Chapter 3 - Pretending to be okay - UPDATED (6/29/14)

1.3K 50 26
  • Dedicated to Mary Joy Dinong Miranda
                                    

 **Salamat sa pagcritic ng story ko. Kung hindi dahil sayo, hindi magiging maganda yung story ko :)

Thanks ulit :)***

----------------------------------

"Pretending to be okay"

-Shayne's POV-

 Pagkalipas ng ilang araw, hindi pa rin ako tinantanan ni "Mystery Guy". Patuloy lang siya sa pagtawag at pagtetext.

Dumating sa punto na nakukulitan na ako sa kanya kaya naman ako na mismo ang nagtext sa kanya para sa tigilan na niya ako.

To: Mystery Guy

"Ano ba? Pwede ba huwag ka na magtxt pa dito?"

From: Mystery Guy

"Bakit ba ang taray taray mo sa akin? Humihingi nga lang naman ako ng sorry sa'yo. Pinagsisisihan ko na ang lahat ng ginawa ko sa'yo."

Seryoso nga siguro siya sa tinext niya. Pero hindi ko din masasabi at saka. Paano nga ba yun?

Nararamdaman ko ang kagustuhan niyang maging friends kami.

Kung sakyan ko ang pagkakaibigan na gusto niya, isa itong hakbang para makaganti ako sa kanya.

To: Mystery Guy

"Oh sige! Pinapatawad na kita."

Walang kabog abog kobg tinext sa kanya.

From: Mystery Guy

"Salamat, Ms.Lonelygurl. Akala ko hindi mo na ako mapapatawad pa. Pangakp, magiging mabuti na ako sayo :)"

Aba! Biglang bumait naman ngayon? Pakitang tao nga naman oh?

Dahil na rin bored na bored ako ngayon, nakipagtextmate na lang ako sa kanya. Halos mapagalitan na ako nina Mama dahil wala na akong ginawa kundi ang magtext buong araw.

So, nag-isip ako ng topic namin. Alam ko college na din siya pagpasok.

Kailangan kong malaman kung saan siya mag-aaral para tuluyang maisagawa ang plano.

From: Mystery Guy

"College ka na ba pagpasok? Anong course at saan school ka papasok?"

Itatanong ko palang nga, inunahan na ako! Ano to mind reader? -.-

To: Mystery Guy

"Bakit mo tinatanong? Spy ka no?"

Pagdadahilan ko. Ayaw kong mahalata niya kahit sa text na may binabalak akong di maganda sa kanya.

From: Mystery Guy

"Grabe ka naman! College na din ako pagpasok kagaya mo. Wala pa ako kasi napipiling course at school."

Boom! Tumpak nga talaga ang sinabi ko. Tama nga ang pagkakaalala ko. Haha!

Bakit ba niya sinasabi sa akin yan na wala pang course na napipili? Ano ba paki ko sa kanya? School lang naman ng pag-aaralan niya ng Kolehiyo ang gusto ko malaman!

Habang abala ako sa pag-alam at pangungulit sa kanya kung saan siya mag+aaral, nagtext naman bigla ang tropa pero kay Kiara lang ang binasa ko kasi panigurado, mga walang kwentang GMs na naman ng mga Clan nila ang laman ang inbox ko.

Pero may isang tanong ako. .

Hindi ko alam kung bakit sila nagtxt.

From: Friend.Kiara

"Shayne, mag-online ka sa Fb. May tinag sa'yo si Kris."

What! Ano may picture na nilagay sa wall ko?

Thanks For The Memories (Completed)Where stories live. Discover now