Chapter 39 - Moment of Truth Part 1

508 19 5
                                    

****Happy new year guys! :') First update ko ito ngayong 2013 :') Sana magustuhan niyo :')

Enjoy Reading Guys :')

**********

" Moment of Truth Part 1 "

- Shayne's POV -

*kkkrrrinnng*

" Ano ba! Wala na akong pasok nag-aalarm ka pa! " Kinapa kapa ko ang alarm clock ko sa side table. Nang maapa ko mula sa kasulok sulukan ang alarm clock ay agad ko itong tinigna.

-__-

0__-

0__0

What! 6am pa lang! Antok na antok pa ako at ang ulo ko? Sh*t! Napakasakit! Dahil sa sakit ay napahawak pa ako sa ulo ko at nakakaramdam ako ng pagkahilo. Naparami yata inom ko kagabi at mukhang inaatake ako ng hang over! Inayos ko ang sarili ko mula sa pagkahihiga ko ay naupo sa kama na ang likod ko ay nakasandal sa board ng kama. Agad kong kinuha ang phone ko sa side table. Itetext ko sana si Kris para sabihin na kailangan naming mag-usap pero eksakto naman na tumatawag ito.

Calling. . . Kris

" Hello, Shayne? " Pambungad niya sa akin. Kailangan kong kumalma at itago ang lahat ng emosyon ko.

" Ako nga? Napatawag ka? "

" We need to talk. Pwede ka ba ngayon? " Mukhang malungkot ang boses niya ngayon. May nangyari kayang hindi maganda?

(A/N: Ano ba yan! Mamaya na yang concern, Shayne. Unahin mo muna yung dapat unahin!)

Sorry naman, Miss Author . . Back to business tayo. -__-

" Oo, pwede! Sa katunayan niyan gusto kitang makausap. " Nakaramdam ako ng kaba. Baka kung anong pag-uusap ang iniisip niya.

" Ah ok! Dito na lang tayo sa bahay mag-usap. Alam mo naman papunta dito diba? " Mukhang mapapasubo ako dito pero kailangan ko talagang alamin ang lahat. Kailangan ko din isama si Daniel para mas maliwanagan ako sa mga isasagot niya sa akin.

" Sige! See me after lunch. "

*toot.toot.toot*

Dapat ihanda ko na ang sarili ko sa pwedeng mangyari mamaya. Kailangan itext ko na din si Daniel para malaman ko kung pwede ba siya now para masamahan ako kina Kris.

To: Daniel (Iyan na ang ipinangalan ko sa kanya after nang sabihin kung sino siya.)

Free ka ba after lunch? Samahan mo na naman ako kina Kris. Mag-uusap kami ngayon and I need back up just in case.

Agad ko namang sinend sa kanya ang text message. Wala pang 3 minutes nang magreply siya.

From: Daniel

Sorry pero may inaasikaso ako ngayon.

Hindi pwede si Daniel? Paano na? Paano ako nito ngayon? Argh! Bahala na! Kailangan ko munang matulog ngayon at nahihilo pa ako. Pesteng hang over ka!

********

- Daniel's POV -

Napabalikwas ako ng pagkakahiga ng tumunog ang phone ko. Kanina pa ito ring ng ring. Kung sino man ang tumatawag sa oras na ito, makakatikim ka! Ang sarap nang pagkakatulog ko, gagambalain na lang ng kung sino sino!

Agad kong kinuha ang phone ko sa ilalim ng unan at sinagot ang tawag nang hindi tinitignan kung sino.

" Hello? " Wala sa sariling sinagot ko ang tawag.

" Daniel, honey? I miss you! Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko? " Ang kapal naman ng mukha ng babaeng ito para tawagin akong honey! Isang tao lang ang tumatawag sa akin niyan! Hindi kaya siya na naman?!

" Hoy, Nicole Anne! Huwag mo nga ako matawag tawag na honey! Nakakadiring pakinggan! "

" Makasigaw talaga sa akin oh? Ang aga aga naninigaw ka na, honey. " Sabi niya. Halatang nilalandi ang pagkakabigkas ng " honey " sa akin. Ano akala niya? Affected pa ako?!

Iisipin ko pa lang, nakakainit talaga ng dugo itong babaeng ito! Panira pa ng tulog! Sh*t yan!

" Matagal na tayong tapos, Nicole! Pwede ba tigilan mo na ako?! " Sigaw ko sa kanya. Nakakagigil talaga! Argh!

" Honey, huwag ka ngang ganyan! " Mukhang napasigaw na din siya sa kabilang linya.

" Say what you want at gusto ko pang matulog! "

" Ok, honey! Let's date! I want to be with you today! The whole day! "

Talagang nagyaya pa ng date ha?! Ang kapal talaga! Asa naman siyang sasamahan ko siya!

" Asa ka namang sasamahan kita?! Doon ka sa boyfriend mo magpasama! "

" Ayaw mo? Sige! Tignan lang natin kung magustuhan mo ang gagawin ko. " Nagbabanta niyang sinabi sa akin. Narinig ko pa nga siyang tumawa ng mahina.

Napaupo ako bigla sa gilid. Ano naman kayang binabalak ng babaeng ito? Si Shayne? Baka si Shayne ang puntiryahin niya!

" Alam ko yang iniisip mo, honey! Kaya kung ayaw mong mapahamak siya, papayag kang magdate tayo. "

" Fvck! Subukan mo lang saktan siya at ako ang makakaharap mo! " Nag-close fist ako sa kanang kamay ko. Sinira na nga niya ang tulog ko, pati ba naman si Shayne, gagalawin niya! What the fvck!

" So, it means pumapayag ka nang magdate tayo ngayon? "

" No choice! Subukan mo lang talaga galawin siya, makikita mo hinahanap mo! " Sigaw ko sa kanya.

" Hahaha! Hindi ko siya gagalawin unless makakasama kita ngayong araw at magdadate tayo. "

*toot.toot.toot*

Minabuti ko na lang na patayin ang tawag at baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya na tiyak ay hindi niya magugustuhan. Pero, nakakapagtaka naman na nalaman niya ang tungkol kay Shayne.

Maya maya pa'y nakatanggap ako ng text mula sa babaeng iyon na ikinagulat at ikinainis ko lalo.

From: Nicole Anne

Hey, honey! I'll wait for you here in my condo at 1pm. I hope to see you soon.

Argh! Ano ba Nicole Anne! Ginugulo mo talaga ang lahat! Bwisit ka talagang babae ka! Napatingin ako sa wall clock. 11am na pala. Agad kong inilagag ang phone ko sa kama at nagmamadaling pumunta sa banyo para maligo.

Ngayon, alam ko na ang sagot sa tanong ko kagabi. . .

I need to protect more of Shayne at ang daming tao ang pwedeng manakit sa kanya na kahit ako ay hindi ko alam kung sino sino sila at kailangang hindi na makilala pa ni Shayne si Nicole Anne.

Thanks For The Memories (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें