ok lang ba siya? " Pag-aalala ko.

" Ok na siya. Binigyan ko na siya ng paunang lunas at kasalukuyang nagpapahinga. " Sabi ni Mama habang ibinabalik sa ayos ang mga kinuha niyang gamit.

" Hay! Salamat sa Diyos at ligtas na siya. Nakahinga din ako ng maluwag. " Sabay upo sa upuan sa dining table.

Lumingon naman si Mama sa akin na nakangiti. Agad naman siyang lumapit sa may lagayan ng mga kitchen utensils namin.

" Ano ba ang nangyari at nagkaganon ang lalaking iyon? " Sabi niya habang naghahain ng plato sa lamesa at nagsasandok ng kanin at ulam.

" Nagkaharap po sila ni Kris. May pinag-awayan po sila hanggang sa mauwi sa sapakan. " Binuod ko na ang pangyayari para mas lalong maintindihan ni Mama. Narinig ko naman na kumuha ng kutsara at tinidor si Mama at saka umupo sa katapat kong silya.

" Oh heto? Kumain ka muna. Alam ko naman na hindi pa kayo kumakain na dalawa. Ipinaghanda ko na siya ng pagkain niya. Nakalagay na sa tray. Kukunin mo na lang. "

" Opo! " At sinimulan ang pagkain.  

" Anak? Nagpasalamat ka na ba kay Daniel kasi ipinagtanggol ka niya kay Kris? "

Tumango lang ako bilang tugon. Kahit na ibinuod ko na ang nangyari kanina nahulaan pa din niya. Nakakapagtaka naman at nalaman niya ang pangalan ni Daniel. Siguro nagtanong si Mama kay Daniel kaya nalaman.

Patuloy lang ako sa pagkain ng biglang magsalita ulit si Mama.

" Nararamdaman ko na mabait na tao yang si Daniel at kung ligawan ka man niya at maging kayo, mapapanatag ang loob ko dahil alam kong nasa mabuting kamay ang anak ko. " Halos maibuga ko ang kinain ko kaya naman nasamid ako. Agad akong naghanap ng tubig para uminom. Nang mahimasmasan na ako ay agad akong nagsalita.

" Ma! Excited naman kayo masyado! Bago pa nga lang manliligaw yung tao, kami agad? "

Napatawa naman ng malakas si Mama. Mas excited pa siya sa akin eh bago pa nga lang manliligaw si Daniel.

" Oh natulala ka na dyan? Kinikilig ka sa sinabi ko no, anak? " Pang-aasar ni Mama.

" H-ha? " Bumalik ako sa upuan para ipagpatuloy ang pagkain.

" Pagkatapos mo dyan ay ihatid mo na yang pagkain niya sa kwarto mo at kanina pa nagugutom yun. Masama ang nalilipasan ng gutom, anak. "

Tumango na lang ako at tinapos ang pagkain. Iwan ko na daw ang pinagkainan ko sa lamesa at si Mama na daw bahala ang maghugas kaya naman agad kong kinuha ang tray at pumunta sa kwarto.

Inilapag ko muna sa sahig ang tray saka kumatok.

" Daniel? Gising ka ba? May dala akong pagkain. Pinapadala ni Mama sayo. Kumain ka daw para makabawi ng lakas. " Sabi ko mula sa pinto. Naghintay ako ng tugon mula sa kanya pero wala akong narinig kaya binuksan ko ng dahan dahan ang pinto. Kinuha ko ang tray mula sa sahig at pumasok sa loob at isinara ang pinto. Inilapag ko sa study table ko ang dala dala kong tray at tumungo sa kama.

Isang Daniel na mahimbing na natutulog ang nadatnan ko. May betadine na ang mga galos niya sa braso at mukha at may benda na din ang tyan. Nasa table ko naman ang isang basong tubig at pinaglagyan ng gamot. Pinainom siguro ni Mama ito ng pain reliever kaya nakatulog.

Lumapit ako sa kama at saka lumuhod. Tamang tama lang para makita ko ang mukha niya at matitigan. Ewan ko ba kung bakit ko ginagawa ito. Pero ang tibok ng puso ko, sobrang bilis.

Tinitigan ko ang mukha niya. Kahit na may galos ang mukha niya hindi pa din nawala ang kagwapuhan niya. Gusto ko sanang hawakan ang mukha para mahawakan ang galos niya rito pero baka magising ito kapag ginawa ko iyon at baka kung ano pa ang isipin nun. Tinitigan ko muli ang mukha niya na para bang kinakabisado ko ang bawat parte nito. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagwapo na mukha kahit na nagagwapuhan din ako kay Nicko. Nang matapos kong titigan ang mukha niya ay bigla akong napatingin sa mga labi niya. Bigla ko naalala ang aksidenteng paglalapat ng labi naming dalawa. Ang kanyang warm and soft lips na ang sarap halik halikan! Hay naku! Kung may pagkakataon lang dati, baka nung nagkasalubong kami sa hagdan, nakipaghalikan na ako sa kanya ng napakatagal!

>///<

Pakiramdam ko namumula ang mukha ko ngayon. Nakakahiya man aminin pero kinikilig ako ngayon. Dati ikinakaila ko pa sa sarili ko na hindi ko siya crush pero ngayon, aminado na ako.

Natauhan na lang ako ng makita ko ang mukha na napakalapit na sa mukha ko. Hindi ko namamalayan na nailapit ko na pala ang mukha ko sa kanya at ngayon ay gusto ko pang halikan!

>.<

Ayos lang naman na nakawan ko siya ng halik tutal ganon din naman ang ginawa sa akin at tulog naman siya kaya hindi na mararamdaman na hinalikan ko siya.

Kaya naman, binigyan ko siya nang isang mabilis na halik at ipinikit ko pa ang mga mata ko.

* smack *

Naglapat ang mga labi namin pero saglit lang.

-_-

-_o

o_o

Nagulat ako ng pagmulat ng mata ko ay nakadilat si Daniel na nakangisi pa sa akin.

" May balak ka pang nakawan ako ng halik ha? Pero, sorry ka na lang at gising ako ng ginawa mo yun. Hahaha. " (~~,)

" H-ha? Anong sinasabi mo na ninakawan kita ng halik? " Pagdedepensa ko.

" Hahaha! Namumula ka nga ngayon eh! Nakakatawa ang mukha mo! "

" Ah! Ganon ba? Okay! Nandyan na ang pagkain mo. Nasa study table ko. Kumain ka na lang kung gusto mo! " Sabay tayo mula sa pagkakaluhod at nag-walk out. Hindi pa ako nakakaabot sa may doorknob nang pinto nang bigla nang hawakan ang kamay ko at higitin papunta sa kanya kaya napaupo ako sa tabi niya na kasalukuyan siyang nakaupo sa kama.

" Kung nanakawan mo ako ng halik, huwag mo nang balakin. Pwede ka naman mag-request sa akin. Hindi yung gagawin mo pa yun! Nakakatawa ka kasi! Hahaha! " Pang-aasar niya. Bigla niyang inilagay ang kamay niya sa tagiliran ko. Para ba niya akong niyayakap sa gilid. Basta ganon! >.<

Lalong namula ang mukha ko dahil sa ginawa niya and nakakailang na sinabayan pa niya ng titig sa akin. Kitang kita ko lalo ang mga galos niya sa braso na may betadine na. Lumakas lalo ang tibok ng puso ko ng unting unti niya nilalapit ang mukha niya sa mukha ko. Hahalikan niya yata ako kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko para hindi na makita pa ang mga susunod na mangyayari. Kaso nagtaka ako nang wala akong naramdaman paglapat niya ng labi niya kaya naman iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ulit siya na nakangisi.

" Akala mo naman hahalikan kita? Haha. Tama na yung nakaw mong halik kanina. Nagiging kissing monster ka na? Haha! " (~~,)

" Talaga bang pagtitripan mo ako ha? Kung wala kang galos sa mga katawan mo, kanina pa kita pinaghahampas dyan! " >.>

" Hahaha! Ikaw talaga oh? Saka na kita hahalik halikan kapag naging girlfriend na kita! Para kahit araw araw pa kitang halikan, hindi ka magsasawa. " 

" H-ha? Okay. Oh siya baka nagugutom ka na? Kukunin ko muna yung tray. " Sabi ko sa kanya without looking his face.

Tumayo na ako para kunin yung tray sa may study table. Inilapag ko ang tray sa may side table ng kama. Una kong kinuha ang bowl na may lugaw pati ang kutsara. Inilapit ko ito sa kanya.

" Kaya mo bang kumain o susubuan pa kita? " 

" Subuan mo na lang ako. Masakit pa din ang braso at kamay ko. "

" O-okay. " Sabi ko sa kanya na medyo naiilang. Kumuha ako ng isang spoonful na lugaw at hinipan ito. Medyo mainit pa kasi ang lugaw at baka mapaso siya. Nang matapos ko nang hipan ang kutsara ay isinubo ko ito sa kanya. Paulit ulit kong ginawa iyon sa kanya hanggang sa maubos niya ang isang bowl. Kinuha ko naman ang isang basong tubig sa side table na katabi ng tray at iniabot ito sa kanya,

Napatingin ako sa bandang dibdib niya. Kahit na puro sugat ang galos ang katawan niya, ngayon ko lang nakita na may abs pala siya. *o* At nakakasilaw iyon sa paningin ko! 

" Hey! Nagdodrool ka na dyan ha? Makatingin ka sa abs ko parang ngayon ka palang nakakita niyan. " Pantawag pansin niya sa akin. Bigla naman ako bumalik sa katinuan nang marinig ko yun.

" H-ha? Hindi naman ako nagdrool eh! Wala ngang laway na tumutulo! Grabe much? " Pagtataray ko sa kanya.

" Hahaha! Ikaw talaga hindi ka na mabiro! Hahaha. "

" Hmp! " Hanggang sa nag-asaran na kami. BIgla lang kami napatigil nang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ko.

*Cause I remebered every sunset, I remembered all the things you said*

Calling. .  Renz

" Sagutin ko lang ang tawag ni Renz ha? " Nakita ko naman na tumango lang siya kaya sinagot ko ang tawag niya.

" Hello? Bakit ka tumatawag? "

" Tatanungin ko lang kung makakapunta ka mamaya? Pinayagan ka ba ni Tita? " Oo nga pala! Aalis kami mamaya. Pupunta sa bahay ni Alwyna para doon magcelebrate sa pagpasa namin sa Qualifying Exam.

" Hindi ko pa nga sinasabi kay Mama na aalis tayo mamaya eh! Magpapaalam muna ako tapos itext na lang kita kung pinayagan niya ako. "

" Okay. 5pm ang call time. Kita kits na lang sa gate ng bahay nila Alwyna. Alam mo naman papunta doon di ba? "

" Oo alam ko! Okay sige wait mo na lang ang text ko. "

* toot.toot.toot *

Nilingon ko si Daniel at nakita ko na medyo lumukot ang mukha niya.

" Aalis ka? "

" Oo eh! Tinawagan ako ni Renz para tanungin kung makakasama ba ako mamaya. Bakit? "

" Dont go, please? Dito ka na lang Shayne. " Nakita ko naman sa mga mata niya na nagmamakaawa siya.

" Pero Daniel. . Nangako ako kay Renz na itetext ko siya kapag nakapagpaalam na ako kay Mama. "

" Shayne, please? "

Ano nga ba ang gagawin ko? Gusto ko pumunta sa party mamaya kaso itong si Daniel ayaw akong payagang umalis. What shall I do??

Continue Reading

You'll Also Like

191M 4.6M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
2.6M 150K 48
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
2.9M 71.5K 22
"Stop trying to act like my fiancΓ©e because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
1.4M 121K 43
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...